SAMANTHA FAYE RAMOS
Engrossed na engrossed ako sa ginagawa ng may mga brasong biglang pumulupot sa bewang ko ng mahigpit. Malakas akong napatili sa gulat--Aaaah!
"Seems like you're very busy, wifey."
Nakiliti pa ako ng maramdaman ko ang mainit n'yang hininga at mga labi na dumantay sa tainga't leeg ko.
"YOU--"
Kaagad kong binitawan ang kutsilyo saka pinagkakalas ang kanyang mga braso. Binitawan n'ya naman ako. Dalawang hakbang paatras ang ginawa n'ya nang humarap ako sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?"
Hindi n'ya ako sinagot. Nanatili lang s'yang nakatitig sa akin. I scanned him from head to toe. Nasa kanang braso nakasampay ang hinubad na royal blue n'yang blazer terno sa kanyang suot na slacks. Tanggal na rin ang kanyang necktie, pati ang ilang butones sa suot n'yang white long sleeve tanggal na rin. Nakapaa na lang din s'ya.
Pag-angat ko ng tingin sa kanyang mukha nakita ko pang bahagyang nakataas ang gilid ng kanyang mga labi. Nabwesit ako lalo.
"Ano, hindi ka magsasalita? Nakuha mo pa akong ngisian d'yan. Saan ka galing? Buti at alam mo pa ang daan pauwi."
He chuckled. "Nagger wife." aniya habang hinihimas ng kaliwang kamay ang batok. "What are you cooking--"
"Akala mo natutuwa ako sayo sa ginawa mo?" inis na sabad ko. "Dalawang linggo ka nawala. Ni HA--ni HO wala kang paramdam tapos--"
Sinampay n'ya ang suit sa sandalan ng upuan at humakbang palapit sa akin.
Tinaas ko kaagad ang kamay. "Huwag kang makalapit-lapit sa akin at mainit ang ulo ko sayo."
"SAM--"
"'Wag mong matawag-tawag ang pangalan ko."
Tumalikod ako para tingnan ang piniprito ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod n'yang ginawa. Napatili ako ng malakas--aaaah! Mariin na napapikit ng haklitin n'ya ang baywang ko. Narinig ko pa ang malakas n'yang halakhak. Kaagad akong napahawak sa mga braso n'yang mahigpit na pumulupot sa aking baywang. Nakataas pa ang mga tuhod ko sa ere. Nang mahimasmasan ako pinagpapalo ko ang braso n'ya. Ngunit 'di n'ya pa rin ako binibitawan.
"I miss you." aniya habang pilit na sinisiksik ang mukha sa leeg ko. "I miss you so much."
Lumukso kaagad ang puso ko sa narinig. Pati mga paru-paro at kulisap sa tiyan ko nagrambulan. Animo'y mga palakang natubigan at bigla na lang nag-iingay--damn it--!
"Put me down!"
"Hmmm... ayoko." naasiwa ako ng inamoy-amoy niya ako. "I miss your smell--"
"Tangna--wala pa akong ligo--"
"Still smells good."
"Pwede ba Wayne yong niluluto ko masusunog na!" sigaw ko na sa kanya habang pilit na kinakalas ang mga braso n'ya. "Let me go--isa!"
Malalim s'yang bumuntong-hininga saka pinakawalan ako. Kaagad akong lumayo sa kanya. Nilapitan ang niluluto. Binaliktad ang piniprito kong karne saka malalaking hakbang na lumabas ng kusina. Dumeritso ako sa sala. Dinampot ang remote na nasa center table at pinatay ang speaker.
Pagkatapos bumalik muli ako ng kusina. Nagtama pa ang paningin naming dalawa pagpasok ko. Kaagad akong nag-iwas saka nilapitan ang naudlot kong paghihiwa ng kamatis at pipino. Ramdam ko ang mainit n'yang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Hindi ko s'ya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa. Narinig kong napabuntong-hininga s'yang muli.
"Sam--"
"Mag-bihis ka na do'n." sabi ko sa kanya habang nililipat ang mga hiniwa sa malinis na mangkok. "Maya-maya kakain na tayo."
Hinango ko ang luto ng karneng baboy sa isa pang plato at naglagay muli ng panibago.
Maya-maya naramdaman ko ang mga yabag n'ya papalabas ng kusina. Kaagad ko siyang nilingon. Sinundan ng tingin. Nang mawala sa paningin ko, malalim akong napabuntong hininga.
Binilisan ko na ang kilos saka inayos ang mesa. Ngunit tapos ko na lahat-lahat wala pa rin s'ya. Lalabas na sana ako para tingnan kung ano nang ginagawa n'ya at bakit ang tagal ng malingunan ko s'yang nakangiting nakatayo sa hamba ng kusina. Nagulat pa ako ng makita kong may hawak s'yang palumpon na pulang rosas. Kaagad akong natigilan. Yong puso ko biglang tumibok ng pagkabilis-bilis at 'di na tumigil sa pagtumbling sa loob ng dibdib ko.
Malakas na tikhim n'ya ang nagpabalik sa aking natitigilan na utak. Napakurap-kurap pa ako saka nilipat ang paningin sa kanyang mukha. Kinunutan ko s'ya ng noo ngunit lumapad lamang lalo ang kanyang ngiti. Dahan-dahan s'yang naglakad palapit sa akin. Oh Em Gee!
"A bouquet of red roses to my beautiful wife."
Tinitigan ko ang napakagandang bulaklak saka nag-angat ng tingin sa kanya.
He smile at me then put it in my hand.
Bumaba ang tingin ko doon saka dahan-dahang nilapit ang mukha sa bulaklak at sinamyo.
"Did you like it?"
"Its beautiful and smells good." muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Para saan 'to?"
"Peace offering for not coming home--"
"Hindi ako nadadala sa bulaklak lang."
"I know."
"Buong buhay ko hindi ko naranasan kailan man ang mabigyan ng ganito."
"Really?"
Tumango ako. "Ikaw ang pinakaunang lalaking nagbigay sa akin ng ganitong klaseng bulaklak. No'ng high school ako pinitas na bulaklak mula sa garden ng eskwelahan lang namin binibigay ng anonymous kong manliligaw. Nilalagay sa ibabaw ng upuan ko. No'ng first year at second year college ako isang tangkay lang ng pulang rosas ang naaabutan ko sa loob ng locker ko."
"Well, from now on bawal ka ng tumanggap ng bulaklak kahit kanino man. It should be me. Always be me. Ako lang. Sa akin lang. Do you understand?"
"Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin--" bigla siyang sunod-sunod na napaubo.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Oh--ba't ganyan ka makatingin?"
"May paubo-ubo ka pang nalalaman dyan. May ginawa kang kasalanan noh?"
"Wala!"
"Wala... tapos--"
"I'm sorry."
"Oh--ba't ka nagso-Sorry kung wala kang ginawang kasalanan?"
"Sorry kung iniwan kita ditong mag-isa." tinuro niya ang bulalak. "That's why I gave you that flower as my sincerest apology."
"Ok..." tumingkayad ako at dinampian s'ya ng mabilis na halik sa kanyang kaliwang pisngi. "Thank you."
Kinunutan n'ya ako ng noo sa ginawa ko. "That's all?"
"Huh?"
"Let me teach you how to say thank you, wifey." aniya sabay haklit sa aking bewang.
Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya. Malakas akong napasinghap ng lumapat ang mainit n'yang labi sa mga labi ko. I moaned when I tasted his sweet lips, he groaned. He automatically snaked his arms around my waist and pulled me closer to his body and deepened the kiss. He slid his tongue inside my mouth. Nang mahimasmasan ako ikinawit ko ang kaliwang braso ko sa leeg n'ya and copied the way he kiss me.
It's feels like... home.
Am I been longing for his kiss?
We were both panting when he released my lips.
"Now you know how to say thank you to me next time, baby."
"Eh?"
Muling hahalikan niya pa sana ako ngunit umiwas na ako. Mabilis na tinanggal ang mga brasong nakapulupot sa bewang ko.
"L-Lalamig na ang pagkain. Kain na tayo."
Kaagad akong lumayo sa kanya. Hinila ang isang upuan. Nilapag doon ang bulaklak saka mabilis ang kilos na nilagyan ng pagkain ang plato naming dalawa.
Pagkatapos hinila ko ang upuan ko at naupo doon. Ngunit kaagad din akong natigilan ng makita kong 'di pa s'ya nakaupo sa upuan n'ya. Nilingon ko siya. Nanatili lang s'yang nakatayo sa lugar kung saan ko s'ya iniwan. Tahimik na nakatitig sa akin.
"Something wrong?" untag ko sa kanya sabay turo sa kabilang ibayo ng mesa. "Upo ka na do'n."
Ngunit hindi pa rin s'ya gumalaw. Parang naitulos sa kanyang kinatatayuan. Nanatiling nakatitig lang sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo saka tumayo at nilapitan s'ya. Nakasunod pa rin sa akin ang kanyang mga mata.
I smiled. Hinawakan ko s'ya sa kanyang braso at marahan na hinatak. Nagpatangay naman s'ya. Hinila ko ang kanyang upuan at pinaupo s'ya doon. Naiiling pa akong naglakad pabalik sa upuan ko.
Patuloy n'ya pa rin akong tahimik na sinusundan ng kanyang mga mata. Hindi ko s'ya pinansin at nagsimula na akong kumain. Ngunit habang tumatagal naaasiwa na ako sa titig n'ya sa akin.
"Ano bang problema mo? Ayaw mo ba ng pagkain? Sorry, yan lang niluto ko. 'Di ko naman kasi alam na darating ka."
Subalit hindi pa rin s'ya umiimik. Animo'y naging pipi sa harapan ko. Nag-isang linya na ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya.
"May dumi ba ako sa mukha? Anong nangyari at bigla kang nagkaganyan?"
He cleared his throat. "I-I'm sorry kung nawala akong dalawang linggo--"
"You said sorry already and I accepted your apology--"
"Still I'm sorry. I'm just... very busy. At... huwag mong seryosohin ang mga bagay na 'to, Sam. It's just part of my obligation to you that's why I---"
"I know." mabilis kong putol sa gusto n'yang sabihin sa'kin sabay ngiti. Pero ang totoo parang tinutusok ng karayom ang puso ko. "I know where to stand. 'Wag mo ng problemahin pa. Naiintindihan ko... Kain na." inabot ko ang basong may lamang tubig at kaagad ininom iyon.
"Hindi kita pagbabawalan sa gusto mong gawin at hindi rin kita hihigpitan. Same as mine, I expect na malaya ko pa ring magagawa ang gusto ko."
Ngunit hindi pa nga ako maka-get over sa una n'yang pasabog, may mas matindi pa palang kasunod. Halos mabulunan ako ng tubig na iniinom ko. Pakiramdam ko dumeritso sa baga ko 'yong tubig. Dumaan pa ang iba sa ilong ko. Hindi ako makahinga. Sunod-sunod akong napaubo habang pinapalo ang dibdib ko. Nag-aalalang kaagad n'ya naman akong nilapitan at hinimas-himas ang likod ko. Kaagad akong tumayo ng maramdaman ko ang mainit n'yang kamay sa likod ko at nagtungo sa lababo. Mabilis na pumatak ang pinipigilan kong mga luha sa aking mga mata.
Sobrang sakit.
Pakiramdam ko parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso ko sa bawat katagang sinasabi n'ya. Matapos n'ya akong pakiligin, paiiyakin n'ya din naman pala ako. Ako 'tong si gaga umaasa.
Akalain mo 'yon, kasal kami pero pwede n'yang gawin lahat ng gusto n'ya.
Hah... malaya?
So ibig sabihin kaya nawala s'ya ng dalawang linggo dahil nambabae s'ya? 'Yon ba ang definition n'ya sa malayang sinasabi n'ya? Gusto n'ya pala maging malaya e bakit pinakasalan n'ya pa ako? Dahil ba sa lintik na obligasyon na sinasabi n'ya?
Binuksan ko ang gripo sa lababo at naghilamos ng tumayo s'ya sa tabi ko. Inabutan n'ya akong malinis na washcloth. Kaagad ko naman kinuha at nagpunas ng mukha.
"Are you ok?" nag-aalalang wika n'ya sa akin habang hinihimas pa rin ng isang kamay ang likod ko.
Marahan akong tumango habang sumisinghot-singhot pa. Naglakad ako pabalik sa upuan ko at pinagpatuloy ang pagkain. Naupo rin s'ya sa kaibayo. Mariin n'ya akong tinitigan, pilit na hinuhuli ang aking mga mata pero sinikap kong umiwas at 'wag magtama ang aming mga mata. Tiyak malalaman n'yang umiyak ako at ayaw kong mangyari 'yon. Ang kaawaan n'ya.
"Pasensya na kung nakialam ako sa mga gamit mo dun sa sala." wika ko habang patuloy na kumakain. "I was very bored and--"
"It's your home too." sabad niya. "You can use and take whatever you want. It's fine."
"OK--"
"Ano yung song na pinapatugtog mo kanina?"
"Waste of Time by Claude Kelly."
"Oh... I love the lyrics."
"Bakit pala puro Cars Sports DVDs & Blu-ray Discs 'yong nandun sa rack mo? Bakit meron ka ng mga gano'n?"
"Bakit?"
"Wala lang. Naisip ko lang matanda ka na para mangolekta pa ng mga no'n."
"It's the love of my life."
"I see."
Then our surroundings became quiet, as if an angel had passed by. Nawalan kami ng kibuan pero nilalagyan ko pa rin ng panibagong kanin at ulam ang plato n'ya kapag nakikita kong unti na lang ang laman. Makailang ulit ko pa s'yang narinig na malalim na bumunbuntong-hininga. Hindi ko pa rin s'ya tinitingnan sa mukha kahit no'ng biglang hawakan n'ya ang kamay ko habang nilalagyan ko ang plato n'ya ng pagkain.
"Sam..."
"Are you full?"
"Look at me."
"If you don't want to eat anymore--"
"I SAID LOOK AT ME!"
Walang emosyon akong nag-angat ng tingin sa kanya. Sinalubong ang kanyang mga mata. He stared at me intently.
"Why?"
"I loved the food you cooked. It's soooo good."
Pagkatapos namin kumain tahimik kong niligpit ang mga pinagkainan. Muling tumulo ang luha sa aking mga mata ng lumabas siya ng kusina pero mabilis ko din iyon pinalis.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng maramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa bewang ko. Bahagya pa akong napaigtad sa gulat. Naramdaman ko pa ang paghalik n'ya sa ulo ko habang mahigpit na nakayakap sa akin mula sa likuran. Muling nagrambulan ang mga kabayo sa puso ko. Mariin akong napapikit at kaagad sinawata ang aking sarili. Hindi pwedeng puso lagi ang pairalin dahil pag ako'y nahulog--tigok...
"Naghuhugas ako, Wayne."
Ngunit imbes na bitawan ako, lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"I miss you. Did you know that?" mariin niya akong hinalikan sa sentido. "What have you been doing for the last two weeks?"
"Naglinis ng buong bahay..."
Habang parang tangang nag-alala at nag-antay sayo.
Gusto ko pa sanang idugtong kaso pinigilan ko na ang sarili ko. Baka lumaki lang lalo ang ulo n'ya. Isipin n'ya pang gusto ko s'ya.
"Hindi mo naman kailangan maglinis ng bahay. Pinapalinis ko naman 'to weekly."
"E wala akong magawa dito sa Unit mo. Alangan kausapin ko ang sarili ko."
He chuckled. "I bought you a new phone so you can call me whenever you want."
I sighed. "Hindi ko kailangan 'yan. Wala din naman akong pambiling load n'yan. Tsaka, Wayne..."
"Hmmm."
"G-Gusto ko sanang tapusin 'yong pag-aaral ko. Two years na lang din naman 'yon. Okey lang ba sayo? Babayaran na lang kita kapag--"
"No problem with me. You can enrol this coming enrollment in Winx State University. Not far from here. Its just 30 minutes ride by jeepney but will drop and fetch you up everyday. Doon naman ako dumadaan papunta ng office."
"Promise babayaran--"
"It's on me. You don't have to pay me, Sam."
"But--"
Natahimik ako ng bigla n'ya akong pinaharap sa kanya. Itinaas n'ya ang baba ko gamit ang kanan n'yang kamay. Nagtama ang paningin naming dalawa.
He smiled. "'Wag mo ng problemahin 'yon. Ang isipin mo kung pa'no ka makakapasa sa BSED course mo, okey?"
"What..?"
Napakurap-kurap ako sa sinabi n'ya. Nagtataka ang mga matang tinitigan s'ya ngunit kaagad din ako nag-iwas ng tingin at inalis ang kamay n'yang nakahawak sa baba ko ng makita ko ang matamis n'yang ngiti sa akin. Pati mga mata n'ya nakangiti sa akin. My goodness! Paano ko mapipigilan ang bwesit na puso ko sa pagtibok sa lalaking 'to kung ganito s'ya sa akin? Parang gusto kong magpapadyak sa inis sa sarili ko. Kung dati kamalasan ang lumalapit sa akin, ngayon naman tukso!
"Pa'no mo nalaman ang kurso ko?"
"I have my ways, baby." nakangiti n'ya pa ring sabi sakin sabay hatak sa kamay ko palabas ng kusina. "Come, I have a surprise for you."