SAMANTHA FAYE RAMOS
"Laica---Samantha--!" nanlalaki ang mga matang sigaw sa'min ni Madam Baby. "Ba't di pa kayo umakyat? Ano pang hinihintay niyong dalawa diyan? Pasko?"
Bigla akong napatingin kay Laica ng sikuhin ako nito sabay hatak sa braso ko.
"Tara na--"
"Teka lang--"
"Teka lang--Teka lang e masasabon tayong dalawa dito sa harapan ng mga costumer." kinaladkad ako nito paakyat sa stage. "Kita mo yung mata ni gurang baby? Gusto mong mapahiya?"
Umiling ako. Umabresiyete sa kanyang braso. Hindi mapakaling iginagala ang mga mata sa paligid. Napapalibutan kami ng salamin na dingding. Marami na sa mga kasamahan namin ang nakatable bago pa kami umakyat.
"Sam, tawag ka--"
"Ayoko!"
"Drinks lang naman--"
"Natatakot ako." naiiyak ng sabi ko kay Laica.
"Pero--"
"Ayoko bumaba--oh my God..."
Inatake ako ng sobrang nerbyos ng si Laica naman ang tawagin ng costumer.
"Tibay at lakas ng loob lang, Sam. Pakapalan ng mukha. Kapit patalim tayo e. Sa una lang naman magiging mahirap. Kapag nakasanayan mo na, maeenjoy mo na rin ang trabaho. Sige, baba muna ako ha. Balik din ako mamaya."
Nasundan ko na lamang ito ng tingin ng bumaba ng stage. Nakangiting umupo sa tabi ng costumer habang nilalahad ang kanang kamay, nakipag-shake hands sa lalaki. Napapabuntong-hiningang iniwas ko na ang tingin sa kanya ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng magtama ang paningin namin ng lalaking nakaupo sa dulo na napapalibutan ng apat na babaeng kasamahan ko. Malakas akong napasinghap. Pakiramdam ko lumamig pa lalo ang buong paligid. Lumakas ang aircon. Nanginig ang buong katawan ko sabay siksik sa kasamahan ko.
"Hoy Sam!" nakatawang kalabit sa'kin ni Ivy. "Ba't ka tumatago diyan sa likod ko?"
"'Wag kang malikot. Takpan mo 'ko--"
"Ano ka ba? Nakatingin sayo si Mr.Del Carpio. Naku... nakaJackpot ka girl! Milyonaryo yan!"
Napangiwi ako sa sinabi nito. "Lagi ba 'yan dito?"
"Naku Oo. Anim na magbabarkada 'yan. Lahat pogi at mayayaman girl!" kinikilig pang sabi nito sa akin.
"Gaano kadalas 'yan pumunta dito?"
"Madalas silang anim na magbabarkada dito. Nag-iinuman. Pero 'di naman nagte-take home ng babae. Hanggang table-table lang naman. Sayang nga e. Ang hot pa naman. Mga adik ang mga 'yan sa Billiard. Pero mukhang natipuhan ka ngayon. Nakanganga pa ngang nakatingin sayo e. Baka lapitan ka no'n dito at nakatayo na. Naitsapwera tuloy yung mga feeling GGSS na mga palaka." humalakhak ito sa huling sinabi.
"Apatay--hindi pwede--"
"Tinatawag ka ni Madam Baby."
"Ano?"
"Si gurang Auring galit na--
"Ano ba Samantha! Ang tagal mo! Bakit ka ba nagtatago pa diyan!?" malakas na sigaw ni Madam Baby. "Bumaba ka dito! Big time pa naman ang nakapili sayong costumer!"
Mahina akong tinulak ni Ivy sa likod. "Sige na, Sam. Bumaba ka na. Lumalaki na ang butas ng ilong ni gurang Auring. Pero sayang yung si Mr. Del Carpio. Bet ka talaga no'n oh. Ang sama na ng tingin ng tawagin ang pangalan mo ni Madam. Di hamak na mas pogi naman si Mr. Del Carpio kay Mr. Cheng na gurang na manyak. Mag-ingat ka doon ah. Baba na."
Napatingin ako bigla sa gawi ni Miguel matapos kong marinig ang sinabi ni Ivy. Nahintakutan ako sa nakita kong madilim na mukha nito. Natatarantang napahakbang ako pababa ng stage ng akmang lalapit ito.
Kaagad akong lumapit kay Madam Baby. Iginiya naman ako nito agad papunta sa kinaroroonan ni Mr. Cheng.
Isang may edad na matabang lalake na panot at malaki pa ang tiyan na nakangisi ang nakita kong nag-aabang sa amin.
"Nakikita mo yun?" turo nito sa tatlong lalaking pare-pareho ang suot na uniporme na nakaupo sa kabilang table. "Body guard yan ni Mr. Cheng. Mayaman yan. Bilyonaryo. Kaya maswerte kang ikaw ang nagustuhan."
Kung ano-ano pang papuri dito ang sinasabi sa akin. Napangiwi ako. Akala siguro nito masisilaw naman ako sa yaman ng matanda.
"Mr. Cheng! Ito na siya. Si Samantha." nakangiting pakilala nito sa akin ng makalapit na kami sa matanda na malisyoso akong tinititigan mula ulo hanggang paa.
Halos lumuwa ang mga mata nito ng huminto ng matagal ang paningin sa bandang dibdib ko. Mas lalo nang mapadako naman ang mga mata nito sa gitnang parte ng mga hita ko. Siguro nasisilip na ang suot kong underwear sa ikli ng suot ko.
Parang asong naglalaway na ang itsura nitong matagal na nakatitig sa akin habang makailang ulit na binabasa-basa pa ng dila ang mga labi. Kaagad ko naman pasimpleng hinatak pababa ang laylayan ng unipormeng suot ko na ikinaluwa lalo ng dibdib ko. Lumipat naman doon ang paningin nito.
"Wala ba siyang asawa? Bakit ganyan yan kung makaasta akala mo ngayon lang nakakita ng babae."
Mabilis akong siniko ni Madam Baby.
"Mr. Cheng...!"
"Mr. Cheng..!"
Makailang ulit pang tawag dito ni Madam Baby sabay hagalpak ng tawa.
"Parang ilang taon kang tigang, Mr. Cheng ah. Ang sama ng tingin mo dito sa alaga ko. Parang asong naglalaway lang. Yung matindi ang rabies."
"Glabe ka Madam bebe saken." nakatawang napakamot ito sa panot nitong ulo. "Ako nagandahan lang kanya. Kaw naman."
"Naku, maganda talaga 'tong si Sam at sexy pa. Kita mo naman Mr. Cheng. Bago lang to. Ikaw pa lang ang buwena mano. 'Di ka malulugi dito."
"Ako bayad malake kanya."
Namimilog pa ang matang nilingon ako ni Madam Baby. "Narinig mo yun Sam? Magbabayad ng malaki. Galingan mo ang pang-uuto diyan sa matandang 'yan at siguradong makakarami ka. Sulit ang unang gabi mo." nakangiting bulong nito sa akin sabay baling kay Mr.Cheng na busy kakatitig taas baba sa katawan ko. "So, maiiwan ko muna kayo, Mr. Cheng. Yung usapan nating bayad mamaya ah."
"Walang ploblema."
"Oh siya, enjoy!"
Nakangiting tinapik ako nito sa balikat saka nagmamadaling umalis.
"Hello Mr. Dela Merced, Mr. Morales, LONG TIME NO SEE!" patiling bati nito sa bagong kapapasok pa lamang na customer sabay kaway sa stage. "Ivy, halika dito!"
Napaigtad ako sa gulat sabay atras palayo kay Mr. Cheng ng hawakan ako nito sa balakang pagtalikod na pagtalikod ni Madam Baby.
"Aba't.... Bakit ho kayo nanghahawak!?" nanlilisik ang mga matang tinitigan ko ito habang pinapagpag ang balakang na hinawakan nito. "Baliin ko yang kamay mo."
