Unexpected Marriage 14

2627 Words
JOHN WAYNE SANTIAGO HATING-GABI tinadtad ko ng tawag ang kaibigan kong si James ngunit makailang ulit din akong pinapatayan. Tinadtad ko din ng text messages pero ni isa walang reply--fùck--What do I do now? Frustrated kong tinawagan ito ulit ng biglang kumonekta iyon. “Kung hindi ka makatulog, magpatulog ka--bwisit--” “I need your help, bro. Nadisgrasya ko si Sam!” “Sam? Sinong Sam? Tsaka anong nadisgrasya? May nabundol ka?” “Samantha Faye Ramos--” “T'ngna--yung anak ni Tay Philip?!” “Yeah... nandito siya sa room ko--” “Tarantadò--Wayne!” “Nakausap ko na si Uncle Robert kanina--” “Pati yung uncle mong judge na namamahinga na binulabog mo ng dis oras ng gabi--gosh! Pambihira ka talaga, Santiago!” “I wanna marry her tomorrow morning paggising niya. That's why I need your help. Pakibili naman akong singsing. I think same size lang sila ng daliri ni Rash.” “Tss--nakakainis ka!” “Sige na naman. Babawi na lang ako. Kahit anong iutos mo gagawin ko, promise.” “Talaga, kahit ano?” “OO.” “OK--” “One more favor, don't tell anyone about this yet.” “Dami mong alam--” “Love you bro. Kita-kits na lang do'n sa bahay ni Uncle Robert.” sabay baba ng tawag. Ngunit muli din iyon tumunog. Pagtingin ko sa screen... MIGZ CALLING.... "Oh--Fùck--!" Mabilis ko iyon kinansela pero muli din itong tumawag. I cursed again then pressed the answer button. "Sorry bro, busy ako. Will call you later!" then ended up the call. I hurriedly compose a message telling my bud brothers James to be there early in my uncle house. And send. Then put my phone in an airplane mode. Ilang minuto ang lumipas ng may humintong motorsiklo sa tabi ng kotse ko. Kaagad kong binuksan ang pinto ng makilala ko ang tauhan kong si Diego. Pumasok ito sa loob sabay abot ng paper bag sa akin. Kaagad ko naman iyon kinuha at tsenek ang laman. "Kompleto ba 'to?" "Yes." "May nakuha bang info si Suarez--" "With pictures," sabad nito saka tinuro ang phone ko. "Check your emails." Mabilis ko naman iyon kinuha at kinalikot. Kahit alam kong siya iyong babaeng tinutukoy ni Migz napanganga pa rin ako ng makita ko ang picture nilang dalawa ng Ate niya kasama ang mga magulang nila. There's so much info attached in it too. "Thank you so much, Diegz." saka tinapik ito sa kanyang balikat. "Pasensya na sa istorbo--" "No problem, Boss." sabad nito. "You can call me and my brother Alex anytime." "Don't mention anything about it yet to anyone, please... even to my parents." "Why?" "She supposed to have an arrange marriage to Migz." "Oh really? Who told you that?" "Mom told me. Niririto pa nga sa'kin yung ate nun e." "Oh--tapos?" "Can't you see? She ran away from that arranged marriage and just ended up in my hotel room. I told you already how. Pinaghahanap pa nga siya ng mga pulis." "Hmmmm... That means she destined to be yours hindi para kay Boss Migz." nakangiting wika nito. "The universe makes a way for both of you to meet each other." "At kailan ka pa naging romantic, Diego? Sa pagkakaalam ko wala ka namang dyowa?" "So, sasabihin ko ba kay Tito Win or kay Tita Vangie--" "YOU--Diego!" He laughed wholeheartedly sabay baba ng kotse. Patakbong sumakay kaagad sa kanyang motor. Sinaluduhan pa ako bago isinuot ang helmet saka pinaharurot ang motor palayo. I hurriedly took my phone then read those reports Suarez sent to my email. Doon na din ako nagpalipas ng gabi sa kotse. KINABUKASAN nagbayad muna ako sa kakilala kong receptionist ng Angel Witch Hotel bago umakyat ng kwarto bitbit ang paper bag. Natigilan pa ako ng marinig ko ang malakas na hagulhol niya pagkabukas ko ng pinto. "Are you ok?" nag-aalalang tanong ko sa kanya sabay sara ng pinto. "Why are you crying?" "Y--You came back." "Bakit? Hindi naman kita iniwan ah." napakunot-noo ako ng bigla siyang ngumiti. "Kanina ang lakas ng hagulhol mo. Tapos ngayon ngiting-ngiti ka. Anong nangyari sa'yo?" "Ano 'yang nasa paper bag na hawak