“Narito ka na naman pala?” Napalingon ako sa malaking gate na bakal ng may magsalita. Bumilang na rin ng ilang taon ang huli naming pagkikita pero natatandaan ko pa rin naman kung sino siya. Si Vera. Itinigil ko ang pagdidilig ng halaman at saka ako lumapit sa kanya. “Natural na makikita mo talaga ako rito dahil asawa ako ng nagmamay-ari ng bahay na ito at ng lupa na tinatapakan mo.” Ang sagot ko sa kanya. “Matapang ka na, ha? Anong ipinagmamalaki mo? Ang kasal kayo ni Rhuel?” tanong niya sa akin at saka siya tumawa. Hindi ko alam kung bakit narito na naman ang babaeng ito. Ang inaaasahan kong darating at muling makikita ay sina Gelene at Omar at hindi ang babaeng kaharap ko ngayon. Tumanda ang itsura niya kumpara noong mga una kaming nagkaharap. Wala ng kahit anong kulay ang buh

