Pagbukas na pagbukas ko bumungad sa akin ang masarap na amoy ng nilulutong adobo. Dali-dali akong pumasok sa kitchen at doon may nakatalikod na lalaking nagluluto. "Anong ginagawa mo dito?" sigaw ko dahilan para mapabaling ang tingin nya sa akin. Ang laki ng ngiti nya. Hininaan nya muna ang apoy at dahang dahang lumapit sakin. Pinupunas nya ang kamay sa sout nyang apron. "Good evening, sayo." bati nya sabay halik sa pisngi ko at ginaya ako paupo sa upuan ng two seater table ko. Hulog pa din ang panga ko habang nakatunganga sa kanya. Bigla nya naman sinara ang bibig ko. Uminit ang pisngi ko sa ginawa nga. Hanggang ngayon andun pa din ang ngisi sa mga labi nya. Tinaasan ko sya ng kilay dahil hanggang ngayon di pa din pumasok sa utak ko bakit sya nandito. Pano sya nakapasok? "Pano ka na

