Andrea Pagkababae ko ng eroplano init agad ang tumambad sa akin. Napangiwi nalang ako at tinulak ang maleta ko. Naglalakad na agad ako alam ko andun na yung lalaking iyon. Mainipin pa naman iyon. Para kasi sa kanya Time is gold di ba? Kahit ako na gf niya pinag iisipan pa ng oras. Palabas ako ng airport ng makita ko siyang nakasandal sa mamahaling kotse niya nakasuit pa siya. Sobrang hot niya talaga medyo magulo na buhok at naging malapad ang katawan nito. Napangiti naman ako ng matamis sa kanyang makita niya ako. Di ko alam napatakbo na pala ako na parang bata sa kanya. Binuka nito ang dalawang braso niya kaya walang pasabi ko siyang niyakap ng mahigpit naramdaman ko namana ang labi nito sa noo kong dumampi. "I miss you so much" Naiiyak kong sabi sa kanya at maslalong siyang niyakap

