"Hello Dad!" Mahigpit kong niyakap si Dad nang makarating na ako sa bahay at nakita sila nila Mama na nakaupo sa dining table. "Hello my princess, saan ka ba galing? Kanina pa ako nandito." Kumalas ako sa pagkayakap sa akin ni Dad at naupo. "May kinausap lang po akong feeling importante na tao—este napakaimportanteng tao," sagot ko habang nilalagyan ng tubig ang baso ko. "Sino ba 'yon?" tanong niya muli. "My boss Dad. Hendrickson Sy." "Hindi ba siya ang sikat na CEO? Marami akong naririnig about sa kan'ya... Isa siyang successful na tao, magaling at hardworking kahit na kapag makikita mo raw ito ay parang walang pakialam sa nasa paligid niya." "Exactly, dad. Gano'n na gano'n nga po siya. Chea–" Napahinto ako sa sasabihin ko. Nagtataka nilang akong tingnan. "What is it?" nagtatakan

