Season 2 Chapter 8

2556 Words
Clara's POV "Balita ko magkakaroon ng tournament sa Gang Stadium." sabi ni kuya habang kumakain kami. "Oo kuya, nakaka excite nga eh." sagot ko. "Bakit hindi nila naisip yan sa panahon natin dhie," sabi ni mom. "Nakakaingit naman dapat may ganyan din sa panahon natin." "Wala tayong magagawa ngayon lang nila naisip yan eh" sagot ni dad kay mom. "Tsk, wala ba silang utak noon at hindi nila naisip yan" inis na reklamo niya kaya naman natawa kami sa sinabi niya. "Mhie, hindi mo kasing talino ang mga yun kaya wag ka ng mag reklamo. Hindi na maibabalik ang nakaraan kahit magreklamo ka ng magreklamo." sabi ni dad. "Tss," singhal ni mom. "Oo nga pala tumawag si mo, sabi niya mag new year tayo sa korea. gusto niya tayong makasama." "Bakit hindi na lang umuwi dito sina granny at grandpa" sabi ni ate Akuma. "Alam niyo namang hindi maiwan ni mom ang bahay sa korea, pinamana pa sa kanya iyon ng ninuno namin." sabi ni mom. May lahing korean kasi si granny pero konting konti na lang ang pagiging korean ni granny. Nung 7th generation pa nag karoon ng korean sa pamilya namin at mula noon puro mga pilipino na ang napapangasawa ng ibang heneration. Kaya hindi na makikitaan sa amin ang pagiging korean, walang mukhang korean sa amin, mukhang kastila lang dahil half spanish si dad. "Nakakamiss na kasi sila, hindi naman tayo makapunta doon lagi dahil busy tayo." sabi ni ate Akuma. "Ako din miss ko si mom pero yun ang gusto ni mom kung saan siya masaya susuportahan natin siya." sabi ni mom. "Tama ka po mom" sabi ko. After namin kumain pumunta ako ng training room dito sa mansion para mag training, maghahanda ako para sa tournament. Hindi basta basta ang makakalaban ko kaya kailangan kong pag igihan. Mas marami ng malalakas kaya hindi ako pwedeng pa-easy easy lang dahil lang sa member ako dating D.T at ako si Blade. Malalakas na ang mga makakalaban ko, hindi na katulad ng dati na parang gusto lang mapasikat ng mga gangster noon pero ngayon marami na talagang malalakas. "Oh, nandito ka pala," sabi ko ng makapasok ako sa training room. Nandito din pala si Inferno kaya pala hindi ko siya makita kanina. "Hinahanap kita, gusto kong makipag sparring sayo." Hindi ko talaga akalain na si Whisper ay si Inferno at mas malakas pa siya sa akin. Medyo nainggit ako sa lakas niya dahil mas nauna akong naging gangster sa kanya pero mas malakas siya sa akin. Gusto kong malaman kung matatalo ko siya. "Hmm, that's good Idea, mas makakapag training ako kung totoong tao ang makakalaban ko." sabi niya. "Sige mag i-stretch lang ako." Nag nod siya sa sinabi ko. Agad akong nag stretch ng katawan para hindi sumakit ang mga muscle ko kapag mag sparring kami ni Inferno. Nang matapos akong mag stretch pumunta ako sa ring na nasa gilid ng training room. Nandoon na si Inferno, nakaupo lang at naiinip habang hinihintay ako, nakapag stretch na kasi siya nung wala ako. "Walang time limit," sabi ko. "Basta may natalo doon matatapos ang laban." "Okay," "Okay game simulan na natin." Third person's POV Naghanda ang dalawa, pinakiramdaman ang bawat isa, inaalam kung anong gagawin ng isa't isa. Nakatinginan lang sila at hinihintay kung sino ang unang susugod. Inaasahan na ni Clara na hindi unang susugod si Inferno kaya gumalaw na siya para sumugod dito. Mabilis lang nailagan nito ang mga suntok niya, kahit sobrang bilis na ng bawat pagsuntok niya nasasabayn pa rin siya nito at tingin niya ay mas mabilis ito sa kanya dahil walang hirap nitong iniilagan ang suntok niya. Naramdaman niyang napagod siya kaya huminto muna ito para magpanginga ng konti pero hindi niya binaba ang kanyang pandama dahil alam niya na maaaring sumurin siya nito