"He he he he.. ekaw wala pa nga talagang ekspelyens. 'Yan babae gusto ko. Pumapalag." nakangiting sabi pa nito saka dahan-dahang hinuli ang kaliwang kamay ko.
Mahigpit ang hawak nito sa kamay ko kaya hindi ako nakapalag pa ng hilahin ako paupo sa mahabang upuang naroroon saka tinawag ang waitress na kaagad namang nakangiting lumapit sa amin.
"Yes, Mr. Cheng? Ang pogi natin ngayon ah."
Napatingin ako agad sa waitress sa sinabi nito.
"Ay! wak mo ko bola-bola. Takal na kelala keta."
"Ito naman. Kaibigan ako nitong si Ganda."
"Sabe totoo ka ba?"
"Abay syempre naman." kinindatan ako ng waitress. "Kailan ba ako nagsinungaling sayo? Kapitbahay namin yan, diba ganda?" baling nito sa akin.
Tumango na lang ako ng tumingin din sa akin ang matanda.
"Sege ako mamaya begay malake tep sayo."
"Ayy! Thank you so much Mr. Cheng! muaaah!" maarte pang sabi nito sabay dampi ng palad sa pisngi ng matandang Intsik sa kunwaring halik dito.
Tinitigan ko ito. Nakangiwing tumigin naman ito sa akin at pakindat-kindat pa. Napailing ako. Binobola lang nito ang matanda. Ganun ba 'yong sinasabi nilang maging wise para makarami? Mang-uto? Pambihira.
"Sege order ka marameng drenks para komesyon mo malake." baling nito sa akin.
"Di naman ako umiinom ng alak. Pa'no naman ako makakarami? Baka isang baso pa lang tulog na ako."
"Shhhh," pasimple akong siniko ng Waitress sabay ngiti. "Ano order mo ganda?" tanong nito sa akin. Bahagya pang nilapit ang bibig sa tainga ko. "Yung double na para malaki makuha mong commission."
"Ano yung double? Anong klaseng inumin ba yun? Tsaka hindi nga ako umiinom ng alak."
"Basta ako ng bahala." nakangiting sabi nito sabay talikod. Nagtungo sa bartender.
Pagkaalis ng waitress sa harapan namin naramdaman ko ang muling paghawak sa akin ng matanda. Sa ngayon, sa nakalitaw kong mga hita naman lumanding ang isang malikot nitong kamay. Napaigtad ako sa ginawa nito. Kaagad ko itong nilingon. Tinitigan ng masama.
Hinatak ko ang kamay ko pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito doon.
"Huwak ka na palak. Ako baet. Mak pakabaet ka aken. Malame tep ako begay eyo. Basta ekaw baet." wika nito sa akin sabay dakma sa nakalitaw kong malalaking dibdib.
"Ayy! Ano ba! Bastos!" napatili ako sa ginawa nito sabay tampal sa kanyang kamay na nasa dibdib ko. Mabilis na napatayo. "Walanghiya kang bastos kang manyakis ka!" nanggigigil na sigaw ko. "Napakabastos mo!"
At bago pa makakilos ang manyakis na Intsik dalawang magkasunod na malakas na igkas ng aking kamao ang pinadapo ko sa kanyang mukha. Sapol ang dalawang mata nito.
"Aaaah! Alay ko! Help! Help! Help!" sigaw nitong hingi ng saklolo habang sapo ng dalawang kamay ang mga matang tinamaan ko. "Suntok ako babae!"
Kaagad naman rumisponde ang tatlong body guard nitong kasama na nakaupo sa kabilang mesa malapit saamin. Pati ang dalawang guwardiya ng club na nakabantay sa labas dinaluhan din si Mr. Cheng.
Nagpalinga-linga ako. Sumasal kaagad ang t***k ng puso ko. Malakas. Mabilis. Kaagad akong tinubuan ng takot at nerbiyos ng makita kong marami ng mga customer na nakaupo sa malapit ang napatingin sa gawi namin. Nakita nila ang ginawa ko!
Nakaamoy akong panganib. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis akong kumaripas na ng takbo palabas habang nakafocus pa ang mga atensyon ng mga ito sa matanda. Makailang ulit pa akong natapilok sa suot kong mataas na heels.
"Hoy! 'Yong babae tumatakas!"
"Habulin ninyo!"
Nataranta ako ng habulin nila ako. Kaagad kong naalala ang sinabi sa akin ni Laica na kapag nahuli akong tumatakas ipapabugbog ako ni Madam Baby. Namutla ako. Nanginig ang buong katawan. Dahil sa sobrang takot na mahuli ako ng grupo, parang palos na nalusutan ko ang mga humahabol sa akin.
Walang lingon-lingon na mabilis akong tumakbo. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Mga nakangangang sinusundan pa ako ng tingin. Hindi ko sila pinansin. Hindi ko na inalintana ang suot ko. Bahala sila sa buhay nila. Kailangan kong makatakas. Kaagad akong tumawid ng kalsada. Muntik-muntikan pa akong mabangga ng isang kotse.
"Sexy! Tumabi ka d'yan! Magpapakamatay ka ba!" sigaw ng lalaki na nakasilip sa bintana ng kotse nito. "Or baka gusto mong sumakay--"
Namumutlang natigagal ako sa kanya. "Sorry Sir! Sorry po Sir! Pasensya na!" hinging paumanhin ko sa kanya ng mahimasmasan sabay takbo.
Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Nakasunod pa rin sila sa akin. Tinuro pa ako no'ng isang body guard ng Intsik sa mga kasama nito. Nagtinginan silang lahat sa gawi ko. Pagkakita sa akin kaagad ng tumakbo sa kinaroroonan ko.
Muling nanginig ang buong katawan ko sa sobrang nerbyos na baka maabutan nila ako. Mabilis akong lumiko sa isang sangandaan. Nakakita akong isang malaking establisyimento. Labas pasok ang mga taong may mga kapareha.
"Good evening Mam." nakangiti pang bati sa akin ng dalawang guwardiyang nakabantay sa pintuang salamin. Kaagad akong pinagbuksan.
Hindi ko sila pinansin. Derideritso akong pumasok. Malalaking hakbang na sumiksik ako sa mga taong nakapila sa harapan ng pintuan ng elevator. Hingal na hingal. Habol ang aking paghinga. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tìbok ng puso ko. Parang binabayo. Makailang ulit pa akong napabuga ng hangin. Kinakalma ang sarili.
Medyo guminhawa ang pakiramdam ko ng balutin ako ng lamig sa loob ng loby ng hotel. Inikot ko ang paningin sa paligid. Ang ganda ng hotel. First time ko makapasok sa ganitong lugar. Ang daming tao. Halos magkakapareha. May ibang lalaking napapatingin sa akin. Nginingitian pa ako. Pati 'yong mga kapareha nilang babae nililingon din ako. Pinapasadahan ako mula ulo hanggang paa sabay irap sa akin. Duh? Inirapan ko din sila. Wala akong ginagawang masama sa kanila.
Ilang minuto na akong nakatayo sa likod pero parang 'di umuusad ang mga taong nasa harapan ko. Sinilip ko ang unahan.
"Ba't ang tagal bumukas?" reklamo ng babae.
"Busy day?"
"Puro na lang pataas."
"Kanina pa tayo dito--excuse me..!" tawag ng babae sa staff.
Paglingon ko sa labas na pinanggalingan ko nagulat pa akong nando'n na ang mga humahabol sa akin. Nagtatanong sa dalawang guwardiyang nakabantay sa labas ng hotel.
"Ah excuse me. May iba pa po bang daanan papunta sa second floor?" tanong ko sa katabing lalaki.
Nginitian ako nito sabay turo sa gilid na pinto. "Diyan sa pinto na 'yan. Buksan mo. May hagdanan diyan papunta sa taas."
"Sige po--thank you." sabay talikod.
Hindi ako magkandaugaga sa paghakbang sa bawat baitang papunta sa taas.
Pagdating ko sa second floor marami akong nakitang kwarto. Nagpalinga-linga ako. Walang katao-tao sa hallway. Nagmamadaling binuksan ko kaagad ang bawat pintong madaanan ko pero naka-lock lahat. Frustrated na napakamot ako sa ulo. Pero hindi ako nasiraan ng loob. Hinanap ko muli ang hagdanan. Pumunta ako sa third floor.
Sinubukan kong muling buksan ang bawat pinto sa unang pasilyong naraanan ko. Ngunit pawang mga naka-lock ito. Napapadyak ako.
"Tangna naman--lagot na."
Tatlong pinto na lang bago ako umabot sa dulo ng pagpihit ko ng siradura nabuksan iyon.
"Ahhh..."
Mabilis akong pumasok sa loob ngunit kaagad ding natigilan ng makarinig akong sunod-sunod na ungol. Ungol? Hindi ako makahuma sa aking naisip.
"Ahhh... Baby!" boses ng isang babae.
Natigilan ako sa aking narinig. Humarap ako sa loob. Maliwanag sa kinatatayuan ko pero sa dulo patay ang ilaw. Tanging lampshade lamang ang bukas. Doon nanggagaling ang malakas na ungol. Dahan-dahan akong naglakad palapit. Sumilip ako. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Pinagpawisan bigla ng malapot.
"Oh, Baby... make it faster!" utos pa no'ng babae.
Naitulos ako sa kinatatayuan. Nanuyot ang lalamunan ko. Totoo ba ito? Dalawang nilalang na parehong hubo't hubad.
As in walang saplot!
Ang mga binti ng babae nakapulupot pa sa baywang ng lalaking nasa ibabaw nito. Kitang-kita ko kung paano ang paglubog-lubog ng likuran ng lalaki sa babae.
"Fùck--!" narinig kong sambit no'ng lalaki. Diniin pa lalo ang katawan sa babae. Halos mapisat na ito sa ilalim n'ya. "Damn it babe!"
Hinawakan no'ng lalaki ang dalawang kamay nito at nilagay sa ulunan. At bumilis pa lalo ang galaw! 'Yong babae sa ilalim nito walang ginawa kundi ang humalinghing ng paulit-ulit. Akala mo'y umiiyak pero di naman.
Umiiyak sa sarap?
Malakas akong napasinghap sa aking naisip na ikinalingon naman no'ng dalawa. Kaagad kong tinakpan ng mga kamay ang pahamak kong bibig.
Nanlalaki pa ang mga mata no'ng babae habang gulat na gulat na nakatingin sa akin. Gano'n din ang lalaking nasa ibabaw nito.
"TheF*ck! Why you're staring us!?"
"TheF*ck! Who the hell are you!?"
Magkapanabay pang galit na sigaw nila sa akin.
Bigla akong natauhan sabay karipas ng takbo. Hindi ako magkandaugaga sa pagbukas ng seradura ng pinto sa sobrang takot na rumagasa sa dibdib ko. Nang mabuksan ko, malakas ko pa itong pabagsak na naisara. Narinig ko pang nagtalo ang dalawa pagkalabas ko.
Napasabunot ako sa buhok. Kaagad na lumiko sa sumunod na pasilyo. Makailang ulit pa akong natapilok sa pagmamadali ko. Sumandig ako sa pader. Nag-alangan na akong subukan pang buksan ang lahat ng pintuan. Baka kung ano na naman ang makita ko. Pero bigla din akong napaayos ng tayo. Nanlaki ang mga mata sa gulat ng marinig ko ang mga nagmamadaling yabag mula sa hagdanan na dinaanan ko kanina. Nangatog bigla ang buong katawan ko sa pinaghalong takot at nerbyos. Nataranta ako.
Sinubukan kong muli pihitin ang bawat seradura. Ngunit lahat naka-lock na ang mga iyon.
"Saan na ako pupunta--tangna!"
Nagmamadaling mga hakbang na kaagad akong bumalik sa unang pasilyong dinaanan ko kanina. Naalala ko ang tatlo pang pintuan na 'di ko pa nasubukang buksan bago ako kumaripas ng takbo palabas sa kwartong napasukan kong may umuukupa pala.
Dali-dali kong kaagad iyon pinihit. Ngunit naka-lock din. Hopeless na nagbabakasakaling nilapitan ko ang sumunod na pinto. Muntik pa akong mapatili ng mapagtantong bukas iyon. Bahagya pang nakaawang.
Nasapo ko ang dibdib. Kaagad pumasok at mabilis na ini-lock iyon. Hindi ko kaagad inalis ang mga kamay sa seradura sa takot na baka may bigla na lang bumukas niyon. Mahigpit ko itong hinawakan. Dinikit ko pa ang tainga sa likod ng pintuan.
"Ano nakita niyo?!"
"Wala!"
"Wala din dun sa kabila!"
"Imposible--dito lang yun! Hanapin niyo!"
Maya-maya narinig ko ang isang maarteng boses ng babae. Naitulos ako sa kinatatayuan ng e-describe pa nito ang itsura ko.
"Sigurado ka ba diyan?"
"I told you pumasok siya mismo dito sa kwarto namin without permission."
Pigil ang hiningang dinikit ko pa lalo ang tainga sa likod ng pintuan at nakinig sa mga sinasabi pa nito.
"So where is she now?"
"Kumaripas ng takbo palabas. Walang modo. Binagsakan pa kami ng pinto."
"Hindi mo nakita kung saan na pumunta?"
"NO."
Nanghihinang napasandig ako sa pintuan. Napatitig sa kawalan habang isa-isang tumulo na ang mga luha. Hindi ko mapigilan. Pa'no na ako ngayon? Hindi magtatagal mahahanap 'din nila ako dito.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nanatili akong ganun ng marinig ko ang papalayong mga yabag ng mga taong humahabol sa akin. Kaagad kong pinalis ang mga luha. Dahan-dahan humakbang at naupo sa nakita kong isang malaking sofa. Kaagad kong tinanggal ang suot kong high heels. Aw!
Napapangiwing marahan kong hinilot-hilot ang masakit kong mga paa. Pati ang mga binti ko nangangalay. Parang pinupulikat. May nakita pa akong paltos sa maliit kong daliri sa paa.
Wala sa sariling iginala ko ang mga mata sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko. Nakabukas ang lahat ng ilaw. Natanaw ko sa dulo ang malaking kama. May malaking sementadong hugis mesa na dikit sa dingding ang nasa harapan ko.
Napakunot noo ako.
Mesa ba 'yan?
Matagal ko itong tinitigan.
Patungan?
Division table?
Counter Island?
Kusina ba 'to--Shìt...
Bigla akong nilayasan ng utak ko. Tumingala ako. May nakita naman akong oven sa bandang itaas ng lababo. Sa loob ng built-in kabinet na nakabukas.
Mukhang bagong linis lang ang kwarto. Ang bango-bango pa. Malinis ang kobre kamang natatanaw ko at mukhang bagong ayos lang.
Napadako ang paningin ko sa isang water dispenser na nasa gilid ko. Kaagad akong sinumpong ng uhaw. Dahan-dahan akong tumayo. Aw! Napangiwi akong muli sa sakit ng talampakan ko. Daig ko pa 'yong despatsadora na maghapon na nakatayo at nakasuot ng high heels.
Humawak ako sa gilid ng lababo. May nakita akong dalawang basong nakataob sa tray. Kinuha ko ang isa at kaagad na nagsalin ng tubig. Deridiretsong tinungga iyon at nagsalin pa ulit. Nakaapat yata akong basong tubig na nainom bago ko nilapag ulit sa gilid ng lababo saka naupo ulit sa sofa.
Ngunit...
"Ayyy--kabayo ka!"
Malakas na tili ko sabay tayo ng biglang bumukas ang pintong malapit sa kama.
Isang hubad na lalaki ang lumabas buhat roon. Tumutulo pa ang basang buhok nito. Nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan.
Gulat itong napalingon sa akin. Nakakunot noo'ng tiningnan ako.
"Who are you?"