Seungcheol pov
Nakatulog na sya at ako naman naka upo lang at nag cellphone na lang tska need ko palang itext si hannie
——————————————————
Jeonghannie
seungcheol:
Hannie last sub na ako papasok
:jeonghanie
Nasan ka ba sabi mo mag cr ka lang
seungcheol:
Nasa clinic ako
:jeonghannie
Bat ka nandyan? Binabantayan mo ba si ice?
seungcheol:
Oo ang tigas ng ulo nga eh gustong tumayo tayo sabing mag pahinga tska dinalhan ko na rin sya ng pag kain.. tska wag mong isipin na may care ako sakanya sadyang ayoko lang pumasok
:jeonghannie
Araseo~
seungcheol:
Wag mong sabihin sakanila na nandito ako ah
:jeonghannie
Okie~
——————————————————
Habang na tutulog sya diko mapigilan na hindi sya pag masdan...
Maya maya pa may naisip akong kabaliwan
Binuksan ko yung cam ng phone ko at pinicturan sya pag tapos nun tiningnan ko yung mga shot
[Hmm ang ganda nya kahit sa picture wait wait eto nanaman ako eh aish]
Binura ko isa isa yung mga shot na kinunan ko pero napahinto ako sa pag delete at napag masdan yung nag iisang kuha ko at napag pasyahan ko na isave na lang yun
Napag pasyahan ko na humiga sa malapit sa hinihigaan nya
Maya maya pa may naramdaman akong tinatap yung shoulder ko mahina lang yun
"Ahmm seungcheol.." rinig kong tawag nya at bumangon na ako
[Kakainis naman oh inaantok pa ako]
"Ahmm oras na para sa last sub sabi mo diba papasok ka" tuloy tuloy na sabi nya kaya naman bumangon na ako at inayos yung uniform ko at napansin ko rin na inaayos nya yung mga gamit nya
"Wag mong sabihing papasok ka? Tska bat ka nga pala bumangon may sakit ka pa ah"sabi ko
"Kailangan kong pumasok tska mas mag kakasakit ako dito tska sabi nung nurse pwede naman na akong lumabas eh" paliwanag nya kaya naman tumango na lang ako at sabay na kaming lumabas
Akala ko mag iiba sya ng way pero hindi mukhang mag kaklase nga talaga kamis sa lahat ng sub
Nang makarating kami sa room wala pang ganung tao kaya naman nag hiwalay na kami nang pupwestuhan
[Aba syempre alangan naman mag tabi pa kami baka mamamaya makita pa kami nung mga ugok na yun kung ano nanaman ang isipin]
Bali dalawang row ulit ang pagitan namin sa isat isa nakita ko rin na yumuko sya
[Hayst bat ba kasi pumasok pa siya eh hindi pa namana ata sya ok.. pero inuulit ko hindi ako nag aalala sadyang ang engot nya lang]
Maya maya pa nakita na ako yung mga ugok kaya naman nag sipunta na sila sa pwesto ko pero syempre dahil halos lahat kami mag kakaklase sa last sub hindi pwedeng tabi tabi kami dahil madami kami
Tumabi sakin si hannie at kasunod nya sila shua at woozi
"Oh kamusta na sya?"bulong ni hannie sakin kaya naman tinuro ko yung kamay ko sa pwesto nung babae na yun
"Eh?pumasok sya"sabi nya
"Sabi ko sayo makulit nga kasi sya"sabi ko at nilabas yung mga gamit ko nakita ko naman na umiling iling na lang si hannie
Maya maya pa dumating na yung prof at nag simula ng mag turo. Ako naman nag sulat sulat ng kung ano ano at paminsan minsan tumitingin ako dun sa babae na hinihilot nya ang ulo nya
[Ang kulit ba naman hayst]
Iceanna pov
Patuloy lang sa pag tuturo yung prof namin at ako naman nararamdaman ko nanaman na nahihilo nanaman ako kaya medyo hinihilot ko yung ulo
[Alam kong matigas ang ulo ko pero sayang kung hindi ako papasok edi parang dapat hindi na lang ako pumasok sa school tska malapit naman na mag uwian talagang matutulog ako pag kauwi ko]
