Pag sinabi nyang babalik sya babalik talaga sya. I never thought ganun pala talaga sya ka pursigido sa isang bagay. Kahit gano ka hirap tinitiis nya. Makuha nya lang gusto nya. "Mandy naman, ang sakit na kaya ng pulsuhan ko. Panalunin mo naman ako." kanina pa sya nag rereklamo, pano talo sya sa Tong its kaya natatampal ko ang pulsuhan nya. Andito kami ngayon sa unit ko. Lagi na syang nandito. Halos araw-araw dahil magkapitbahay kami. Dito na din sya kumakain. Ang kapal ng mukha. Naglalaro kami ng Tong Its pero di pala sya marunong maglaro kaya lagi syang talo. Tampalin ang pulsuhan ng matatalo. Kaya pulang pula na ngayon ang kamay nya. Napangiti ako. "Weak ka kasi." sabi ko habang nagbabalasa ng baraha. "Pedeng iba nalang ang parusa ng talo?" tanong nya habang hinihimas ang kamay. Ka

