chapter 15 congrats

2119 Words
Montessa's POV Pagkagising ko kinabukasan ay mabigat pa rin ang pakiramdam ko. alas dyes na pala, ngayon lang kasi ako nakapag pahinga ng mahaba buti nalang walang pasok sa School pati sa work ko dahil sa friday pa ang Gig ko. Kahit inaantok pa ako ay bumangon na ako at pumunta ng banyo para sa morning routine ko. pagkatapos ay nagsuklay lang ako at lumabas ng kwarto. pagkababa ng hagdanan ay nakita ko ang dalawa kong kapatid na busy sa pagkain nila na cupcake. kinain nila ang dala nila kagabi na take out. nang makita nila ako ay binati ako. kumuha nalang ng isang cupcake at pumunta na ng kusina. naabutan ko si nanay na nagluluto ng ulam "Goodmorning nay" "Goodmorning nak, maupo kana dyan at alam kong gutom kana." sabi ni nanay at kumuha ng plato at mangkok para lagyan ng pagkain at inilapag sa haranapan ko. "wow sinigang na baboy sa gabi, mukhang masarap ah at hmm nakakagutom ang amoy" sabi ko at takam na takam ako na nskatingin sa pagkain. favorit ko kasi ang sinigang sa gabi dahil match ang asim at lapot ng sabaw dahil sa gabi at pure na sampalok ang ginamit. ayaw kasi ni nanay gumamit ng powdered mix. "yan talaga ang niluto ko dahil alam kong favorit mo yan, maaga akong nagpunta sa palengke kanina may natira pa kasi sa binigay mo sa akin. nakita nga ako ni Vlad kanina doon kaya sinabay nya ako pauwi" nagulat ako sa sinabi ni nanay mayaman at artista tapos nagpunta ng palengke eh masangsang ang amoy don? "talaga po? ang bait naman nya" "oo nga mukha naman syang mabait at magalang" napansin ko naman ang isang box na nakapatong sa lamesa. "nay ano po itong nasa box?" "ah oo nga pala pichi pichi yan, dumaan kasi sya kanina sa bilihan ng mga dessert tapos tinanong nya ako kung ano ang gusto mo kaya tinuro ko yan. favorit mo yan eh. hinatid nya ako kanina dito kaso sabi ko nga tulog kapa" sabi ni nanay kaya ikinagulat ko ito. nagpunta ang isang mayaman at artista na si Vlad dito sa bahay at binigyan pa nya ako ng pichi pichi ng ganito kaaga? naalala ko ang nangyari kagabi the way he care for me, kung paano nya ako tinulungan sa stage. bakit ang bait nya sa pamilya ko? at sa akin? "totoo nay? hinatid ka nya at binigay nya talaga to para sakin?" parang may kumikiliti sa tyan ko dahil hindi ako makapaniwala. favorit ko talaga to lalo na kung maraming cheese s ibabaw. "oo nga, eh anak parang iba ang kutob ko sa pinapkita nyang kabaitan sayo, kahit yong tatay mo nga nag usap kami kagabi. ang sabi nya parang may gusto sya sayo. naobserbahan kasi namin sa mga titig nya sayo, kong paano ka nya pagsilbihan at tulungan." sabi ni nanay at nakatitig sa akin kaya yumuko ako at pinagpatuloy ng kumain "nanay naman, over thinking po kayo, baka ganon lang talaga sya matulungin,na misinterpret nyo lang po at saka napakaimposible nay. mayaman at artista yon. sino ba naman ako para gustuhin nya eh mahirap lang tayo at nandito pa tayo sa probinsya" sabi ko at sumubo "at tsaka nay mga mayaman, seksi t magaganda ang nalilink na babae don eh kaya wala kong panama na don" dagdag ko pa at sumubo ulit "tatanungin kita anak, may gusto ka rin ba sa kanya?" nagulat ako sa tanong ni nanay kaya nabilaukan ako binigyn naman ako kaagad ng tubig "dahan dahan ka nga, ikaw talaga. tinanong ka lang kong gusto mo sya, nabilaukan kana agad" "nanay naman kasi nakakagulat yang tanong nyo, crush lang po, eh crush ng buong pilipinas ata yan bukod sa mayaman gwapo at artista pa" "crush lang ba talaga anak?" "oo nga po nay, ayoko mag expect na magugustuhan nya ang isang tulad ko, mabait at matulugin lang po talaga siguro sya" sabi ko "ang itinatanong ko kubg gusto mo sya?" "crush lang po nay" "hindi yan ang nakikita ko sa mga mata mo nak" "syempre nay hindi nyo po makikita sa mata ko yan, brown mata ko eh, mana sa ama ko," pag iiba ko sa usapan at pinapupungay ang mga mata ko "hindi yan ang pinupunto ko anak, ang sakin lang iba ang nakikita ko sa mga mata mo. alam kong gusto mo rin sya. kung paano kayo magtitigan kagabi. halos yata lahat nakapansin sa inyo" sabu ni nanay at tinititigan pa rin nya ako sa mata. yumuko nalang ako at sumubo ayaw kong makita ni nanay ang mata ko at naiilang ako. si nanay talga hindi ako makapagsinungaling. "sangol ka palang anak kilala na kita, alamnko kung kilan ka nagsasabi ng totoo at hindi, maganda ka anak at talented pa hindi malayong mangyari yon, ang sa amin lang ng tatay mo, natatakot kami sa hinaharap kong sakaling mgkatotoo nga na may gusto sya sayo" saad ni nanay na ikinatakot ko rin "alam kong kapag nangyari yon ay hindi na patatahimikin ang buhay natin dahil sikat sya." hinawakan ni nanay ang kamay ko " anak, hanggat maari iwasan mo nalang sya, para sayo ang inaalala namin, ayokong mapahamak ka bata ka pa at marami ka pang pangarap." madamdaming saad ni nanay "opo nay" kung totoo man ang sinabi nanay dapat ko lang syang iwasan dahil ang dating tahimik naming pamumuhay ay baka maging magulo na. mahirap mainvolve sa showbiz dahil wala ka ng privacy. "mas gusto ko pa si Clent, mabait ang batang yon" bigla kong naalala si clent dahil sa sinabi ni nanay hindi na nya ako chinachat tuwing umaga at bago matulog. nagtatampo pa siguro yon Pagkapasok ko ng gate ng University ay marami ng nagcongratulate sa akin na mga estudyante at professor. nagpasalamat naman ako at ngumiti. kahit sa room namim pagkapasok ko ay ganon din. Pagpunta ko naman ng Canteen nong nagbreaktime na kami ay kabado din ako baka ganon din ang magiging reaksyon nila. pero dahil gutom na ako kaya pumasok na ako. pagkabukas ko palang ng pinto ay sa akin na napako ang mga tingin nila at nagbubulungan. at sabay sabay silang nagcongrats sakin nginitian ko naman sila at nagpasalamat. umorder ako ng pagkain at pagkatapos ay naghanap ng mauupuan . nang makaupo na ako ay may kumalabit sakin na studyante "OMG girl, ang swerte mo nahalikan ka ni Vlad nakakakilig kayo, super" maarte nitong saad "oo nga girl, masarap ba syang humalik?" "mabango ba sya?" "malambot ba ang kamay?" nginitian ko lang sila ayokong sagutin ang mga tanong nila nakoconcious kasi ako. "alam mo girl, sabi ng tita ko na Manager ng Restaurant ni Vlad dinala daw kayo ng pamilya mo at friends mo doon at pinakain, tapos alam nyo ba girls. tumabi talaga sya kay Montessa at pinagsilbihan pa sya julang nalang si Vlad ang magsusubo OMG girl super nakakakilig talaga ang ksweetan nila" sabi nito na halos bumula n ang bibig. tsismosa talaga kay gandang babae. "really, oh my gosh sana all" "tapos alam mo sabi pa ni Tita panay lapit daw ng mukha ni Vlad at laging may binubulong sya kay Montessa tapos laging nakatitig sa kanya si Vlad" grrr hindi na nakakatuwa "syempre mayaman at sikat si Vlad, malay mo nga naman baka maambunan ng milyones ni Vlad, kaya nga dumidikit sya sa mga Montenegro lalo na kay Clent kasi mayaman, makakapagtrabaho ba sya sa Restobar ng mayaman nyang pinsan kung hindi dahil kay Clent?" napalingon ako sa nagsasalita ng makita ko si Stacey at ang ka grupo nya na nagtatawanan. nakataas ang kilay nito "magdahan dahan ka sa pananalita mo, hindi ako ganong klaseng tao" sabi ko na napatayo pa ako "hayaan mo lang yan beshy naiingit lang yan kasi hindi napapansin ang beauty nya kahit anong paganda nya at lagay ng make up hindi pa rin pumapatol si Vlad sa Giraffe na puro kolorete sa mukha," sabi ni Carla na biglang sumulpot sa tabi ko kasama si Vince. nagtawanan naman ang nasa pligid ko pero hindi kona pinansin pa sila. pinaupo naman nila ako para ipagpatuloy ng kumain. Nagulat naman ako nang makita ko si Clent sa kasunod na mesa na nakaupo lang, madilim ang mukha nito halatang galit ito. kanina pa ba sya dito? nilapitan ko ito at umupo sa tabi nito. "hi Clent," bati ko pero tiningnan lang nya ako sa mata at nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. "galit kaba sa akin? hindi moko pinapansin eh" sabi ko at ngumuso "im okay, Congrats pala" tumayo na ito "mauna na ako, excuse me" tuluyan na itong umalis "anong problema non" bulong ko. "hayaan mo lang sya nagseselos lang yon, alam mo namang masyadong protective yon sayo eh tapos pinsan pa nya ang pinagseselosan" ani ni vince "wala naman akong kasalanan ah hindi ko naman sinasadya yon," sabi ko at bumalik sa mesa namin para ipagpatuloy ang pagkain "hayaan mo lang beshy magiging ok din yon. nagpapalamig lang yon" sabi ni carla. Dumating ang Friday kaya kailangan ko na namang magbihis at pumasok sa work nakapagpahinga naman na ako dahil hangang 4 lang ang pasok ko. 6 ako aalis dahil magkocommute lang ako, hindi na ako mag eexpect na susunduin ako ni Clent dahil malamang nagtatampo pa yon. nagsuot lang ako ng fitted hanging blouse na white at highwaist na denim short at pinatungan ko naman ng Cardigan na gray. nagsuot lang ako ng sneakers na white. Pagkalabas ko ng bahay ay nag aabang na ako ng tricycle papuntang sakayan ng jeep. abala ako sa pagbababrowse ng phone ko ng may bumusina ng sasakyan. pagkatingin ko ay nagulat ako ng makita sya. bumaba ito at lumapit sakin pagkatapos ay humalik sa noo ko. "galit ka pa rin ba sakin?" nakanguso kong tanong. pinisil nito ang ilong ko "hindi ako galit, nagseselos lang ako pero alam ko namang wala akong karapatang magselos diba?" sabi nito at inakbayan ako "ikaw, talaga "at tinampal ang balikat nito "sorry kong hindi maganda ang pinapakita ko nitong nakaraan. hindi dapat ganon ang pinapakita ko. basta kong sino man ang gugustuhin mo kong saan ka masaya masaya na rin ako." sabi nito kaya tumulo ang luha ko "hey, dont cry. i dont want to see you crying."pinunasan nito ang luha ko "basta kung kailangan mo ako im always here for you. im just one call away." sabi nito at niyakap ako pgkatapos ay tiningnan ang mukha ko pinupunasan nya ulit ang luha ko "kainis ka kasi, pinapaiyak mo ko. akala mo naman nakikipagBoyfriend na ako. nag aaral pa ako no" sabi ko at tinulak sya "im sorry napaiyak kita, namumula na tuloy ang ilong mo pati mata mo na brown nagung red na" sabi nito at ngumiti pero malamlam ang mata nito halatang pinapagaan lang ang loob ko. "tara na my love, hatid na kita baka bumaha na ng luha dito tumutulo na nga sipon mo" biro nito kaya tinampal ko sya at pumasok sa loob ng sasakyan ng buksan nya ito. Marami pa kaming napag usapan ni Clent habang nasa byahe na kung ano ano lang Pagkarating namin sa Restobar ay binati ako ni Sir Alfred at Sir Jared nagpasalamat naman ako sa kanila at ngumiti at nagpaalam naman ako na pumunta sa backstage para makpgrehearse. "baby girl, pasensya kana talaga ha, sobrang sakit kasi ng tyan ko nong time na yon" sabi ni Miko sakin "ok lang po yon" sabi ko at ngumiti "ano ba kasi nakain mo at bakit sumakit ang tyan mo?" tanong ni kuya drake "wala naman akong matandaan na nakapagpasira ng tyan ko basta bigla nalang sumakit ang tyan ko nong pagkatapos kong uminon nong juice na binigay ni Michelle. nanghingi kasi ako ng maiinom sa kanya dahil nauuhaw na ako eh hindi naman ako makakababa" paliwanag ni Miko "mukhang nadali ka ni michelle bro" sabi ni kuya lester "oo nga bro, baka gusto nya sya ang manalo" sabi ni kuya Drake "hayaan nyo na po yun, mahirap mambibtang wala tayong ebidensya" sabi ko naman sa kaNila "tarantado yong babaeng yon. pagnalaman ko lang talaga pipilipitin ko leeg nya" sabi ni Miko at mfilim ang mukha "buti hindi sya nagtagumpay na manalo, thanks to Sir Vlad, iba talaga ang pinsan ni Sir." sabi nito "kainggit nga kayo baby girl sobrang sweet nya sayo. akalain mong marunong pa lang magpakasweet yon" sabi ni kuya Lester "at ang bait pa lagi tayong nililibre ng drinks gabi gabi." sabi naman ni Miko. really? gabi gabi sya nandito. ibig sabihin may posibilidad na dumalaw sya ngayon. "panay pa cute naman ng Michelle mo sa kanya hindi naman pinapansin" sabi ni Kuya Drake kay kuya miko ang dami pa naming napagkwentuhan sa likod kaya kunti lang ang n rehearse namin nagsesearch nalang kami sa youtube para sa ibang kanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD