Buddies Tinaasan ko ng kilay si Lucas nang ngumisi siya sa akin. Just like what I said, diniretso ko siya sa infirmary dahil sa nangyari. Hindi naman siya nagreklamo at sumama naman siya sa akin nang tahimik. "It's just a wound, Cari. Hindi naman ako mamamatay nang dahil dito," he said while still smirking. Inirapan ko siya at dinampot ko ang purse ko. Binato ko 'yon sa kaniya at natamaan no'n ang sugat niya sa noo. "Aw! Ano ba, Cari?" nakangiwing sabi niya sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Dinampot ko ang purse ko na ibinato ko sa kaniya at ibinalik 'yon sa bag ko. I looked at him and showed him a smirk before speaking again. "Just a wound?" I said, mimicking the way he said those words earlier. Sinimangutan niya ako kaya napatawa nalang ako. "Yeah, yeah, funny," p

