Chapter 1

4270 Words
Andrei "THIS is bullshit!" Marahas kong isinampal sa assistant ko ang mga papeles na ibinigay niya sa'kin. Naglalaman iyon ng mga report tungkol sa financial at profits na kinikita ng mga produkto sa Isla de Kastilyo, ang isla na pag-aari ng pamilya namin. "B-Boss kanina ko palang po natanggap ang report na 'yan at kanina ko lang din po nalaman na may problema sa mga produktong inaani sa Isla. S-Sorry po." Nanginginig ito habang nakayuko na mas lalo kong ikinagalit. "Your sorry won't change anything! Kung may problema dapat agad niyang sinabi sa'kin!" sigaw ko. Lahat ng report na nasa mesa ko ay hinagis ko sa kanya at kumalat iyon. "Lahat ng tao sa finance department they're all fired at kasama ka na do'n," walang kaabog abog na tugon ko. Naluluha siyang napatingala sa'kin pero kahit lumuha pa siya ng dugo ay walang mababago sa desisyon ko. Once na sinabi ko na wala ng bawian. "S-Sorry po, Boss. Patawarin mo ako may sakit po ang kapatid ko at kailangan namin ng pera, hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho--," pagmamakaawa niya. "I don't forgive, hindi ko kailangan ng isang empleyadong tanga! Kung may sakit ang kapatid mo sana mas pinagbuti mo ang trabaho." Bumalik ako sa pagkakaupo sa swivel chair ko. "Leave!" madiin kong utos pero imbes na umalis ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "P-Please, boss. Please! Baka mamatay ang kapatid ko kapag hindi siya naoperahan." Patuloy siya sa pagluha. Hindi ko na ibinalik pa ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagpirma ng mga papeles. "You can leave," pag-uulit ko. Humagulhol ito pero hindi ako nakaramdam ni katiting na awa. Hindi dapat kaawaan ang mga taong hindi pinapahalagahan ang mga opportunity sa buhay nila. Kung katangahan ang palaging paiiralin ay talagang hindi uunlad ang buhay ng isang tao. "Napakasama mo! Isa kang demonyo!" sigaw niya ng makatayo. Nagkibit balikat ako at hindi pinansin ang mga talak niya. I know, I'm a demon. I'm a female version of Satan, and I'm proud of it. Kung hindi ako ganito katigas ay wala ako ngayon sa posisyon ko. "S-Sana mamatay ka na! Napakasama mo," sigaw niya. Napilitan akong tingnan siya at hindi ko mapigilang mapangisi ng makitang galit na galit siya sa'kin. Sanay na akong galit lahat ng tao na nasa paligid ko at wala akong pakialam. "Thanks for the compliment," I said. Pinindot ko ang intercom na konektado sa security guard sa baba at pinatunog iyon. Kahit tunog lang iyon ay alam na nila ang dapat nilang gawin. Hindi ito ang unang beses na may nagwala sa office ko habang sinisigawan ako. Sinasabing gusto na ako mamatay at ipinamumukha sa'kin kung gaano ako kasama. I used to it. Napangiti ako ng ilang sandali lang ay dumating na ang mga guard para damputin siya. "Make sure na hindi ko na makikita ang mukha niya dito," utos ko at nagpatuloy sa ginagawa na. "Hayop ka Andrie De Calitana, demonyo ka!" Hindi na ito nakapalag pa ng kaladkarin palabas. Gumawa ako ng memo na nagsasabing lahat ng nasa finance department ay sisante na at pwede ng umalis sa kompanya ko ngayon din. Ayokong nakakakita ng mga walang kwentang mga tao sa kompanyang itinayo ko gamit ang dugo't pawis na pinuhunan ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakapirma sa isa pang dokumento ay tumunog ang cellphone ko. My personal phone na tanging ang dalawang kapatid ko lang ang nakasave na numero. Cathy calling... Cathy is my younger sister at nag-aaral ito ngayon sa Isla De Kastilyo. Sinagot ko ang tawag dahil alam kong mahalaga ang sasabihin niya. Minsan lang siyang tumawag sa'kin at nangyayari lang iyon kapag may importante siyang kailangan. "Yes?" sagot