pero nakita niyang nakatingin lang sa kanya si Inferno at parang binabasa ang susunod na galaw niya. Medyo nainis naman ito dahil pakiramdam niya ay minamaliit siya nito kaya nang medyo nawala ang pagod niya ay sumugod ito. Gaya kanina nailagan lang ito ni Inferno kaya nag iba ito ng taktika, pagkasundok niya agad siyang umikot at mabilis niya itong sinipa pero nagulang siya ng walang hirap na naharang ang pagsipa niya gamit ang isang kamay. Napadaing siya ng bigla siya nitong sinuntok, malakas ang pagkakasuntok sa kanya kaya napalayo siya ng isang metro mula dito. Hawak hawak niya ang tiyan niya kung saan siya sinuntok, hindi niya inaasahan na sobrang sakit sumuntok ng kapatid niya. Hindi pa siya nakaka-recover sa sakit na naramdaman niya ng bigla ulit siyang makaramdam ng sakit dahil sa biglang pagsugod nito at mabilis siyang sinipa. Natumba siya sa ginawang pasipa, napasuka na din siya ng dugo dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya. "f**k, Inferno sparring lang ito pero bakit parang pinapatay mo ako," galit na sabi niya dahil sobrang sakit talaga ng nararamdaman niya pero nakatingin lang ito sa kanya niya. "Hinahanda lang kita," Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Hinahanda lang kita sa sakit dahil mas matindi pa diyan ang mararamdaman mo sa tournament. Mas malakas na ang mga makakalaban mo hindi katulad ng dati at isa nakikita ko na nagiging mahina ka na dahil nagiging panatag ka na malakas ka na dahil ikaw lang ikaw si Blade." Napayuko siya sa sinabi ng kapatid dahil tama ang sinabi nito. Iniisip niya niya malakas siya dahil siya si Blade noon at marami na siyang natatalo kaya nakalimutan na niyang mag train. Napanatag siya kung anong meron siyang lakas ngayon. Akala niya malakas na siya pero mali siya dahil mula ng magsidatingan ang malalakas na mga gangsters doon niya na realize na mahina pa siya. Mula ng nabuwag ang grupo nila nawala na ang atensyon niya sa pag ti-train, parang naging mayabang na siya dahil lang siya si Blade ng kinakatakutang D.T. Oo malakas siya pero noon yun, dahil hindi na ito masyadong na fo-focus sa pag ti-train. Nawala na yung dating Blade na hinahangaan ng lahat dahil sa pagiging mayabang nito. "Tama ka, naging mahina na ako, naging mayabang ako dahil akala ko malakas na ako pero napatunayan kong may mas malakas pa sa akin." sabi niya, pumatak ang luha niya sa mata. "Hindi na ako nag eensayo dahil iniisip ko na malakas naman ako kaya bakit pa ako mag eensayo pero mali ako, minaliit ko ang mga gangster sa paligid ko." Nakalimutan niya ang mga pangaral sa kanila ng mom nila, ang 'huwag maging mayabang' pero naging mayabang siya. "Hindi naman maiiwasan ang magkamali, mas magandang nagkakamali tayo para natututo tayo," sabi sa kanya ni Inferno. "Malakas ka naman pero napanatag ka sa lakas na meron ka." Napatawa siya ng mahina. "Totoo yun, kung kasama ko si ate Akuma baka mapagalitan ako nito." "Alam ni ate Akuma ang nangyayari sayo," Napatingin siya kay Inferno. "Hindi ka niya kinakausap dahil gusto niya makita mo ang pagkakamali mo pero hindi mo na napapansin ang mga maling ginawa mo kaya kinausap ako ni ate para turuan ka ng leksyon. Siya ang may idea na pahirapan ka ngayon." Natawa naman siya hindi dahil natawa siya sa sinabi ni Inferno, natawa siya sa katangahan niya. Nahihiya siya sa mom niya dahil sa ginawa niya, parang hindi siya anak ng dating Blood at Fire demon. Ibang iba siya sa mga kapatid niya dahil hindi sila naging kagaya niya, sila sobrang lakas na nila pero nagagawa pa din nilang mag ensayo, eh siya? Hindi nga magkalapit ang lakas nila pero nagawa niyang magpa easy easy lang. Nahihiya siyang maging kapatid ng mga kapatid niya, hindi siya karapat dapat na tawaging Miller dahil walang ugaling mayabang sa pamilya nila. "Stop crying now, hindi porket nagmali ka hindi ka na matututo and hindi masamang magkamali sabi ko nga mas matututo ka kapag nagkakamali ka." sabi ni Inferno. Bigla siyang natawa. "Natatawa lang ako ang ate mo pero ikaw ang nagpapayo sa akin." sabi niya. "Bakit porket mas bata ako sayo hindi na kita pwedeng pagsabihan?" masungit na sabi nito. "Wala sa pagiging matanda kung sino ang magpapayo, meron nga diyan na kung sino pang matanda ay isip bata at matigas ang ulo kaya napagsasabihan ng mga anak nila. Paano pa kaya tayo na isang taon lang ang tanda mo sa akin." Tama siya, maraming matatanda na mas matigas pa ang ulo sa mga bata. Para silang mga bata na kailangang gabayin ng mga gulang nila. Sabi nga nila lumalaki sila ng paurong. "Kaya tama na ang pagsisisi mo sa sarili mo, isipin mo na lang na lesson mo iyon para sa sarili mo para mas makagawa ka ng magandang desisyon." Nginitian siya nito at ginulo ang buhok niya kaya na pangiti na rin siya. Hindi mo mahahalata pero sweet talaga ito, akala mong walang pakielam pero matindi itong mag alala. "Salamat bunso," sabi niya. Tumayo siya at binuka niya ang kamay niya. "Dito yakap mo ko." pababy na sabi niya. Wala namang pag alinlangan niyakap siya ni Inferno at hinalikan ang tuktok ng ulo niya kaya napa pout siya. Naiinis kasi ito dahil mas matangkad na sa kanya ito, habang balikat na lang siya nito pero hindi na siya nagreklamo dahil ayaw niyang masira ang yakapan nilang magkapatid. Ilang minuto lang kumalas sa yakap si Inferno. "Train ulit tayo, this time maayos na training na ang gagawin natin." "Oo nga eh, ang sakit kaya ng ginawa mo." reklamo niya at nag pout, ginulo nito ang buhok niya. "I'm not sorry for that, ginawa ko iyon para magtanda ka tsaka yun ang gusto ni ate." Mas lalo naman siyang na papout. "Hmp, fine kung hindi lang kita love naku," "I love you too." sagot niya kaya napangiti siya. Minsan lang itong magsabi ng 'I love you' dahil mas gusto nitong ipakita ang pagmamahal sa gawa. Mas magandang iparamdam mo kesa sabihin mo, dahil 'Action speaks louder than words'. Nagsasabi ka nga na mahal mo ang tao pero hindi mo naman napapakitang mahal mo siya kaya wala ring kwenta. Clara's POV Ilang oras kaming nag training ni Inferno, tinutulungan din niya ako na mas lumakas. Binawi ko ang panahong hindi ako nag seseryosong mag train. Tinuruan niya ako ng bagong technique na pwede kong gamitin sa tournament. Malaking tulong din ang mga itinuro niya sa akin dahil nakikita ko na nag i-improve ako kahit ilang oras pa lang kaming nag te-training. "Thank you bunso, ang dami kong natutunan," nakangiting sabi ko. "Mas nag emprove ako sa tulong mo." "Wala akong ginawa," sabi niya. "Matagal ka ng magaling, nagkulang ka lang sa insayo kaya ka humina binigyan lang kita ng bagong technique pero madali mong natutunan, ilang oras lang tayong nag ensayo pero madali mong natutunan lahat ng iyon." "Magaling ka kasi." sabi ko. "Tsk, wala nga akong ginawa." inis na sabi niya. "Kapag ibang tao ang tinuruan ko hindi agad sila mag eemprove ng ganun kadali pero dahil ikaw ang tinuruan ko madali lang sayo dahil nga magaling ka na nung una pa lang." Na-touch naman ako sa sinabi niya kaya bigla ko siyang nayakap ng mahigpit nakinainis niya. "Stop it." inis sabi niya kaya natawa na lang ako. "Pahinga na tayo." yaya ko, nag nod naman siya. Naglakad na kami paalis sa training room at nag punta sa sala para magpahinga at mag miryenda. Alas quatro na din naman ng hapon at gutom na din kami matapos ang maghapon naming pagte-training ni Inferno. Wala kaming pahinga kaya sobrang gutom na gutom na kami. "Kumusta ang training?" tanong ni mom at umupo sa tabi namin. "Okay naman po mom," sagot ko. "Nabawi ko yung mga panahong hindi ako nag train." "Mabuti naman at na realize mo na ang pagkakamali mo." Hindi na ako nagulat kung alam ni mom ang mga nangyari sa akin. "Sana wag mo ng ulitin iyon." Kita ko sa mata niya ang disappointment kaya na guilty ako. "Yes mom and I'm sorry." malungkot na sabi ko. "It's okay, at least natuto ka, alam ko na hindi mo na uulitin ang ginawa mo," nakangiting sabi niya. "Anak kita kaya alam kong madali kang makatanggap ng pagkakamali." "Yes mom, hinding hindi ko na talaga uulitin iyon," sabi ko. "Nakakahiya kay tita Em dahil dinumihan ko ang pangalan ni Blade." "Hindi mo naman nadumihan, naging ganyan ka ng mawala ang D.T at hindi na ikaw si Blade kaya wala kang dapat na ipag alala at maiintindihan ka ng tita Em mo," sabi ni mo. "Isa pa mula ng ikaw ang naging Blade pag aari mo na ang pangalang yan tsaka lang mawawala sayo kapag naipasa mo na, wala man ang D.T ngayon ikaw at ikaw pa rin ang nagmamay-ari sa pangalang Blade." Nginitian ko lang si mom sa sinabi niya. "Heto na miryenda niyo." sabi ni ate Serene at nilapag ang miryenda namin. Halo-halo na may ice cream at leche flan sa taas ang miryenda namin. Favorite dessert ko lalo na kung si ate Serene ang gumawa. Ang sarap kasi niyang gumawa hindi ganun ka tamis ang halo-halo niya kaya hindi naumay kapag kinakain. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain kami, tukol sa tournament ang topic namin. Laging nagrereklamo si mom dahil hindi daw naisip yan sa panahon nila, gustong gusto kasi niya makalaban ang ibang gangster sa ibang bansa. Malalakas daw kasi ang mga gangster noon sa ibang bansa kesa dito sa pilipinas kasi ang ibang mga gangster noon mayayabang lang pero wala namang binatbat, ginagawang laro lang ng iba ang pagiging gangster. Ang iba kaya sumali para katakutan sila at makilala sila ng mga tao. Gusto lang ng kasikatan ng iba kaya pinili nilang maging gangster. "Ang swerte ng generation niyo dahil ang dami ng malalakas na gangster ngayon, talagang sineseryoso na ang pagiging gangster." sabi ni mom. "Mahigpit na din po kasi ang coucil ngayon kaya siguro madami ng malalakas." sabi ko. "Sabay dati kasi walang pakielam ang mga council basta madaming sumasali okay na sila doon tsaka nag seseryoso na siguro sila dahil sa tournament na ginanap. Mas makikilala kasi ang pilipinas kung mananalo sila sa tournament." sabi ni mom. "Oo nga po, mayabang din po kasi ang taga ibang bansa eh, kasi kapag may pumupuntang foreigner sa Gang Stadium parang minamaliit nila ito. Kahit wala silang sinasabi nakikita namin sa mga mata nila." sabi ko. Nakakainis talaga yun, yung last time na may pumuntang foreigner sa Gang Stadium sobrang kitang kita mo sa mga mata nila ang panlalait nila kaya nainis kami lalo na si Midnight kaya naghamon kami, apat lang sila, dalawang babae at dalawang lalaki kaya nag grupo kami nina Midnight, Whisper at Luna para kalabanin ang apat na iyon. Sobrang yabang nila pero wala naman silang binatbat, natalo lang sila sa amin at umuwi sila na bali bali ang mga buto nila. Si Midnight ang ininis nila kaya ayun ang napala nila. Kaugali pa naman ni kuya si Midnight na madaling mainis at ayaw na ayaw na minamaliit pero alam kong hindi si kuya iyon dahil sobrang busy na ni kuya sa business at sa pamilya niya kaya wala na siyang time na pumunta ng Gang Stadium at imposibleng si Midnight nga si kuya dahil kung siya si Midnight impossibleng si Luna si ate dahil sobrang makaiba sila ng ugali at mas matanda ako ng dalawang buwan kay Luna. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD