SKYE'S POV
Nasa cafeteria ako ngayon bibili ng pagkain ko. Nakapila ako ngayon which is first time kong gawin sa tanang buhay ko. I never fall in line to buy my food because someone does that for me way back before I accepted this challenge.
Lahat nanaman na mga mata sa akin nanaman nakatingin. Stares that full of disgust and hate. Daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung iwasan ng mga stupidents dito.
"Ayan na ang Ace Goddess, I've heard na wala daw si Skye nasa abroad daw."
" Ang gaganda talaga nila no? Sayang wala 'yong crush kong si Skye. "
" Kaya nga Ace Goddess ang name ng group nila dahil puro sila goddess. "
" Sana mapabilang din ako sa group nila. "
" In your dreams! Marami na ang nag attempt na sumali sa group nila but none of them were qualified. Mayaman ka pero hindi kasing yaman nila, maganda ka pero hindi kasing diyosa nila. Kung ako nga na mas lamang sa'yo hindi qualified eh, ikaw pa kaya?! "
Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong usapan nila. Natatawa nalang ako dahil kung hindi pa ako naging nerd hindi ko pa maririnig lahat ng ito. Marami nga ang gustong mapabilang sa group namin but we don't accept just like that. Kung nalamangan mo kami, still hindi ka parin namin tatanggapin. Bakit? Dahil hindi kami basta-basta tumatanggap ng mga isasali sa group namin. Kaya hanggang hanga at pantasya nalang sila sa amin. No one dares to mess with us, because if you mess with us, We'll bring hell to your life.
I texted Abby the moment she saw me.
To Abby:
Don't get near me and don't talk to me in public. Tell Ayana as well. We'll talk on the phone.
From Abby:
Got it, I know you can take care of yourself. See you on Saturday.
Maghahanap na sana ako ng table ko pero halos lahat punuan na. Hindi naman ako pwedeng lumapit sa table naming mga Goddess dahil nerd ako. Pag lingon ko nabangga ako ng girl dahil panay ang pindot niya sa phone niya. Apparently, she's texting while walking. Kaya natapunan ng juice ko ang damit niya.
" Look what have you done to my dress?! Don't you know how much I bought this dress? It cost me a fortune. God! You're so stupid. Ang pangit mo na nga bulag ka pa. " Hysterical ng low class na babae sa harap ko. Her attitude is not pang mayaman at halata na walang breeding. Tiningnan ko ang dress niya na mukhang basahan naman sa paningin ko. Kung tutuusin walang wala ang dress niya sa mga damit ko. Kumbaga ang dress niya pambahay ko lang pero kung mag wala akala mo naman sobrang mahal ng damit niya. Nakakahiya ang attitude niya, ang tunay na Goddess hindi nag wawala na tulad ng girl na kaharap ko.
" Sorry ha? Hindi ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo kaya nabangga mo ako. " Sarcastic kong sabi sa kanya na mas lalong ikinainis naman niya. Sorry na lang siya ako pa talaga ang binangga niya.
" Aba't sumasagot ka pa? Ibang klase ka rin na pangit ka. Ikaw pa lang ang nerd na nakilala ko na matapang. " Tinalikuran ko na siya dahil sa totoo lang wala akong panahon na mag entertain ng mga kagaya niyang low class b***h. Ngunit bago pa ako makalayo doon hinila niya ang kamay ko at hindi niya nailagan ang susunod kong ginawa. Dumapo sa pisngi niyang makapal ang malambot kong palad. Ouch! That hurts!
" Kung sino ka man wala akong panahon sa'yo. Kung tutuusin nga ikaw pa ang may kasalanan sa akin pero ako ang nag sorry sa'yo. Kapal ha?! At hindi lahat ng nerd ay takot at pwedeng ibully. Spare me! " Saka ako umalis sa cafeteria. Ngunit bago ako makalayo dun sumulyap ako sa table ng Goddess at ang dalawang bruha ang lapad ng mga ngiti. Napailing nalang ako at pumunta na sa next subject ko.
SA ROOM..
" Uy nerd, tumabi ka nga diyan wag kang paharang harang sa daan baka mahawa kami ng kapangitan mo. " Lumingon ako sa tumawag na pangit sa akin. Aba, ang tumawag sa akin na pangit ang tunay na pangit ng Branston University. Inirapan ko lang siya at nag kunwaring walang narinig.
" Pangit na nga bingi pa. Umalis ka nga sa daanan ko, panira ka ng mood eh. " Okay, she is really provoking me. Nagtitimpi ako pero pag ganito na pinoprovoke na ako hindi na ako tatahimik. Ngumisi ako sa kanya na binalewala niya lang.
" Alam mo, kung pangit ako at least may pag-asa pa akong gumanda. Unlike you na wala ng pag-asa kahit ubusin mo pa ilagay sa mukha mo lahat ng pampaganda. Siguro nung nagsabog ng kapangitan si God gising na gising ka. Sinalo mo kasi lahat eh. Pati ugali mo pangit, okay sana kung mag maldita ka kung maganda ka. Wala ka na ngang ikinaganda nagfifeeling maldita kapa! Di bagay sa'yo teh! " Preach! Kainin mo 'yang mga sinabi ko sa'yo. Dahil sa inis ko lumabas na lang ako ng classroom at pumunta sa parking lot. Pag ganitong mainit ang ulo ko gusto kong ipamper ang sarili ko. I want to go shopping, it's my way of releasing my stress.
TO ABBY and AYANA:
I want to go to the mall and shop. Are you coming with me?
Nag hintay ako ng reply nilang dalawa. Five minutes after nag reply silang dalawa. Magkasunod pa ang text nila.
FROM ABBY:
Yeah, wait for us at the car park. We're coming!
FROM AYANA:
Yup, wait us there.
Umupo muna ako sa kotse ko at naghintay sa pag dating ng dalawa. Never in my life na pinaghintay ako at alam ng dalawang 'yon na ayaw ko na pinaghihintay ako. Anu sila royal family para hintayin ko?
" Hey Skye, anu uuwi kapa ba ng bahay niyo to change? " Ngumiti lang ako sa tanong ni Ayana. Parang hindi niya pa ako kilala. Lagi kaya akong handa whenever I'm not at home. May baon akong extra clothes everytime I leave the house.
" Minsan talaga Ayana gusto kong pagdudahan ang pagkatao mo. Are you really my bestfriend? Para kasing hindi mo ako kilala. " Inirapan ko siya at kinuha ko ang dress na naka hanger sa gilid ng kotse ko.
" See this? All i need to do now is to find a dressing room. Gusto ko ng mag palit ng damit. " Tatanggalin ko na sana ang wig ko nung bigla akong pigilan ni Abby.
" Wag mong tanggalin 'yan dito baka may makakita sa'yo. Remember, outside school premises ka lang allowed na hubarin ang nerd outfit mo at bumalik sa pagiging Skye. " Iwinaksi ko ang kamay niyang pumigil sa kamay ko. Bwiset naman talaga.
" Fine! Pumunta tayo sa bahay niyo Abby since bahay niyo ang pinaka malapit dito. " At sumakay na kami sa kanya-kanya naming mga kotse.
Pag dating sa bahay nila Abby agad kaming bumaba ng kotse at dumiretso sa loob. Binati kami ni yaya Milagros at nag taka siya sa ichura ko.
" Oh Skye, bakit ganyan ang ichura mo? " Tanong ni yaya Milagros. Matagal ng naninilbihan si yaya Milag sa family nila Abby kaya kilalang kilala na niya kami.
" Yaya, ito po ang dare sa akin ng dalawa, ang maging nerd po sa loob ng three months. " Napatango naman siya sa sinabi ko.
" Kayo talagang mga bata, ang dami niyong kalokohan. " -Yaya Milag
" Yaya naman parang hindi pa kayo sanay sa amin. " Niyakap ni Abby si Yaya Milag. Kahit naman mga diyosa kami mabait din naman kami sa mga katulong.
" Sige ya, magpapalit pa po ako ng damit. Ang pangit ko dito sa nerd outfit ko. " Nagpipigil lang si yaya Milag ng ngiti niya. Halata naman kaya nag pout ako sa kanya.
" Hala, mag bihis kana Skye. Tsaka kahit naka ganyan ka maganda ka parin naman. Kaya wag ka ng magtampo diyan. " Pag aalo ni yaya Milag sa akin. Spoiled kami kay Yaya Milag kaya mahal namin 'yan eh.
Pagka pasok ko sa room ni Abby agad akong nag hubad ng kapangitan ko. 'Yung wig at makapal kong kilay tinanggal ko, hinubad ko rin ang malaking salamin sa mata ko. Para akong nabawasan ng bigat sa katawan nung matanggal ko na lahat ng 'yon. Nag bihis na ako ng damit at isinuot ko ang sleeveless floral dress ko na above the knee at tinernohan ko ito ng ballet shoes.
" Let's go girls! Kaninong kotse ang gagamitin natin? " Niyaya na kami ni Abby na umalis. Dahil tamad akong mag drive hindi ako nag volunteer.
" Skye, kotse mo ba ang gagamitin natin? " Hindi na nga ako nag volunteer ako parin ang tinanong.
" Just use Ayana's car coz I'm not in the mood to drive. " Nag taas naman ng kilay si Ayana dahil sa sinabi ko. Aba, ahitin ko kaya ang kilay nito? Bwiset eh!
" Bakit kotse ko? Kotse mo na lang Abby, ayaw ko din mag drive no! " Sabi ni Ayana sa maarte na tono. Nauna na akong lumabas ng kwarto ni Abby dahil naiirita na ako sa topic na'to.
" Sino ba nag-aya na mag shopping? Dapat siya a--- " -Abby
" Fine! I'll drive and we'll use my car. Just don't complain later. " Pinutol ko ang sasabihin pa ni Abby. Kung ako magddrive humanda sila. Ngumisi ako at lumabas na.
" s**t! Are we in a hurry? Buwis buhay tayo eh. " Ang higpit ng hawak ni Abby sa handle ng kotse. Natatawa naman ako sa ichura nila. Well, ginamit ko lang naman ang racing skills ko sa kanila. Nakarating kami sa mall na buhay at buo pa naman ang katawan namin.