ko. I don't used to say hello dahil hindi ako sanay na bumabati sa kahit na sinong tao even if she is my sister. "Ate, marami pong tao ngayon sa labas ng mansyon nagwewelga sila dahil hindi daw sapat ang sahod na natatanggap nila sa maghapong pagtatrabaho," bakas ang takot sa boses niya. Napatiim bagang ako dahil sa ibinalita niya. Dalawang taon na akong hindi nakakauwi sa Isla dahil nasa Maynila ang main branch ng beverage company ko at si Candros- ang isa ko pang nakababatang kapatid, ang binilin ko para panatilihin ang kagandahan ng ani, mga trabahador at pati na ang pagpapalago ng negosyo namin sa isla pero mukhang pambababae lang ang inaatupag niya. Ngayon ko lang nalaman na may problema na pala sa farm namin doon dahil wala siyang sinabi sa'kin. "Si Candros?" tanong ko. "Wala po dito ate panay lang kasi ang pagnanight out niya tapos palaging may dalang babae kapag umuuwi dito sa mansyon," sumbong niya. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang inis sa kapatid ko. Kahit kailan hindi naging matino ang gagong 'yon, palaging sakit sa ulo at problema ang dala. "Ang mga tauhan sa resort kumusta?" "Iyon nga rin po ate ang budget po doon ay hindi raw po every month dumadating minsan daw po delay kaya hindi gaanong nasusustain ang needs ng resort especially the guest," may pag-aalinlangan ang boses niya nang sabihin 'yon dahil alam niyang sasabog ako sa galit. Nagtatagis na ang mga bagang ko dahil sa mga kapalpakan ni Candros. "Okay, uuwi ako dyan kaya sabihin mo kay Pulahan na ihanda ang mga tao," utos ko. "Yes, ate," maagap niyang sagot. Marahas kong dinampot ang coat ko at cellphone bago tuloy tuloy na lumabas sa opisina ko. Lahat ng madadaanan kong emplyado ay tila natutuod kapag nakikita ako at mabilis na yuyuko. May iilan na namumutla kapag nakakasalubong ko ng tingin at agad na iiwas. Walang nagtangkang humarang sa hallway na dadaanan ko dahil alam nilang mawawalan ng trabaho ang lahat kung saang team sila nabibilang. Naniniwala ako na ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat kaya. Bago tuluyang pumasok sa elevator ay dumaan ako sa finance department. Aligaga ang lahat sa pag-aayos ng mga gamit at umiiyak ang mga ito. "Bilisan niyo ang pag-aayos ng mga gamit niya dahil may mga papalit na sa inyo, before I leave gusto kong nakaalis na kayo dito sa kompanya ko." Muli akong umalis. Nagbubulong bulungan pa sila pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. I won't die because of their gossips. "Napakasama niya, hindi manlang nagbigay ng konsedirasyon." "A devil woman in corporate attire." "See? Palagi siyang mag-isa dahil walang nakakatagal sa ugali niya, napakasama." Iyon ang mga narinig ko bago ako makapasok sa elevator. Yeah, palagi akong mag-isa dahil walang tumatagal sa ugali ko and I prefer being alone than to mingle with nonsense people. Kahit assisstant at secretary ay walang tumatagal sa'kin. I'm Andrei De Catalina, a devil woman in corporate attire, a heartless CEO of De Catalina Beverage Company, and a brute and rude owner of Isla De Kastilyo. Lahat ng negative na ugali ay nakakabit sa pangalan ko, and it's fine with me. Sanay na ako. Pagkarating sa rooftop ay kinuha binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan. "Fardo, kailangan ko ng helicopter papuntang Isla De Kastilyo," agad kong bungad. Fardo Akonza is the owner of Akonza International Airport. Isa sa mga taong nakilala ko sa business na pinasukan ko. Nasa airline niya ang mga helicopter na pag-aari ko at nasa ilalim ng pangangalaga niya dahil siya ang magaling sa bagay na iyon. We're not friends becuase I don't have friends, walang tumatagal sa'kin. "Yow, tomboy kong suki lakas makautos ng ungas na 'to. Gwapo ka? Gwapo?" natatawang sagot niya. "f**k your ass Akonza," asik ko. "Wag mong kakalimutan na may pekpek ka kaya hindi ka pwedeng maging gwapo tulad ko," pang-aasar niya pa. Napasentido ko dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Papuntahin mo dito ang isa sa mga pilot mo, sa rooftop ng company ko." Agad ko ng pinatay ang tawag dahil baka abutin kami ng siyam siyam kung pakikinggan ko lahat ng litanya niya sa buhay. Ilang sandali akong nakatanaw sa buong syudad na kitang kita dahil sa taas ng building ng kompanya ko ng makarinig ako ng ugong ng helicopter. Napangisi ako. Hindi ako matitiis ng tibo na 'yon dahil isa ako sa may malaking investment sa airline niya at kapag hindi niya ako sinunod ipopull out ko 'yon para mawala ang mahal niyang paliparan. Mas lalong lumapad ang ngisi sa labi ko ng makitang siya ang nagpapalipad ng helicopter. Naglakad ako papalapit doon ng makalanding at mabilis na sumakay at nagsuot ng gear. Tumingin siya sa'kin at bahagyang sinapak ang braso ko. "Tangna, lakas ng dating natin tsong." "f**k you!" I raised my middle finger. "Hindi tayo talo pareho tayong may mani, tangna mo maghanap ka ng ibang ikakalantare," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumawa siya ng malakas. Napapailing nalang ako. "I'm not interested, asshole." "Hindi ako aso gago!" Hindi ko alam kong paano nakakaya ng isang tulad niya ang maghandle ng isang napakalaki at sikat na airline sa buong mundo kung sa paraan palang ng pananalita niya ay parang nasa kalye siya. But she's good in that field kaya minsam hindi rin dapat pagdudahan. "Bakit ka nga pala uuwi sa Isla niyo?" Nagsimula nang umangat ang helicopter. Panay ang daldal niya habang ang mga kamay niya ay parang may sariling isip na gumagalaw at ginagawa ang dapat para paandarin ang sinasakyan namin. "May problema sa farm at resort," simpleng tugon ko pero hindi mapigilan ang pag-init ng ulo ko sa isiping palpak na naman si Candros. "Nambababae na naman?" Tumango ako. "Kaya ayoko ng lalaki kasi mahilig sa mani kaurat," yamot niyang sagot. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin sa tanawin aa baba. Napakarami na pala talagang tao sa syudad, nagsisiksikan na ang mga bahay at iilan nalang ang mga punong makikita sa paligid. Ibang iba sa lugar na kinalakihan ko pero kailangan kong masanay dito para sa mga nasimulan ko at para may magandang kinabukasan ang mga kapatid ko. I maybe a heartless pero 'pag dating sa kapakanan ng mga kapatid ko ay ibinubuhos ko lahat maibigay ko lang ang mga gusto nila. Mga bagay na hindi nagawa noon ng mga magulang namin. Naikuyom ko ang mga kamao ko ng masagi sa isip ko ang mukha ng mga magulang namin. "Hoy, baka maging yelo 'yang salamin ng bintana," tatatawang puna ni Fardo pero hindi ako kumibo. Napansin niya sigurong wala ako sa mood kaya natigil din agad siya sa pambubuska niya. Wala akong makapang kahit na anong emosyon sa puso ko. Siguro meron pero purong galit lang iyon wala ng iba. My life is full of darkness. It's lifeless. Para akong nabubuhay lang dahil hindi ko pa pwedeng iwan ang mga kapatid ko hanggat hindi pa sila nalalagay sa tahimik. Medyo malayo ang Isla De Kastilyo sa kamaynilaan. Kung babyahe gamit ang sasakyang panlupa ay aabutin ng twenty two hours dahil kailangan rin sumakay sa fairy boat at tumawid ng karagatan pero kung helicopter ang gamit ay halos dalawang lang. Nakarating kami sa landing area ng hotel at nasa himapapawid pa kami ay tanaw ko na ang mga tauhan ko na nakahelira. Nasa unahan ng mga ito si Candros at Cathy, sa likod nila ay si Pulahan. "Maraming salamat ha?" sarkastikong sabi ni Fardo ng makababa ako. Tumango ako na ikinasimangot niya. "Putangina talaga nito hindi manlang nagpasalamat," asik niya. "I don't need to thank you kasi bayad ka at isa pa hindi ako marunong magpasalamat." Tuluyan na akong humakbang pababa. Sinalubong ako ni Cathy at agad na yumakap sa'kin habang kasunod niya sa likod niya si Candros na nakayuko at hindi makatingin sa'kin. Gumanti ako ng yakap kay Cathy at hinalikan siya sa noo pagkatapos ay si Candros naman ang hinarap ko. "Ate---" Umangat ang kamao ko at dumapo iyon sa panga niya. Natumba siya dahil sa lakas ng pagsuntok ko at dumugo ang labi niya. Matalim ang tinging ipinukol ko aa kanya. "Mag-uusap tayo." Lumakad ako papasok sa resort, yumuyukod lahat ng mga tauhang nakahelira na sumalubong sa'kin pero wala akong pinansin ni isa. Nagpupuyos ako sa galit kaya walang nagtatangkang kumausap sa'kin. Dumiretso ako sa opisina ko at pabalang na naupo sa swivel chair. Hindi man ako madalas dito ay may sarili pa rin akong opisina dahil bigla bigla nalang akong sumusulpot kapag may emergency tulad ngayon. Papikit na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Pulahan, may dala siyang mga folder. "Naks lakas makamanny pakman," natatawang sabi niya. "Tarantado," asik ko pero umangit rin ang sulok ng labi ko. "Yan nga pala ang mga kailangan ng resort na hindi natugunan sa mga nakaraang buwan tapos ang mga kaganapan dito sa mga panahong wala ka," aniya sabay lapag ng folder. "Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin na may problema dito?" inis na tanong ko sabay padarang na binuklat ang nauunang folder. "Gago! Paano kita matatawagan ni number mo ayaw mo ibigay sa'kin nakakatouch ang pagiging magkaibigan natin." "Hindi kita kaibigan," maagap kong sagot. "Pakyo sagad sa core! Hindi kaibigan pero alam ko lahat ng tungkol sa'yo pati bilang ng bulbol mo." Tumawa siya ng tumawa. Inis na hinubad ko ang suot kong sapatos at ibinato sa kanya. Napangisi ako ng tumama 'yon sakto sa bunganga niyang nakanganga. Napaubo ubo siya at sinugod ako ng suntok. Nagsuntukan kami at natawa ng sabay kaming bumagsak sa semento. Gago talaga ang isang 'to. ***** "YOU ARE grounded! No cellphone. No night out. No allowance. No car. Hindi ka gagalaw ng kahit na anong bagay na nasa paligid mo. Hindi ka pwedeng lumabas sa mansyon," parang kulog na dumagundong ang galit kong boses sa loob ng opisina ko habang nasa harap ko si Candros. Ilang sandali noong sumunod sila dito ni Cathy kay Pulahan at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Nagpupuyos ako sa galit dahil sa katigasan ng ulo niya. "B-But, Ate---" "Kung gusto mong magkapera at matustusan lahat ng pangangailangan mo magtrabaho ka sa farm o dito sa resort. You choose Candros." Masamang masama ang tingin ko sa kanya habang nakayuko siya habang ang dalawa pa naming kasama ay gan'on din. Si Cathy at Pulahan. "Sinasagad mo ang pasensya ko kaya magmatigasan tayo ngayon," asik ko pa. Tumayo ako at humarap kay Pulahan. "Bukas na bukas ipunin mo lahat ng tauhan at sisimulan kong ayusin ang kapalpakan ng tarantadong ito." "Okay. Uuwi ba muna kayo sa mansyon? Ipapahanda ko ang kotse," ani Pulahan. "Go on." Nang makalabas siya ay hinarap kong muli ang mga kapatid ko. "Uuwi tayo ngayon, lets go." Agad naman silang sumunod. "Ate wala ka manlang bang pasalubong sa'kin?" malungkot na tanong sa'kin ni Cathy. Magkakasabay kaming naglalakad at pinagtitinginan ng mga tao dito sa resort. Kahit papaano ay nawawala lahat ng stress ko sa trabaho dahil kasama ko ngayon ang mga kapatid ko. Inakbayan ko si Cathy at nakangiting ginulo ang buhok niya. "Don't worry, Ate, will give you money para makabili ka ng gusto mo." "Yehey! Thank you ate. I love you so much." Tuwang tuwa siyang humalik sa pisngi ko. Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko at nakita kong si Candros iyon. "Ate, sorry na, hindi ko naman sinasadya talagang hindi ko lang alam kung paano mamalakad dito si Ate Pulahan lang ang pinapabantay ko," tugon niya. Nakayakap silang dalawa pareho sa bewang ko at kahit simpleng bagay lang iyon ay kusang gumagaan ang pakiramdam ko dahil nasa tabi ko sila. "Kahit anong sabihin mo grounded ka pa rin. Kailangan mong matuto sa lahat ng pagkakamali na nagawa mo," seryosong tugon ko at tinapik ang balikat niya. "Pero, Ate, bigyan mo rin ako ng pera wala ka ring pasalubong sa'kin, ang unfair naman kung si Cathy lang," ungot niya pa. "Eww, Kuya, so gross ka ang laki mong tao pero umungot ka na prang girl. Mas matanda ka pa sa'kin pero kung mag-isip ka parang si budoy," natatawang singit ni Cathy. Sinamaan siya ng tingin ni Candros. Hinila nito ang buhok ng kapatid namin. "Ang epal mo talaga kahit kailan." "Candros, wag mong sinasaktan ang kapatid mo," saway ko. "Ako nga ate sinuntok mo para akong nakakita ng stars kasi naalog ang ulo ko," reklamo niya. "Iyon ang nababagay sa mga tarantadong katulad mo," nakangising tugon ko. Hanggang sa makarating kami sa labas ng resort ay panay ang bangayan ng dalawa at nakayakap pa rin sila sa'kin. Nakita ko ang Pagani Huayra kong sasakyan na iniwan sa mansyon. Kulay gray iyon at isa sa pinakaiingatan kong car collection. Nakangiting lumabas doon si Pulahan at ihinagis sa'kin ang susi. "Namiss ka ng alaga mo." "Ang dukha talaga nito pasimple pa siyang ipapakuha gusto lang naman gamitin," nakangising tugon ko habang papasakay sa driver seat samantalang ang mga kapatid ko ay sa back seat. "Gago ka buti nga kinuha ko at syaka hindi ako dukha naambunan ako ng pagyaman mo. Pakyo!" Inis niyang binuksan ang passenger seat at naupo roon. "Whatever!" "Kaya wala kang jowa kasi dyan sa kasungitan mo." "Jowa? What is it?" takang tanong ko. Nagkatinginan sila ng mga kapatid ko at sabay sabay na nagtawanan habang ako ay salubong ang mga kilay na pinaandar ang sasakyan. "Saang lupalop ka ba nagtago Andrie? Jowa means kasintahan, kadugdugan, karomansahan at mapakyohan." "Tsk. Girlfriend?" patanong iyon. "Ate bakit girlfriend di ba dapat boyfriend kasi babae ka?" takang tugon ni Cathy. "Girlalu 'yang ate mo sa pisikal pero mani rin ang hanap niyan." "Yang mga salita mo parang bakla," puna ko. Pulahan is Red Manansa, kasama ko na siya since the day I was born at magkasama kami in ups and downs of our lives. She's a boyish or lesbian like me, well I can say that I am a lesbian becuase never in my entire life that I am become attracted to a guy pero hindi rin naman ako attracted sa mga babae. Hindi ko alam kung anong tawag sa'kin. "Tangna mo ginawa mo pa akong bakla lalaki 'to." Nang makalabas kami sa premises ng resort ay tinahak na namin ang gitnang parte ng Isla kung saan matatagpuan ang mismong bayan. Nasa bukana ng Isla ang resort at nasa gilid iyon ng malawak na karagatan. Maraming mga punong kahoy kaming nadadaanan at lahat ng mga tao ay napapasunod ang tingin sa sasakyan namin. Nang makadaan kami sa rice field ay lahat huminto sa ginagawa at yuko sa'min samantalang ako ay tuloy sa pagmamaniho papalapit sa lupain ng mansyon. "Wag kang dumaan sa main entrance maraming tao doon dahil nagwewelga sa pasahod at patanim," pagkuay sabi ni Pulahan. Napatingin ako sa gawi ni Candros na agad namang nag-iwas ng tingin. Napapailing ako at sa mismong entrance ko kinabig ang monobela. "Hindi matatapos ito kong hindi haharapin," tugon ko. Medyo may kalayuan pa kami pero tanaw ko na ang mga taong nagkukumpulan sa malaking tarangkahan ng mansiyon. Malayo ang mismong bahay mula sa tarangkahan kaya alam kong hindi sila magtatangkang pumasok. "Nandito na sila! Nandito na sila!" sigaw ng isang matanda. Aligaga naman ang mga guard na nasa tarangkahan dahil sa dami ng tao. Lumapit sa'kin si Mang Danyo na siyang pinagkatiwalaan ko sa seguridad dito habang wala ako. "Boss hindi po kayo makakadaan dito dahil hinaharangan nila ang entrance," kabadong tugon nito ng makitang ako ang nagbukas ng salamin ng sasakyan sa passenger seat. Tumango lamang ako at seninyasan si Pulahan na bumaba gan'on rin ang ginawa ko. "Wag kayong bababa," utos ko sa mga kapatid ko. "Yes, ate," sabay nilang sagot. Gamit ang seryosong mukha ay humarap ako sa mga tao. Nanlaki ang mga mata nila at napaatras ng makita ako. Siguro'y hindi nila inaasahan ang pagdating ko. Naglakad ako papalapit sa kanila pero para silang mga tupang nagsiiwas sa tingin ko. Dahil sa paggigitgitan nila na makalayo sa'kin ay may natumbang isang lalaki. "Aray ko po," daing nito at bumagsak sa putikan na nasa harapan ko nauna ang mukha. Tumalsik ang putik na iyon sa sapatos ko. "Mga tarantado bakit niya tinulak ang kapatid ko!" sigaw ng isang babae at nagkukumahog na tulungan ang kapatid niyang makabangon. Hindi ko binigyang atensyon ang nagaganap sa harapan ko kahit na gusto kong sapakin ang lalaking dahilan kung bakit nadumihan ang sapatos ko. Ipinalibot ko ang tingin sa mga taong nasa harapan ko, walang sumalubong sa'kin ng tingin dahil lahat nalayuko. "Sino ang presidente ng mga magsasaka?" tanong ko. Bawat kategorya ng trabaho dito aa Isla De Kastilyo ay may kanya kanyang presidente para magsilbing tagapagsalita ng mga grupo nila dahil hindi agad maaccomodate kung lahat sila dudulog sa'kin kapag may problema. Walang sumagot hanggang sa lumapit sa'kin si Pulahan at bumulong. "Yong lalaking nasubsob sa putik ay si Tadeo Merandela, siya ang presidente sa pagsasaka at humahawak ng rice field at pataba sa mga pananim." Agad namang nabaling ang tingin ko sa tinutukoy niyang lalaki. Pinupunasan ng kapatid nito ang putikan niyang mukha. Para siyang naiiyak na hindi maintindihan. Hinagod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa, nakasuot ito ng puting kamesa de chino na kulay putik na ngayon, itim na pantalon na nirilyo hanggang gitna ng binte, walang saplot sa paa tulad ng iba at may suot na sombrerong bori. Mataas siya at malaki ang katawan pero mukhang lampa. Natigilan ito ng mapatingin sa'kin at tila napaso na nag-iwas dahil nagsalubong ang tingin namin. "Tinatanong ko kung sino ang presidente niyo rito," pag-uulit ko pero ngayon may diin na ang bawat bigkas ko. Napatingin sa lalaki ang lahat samantalang ito ay nanginginig na itinaas ang kamay. "A-Ako p-po, Boss," kanda utal utal na sagot niya. "Magpalit kayo ng presidente niyo ngayon din. Hindi nakapagtatakang nandito kayo ngayon dahil may mga reklamo kayo pero baka nasa presidente niyo ang pagkukulang kaya nagkakaproblema. Kailangan ko ng taong malakas ang loob para ipagtanggol ang grupo nya hindi 'yong nauutal sa simpleng tanong ko lang. Hindi nararapat na maging pinuno ng grupo ang mahina ang loob at walang kakayahang isigaw ang karapatan nila," tugon ko. Napasinghap ang lahat dahil doon at walang nakakibo maliban sa babaeng katapid ni Tadeo. "Aba'y mawalang galang na po dahil hindi naman po talaga kayo kagalang galang hindi naman makatarungan ang desisyon niyo. Bumase lang kayo sa pagkautal paano kung natatakot lang talaga siya dahil para kayong demonyo," asik ng babae. Nakasuot ito ng ball cap na patalikod, malaking t'shirt, at jersey short. "Allan, tama na. Hindi tama ang asal mo," saway ni Tadeo, kahit ang pananalita niya ay parang mga babaeng nasa panahon ni Rizal. "Hindi, hindi ako titigil dahil mali 'yong tatanggalan kanng trabaho dahil lang nautal ka. Aba'y demonyo lang ang kayang gumawa no'n." Imbes na maooffend ay ngumisi ako sa kanya. "What is your name?" bagkus ay tanong ko. Salubong ang kilay niya. "Allany Merandela." Tumango tango ako. "Ikaw ang papalit sa kapatid mo. Mas madada mas mabuti." Napasinghap sila at alam kong kating kati na silang magbulong bulungan pero pinipigil nila dahil nakaharap pa ako. "Hindi pwede 'yon dahil ako na ang presidente ng korporasyon sa palengke," angal niya. I like her attutide dahil palaban siya at walang kinakatakutan. "Then, magpalit kayo." "Hindi kaya ng kuya ko na magbuhat ng mga tunituniladang isda at mga gulay," sagot niya pa habang ang kapatid niya ay pilit siyang sinasaway. "Pwes, humanap kayo ng ibang papalit sa kanya." "Ang sama mo!" sigaw niya at kulang nalamg ay lumabas ang mga litid sa leeg. "I know." Ngumisi ako at namulsa. "Kapag nakahanap na kayo ng matatag na leader ay gumawa kayo ng presentation tungkol sa grupong kinabibilangan niyo at ang mga problema. I need it tomorrow para maayos ang lahat." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay muli akong bumalik sa sasakyan kasunod si Pulahan. Bumusina ako ng malakas at ilang ulit para tumabi sila. Masamang masama ang tingin sa'kin ni Allany habang ang kapatid niya ay mahinhin na pinipigilan siya. Napapailing ako. Ibang iba na talaga ngayon ang panahon, lalaki na ang kilos babae at ang mga babae na ang kilod lalaki. Sa panahon ngayon hindi na masasabing hindi kayang gawin ng mga lalaki ang gawain ng mga babae. Mabilis namang binuksan ni Mang Danyo ang tarangkahan. "Alam mo, Ate, magaling pong trabahador si Kuya Tadeo, magaling siyang gumamit ng mga feltilizer at gumawa. Graduate po siya ng Agriculture at matalino po siya 'yin nga lang ay medyo mahiyain kaya nauutal," imporma sa'kin ni Cathy. "Tama, Ate, palaging maganda ang ani ng mga prutas, gulay at palay dahil sa mga organic feltilizer na gawa niya," dagdag ni Candros. "At nasaan ang mga perang nakukuha sa magagandang ani?" sarkastiko kong tanong. Napangiwi siya at napasimangot dahil alam niyang winaldas niya kaya hindi umabot sa'kin. "Kahit gaano kagaling ang isang tao o katalino walang saysay 'yon kung walang kumpyansa sa sarili at walang diskarte. As they say, talo ng madiskarte ang taong matalino." Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng mismong mansyon. Napangiti ako kahit papa'no dahil at home na at home ako ng makapasok sa loob. Walang pinagbago ang lahat simula ng umalis ako. Ang masyon na ito ay pinaghalong Spaniard and modern design. "Magandang hapon po, Boss," bati ng mga katulong na sumalubong sa'min. Wala akong mga dalang gamit kaya wala silang ginawa kundi ang sumunod sa bawat hakbang ko at maghintay ng utos. "Maghanda kayo ng hapunan," utos ko at nagsimula akong umakyat sa grand stair na papunta sa second floor kung nasaan ang silid ko. "Ate sa labas lang ako mangangabayo, ha?" paalam ni Cathy. "Wag kang lalabas sa premises ng tarangkahan at mag-iingat ka," sagot ko ng walang lingon. "Ate ako---" Pinutol ko agad ang sasabihin ni Candros. "Tumulong ka sa paghahanda ng hapunan." "Ate naman," angal niya. "Sunod ka kung ayaw mong pat pag-aaral mo patigilin kita." "Opo," walang magawang sagot niya. Tuluyan akong nagtungo sa silid ko at tumanaw sa veranda para makita ang kabubuan ng lupaing naipundar ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD