Nanatili lang ako na nakayuko at umaasa na may maiisip na susunod na gagawin. Maya-maya pa ay naisip kong kausapin na lang si Sir Hendrickson na ibalik niya ako sa trabaho ko at handa ko naman gawin lahat ng ipapagawa niya basta bumalik lang ako sa work ko. Handa ko rin naman linisin ang maling nagawa ko. "Pero paano ko ba siya kakausapin ng matino?" naka-pout kong tanong sa sarili. Napatingin ako sa muli sa bahay nila na wala nang ilaw ngayo. Doon ako nagkaroon ng idea kung ano ang magiging paraan ko para makausap ko siya ng maayos. Wala na akong choice... kahit na pa gusto ko na lang manahimik at huwag pakialaman ang buhay niya. Pumasok kaagad sa isip ko ang magiging alas ko sa pakikipag-usap sa kan'ya. Nanatili lang ako sa posisyon ko at nagplaplano kung paano ko siya makakausap gami

