Dumating ang araw ng pasasalamat ni sir Rhuel sa pagkakaligtas ni Ron mula sa bingit ng kamatayan. “Magtatago na lang siguro ako, Daria. Kapag alam kong posible akong makita ni Sir Rhuel at ni Ron ay magtatago o kaya ay lalayo na akong agad,” sabi ko kay Daria ng naghahanda na kami patungo sa hacienda Malubay. Sa dami ng mga taong magtutungo sa kasiyahan ay malayo na sigurong mapansin ni sir Rhuel ang presensiya ko. At saka talagang hindi naman ako lalapit sa mag-ama. Ang intensyon ko lang ay makita si Ron. Iyon lang ang nais kong gawin. Gusto ko lang makita ang panganay kong anak. Pagdating namin sa hacienda ay hindi na mahulugang karayom ang lugar. Marami ng ngang mga lamesa ang nakalatag sa malawak na bakuran ng malaking bahay ni sir Rhuel. Nakabukas ang malaking bakal na gate

