Shira’s POV
“Nagpapasalamat talaga ako at siya ang nauna sa marathon ng sperm cells ng tatay niya," hindi ko maiwasang sambitin habang pinagpapantasiyahan si South Arceo na dumaan sa harap namin. Napatawa naman si Ley at Rest dahil sa sinabi ko.
"Hoy, masiyado na iyang matanda para sa iyo," natatawang saad sa akin ni Ley.
"Tatlong taon lang!" sambit ko na sinundan pa ng tingin si South.
“Apat kaya,” sabi naman ni Rest na talagang binilang pa ang edad sa pagitan namin.
“Boba, just 5 months and mag-18 na ako,” sabi ko at inirapan siya.
“At least, four pa rin,” sabi ni Rest at umirap pa. Nagwagwapuhan lang naman ako. Marami rin kayang fafa rito sa school. Isa lang siya roon.
"Bakit hindi na lang si Dino ang patulan mo?” turan ni Ley na halatang inaasar lang ako. Napangiwi naman ako sa sinabi nito.
"Like papatusin ko naman ‘yon! So ngetpa kaya, tapos napakaisipbata pa," saad ko at inirapan siya. Natawa naman ito dahil alam niya ang nga tipo ko. Junior high pa lang kasi ‘yon at mas matanda pa ako ng isang taon.
“Mabentang-mabenta sa mga mas bata, ha?” natatawang saad ni Ley kaya agad ko siyang inirapan.
“Baby face kasi ako,” sabi ko at tinawanan ang mga mukha nilang nakangiwi sa akin ngayon.
"Ang mga tipo ko ay ang tipo nina Tino!" sabi ko at napatingin sa mga college students na siyang nadaanan namin. Natatawa namang napailing sa akin sina Rest at Ley. Napatingin tuloy sa akin ang mga tinuro ko. Agad nagsikuhan ang mga ‘to.
“Parang nakakita ng diyosa,” natatawa kong saad kina Rest.
“Like eww naman, Dolo. You should be shy naman kahit slight lang,” sabi ni Rest kaya inirapan ko siya habang natatawa.
Napatingin din tuloy sa akin si South na siyang kanina'y nakikipagtawanan sa kaniyang mga kaibigan. Nakita ko ang pagkunot niya ng noo nang mapatingin sa akin. Well, I don’t really know kung sa akin ba. Napatingin din tuloy sa akin ang mga kaibigan nitong sina Mich. Kumaway pa ako sa kanila at malapad na ngumiti. Binalik lang nila sa akin ang ngiti kong ‘yon. Halos lahat sila’y nakangiti, maliban lang kay South na iniba na ang direksiyon ng tingin.
“Taralets na, Sismars. I just want to tsibog na,” sabi ko sa kanila.
“True, lafang na lafang na rin ako kanina pa,” saad naman ni Ley sa amin. We normally eat at the cafeteria habang si Ley naman ay doon din. May sarili nga lang baunan para mas makatipid. Ang sabi niya’y masiyado raw kasing mahal ang mga pagkain sa cafeteria.
Nang makarating kami sa loob ay ito na naman ang tingin ng mga tao.
“Ngayon lang ba sila nakakita ng pretty?” natatawang tanong ni Rest kaya natawa kami ni Ley sa kaniya. Pumwesto lang naman kami sa madalas naming upuan. Not minding all the eyes that were looking at our way.
We just really don’t care on what people says about us. Basta kami, wala kaming tinatapakang tao. Alam naming maraming nasasabi ang mga ito, pero wala kaming pakialam.
“Shira, can I have your number?” tanong ng isang lalaki. Siguro’y mga first year college ito dahil hindi pamilyar ang mukha.
“Hala! E 'di alaws na akong numero?” tanong ko kaya natawa si Rest at nailing na lang si Ley habang nakatingin sa akin.
"I don't usually give numbers pero kung gusto mo talaga, sige. Hindi nga lang akin," ani ko na nilingon pa ang dalawang kasamang tahimik na kumakain. Agad nila akong sinamaan ng tingin kaya lang ay tumawa lang ako. Sila na mismo ang nagpaalis sa takot na kailanganin na naman magpalit ng numero.
Napatingin pa ako sa may harapan nang makita kong nakapuwesto na roon ang grupo nina South. Nakangisi naman akong tumitig sa kaniya, tutal ay hindi naman ako nito binabalingan ng tingin.
"Ibibigay mo pa, ah," anila na sinubukan lumapit para guluhin ang buhok ko. Sinamaan ko sila ng tingin habang masama na ang loob habang nakatingin sa kawalan.
Kumalma na rin naman kami pagkatapos niyon at nagkukwentuhan na lang habang kumakain.
“Why so sarap ng luto ni Tita?” tanong ni Rest na mas naubos pa ang pagkain na dala ni Ley.
“You should lipat na lang kaya sa amin, Ley,” sabi ni Rest kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Lagi kasi nitong pinapalipat si Tita sa bahay nila at doon na lang daw magtrabaho. Hindi puwede.
“Crush n'yo talaga ako, 'no? Kaya pala hindi kayo nagkakadyowa,” natatawang saad ni Ley na siyang tapos nang kumain.
Kung magkakanobyo si Ley, hindi na lugi ang magiging nobyo niya, maganda naman kasi at madiskarte sa buhay. Number 1 rule na sinet niya sa mga manliligaw ay dapat mayaman. If you don’t have datung, don’t make ligaw raw.
“You’re so kapal, as if I’ll like you, 'no? Pretty ka lang but hindi us talo,” natatawang saad ni Rest kaya agad siyang hinagisan ng tissue ni Ley. Napangiwi na lang ako sa kanilang dalawa at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ang dami-daming in-order, hindi naman pala uubusin.
“Hindi ka pa rin tapos, Dolo?” tanong ni Ley.
“Sayang,” sabi ko naman na inirapan sila. Nagkibit na lang ng balikat ang dalawa at nagpatuloy sa pagkukwentuhan habang nanatili naman akong abala sa pagkain.
“Hi, Shi!” bati sa akin nang isang kaibigan mula sa ibang section. Si Denver.
“Hey!” bati ko pabalik at binalik din agad ang tingin sa pagkain.
“Baka gusto ninyong sa table muna namin. Our treat,” sambit nito. Napaismid naman ang ilang babae mula sa kabilang table. Kusa na lang akong napangisi kaya natawang napailing si Ley na sanay na sanay na sa mga babaeng punong-puno ng inggit.
“Oh? Next time na lang,” malambing kong saad at malapad itong nginitian. Bobo rin ‘to, e, kitang tapos nang kumain mga kasama ko rito.
“Ikaw, Ley? Baka gusto mong magpalibre, marami kaming foods sa table. Tutal sanay na sanay ka na naman na manghingi ng pera sa ibang tao,” anila kay Ailey.
Agad akong napangiwi roon. Maski si Rest ay nairita na rin sa tinuran ng lalaki. Nakaka-offend kasi ang pagkakasabi niya no’n. Magsasalita na sana kami subalit agad kaming inilingan ni Ailey. Tinawanan lang naman ito ni Ailey.
“Ah, bigyan ninyo na lang ako ng datung, hindi ko kailangan ng tsibog,” natatawang saad nito. Nakita ko ang ilang ngiwian ng mga nakikinig, pinagtaasan ko naman sila ng kilay.
“Ano? Wala naman pala kayong pera, umalis na kayo,” sabi ni Ley na para lang nagtataboy ng aso. Natawa na lang ako roon. Hindi naman pinansin ni Ley ang mga tinging mapanghusga ng ilan.
Tsk! Mga tsismosa!
“Chillax lang lang kayo, mga bebs. Mag-Maxx muna kayo,” sabi ni Ley sa amin kaya naiiling na lang kaming natatawa.
“Boba, judge ‘yon!” pahagalpak kong saad sa kaniya.
“Judge ba, I thought it’s X.O?” nagtatakang tanong ni Rest kaya pareho kaming napailing ni Ley sa kaniya.
“Pucha naman, Everest,” sambit ko sa kaniya. Agad siyang napairap kaya tinawanan namin siya ni Ley.
“Manood-nood ka rin naman kasi ng TV, Rest,” natatawang pang-aasar sa kaniya ni Ley.
“Ang tagal lumafang ni Dolo, ampucha, male-late na naman tayo nito,” sabi ni Ley na napailing-iling pa sa akin.
“Bobita, sino ba'ng nakikipag-usap sa akin? Kung hindi ba naman kayo kalahating stupid,” turan ko na inirapan sila. Nagbulungan pa sila na kunwari’y pinag-uusapan ako kaya inis kong binato ng bottled water.
