Prologue

712 Words
Ang buhay ng tao hindi magiging kompleto kung walang pagsubok. ika nga nila, hindi pwedeng puro lang saya dahil ang trials ang syang nagpapatibay satin.. Ganun din sa larangan ng pag-ibig kailangan ng strong foundation para may happy ending. meron din namang tao na dinadaan nalang sa kanta ang nararamdamang sakit at hirap maging sa kasayahan na hindi kayang sabihin o ipahiwatig sa bawat isa. Montessa and Vlademier both love n singing. magkaiba ang antas ng kanilang pamumuhay ngunit pinagtagpo ng dahil sa pagkahilig nila sa pagkanta. Montessa Love Santillan galing sa mahirap na pamilya. 5 years old pa lang sya ay sumasali na sa singing contest kung saan saan. tubong cebu ang dalaga kaya naman likas na talaga siguro ang galing sa pagkanta. anak sya sa unang asawa ng ina nya. may dalawa syang kapatid sa ina na parehong nag aaral. bagamat mag kaiba sila ng ama ay makikita mo pa rin ang pagmamahalan bilang magkapatid. lalo na ang kanyang stepfather na itinuring na syang totoong anak lalo na at nag iisang prinsesa sa pamilya nila. Biniyayaan si Montessa ng angking ganda dahil sa may dugo syang brazilian. ganda na hindi nakakasawa, kinaiingitan ng mga kababaihan at kinababaliwan ng mga kalalakihan, mahinhin at tahimik pero puno ng talento kaya ginamit nya ito upang makatulong sa magulang at matustusan ang pag aaral. Sa kabila ng pagiging Campus crush ay hindi mo aakalain na NBSB pa sya. sa tangkad nyang 5'5 na balingkinitan pa ang pangangatawan idagdag pa ang mala anghel na boses na aakalain mong sikat na singer ay mabibighani ka. hindi lang din makailang beses sya sumali sa beauty contest at lagi ring nananalo . Sa mura nyang edad ay natuto na syang maghanapbuhay. sumasali rin sa beauty contest ngunit talagang hindi nya hilig ang ibalandra ang katawan although maraming humahanga sa kagandahan nya ng taglay hindi lang ang mga kaklase kundi pati na rin ang mga mayayamang angkan sa probinsya nila at mga politicians offered indecent proposal. Minsan na rin sumagi sa isip nya na tangapin ang mga offer ng mayayaman sa bayan nila kapag nangangailan sila ng pera pero ayaw nya dungisan ang pangalan nya. kahit mahirap lang sya ay may credibility pa rin sya na iniingatan at gusto nya pinaghirapan nya ang lahat ng bawat tagumpay ya sa buhay. hindi na nya mabibilang sa daliri ang pagsali sa mga patimpalak at isang beses pa lng syang natalo kaya naman hinahangaan sya sa kanilang lugar nila. pinakaayaaw nya ang mainvolve sa showbiz ang tahimik nyang buhay dahil alam nya na kung may may supporters, may haters, may bashers at ayaw nyang madamay ang tahimik na buhay ng pamilya nya. Vlad o Vladimier Montenegro ay isang gwapong hunk actor at sikat na singer, bilyonaryo at businessman na hinahangaan at tinitilian ng mga kababaihan. marami na ring nalilink na sikat na artista at modelo pero ni isa wala namang sineseryoso. pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. kilalang angkan ang mga Montenegro dahil sa pinakamayan at sikat na angkan hindi lang showbiz kundi pati sa business world. nagkakilala ang dalawa ng minsang maimbitahang maging judges si vlad sa patimpalak ng kanilang bayan dahil may fiesta at pa singing contest. ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga ay lihim na nya itong sinusubaybyan kung anong ganap ng dalaga o kung saan mang raket ito sasali at kahit ang pinsan na kababata ng dalaga ay kinaseselosan nya. stalker o obsessed man ang tawag sa kanya ay wala syang pakialam kahit sikat pa sya basta gusto lang nya palagi itong nakikita. kaya ginwa nya ang lahat at nag click ang tandem nila at mas inaabangan sa restobar na pinagtrabahuan nya. mas lalong dinadayo na ang bar at mas ikinatuwa naman ng may ari dahil lalong lumaki ang benta nila. hangang sa nagkamabutihan sila at masaya sila kung anong meron sila. na para kay Montessa ay abot kamay na nya ang crush at mahal nyang idolo. paano na ang pagmamahan nila? hanggang saan aabot ang tiwala at tibay na syang kinakapitan o pinanghahawakan nila sa isa't isa? paano ang pagsusumikap maipaglalaban lang ni Vlad si Montessa sa pamilya nya? sya na kaya ang matagal na nyang hinahanap? makakayanan nyo bang kumanta sa kasal ng iyong pinakamamahal at ipaubaya sa iba para sa kaligtasan ng pamilya mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD