Pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa cr upang maligo. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na ako at napangiti nalang habang inaalala ang magandang balita na naganap kahapon.
"Kia gising kanaba?" Tanong ni ate Linda sa labas ng kwarto ko.
"Opo ate susunod nalang po ako." Sagot ko alam konaman kasing tatawagin niya ako upang mag-almusal narinig konaman ang mga yabag niya na papaalis.
Pagkatapos kung mag-ayos ay kinuha ko ang aking cp upang itext si liam upang ibalita ang resulta ng exam ko kahapon.
Liam cuti;
['liam may maganda akong balita sayo!'] text ko sakanya habang hindi padin nawawala ang ngiti.
['oh mukha ngang maganda yan Hindi ka kasi muna nag good morning dahil sa pagka-excite']
['hehehhehe nakapasa ako sa exam and with perfect score pa kyaaa excited na ako pumasok sa dream school ko']siguro kong napupunit lang ang mukha dahil sa ngiti kanina pa punit itong aking mukha sa lapad ng ngiti ko.
['Wow sabi ko' nanga ba ikaw pa punta ako maya sa inyo ha?']
['Ngayun na punta tayo sa school gusto ko makahanap ng dorm malapit sa university para Hindi hassle ang layo kaya ng orphanage sa university natin mga 4 hours pa bago makarating doon kaya agahan mo para makahanap agad tayo okay? Bye'] huling text ko at lumabas na.
"Good morning nay, ate Linda"bati ko sakanila sabay lapit at hinalikan sila sa pisngi."Magpapaalam po sana ako sa inyo susunduin po ako ni liam aalis po kami." Pagpapaalam ko at umupo na upang kumain.
"Saan kayo pupunta iha?." Tanong ni nanay melody.
"Pupunta po kami sa university po maghahanap ng pwedeng matuluyan o dorm kumbaga."
"Matutuluyan?Sino ang naghahanap?."tanong ni ate Linda.
"Ako po, gusto ko pong manuluyan muna malapit sa university kasi po ang layo po ng orphanage at university hassle naman po sa oras apat na oras pa bago makarating doon at para din i-iipon konalang yung pang-pamasahe maghahanap din po ako ng mapagtratrabahoan." Sagot ko nakitaan ko naman sila ng lungkot sa mata. Bumuntong-hininga mona ako bago ipagpatuloy ang sasabihin ko.
"Wag po kayong mag-alala sa'kin at palagi naman po akong dadalaw dito kapag wala kaming pasok at pag hindi ako busy may kaunti naman po akong naipon para sa ipambabayad ko pag nakakita na kami ng pwedeng irent na dorm." Pagsisigurado ko sa'kanila.
"Oh sige nanga kahit na nalulungkot ako ngayun palang eh wala naman akong magagawa dahil para din yan sa ikabubuti ng pag-aaral mo."Pag-payag ni nanay melody sa'kin napangiti naman ako at dali-daling tumayo at niyakap si nanay. Pagkakalas ko sa yakap namin ni nanay melody ay tumingin naman ako kay ate linda hindi ito nakatingin sa amin at nakatungo lang alam kung nagtatampo ito sa'kin kaya yinakap ko siya.
"Magiging okay lang ako ate Linda bibisita naman po ako eh syempre mag-aaral ako ng mabuti para masuklian ang pagpapalaki niyo sa'kin."mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Oo na, oo na ikaw pa hindi kita kayang matiis eh alam kona'mang yun iyong dream school mo eh kaya support ako sayo, mag-aral ka ng mabuti ah?." Pag-payag ni ate Linda tumango naman ako at kumalas na saktong may kumatok baka si liam na ata. Pumunta ako sa pintuan at binuksan ang pintuan Hindi naman ako nagkamali at si liam nga.
"Good morning, kumain kana'ba?." Tanong ko agad sa kanya tumango naman siya at ngumiti.
"Nay, ate Linda andito napo si liam aalis napo kami." Pagpapaalam ko sa'kanila.
"Mag-ingat kayong dalawa." Sabay nilang sabi natawa naman kami ni liam tinanguan ko siya at umalis na kami.
"So what's your plan?" Tanong ni liam andito kami ngayun sa tapat ng school gate ng Harvard kakadating lang namin.
"Ahm maghanap tayo diyan sa tabi-tabi kung nagpaparent sila ng kwarto/dorm." Sabi ko at tumango naman siya.
"What about doon muna tayo magsimula?" Turo niya sa bahay na malapit lang sa school tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad.
"Ateng guard?" Tawag ko sa gwardya na nagbabasa ng garyo/jaryo (newspaper) napatingin naman ito agad samin at parang inobserbahan pa kami dahil sa tingin niyang 'head-to-toe-looking'.
"Sino kayo? hindi naman kayo student na tumutuloy dito ah."Nakataas kilay niyang tanong sa'min mukhang mataray at matapang si ate ah.
"Andito po'ba ang may-ari ng bahay na ito?" Tanong ni liam.
"Oo bakit?" Tanong ni ate guard.
"Gusto po kasi namin siyang makausap at magtanong kung mayroon pobang bakanteng kwarto na pwedeng maupahan ko'po." Sagot ko tumango naman ito at kinuha ang telepono at may tinawagan doon.
"Maghintay daw muna kayo dito palabas na daw siya."tumango naman kami at bumalik na siya sakanyang pwesto kanina at nagbasa nalang ulit.
"Sigurado kaba na magrerent kanalang ng room sinabi konaman sayo, I can help you pwede kang magstay sa mansion namin welcome kanaman namin doon nila dad and mom at magkakasabay tayo araw-araw ayaw mo nun?"pangungulit nanaman niya sa'kin kanina pa kasi niya iyan sinusuggest eh ayaw kolang tanggapin Hindi sa ayaw ko talaga na makasama sila gusto kolang kasi maging independent sapat na ang mga tulong na ginawa nila noon sakin sobra-sobra panga eh.
"You know the answer naman na ah I want to be an Independent girl gusto ko ako na mismo ng bumubuhay sa sarili ko ayaw kung palagi nalang akong umaasa sa iba at marami na kayong naitulong sakin sobra na iyon at laking pasasalamat ko lang sainyo at kung may problem man akong hindi ko kaya malagpasan hihingi ako ng tulong sa inyo okay?"Sabi ko natahimik naman siya at de nagtagal tumango at ngumiti Ito sakin at ginulo ang buhok ko napa-iwas tingin naman ako dahil palagay ko ang init init na ng pisngi ko.
"Sino ang naghahanap sa'kin diyan?" Tanong ng kalalabas palamang sa malaking gate na babae mukhang mid 40's na ito pero mukhang bata padin dahil mukhang strict at masungit.
"Ah sila po ma'am" sagot ng ateng guard sabay turo sa'min. Tumango naman ang owner ng bahay at naglakad papunta sa kinatatayuan namin.
"Anong kailangan niyo?" Tanong niya sa'min.
"Meron pa po'bang bakanteng kwarto na pwedeng pagrentahan?" Sagot ko.
"Oo meron isa nalang, Sino ba sa'inyo ang magrerent?" Tanong niya.
"Ako po." Sagot ko tumango naman ito.
"Ako nga pala si Laida pwede niyo akong tawaging ate Laida pasok muna kayo upang makita ang bahay." Pagpapakilala niya at inaya kaming pumasok. Malaki ang bahay nila at sa palagay ko hanggang 3rd floor ito.
"Mayroon ka'nga palang magiging roommate iha." Sabi niya.
"Kia nalang po ate siya naman po si liam." Pagpapakilala namin tumango naman si liam at ngumiti si ate Laida.
"Sino po ang magiging roommate ni kia is it a boy or a girl?"tanong ni liam tumawa naman bahagya si ate na ikinataka ko.
"Babae iho wag kang mag-alala hindi naman ako nagpaparent sa mga lalaki at nagpapapasok din dito except sayo kasi baka magwala ka kapag de mo kasama itong si kia." Natatawa niyang sagot tinignan ko naman si liam na nag-iwas ng tingin at parang namula pa ang pisngi na ikinataka ko'din para akong tanga dito na kanina pa nacucurious sa mga ikinikilos nila.