mo?" I stared at her for a sec then heaved out a deep sighs. Naglakad palapit saka inabot sa kanya ang dala. "Magbihis ka. Kailangan na nating umalis ng Hotel na 'to--why?" kunot-noong tanong ko ng makita kong tumulo ang kanyang luha saka mabilis din iyon pinalis. "What's wrong?" Hindi siya umimik. Pinulupot ang bedsheet sa kanyang hubad na katawan saka tumayo. Kaagad ko siyang inalalayan ng makita ko ang reaksyon ng kanyang mukha. "Masakit ba? Kaya mo bang maglakad?" Umiling siya. Ang sumunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan. Tila may mainit na kamay na humaplos sa puso ko ng yakapin niya ako ng mahigpit sa aking bewang. "T--Thank you..." gumagaralgal ang boses na wika niya. "Thank you for helping me." "You don't have to thank me. Hindi pa tayo nakakaalis. Kung magdadrama ka pa baka abutan pa nila tayo dito." Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nakangiting hinamig ang sarili sabay kuha ng paper bag sa kamay ko. Isa-isang nilabas ang laman. Pinatong sa ibabaw ng kama ang below the knee white casual dress, pair of silver three inches high heels and undergarments. I can't take off my eyes on her while she's smiling checking those things. She looks sooo lovely---damn! Kaso bigla ding napalis ang ngiti sa kanyang mga labi ng lingunin niya ako. "M--Magbibihis na ako." "I know." "Dito ako magbibihis." "So?" "Magbibihis na nga ako." "'Di magbihis ka na." "E bakit nakatayo ka pa rin d'yan?" "Ano ngayon?" "'Wag mong sabihing panonoorin mo ako? "Kung oo ano naman ngayon? Nakita ko naman na lahat 'yan. Nahawakan at nalawayan ko pa--" "Gosh--your unbelievable!" Malakas akong napahagalpak ng tawa ng patakbo niyang tinungo ang banyo bitbit ang bistida at panloob na gamit. Nakangiting hinugot ko ang cellphone sa bulsa ng marinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. I call James again. Kaagad itong sumagot. "Where na you?" "Where na you---dito na me! Ikaw ang where na you--!" I laughed. He cursed me. "--bwesit ka--bilisan mo Santiago!" singhal nito sa kabilang linya. "Kabuwanan na ngayon ni Rash tapos--ikaw na lintik ka gagawagawa ng problema nandadamay ka pa--" "Sorry na--" "Sorry na--bilisan mo!" "Dala mo ba yung--" "Oo--lahat kompletado na pati witness. Kayong dalawa na lang ang kulang!" "You're the best bro--" "Aba--hindi 'to libre Santiago. May bayad yun oyy!" Marahas akong napalingon sa banyo ng marinig ko ang pagbukas niyon. Our eyes met right after she walked out from the door. Tumalon bigla ang puso ko. Ilang segundo kaming nagtitigan. Nakalimutan ko na ang kausap ko. Tila ako nahipnotismo ng babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko. I gulped hard and gulp some more. Pinasadahan ko siya ng tingin. Kaagad naman siyang nag-iwas. Sinuot ang 'di kataasan na silver na takong. I put my phone back to my pocket and cleared my throat to get her attention. "Are you ready?" Nakayukong bumaling siya sa akin saka tumango. I sighed. Napapitlag pa siya ng lumapit ako sa kanya. She looked up at me when I took her left hand. "You look stunning with that dress." "A--Am I..?" Nakangiting tumango ako. "Its perfectly fit with you. By the way, my name is Wayne. And you are?" She didn't say anything. Tinitigan niya lang ako. Natigilan pa ako ng makita kong may umalpas na naman na luha sa kanyang mga mata. Marahan ko iyon pinalis. "May... masakit ba sayo? What's wrong, tell me." She chuckled while shaking her head then... "I'm SAMANTHA... Samantha Faye Ramos." I cursed myself multiple times in my head when I heard that confirmation--damn trouble! **** SAMANTHA FAYE RAMOS Nakalabas kami ng Hotel ng walang nakakilala sa akin. Nilugay ko lang ang aking mahabang buhok. Hanggang ngayon malakas pa ring kumakalabog ang dibdib ko sa takot. Halos yumakap na ako sa matigas na braso ni Wayne habang naglalakad kami sa hallway papunta ng elevator kanina. Tinatawan n'ya lang ako sa payapos-yapos ko sa kanya. "No