CHAPTER 1

1676 Words
Warning: This chapter contains s****l content. 18+ readers only. CHAPTER 1 Tumatawa ako habang humahabol kay Dominic sa malawak at luntiang hardin ng mansyon ng mga Salvatore. Ang sikat ng araw ay tumatagos sa mga dahon ng puno, lumilikha ng mga aninong sumasayaw sa damuhan. Mabilis siyang tumakbo, ang kaniyang mga tawa ay umaalingawngaw sa hangin, isang tunog na nagbibigay sa akin ng payapang pakiramdam. "Huli ka!" sigaw ko. Sa sobrang bilis ko, hindi ko napansin ang ugat ng puno na nakausli sa damuhan. Natapilok ako at mabilis na bumagsak. “Aray!” Ramdam ko ang hapdi sa tuhod ko, kasabay ng pagkabasag ng sandaling iyon. "Mariel!" Bago pa man ako maiyak, ramdam ko na ang pamilyar na init ng mga bisig ni Dominic. Ang lalaking sobrang mahal na mahal ko. Binuhat niya ako nang maingat, parang isang marupok na mamahaling bagay. Pinagmasdan niya ang sugat ko, ang kaniyang mukha ay puno ng pag-aalala na mas matindi pa sa sarili niyang sakit. Natatakot ako nang makita siyang mag-alala sa akin. "I told you to be careful," bulong niya habang inilalakad niya ako papasok sa mansyon. Hinalikan niya ang buhok ko habang ang ulo ko ay nakasandal sa kanyang dibdib. Dito, sa loob ng mga bisig niya, pakiramdam ko ay nasa langit ako. Pagpasok namin sa foyer, huminto siya sa paglalakad. Ang atmosphere sa loob ay biglang lumamig sa hindi ko masabi na dahilan. “I’m sorry, babe…” bawi ko sa kaniya, habang nakasuksok pa rin sa kaniyang dibdib. Hindi ito sumagot. Gayoon pa man ay naramdaman ko na ang isang presensiya na malapit lamang sa amin. Nakatayo si Desmond sa paanan ng malaking hagdanan, nakasuot ng pormal na suit, hawak ang isang baso ng whiskey. Ang kanyang mga mata ay hindi nakatingin sa akin, kung hindi sa mga kamay ni Dominic na nakapulupot sa aking katawan. Matalim at malamig ang kanyang titig, parang isang predator na naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake. Ano ba nangyayari sa kaniya? Sa tuwing nakikita niya ako ay para bang gusto ako nito kagatin. Baka hindi niya ako talaga gusto para sa kapatid niya. "You should be more mindful, little brother," mahinang sabi ni Desmond. Ang boses niya ay malalim, punong-puno ng awtoridad na tila bumaril sa bawat sulok ng silid. "She is bleeding because of her carelessness." Hindi sumagot si Dominic, pero ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Isang tahimik na hamon ang namagitan sa kanilang dalawa. "I’m sorry, Desmond," sagot ko, pero hindi man lang lumingon si Desmond sa akin. Ang mga mata niya ay nanatiling nakapako kay Dominic, tila ba hindi ako ang tao sa mga bisig ng kapatid niya, kung hindi isang tropeong dapat ay kaniya. "Go, Dominic. Take her to your room," sabi ni Desmond nang hindi inaalis ang tingin sa amin. "Before she loses more blood." Sa bawat hakbang ni Dominic paakyat ng hagdan, ramdam ko ang titig ni Desmond sa likod namin. Isang titig na hindi ko maintindihan noon, pero sa puntong iyon, parang may kung anong gumapang sa balat ko, isang babala na hindi ko dapat binigyang-pansin. Gosh! Ayaw na ayaw ba ako n’yon para kay Dominic? Dinala ako ni Dominic sa kwarto niya. Nang maupo niya ako sa gilid ng malambot na kama, agad niyang kinuha ang first aide kit mula sa kanyang drawer. Ang bawat kilos niya ay banayad, tila natatakot siyang masaktan ako kahit