Closer “Ayos lang ba kayong dalawa?” takang tanong ni Nanay Lily nang makapasok sa loob. Nginitian ko siya ng pilit at tumango-tango nang ilang beses. “Gano’n ba… sige na at kumain na kayo,” dagdag pa nito. Hindi ako nagsalita at yumuko nalang. I feel so awkward around him after what happened. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin kagaya ng dati. “B-busog pa po ako, Nanay. Ask Tyson if he wants to eat,” nakayukong sabi ko sa kaniya. “A-ah, no. I’m full,” he answered without even letting Nanay Lily ask him. Namayani ang katahimikan sa kwarto matapos siyang magsalita. Hindi ko alam kung nakakahalata si Nanay Lily sa aming dalawa pero bahala na. I don’t know what to do! Everything is so awkward! Tanging tunog lamang ng air-conditioner sa kwarto ko ang maririnig nang mga oras na

