Buong araw akong badtrip dahil sa iba't ibang parinig. Nagpipigil ako dahil ayaw kong dagdagan ang pagkasira lalo ng pangalan ng ama ko. "Nag aaral ka pa pala? Akala ko puro lang kabulastugan ang alam mo." bati sa akin ni Landon. Anong ginagawa nya dito sa tambayan ko. Bored akong tumingin sa kanya. Habang hinawi ang tumakas na buhok ko. "Ano na naman ang kailangan mo?" tanong ko habang tiniklop ang librong binabasa ko. Nakatitig lang sya sa akin habang nakalagay ang isang daliri sa mga labi nya. "Maniningil ng utang." seryosong sagot nya. I rolled my eyes. May pagka isip bata din pala ang lalaking ito. To think na 20 years old na sya. I'm 19 years old. 4th year na din sya, Engineering ang course. "Wala akong utang sayo." sabi ko at tiningnan din sya ng masama pabalik. Tumabi sya sa up

