Shira’s POV Nanliliit na lang ang mga mata ko habang pinagmamasdan si Lolo na siyang inuutusan kami ni South na magtungo sa province kung nasaan ang kaibigan niyang congressman. Hindi ko maiwasang tignan lang ito hanggang sa tinignan niya na ako. “Ano, Hija?” tanong niya at napanguso pa nang lingunin ako. “Ayos lang naman kung ayaw mo. Alam ko namang magpapahinga ka dapat ngayon at ito ako na inuutusan ka. Pasensiya ka na, wala kasi talagang maghahatid ngayon, ayos lang kung ayaw mo. Ayos lang naman kahit na hinihintay pa ‘yan ni Congressman,” sabi niya at ngumiti pa sa akin. Hindi ko maiwasang mapailing na lang. Wala naman kasi talaga sa akin kung ihahatid ang mga ito kaya lang ay nagpapalusot pa si Lolo na kesyo wala raw talagang maghahatid dahil busy daw lahat ng tauhan niya. Su