Nang matapos na ang klase nag simula na akong mag ligpit ng gamit ko ng may nag lapag ng piraso ng papel sa desk ko titingnan ko pa sana yung nag lapag nun kaso diko na nakita kaya naman tiningnan ko yung papel
[Huh?may nakasulat ano to love letter]
/*Hihintayin kita sa bus stop sabay na tayong umuwi*/
[Wait baka pain to ah pero teka sabi nya hihintayin nya ako sa bus stop so madaming tao dun for sure wala naman sigurong gagawin sakin yung nag bigay nito... Pag talaga masamang tao to tatakbo talaga ako]
Tumayo na ako at nag lakad na ako palabas ng school at pumunta na sa bus stop katulad nga ng inaasahan ko madami ngang tao
[So pano ko makikilala kung sino nag iwan ng letter na yun]
Palinga linga ako na para hanapin kung sino yung nag bigay nung papel na yun hanggang sa dumating na yung bus at huminto na.. sumakay na ako ng bus at umupo sa dalawahang upuan
[Well diko na inalam kung sino yung nag bigay na yun baka naman na mali ng lagay yun]
Dahil nga masama parin ang pakiramdam ko sinandal ko yung ulo sa bintana at pumikit
Hindi pa man ako na tatagalan pumikit may biglang ang naramdaman na may tumabi sakin at nag salita
"Diba sabi ko sayo sabay tayong umuwi"pag karinig ko nun napa mulat ako at tumambad sakin ang nakasimangot na mukha ni sungit kaya naman napaurong ako
"T-teka i-ikaw yung nag bigay nun?!"saguguluhang sabi ko
"Alangan bat may iba ka bang inaasahan?"masungit nyang sabi
"Hindi pero kasi--" dina nya ako pinatapos
"Wag ka ng maingay" sabi nya at tumingin ng direstso at ako naman tumingin sa labas
[Potek diko talaga inaasahang siya nag bigay nun pero teka bat naman nya ako sasabayan!!! May sakit ba talaga sya o may sapi sya!! Kanina pa sya mabait sakin may agenda kaya to sakin?! Aish tama na nga ang mahalaga sinapian sya ng kabaitan tska isa papala ang bango nya? hayst ice kalma enemy kayo wag kang kadiri sa mga sinasabi mo!!]
Maya maya pa narating na kami sa condo at bumaba na kami medyo inalalayan nya pa akong bumababa at nag lakad na kami papasok ng building at sumakay na sa elevator tahimik lang kaming dalawa at ng makarating na kami sa floor kung saan yung unit nya lumabas na sya at ng pasarado na yung pinto ng elevator biglang may pumigil nito para lang mahinto ang pag sarado kaya naman nag taka ako at nakita ko na si sungit pala ang pumigil dito
"Ah bakit?"tanong ko na lang nakita ko naman parang nag iisip pa sya bago sumagot
"Ah eh k-kukunin ko sana yung no. m-mo" sabi nya at umiwas ng tingin
[Wait what hinihingi nya no. ko,? pero teka bakit!!!]
Medyo nagulat ako sa sinabi nya pero dahil mainipin sya
"Akina yung phone mo"sabi ko na lang at inabot nya yung phone nya sakin at nilagay ko naman yung no. ko at ibinalik ko sakanya yung phone nya
Pag tapos nun binitawan nya na yung pinti ng elevator at nauna na siyang umalis
[Potek ganun ba kalakas yung sumapi kay sungit at ngayon naman hiningi naman nya no. Ko pero bat ko naman binigay!! Pero satingin ko deserve naman nya kasi halos sya lang ang nag alaga sakin simula kanina hanggang ngayong pag uwi... Pero sana talaga mag tuloy tuloy na to malay nyo sya pa pala ang maging mas kaibigan ko hahahaah oh diba dating enemy mukhang magiging kaibigan ko pa]
Nang makarating ako sa unit ko agad akong dumiretsyo sa kwarto ko at nag palit ng damit tska nahiga sa kama ko at ngayon nakatingin sa kisame
HOPE YOU LIKE IT ♥
Like Comment