worry, everything is under control." "I'm still scared." Pagdating namin sa lobby iilan lang na tao ang nakita ko. Dalawang receptionist na tumango pa sa kasama ko pagkakita sa'min at ilang taong nakaupo sa couch. Busy sa cellphone. Pawang may mga inaantay. Walang guwardiyang nakabantay sa entrance door kaya nagawa n'ya akong mailabas na walang sumisita sa akin. "Get in." aniya ng pagbuksan ako ng pinto ng kanyang kotse sa unahan. "Thank you." saka nagmamadaling pumasok sa loob. Nakasunod ang tingin ko sa kanya ng umikot siya papunta sa kabila. Naestatwa pa ako sa kinauupuan ng biglang dumukwang s'ya palapit sa akin pagkaupo n'ya sa driver seat--Oh my golay! Pailalim n'ya akong tinitigan. Halos pigilan ko ang paghinga. Bahagya pang sumagi ang kanyang braso sa dibdib ko. Naramdaman ko itong dumaan sa gilid ng tagiliran ko. Sa itsura namin parang nakakulong na ako sa mga bisig n'ya. Tumatama na ang kanyang mabangong hininga sa mukha ko. Ilang pulgada na lang ang layo ng labi n'ya sa mga labi ko. Isang maling galaw ko lang mahahalikan n'ya na ako. He smirked. "Always fasten your seat belt, babe." paanas n'yang wika sa akin. Ilang segundo pa n'ya akong tinitigan. Nang mapadako ang mga mata n'ya sa bahagya ko pang nakabukas na mga labi parang napapasong kaagad na lumayo s'ya sa akin. Umayos s'ya ng upo. Nakasunod sa kanya ang nagtataka kong mga mata. Matagal siyang tinitigan saka tumanaw sa labas ng bintana. He loudly cleared his throat. Kaagad akong napabaling ulit ng tingin sa kanya. Halos lumukso ang puso ko sa gulat ng salubungin n'ya ako ng mainit n'yang mga labi. Napahawak ako sa kanyang dibdib. Kaagad tumugon matapos kong makabawi. He abruptly held the back of my neck and deepened our kiss. "Fùck--!" malutong n'yang mura ng bitiwan n'ya ang labi ko. Kaagad n'yang ini-start ang makina at mabilis na pinasibad ang sasakyan paalis. NASA KAHABAAN NA KAMI NG EDSA pero hindi pa rin mawaglit-waglit sa utak ko ang ginawa n'ya. Maang akong nakatitig pa rin sa kanya. "Why are you staring at me like that?" Napakurap-kurap ako sabay baling sa labas ng bintana. I saw the place looks familiar to me. Iginala ko ang mga mata sa labas saka muli siyang nilingon. "Wayne, pwede bang ibaba mo na lang ako d'yan sa tabi." "At bakit? Saan ka pupunta? D'yan ka ba nakatira?" Binagalan n'ya ang pagpatakbo ng sasakyan saka kaagad na lumiko sa American Restaurant na nadaanan namin. Ipinarada n'ya ito sa gilid. "Hindi. Sa probinsya ako nakatira pero bahala na kung saan ako ipadpad nitong mga paa ko. Maraming salamat ulit. Niligtas mo ako sa mga humahabol sa akin kagabi." "NO." "Huh?" "I said NO." "Anong NO?" "NO. AYOKO. Hindi ako pumapayag." "Anong... anong hindi ka pumapayag?" Nilingon niya ako. "Gusto mo bang hindi ako patahimikin ng budhi ko kapag pinabayaan kita?" "A-Anong ibig mong sabihin? Hindi naman ako naghahabol. Tsaka wala kang obligasyon sa akin. Kalimutan mo na 'yong nangyari sa atin. We're even. Niligtas mo ako sa kanila. Binigay ko naman sa'yo ang sarili ko kahit sapilitan pa 'yon. Pwede na 'yong kabayaran sa ginawa mong pagtulong sa akin. Okey na ako 'dun." "FÙCK--!" malakas na mura niya sabay hampas ng manibela. "Bakit ka ba nagagalit? Parang ikaw pa 'tong nalugi ah. Ako 'yong nawalan tapos ikaw pa 'tong nagmamaktol ngayon." Napahilamos s'ya ng kamay sa kanyang mukha. "Hindi ako ganyang klaseng tao Samantha kung yan ang iniisip mo! Sanay ako magbayad ng babae pero ito ang unang beses na nakatagpo akong... v-virgin. I have to do the right thing. Para matahimik ang konsensya ko." "A-Anong.... you mean babayaran mo ako?" "NO!" "NO?" "NO. You have to marry me. Whether you like it or not." "WHAT..?!" gulat na napaahon pa ako sa kinasasandigan na upuan. "Kasal? Ako? Pakakasalan kita? Nahihibang ka na ba?" "Hindi mo ako naiintindihan--" "Pwes ipaliwanag mo at gano'n ang pagkakaintindi ko ng sinabi mo!" "Look, I never expected this to happen--" "So you think I expected this to happen?!" He released a pissed groaned. " Pwede ba patapusin mo muna ako magsalita?" Hindi ako umimik. Inirapan ko s'ya. Ilang minuto ang lumipas na hindi kami nagkibuan. Tumingin ako sa labas. Makailang ulit ko pa s'yang narinig na nagmura. "Yang kakamura mo nakakabwesit na. Baka ako na ang minumura mo masasapak ko talaga yang bibig mo." "I'm sorry." malalim siyang nagpakawala ng buntong-hininga. "Honestly, I never expected that you were a virgin. I thought... you're one of those women na after sa one night stand for a cost. That's why I'm asking you now to marry me." Hindi ko s'ya nilingon. Nanatili lang akong nakatingin sa labas. "SAMANTHA--" "Hindi mo ako tinanong. Pinupwersa mo ako. Hindi mo ako binibigyan ng choices. At base sa tono mo hindi ako pwede tumanggi sa gusto mo." "Look Sam, listen to me.. please?" Dahan-dahan ko s'yang nilingon. Nagulat pa ako sa nakitang itsura n'ya. Mukha siyang maamong tupa na parang nagmamakaawa. Pero sinamaan ko pa rin s'ya ng tingin saka umiling. "NO. Hindi tayo pwedeng magpakasal. Ayoko. Now, buksan mo 'tong pinto at--" Napahinto ako sa pagsasalita ng magbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Galit n'ya akong tiningnan--shìt--! "Now you gave me no choice... " he said almost inaudibly. Kaagad n'yang pinaandar muli ang sasakyan. "NO--WAIT--!" nagpanic ako. "Saan mo ako dadalhin?" Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo n'ya ng sasakyan. Parang nakikipagkarera sa subrang bilis. Mariin akong napapikit. "Stop the car, Wayne! Utang na loob... magpapakamatay ka ba?!" tumitiling sigaw ko sa kanya. "Kung OO solohin mo! 'Wag mo akong idamay--peste ka!" Ngunit pinagtawanan n'ya lang ako. Animo'y nang-aasar pa. ILANG MINUTO pa ang lumipas ng maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Hiningal ako sa subrang takot. Nanlalamig. Namumutla. Siguro kung hindi ako nakasuot ng seat belt lumusot na ako sa harapan ng sasakyan. Halos mamanhid ang mga kamay ko sa subrang higpit ng pagkakahawak ko sa upuan. Narinig ko ang pagbukas at pagasara ng pinto ng sasakyan. Mabilis akong napadilat. Nakita kong umikot s'ya sa gawi ko. Sinundan ko s'ya ng masamang tingin. Hanggang sa buksan n'ya ang pintuan sa gilid ko. Tumayo sa harapan ko. Pinatong ang dalawang braso sa ibabaw ng sasakyan. Nakangising nakatunghay sa akin. Sambakol ang mukhang nakipagtitigan ako sa kanya. "Ang sama naman ng tingin mo sa'kin, babe. Parang gusto mo akong kainin na buo ah." "Gusto kitang ilibing na buhay! Walanghiya kang lalaki ka!" napaiyak ako sa sobrang galit ko sa kanya. Kaagad n'ya akong niyakap at marahan na hinaplos-haplos ang likod ko. Animo'y pinapatahan ako. Nabawasan naman ang pangangatog ng katawan ko ng maramdaman ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan. "I'm sorry, baby. Please stop crying." pag-aalo n'ya pa sa akin. Pinunasan pa ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Kinulong n'ya sa kanyang dalawang kamay ang mukha ko. "I'm sorry. I didn't mean to frightened you. Rest assured hanggat kasama mo ako hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Always bear that in your mind, hmmm." at mabilis n'yang sinakop ang nanginginig kong mga labi. Ilang minutong naghinang ang mga labi namin. Then we stopped and gasped for air. We're both panting. He looked at me with his worried eyes. Dumukwang s'ya muli sa akin. Tinanggal ang seat belt ko saka hinawakan ang kanang kamay ko Dinala iyon sa kanyang labi. Marahan na hinalikan habang ang mga mata'y nakatitig sa akin. Parang binabasa ang kaloob-looban ko. "Let's go." "W-Where?" Napasunod ang tingin ko sa kamay niyang tinuro ang malaking up and down na bahay. "Are you familiar with the phrase LOVE AT FIRST SIGHT?" "Ano namang connect niyan diyan sa tinuturo mong bahay?" "Something awaits us inside that house that will make you mine forever." "Huh?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD