Epilogue
Elysian Dominggo-Carter's POV
Limang buwan na ang nakakaraan simula nang umalis ako mula sa Black Island. Oh well, bumalik naman ako sa islang iyon na hindi nalalaman ng asawa ko. Hindi dahil babalikan ko siya.
Kapal niya. Siya nga ang nagkasala sa akin tapos babalikan ko pa siya? Tss.
I heard from his staff na bumalik na nga siya sa Manila. Nakibalita lang ako from his mom kung ano na ba ang ginagawa roon ni Jaydel.
And my mother-in-law said, pinapahanap daw ako ni Jaydel. 'Yong mga ginawa ko noon sa kanya ay siya naman ang gumagawa no'n para sa akin.
Ngayon, alam na niya ang pakiramdam na wala ako. Mararamdaman na niya ang sakit na noon tinitiis ko. Mararamdaman na niya kung paano ka halos ma-baliw sa kakahanap sa isang tao.
My husband deserves that, anyway.
Hindi rin nakaligtaan sa aking kaalaman na masayang-masaya na ang anak namin na finally nakita na niya ang daddy niya.
Gusto ko mang makita ang reaksyon ng anak ko ay hindi pa puwede. Maghihintay lang ako sa oras na handa na ako. Na wala na akong nararamdaman na hinanakit sa dibdib.
Na muli akong magpapatawad at masasabi ko ngayon na handa na ako. Handa na akong tanggapin ulit siya sa buhay ko.
Ganoon naman talaga kung mahal mo ang isang tao. Handa kang magpatawad, kahit ano pang kasalanan ang nagawa sa 'yo ay kaya mong magpatawad.
Kasi mahal mo. Mahal na mahal mo. Tanggap mo ang kamalian niya. Tanggap mo na hindi siya perpekto. At hindi lahat ng tao ay hindi nagkakamali.
Lahat tayo ay nagkakamali sa isang bagay, pero kung hindi mo kayang magpatawad ay hindi ka naman sasaya.
***
Pumasok ako sa loob ng mansion namin. Yes, umuwi na ako sa amin. To fix our relationship, alam ko naman na nagsisisi na si Jaydel. Dahil kung hindi ay hindi niya ako hahanapin.
"What do you want to eat, baby? I'll cook f-- honey? Elysian!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Namimilog ang mga mata niya at napaawang pa ang mga labi. Buhat-buhat niya ang anak namin na ngayon ay parang inaantok pa.
Ang cute niya.
"Oh, God! Is t-that you, h-honey?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at hindi man lang kumurap. Na tila ba kung gagawin niya ay mawawala ako bigla.
Isang malapad na ngiti ang iginawad ko sa kanya at binitawan ko ang maleta ko saka ko itinaas ang dalawang braso ko. Open arms.
"I'm home..." nakangiting sabi ko at nakita ko pa ang pagtulo ng mga luha niya, malalaki ang mga hakbang na nilapitan ako saka ako mahigpit na niyakap.
Yakap na may pagmamahal. Ramdam na ramdam ko na na-missed niya nga ako.
"Dad--mommy!" masayang bigkas ni Sheyjane nang makita ako at yumakap din sa akin. Tuwang-tuwa siya.
Naramdaman ko naman ang paghalik sa akin ni Jaydel sa noo ko at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Na tila ba ayaw na niya akong bitawan.
Isang saglit pa ay narinig ko na ang paghikbi niya na ikinagulat ko.
"Jaydel?" nag-aalalang sambit ko sa pangalan niya.
"I'm s-so s-sorry, h-honey. I'm s-dorry," hinging paumanhin niya sa akin at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang pamamasa no'n dahil sa mga luha niya.
Yumugyog din ang magkabilang balikat niya pero mahigpit pa rin ang pagkaka-karga niya sa anak namin. Ang isang kamay ni Sheyjane ay nasa ulo ng daddy niya at kunot-noong tiningnan niya ito.
Hinagod ko ang likod ng asawa ko at maski ako ay nahahawa na rin sa pag-iyak niya. I can feel his pain too.
"K-kung s-saan-saan k-kita h-hinanap, h-honey... I'm s-so s-sorry, I'm sorry..." Basag ang mga boses niya nang sambitin niya iyon.
"Sssh...tahan na nga. Ayos na 'yon pinapatawad na kita. Wala na 'yon," pang-aalo ko sa kanya pero pumiyok naman ang boses ko.
Hinalikan ko ang pisngi niya pero hindi pa rin siya tumatahan. Mas lumalakas lang ang pag-iyak niya.
Napangiti ako nang makita ang reaction ni Sheyjane. Nangingilid na rin ang mga luha nito at marahan na hinahaplos niya rin ang buhok ng daddy niya.
"Don't l-leave m-me again, -please. P-Para a-akong pinapatay n-nang h-hindi kita mahanap. N-Ngayon alam ko na ang n-nararamdaman mo n-noong a-ako naman ang nawala... I'm sorry, Elysian... P-Patawarin m-mo ako, h-hon... Patawad..."
"W-Wala na nga 'yon, eh. Napatawad na kita..." pang-aalo ko sa kanya at hinalik-halikan ko ang pisngi niya at pati ang tuktok ng ulo niya.
Matangkad ang asawa ko at hanggang leeg niya lang ako pero dahil nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko ay nagagawa kong halikan ang pisngi niya.
Mukha siyang bata na naligaw sa isang malaking mall at hinahanap ang nanay niya.
"Tahan na, daddy ko..." malambing na sambit din ni Sheyjane kaya hinalikan ko rin siya sa pisngi niya.
Umayos na sa pagkakatayo si Jaydel at hinalikan ako sa labi at maging ang anak namin ay hinalikan niya rin sa noo.
"I love you," sabi nito kay Sheyjane. Hinaplos lang ng anak ko ang pisngi ng daddy niya.
"I love you, honey. I love you, so much." Saka ako naman ang binalingan nito at dumausdos ang mga luha sa aking pisngi.
Dalawang taon kaming nawalay sa isa't-isa at heto pa rin siya. Mahal pa rin niya ako. Minahal pa rin niya ako kahit nagalit siya noon sa akin.
Mahal pa rin niya ako...
"I love you, Elysian... Sinayang ko man ang taon na 'yon... N-Nagalit ako dahil sa maling akala ay i-ikaw pa rin... Ikaw pa rin ang mahal ko... Mahal na mahal ko pa rin ang asawa ko..." Napakagat ako sa labi ko dahil sa mga katagang narinig ko mula sa kanya.
Pulang-pula ang mga mata niya at patuloy rin sa pagtulo ang masagana niyang luha.
I planted a kissed on his lips. "I love you, too. I still love you, Jayden. I-Ikaw pa rin naman ang tinitibok nito."
***
"Bumalik ako sa isla mo. Doon ako nagpunta," sagot ko nang tinanong niya ako kung saan daw ako nagtago.
Hindi naman ako nagtago, ano? Gusto ko lang ipahinga ang nararamdaman ko. Gusto ko lang ng piece of mind. Saka feeling ko ay naubos ako... Kaya kinailangan ko ang space.
"Isla natin, sa atin 'yon. You're my wife, kaya kung ano ang pag-aari ko ay sa 'yo na rin, hon. Isla natin 'yon ng anak natin," pagtatama niya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.
Bumilis ang t***k ng puso ko at nararamdaman ko pa rin ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Ang lakas pa rin ng impact niya sa akin.
"Oo na po," nakangiting sabi ko. Kumakain na kami ngayon ng breakfast namin at kandong niya ang anak namin. Ako naman ang nagpapakain. At sinusubuan naman ako ng asawa ko.
Buo na kami ulit... Masaya na kami. Kaya sana hindi na kami paghihiwalayin pa ng tadhana. Hindi ko na kakayanin.
"Pangako, hindi ko na gagawin 'yon. May tiwala na ako sa 'yo. H-Hindi ko na pagdududahan ang pagmamahal mo sa akin. At habang-buhay ko iyon pagsisisihan. Salamat at bumalik ka ulit sa akin, Elysian," emotional na sabi niya.
May part 2 yata ang iyakan namin. Ngumiti ako.
"Pinapatawad na kita. Walang perpekto sa mundo kaya normal ang magkamali, Jaydel. At kahit na ilang beses kang hihingi nang tawad sa akin ay paulit-ulit pa rin kitang patatawarin. Ikaw pa rin ang babalikan ko. Ikaw ang asawa ko. Ang mahalaga...kompleto na tayo ngayon. Nandiyan ka na, kasama ka na namin ni Sheyjane."
"I love the both of you. I promise, na habang-buhay ko kayong mamahalin."
"And I will never be a runaway husband again... I will stay, no matter what..."
THE END...