New Professor "What took you so long? Kanina pa kami dito," bungad sa akin ni Astrid nang makalabas ako ng bahay. I smiled at them yet they didn't smiled back at me. Nakatuon lang ang mga mata nila sa cellphone nila, dahilan para mangunot ang noo ko. "What are you guys looking at? Is there something going on?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanila. Hindi nila ako pinansin at nanatili silang nakatingin doon. Sa sobrang pagtataka ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapadungaw sa cellphone ni Astrid. Mas lalong nangunot ang noo ko nang makita ang tinitignan nila kanina pa. "What? New Prof?" naguguluhang tanong ko. Tumango naman si Astrid sa akin bago ibinulsa ang cellphone niya. Naglakad si Lucas palapit sa pintuan sa may backseat ng bago niyang White Mercedes Benz CLS