“Uh... I’m sorry…” sabi ko nang may natamaan mula sa likod nila.
Agad kong nakita si South na siyang salubong na naman ang kilay. Napatikhim ako at malambing pa siyang nginitian, ngunit agad akong napangiwi nang wala siyang sabing umalis sa harapan namin na tila walang pakialam sa akin.
“Wala ka pala, e!” natatawang saad ni Rest kaya inirapan ko siya.
“Wala ka palang talab doon,” sabi naman ni Ley. Nagkibit naman akong balikat kahit na medyo nasaktan ang ego ko.
Nagpatuloy ako sa pagkain at kinuha ang Yogu strawberry na nasa bag ko nang matapos na. Tahimik lang akong sumimsim doon habang naglalakad na kami paalis ng cafeteria.
“Hindi talaga nawawalan. Iisipin ko na lang na ref ‘yang bag mo. Hindi ka nga nagdadala ng pang-lecture, pero punong-puno naman ng Yogu,” sabi ni Ley sa akin. Nagkibit naman ako ng balikat.
Nang makapasok ako ng room, rinig na rinig na agad ang ingay ng mga kaklase namin. Iba-iba kami ng strand nina Ley at Rest kaya kaniya-kaniya na kaming tungo sa room namin. Nilabas ko na lang ang phone ko at sinubukang libangin ang sarili hanggang sa tuluyan nang dumating ang guro namin.
Sa kagitnaan ng klase’y nagpaalam muna akong magsi-CR. Agad napatingin sa akin ang ilan dito sa room dahil alam nilang iinom lang naman talaga ako ng Yogu. Ngumisi lang ako at naglakad palabas. Nakangiti pa akong uminom ng Yogu habang naglalakad sa kung saan.
Napakunot ang noo ko. Patungo sana ako sa cafeteria nang makarinig ng sigaw mula sa likod ng building na luma. Imbis na lumayo’y lumapit pa ako roon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o dapat ko bang lapitan ‘yon.
Dahil nga pakialamera ako’y nagpatuloy pa rin, hinahanap ko kung saan banda ang ungol. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mahanap ‘yon.
“Tangshit...” sambit ko habang nakatingin sa naghahalikan dito sa likod.
Dito pa talaga sa school? So cheap, ha! Wala ba silang pang-hotel? Ako na ang magbibigay.
Mas lalo naman akong napangiwi nang makita kong hinalikan ng babae ‘yong lalaki sa leeg, ngunit bahagyang nilalayo ng lalaki ang kaniyang sarili. Natawa pa ito nang mahina dahil do’n. Kaya pala sumisigaw!
Sumisigaw sa sarap ang gaga!
Halos mabuga ko ang iniinom nang makita ang lalaki. Pucha! Si South! Agad akong napangiwi dahil do’n.
They said that he’s really a playboy, but I’ve never really see him flirt with other girls. Ngayon alam ko na, hindi lang basta-bastang flirt ang ginagawa ng loko.
Crush ko pa naman.
Sayang.
Pucha, ang birhen kong mga mata! Nakakaloka ang mga ito! Nakakadiri.
“Get a room! Ewwers!” malakas kong sigaw at hinagis pa ang Yogu sa kanila. Nasakto naman ‘yon kay South. Wala na. Nakakawalang ganang uminom ng Yogu.
Agad kumunot ang noo ni South nang mapatingin sa akin. Halos malaglag ang panga niya habang sinusulyapan ako. Nanlaki ang mga mata nito, maski ang babae’y gulat na gulat din. I know her. She’s Tessie from the Tourism Department. Agad sumama ang tingin nito sa akin.
“What the f**k?” kunot-noong saad ni South habang nakatingin sa akin, napangiwi naman ako dahil do’n.
“Yeah, sure, continue na lang or you don’t have datung ba to get a hotel room? Do you want me to give you?” natatawa kong tanong. “Continue! It’s normal naman, but you’ll enjoy it more kapag sa room, or do you just want an experience? That’s good!” awkward kong saad at tumawa pa kahit kabadong-kabado na ako sa mga pinagsasabi.
“What the f**k are you talking about?” galit na saad ni South habang papalapit ito. Agad naman akong napakagat ng labi at mabilis na nagpaalam sa kanila para umalis do’n. He looks really mad, mukhang nabitin.