CHAPTER 8

1124 Words
Chapter 8 The past "UMALIS ka na at hindi ka welcome dito sa isla ko," dagdag na sabi pa nito sa kanya. Wala ng mas sasakit pa sa sinabi ng kanyang asawa kundi ang pagtabuyan siya nito. Naubos na rin ang pasensiya niya. Sagad na sagad na at tila roon lang siya nagising. Nagising sa kahibangan niya. Nasayang ang effort niya, nasayang ang pagpunta niya sa isla at nasaktan lang siya. "Diyan ka magaling, eh. Diyan ka magaling. Ang pagtabuyan lang ako sa buhay mo. Ang pagtabuyan mo lang ako ng walang sapat na rason kung bakit ka galit na galit sa akin," aniya at ramdam ni Elysian ang panunubig ng mga mata niya ngunit sinabayan pa niya ito ng mapaklang tawa. "Do I need to explain my reason to you? It is a divorce papers wasn't enough for you to explain why do I hate you?" he asked and she looked at her husband, confused. "That's. B-bakit...bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka nakikipag-divorce sa akin ng wala man lang sapat na rason! Isa sa mga katanungan ko ang pakikipaghiwalay mo sa akin! For Pete's sake, Jaydel. Tatlong buwan pa lang tayong kasal!" she burts out. "Shut up!" sigaw ng asawa niya sa kanya at tuluyan ng nahulog ang mga luha niya sa kanyang pisngi at dahil sa panghihina niya ay napadausdos na lang siya ng upo sa buhangin. "J-just tell me what you knew, Jaydel. Nakakapagod na ang ganito. Nakakapagod ka nang hanapin. Pakiusap...sabihin mo na sa akin ang dahilan mo. S-sabihin mo na sa akin ang dahilan kung bakit nakikipaghiwalay ka sa akin. Pagod na pagod na ako," naiiyak niyang wika at napayuko pa siya. Naguguluhan at hindi na makapag-isip pa ng matino si Jaydel. Para kasing may mali, para kasing may nangyayari na hindi niya alam. Ngunit wala siyang ibang ginawa kundi ang sabihin ang katotohanan kung bakit siya nawala two years ago. Two years ago... Tuwang-tuwa si Jaydel habang may hawak siyang punpon ng bulaklak upang ibigay ito sa kanyang asawa. Isusurpresa niya ito at balak niyang ayain itong lumabas. Third monthsary nila bilang mag-asawa at espesyal ang araw na ito sa kanilang dalawa. Kaya naman ay maaga siyang nag-off sa trabaho niya. And besides siya naman ang boss, kaya hindi 'yon naging problema sa kanya. Ala uno pa lang ng hapon at nakahanda na ang lahat. Nasa Paradise restaurant ang surpresa niya para sa asawa niya. Inukupahan pa niya ang buong restaurant, kaya silang dalawa lang ang nandoon. Ngiti-ngiti pa siyang i-pinark ang kotse niya sa gilid ng kalsada at tanaw na tanaw pa niya ang kanilang mansyon. Akmang bababa na siya mula sa kotse niya nang makita niyang may puting kotse na huminto sa kanang banda ng kalsada. Bumaba roon ang pamilyar na lalaki. Si Hajiwei Diverra. Ang kaibigan ng kanyang asawa, ang lalaking pinagselosan niya at hindi lingid sa kaalamanan niya ay may gusto ang lalaki kay Elysian. Kahit na pinagbantaan pa niya ito ay kusa pa ring lumalapit-lapit sa asawa niya. Nagtagis ang bagang niya at kumuyom ang kamao niya. Mula sa shut gun seat ay bumaba roon ang bihis na bihis na asawa niya matapos na pagbuksan ito ng pintuan. Halatang masayang-masaya ang kanyang asawa, sapagkat hindi mapuknat-puknat ang matamis na ngiti nito sa labi. Larawan ito ng kasiyahan. Kitang-kita pa niya na maingat na inalalayan ito ng lalaki. Na tila isang babasaging brilyantes ang kanyang asawa. Huminto pa ang mga ito at nag-uusap. How he wish that he can heard their conversation, but he can't. Nasa loob siya ng kotse niya at nasa ibang panig ito ng kalsada. One thing he found out, the man hugged his wife and Hajiwei caress his wife's tummy and then he kissed her forehead, too. Isa lang ang naisip no'n ni Jaydel. His wife is pregnant but she was cheating on him. He started the engine again and he maneuver his car off. He went to his friend and he files a divorce paper. After that, pumunta na siya sa Black Island at doon na nanatili sa loob ng dalawang taon. Napahinto si Elysian at tumingala pa siya upang makita ang hitsura ng asawa niya. Nakikita niya ang butil ng luha nito at nababasa sa guwapo nitong mukha ang sakit. Nasaktan niya ang lalaking mahal niya pero hindi niya iyon napansin. "That's why, I left you." "But at least kinausap mo ako. Hindi 'yong nag-jump into conclusion ka lang! M-mali, mali 'yong nakita mo," aniya at sinabayan pa ng pag-iling. Hindi siya makapaniwala na iyon lang pala ang dahilan nito kaya siya iniwan. Kaya pala ito nagalit sa kanya. "Larawan kayo ng kasiyahan. Ano'ng gusto mong gawin ko? Ang manood sa asawa ko na pinagtaksilan lang ako?! I was hurt that time and I hate you, too!" sigaw ni Jaydel at nakakuyom din ang mga kamao nito. "Oo, inaamin ko na larawan nga kami ng kasiyahan dahil buntis ako sa mga oras na 'yon!" "See?" natatawang sabi ni Jaydel. "Pero mali naman ang naisip mo eh! H-hindi naman si Hajiwei ang ama ng pinagbubuntis ko eh! Hindi siya! P-parang sinasabi mo na...wala kang tiwala sa akin, Jaydel." Ngayon, mas naguguluhan na si Jaydel. Two years ago... "We're here," nakangiting wika ni Hajiwei Diverra, ang kaibigan ni Elysian. Hinatid siya nito sa bahay nila ni Jaydel. Kababalik lang nito sa Franch at nakita lang siya nito sa clinic ng kapatid nito at nag-offer ngang ihatid siya. Gayong nalaman din nito na buntis na siya at two months na ang baby niya. Sa nalaman ni Elysian ay labis-labis ang kasiyahan niya. Dahil sa wakas ay magkakaanak na sila ni Jaydel. Bumukas ang pintuan sa gawi niya at inalalayan pa siya nitong makababa. Huminto pa sila at matamis na nginitian siya ng kaibigan. "I'm happy for the both of you, El. Ninong ako, ah?" nakangiting wika nito at hinimas-himas pa nito ang tiyan niya. Hindi naman siya nailang sa ginawa nito dahil close na close na sila ni Hajiwei. Parang nakababatang kapatid na rin ang turing nito sa kanya. "Salamat, Wei. Isusurpresa ko 'to sa asawa ko. Third monthsarry namin ngayon bilang mag-asawa at mamaya ay sasabihin ko na talaga sa kanya!" masayang bigkas niya at niyakap pa siya nito. "Such a lucky bastard," he uttured at napatawa pa siya. "Yeah." Pero pagkatapos no'n ay umalis na ang kaibigan niya. Naghintay siya sa kanilang bahay para hintayin si Jaydel. Lalo pa na nakatanggap siya ng mensahe mula sa asawa niya na kakain sila sa labas. Ngunit naghintay siya sa wala. Nakatulog siya ng walang laman ang sikmura at kinabukasan ay nakatanggap na siya ng envelope. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa at nawindang siya sa nakita. Nag-file ng divorce paper ang kanyang asawa. "Sana... sana kinausap mo man lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD