Hopeless Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko sa galit at sakit nang mga oras na 'yon. Para akong namamanhid at hindi ko alam ang gagawin ko para mawala 'yon. Ang alam ko lang ay gustong-gusto ko nang kumawala at sumabog. Gusto ko nang lumayo sa lugar na 'yon at pumunta sa isang lugar na walang nakakakilala ni isa sa akin. I want to run away as far as I can just to get rid of all the bullshits that keeps on happening to me. Pati sa mga sinungaling at mapaglarong tao ay gusto ko nang lumayo nang tuluyan. I'm so tired and f****d up! "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo, 'di ba?" malakas na tanong kong muli sa kaniya. She stood up and walked towards me. She tried to reach for my hand pero pilit kong inilalayo 'yon sa kaniya. Kitang-kita ko ang hirap sa mga mata niya