sa pinakamaliit na paraan. Habang nililinis niya ang sugat sa tuhod ko, hindi ko mapigilang mapatingin sa pintong kanina lang ay pinanggalingan namin. Ramdam ko pa rin ang bigat ng titig ni Desmond, ang lamig na iniwan ng boses niya sa foyer. “Sa tingin mo, ayaw sa akin ng kuya mo para sa ‘yo?” tanong ko. Hindi ko mapigilang ilabas ang kaba na kanina ko pa kinikimkim. Napatigil si Dominic sa paglilinis ng sugat ko. Tumingin siya sa akin nang diretso, ang kaniyang mga mata ay puno ng pagmamahal na sa tingin ko ay wala ng katumbas. Hinawakan niya ang aking mukha, ang kaniyang mga hinlalaki ay marahang humaplos sa aking pisngi. “Hindi mo dapat iniisip ang sinasabi o ipinapakita ni Desmond,” sagot niya. May diin ang boses niya, pero nananatiling malambot para sa akin. “Desmond has always been like that. He likes control. He likes owning things, and he hates it when he sees something he cannot grasp or command. Hindi niya ayaw sa iyo dahil hindi ka sapat. Ayaw niya sa iyo dahil hindi ka niya pagmamay-ari.” Napakunot ang noo ko. “Pero kapatid mo siya. Bakit niya kailangang tingnan tayo nang ganoon? Para akong naging hindi sapat sa katulad mo. Alam mo ‘yung parang lalapagan niya ako ng cheke o hindi naman kaya ay suitcase na may laman na pera para layuan ka.” Natawa naman si Dominic at muling ibinalik ang atensyon sa aking tuhod. “The Salvatore family has always been complicated. Everything we touch, Desmond wants to possess. Huwag mo siyang intindihin. Ang mahalaga, ikaw ang kasama ko. Ikaw ang gusto ko. At hinding-hindi ko hahayaan na kahit sino, kahit pa ang kuya ko… ang humadlang sa atin.” Hinila niya ako para sumandal sa kaniyang dibdib. Niyakap niya ako nang mahigpit, at sa bawat t***k ng puso niya, nararamdaman ko ang pangako ng seguridad. “I love you, Mariel,” bulong ni Dominic sa aking buhok. “Always remember that. Kahit anong mangyari, hinding-hindi kita bibitawan.” “I love you too, Dominic,” sagot ko. Pagmulat ng aking mata ay hindi ko akalain na nakatulog pala ako habang nakayakap kay Dominic. Pinagmasdan ko lamang ang kaniyang gwapong mukha. Mabait siya, sobrang gwapo. Hindi siya mukhang masungit tulad ng kuya niya. Maamo ang mukha ni Dominic, hindi malaki ang kaniyang katawan tulad ng kapatid niya, pero naayon lang naman iyon sa kaniyang pangangatawan. Sandali lamang nang kumulo ang aking tiyan. Napanguso ako sa inis. Ayaw kong gumalaw at istorbohin ang kaniyang pagkakahimbing, pero hindi na talaga kaya ng gutom ko ang katahimikan ng hapon. “Dahan-dahan lang… baka magising…” mahina ko pang sambit. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang braso na nakayakap sa aking baywang, maingat na humakbang palabas ng silid hanggang sa marating ko ang pasilyo. Tahimik ang buong mansyon. Ang bawat hakbang ko ay umaalingawngaw sa matigas na sahig. Bagaman kinikilabutan ako sa bawat aninong nakikita ko, nagpatuloy ako hanggang sa makarating sa kusina. “Hindi naman siguro bilang ang tinapay nila.” Natatawa ko pang bigkas habang nag-iisip nang makukuha. Kumuha ako ng tinapay mula sa countertop. Balak ko na sanang bumalik agad sa itaas nang makarinig ako ng mahinang ungol na nanggagaling sa loob ng pantry. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan. Ang pintuan ng pantry ay bahagyang nakabukas, at ang bawat ingay na naririnig ko ay nagpapabilis sa t***k ng aking puso. Sa kuryosidad o baka sa maling akala na may kailangan ng tulong, dahan-dahan kong tinulak ang pinto. Ngunit ang nakita ko ang nagpatigil sa pagdaloy ng dugo sa aking katawan. Nasa loob si Desmond. Litaw ang kaniyang pwetan na nakaharap sa akin habang may kamay na marahas na nakahawak sa kaniyang balikat at doon ko napagtanto ang istura ng babae. Ang katulong nila rito! Ang babae ay nakasandal sa istante, nanginginig at hindi makapagsalita habang naririnig ko ang paglabas-pasok ni Desmond. Sa sobrang gulat, nabitawan ko ang hawak kong tinapay at ang nagpaingay roon ay ang mahina kong boses mula sa pagkagulat. Sabay na lumingon ang dalawa sa direksyon ko. Ang mga mata ni Desmond ay hindi puno ng hiya, kundi ng isang mapanganib na ningning. Shit! s**t! s**t! Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusukat ang bawat bahagi ng aking pagkatao habang ang kaniyang mukha ay nananatiling blangko, walang bahid ng pagsisisi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto kong tumakbo, pero tila nakabaon ang aking mga paa sa sahig. Ang hininga ko ay kapos na kapos, at ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na kabog ng sarili kong dibdib sa harap ng isang lalaking wala man lang kaba sa kaniyang ginagawa. Sa kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti, hindi iyon ang ngiting nagbibigay ng kapanatagan. Iyon ay isang ngiting mapang-uyam, isang ngiting nagpapakita ng kaniyang pagkamapagsamantala. Humarap siya nang tuluyan sa akin, at doon ay tumambad sa aking paningin ang kaniyang malaki at nagmamarka na p*********i. Shakss! Ang aking mga mata! Hindi ko alam kung saan ilalagay ang aking tingin. Mabilis akong umiwas, pilit na pinakikita na hindi ako naaapektuhan, ngunit ang totoo ay nagwawala na ang aking sistema. Gusto ko nang tumakbo, pero ang aking mga paa ay tila napako sa sahig. “Umm… wanna join us?” tanong niya. Ang kaniyang boses ay puno ng pambibiro na lalong nagpapainit ng aking mukha. Agad kumunot ang aking noo sa matinding pagkairita at kahihiyan. “A-Ayoko nga!” sagot ko nang may diin. Tumawa siya nang bahagya, isang tunog na parang isang malamig na hanging humahampas sa aking balat. “Then why are you watching us? Does my little brother’s d**k can’t satisfy you?” Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Ang kaniyang salita ay parang isang sampal na gumising sa akin mula sa pagkakatulala. “Wala pang nangyayari sa amin!” sigaw ko sa kaniya, puno ng depensa at galit. Hindi ko na hinintay ang kaniyang susunod na sasabihin. Sa isang iglap, naglakas-loob na akong tumakbo. Mabilis ang bawat hakbang ko pabalik sa pasilyo, hindi ko na inalintana kung sino ang makakakita sa akin. Ang tanging nasa isip ko ay ang makalayo sa pantry na iyon, makalayo sa ngiti ni Desmond, at makalayo sa imaheng hindi ko na kailanman mabubura sa aking isipan. Pagkarating ko sa silid ni Dominic, agad kong isinara ang pinto at sumandal dito. Hinihingal ako, ang aking puso ay parang gustong kumawala sa aking dibdib. Tumingin ako kay Dominic na mahimbing pa ring natutulog. Ang kaibahan niya kay Desmond ay napakalinaw sa aking paningin. Si Dominic ay simbolo ng liwanag, habang ang kaniyang kuya ay isang dilim na unti-unting lumalamon sa aking katinuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD