Unexpected Marriage 3

4855 Words
SAMANTHA FAYE RAMOS "Ano? Doon na po tayo titira? Bakit? Anong sasabihin sa atin ng anak ng mga Del Carpio? Pumayag po ba sila?" sunod-sunod na tanong ko kay Itay. Malakas na napabuntong-hininga ang Itay. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa aming tatlo. "Hindi ko ginusto ang pasya ni Fernan. Makailang ulit din akong tumanggi. Nandun lahat ang mag-anak ng mapagpasyahan n'ya yun. Gusto n'yang ibigay sa akin ang Hacienda dahil wala ni isa sa mga anak niya ang gustong mamahala n'on. Pero tumanggi ako." "Mabuti naman po at tumanggi kayo. Baka kung ano pa ang sabihin sa atin ng bunsong anak n'on na matapobre--" "SAM--" "Bakit ba, Ate? E sa animal talaga ugali nun. Pinagtatanggal niya yung mga trabahador pati si Kuya Axel--" "Makailang ulit ng humingi ng tawad saamin si Migz, Sam." sabad ni Itay. Naramdaman ko muli ang pinong kurot ni Ate sa aking hita. Nakairap ko siyang tiningnan. Muling bumuntong hininga si Itay. "Pero hindi na pumayag na tanggihan ko pa ang alok niyang pangasiwaan ko ang tubuhan at tumira tayong mag-anak sa isang Rest House nila doon sa loob. Hindi na rin tayo pinapabayad pa d'on sa malaking pagkakautang natin sa kanila dahil sa pagkakaaksidente nitong Inay n'yo." Bigla akong natahimik sa sinabi ni Itay. Nilingon ko si Ate na bahagya pang nakakanganga sa magandang balita saka muling binalingan si Itay, ginagap ang mga kamay nitong nakapatong sa mesa. "T--Talaga po Itay? Totoo po ba 'yan? 'Di kayo nagbibiro?" Nakangiting tumango ito sa akin. Kaagad kong binitawan ang kamay ni Itay at si Ate naman ang binalingan ko. Bahagya ko pang niyugyog ang kanyang mga balikat. "Narinig mo ba yun Ate!? Makakapag-ipon na tayo para sa pang-tuition mo!" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya. "Wag n'yo na ring problemahin ang pag-aaral n'yo, sinasagot na lahat nang 'yun ng mga Del Carpio. Hanggang sa makapagtapos kayong dalawa ng kolehiyo. Kaya magtino kayong dalawa, ah. Hindi lang kayo, pati ang iba pang mga anak ng lahat ng nagtatrabaho sa loob ng Hacienda. At para naman sa Inay n'yo." nakangiting baling naman nito kay Inay na nasa tabi nito't maluha-luha ring nakatingin dito. "May libreng pagamutan ang mga Del Carpio na ibibigay para sa ating lahat na nasasakupan nila. Kaya palagay ko malapit ka ng mamamaalam d'yan sa mahiwaga mong tungkod." wika nito na ikinatawa naming lahat. Kinurot naman ito ng Inay sa tagiliran. Nagkatinginan kami ni Ate. Sabay napatili saka sinugod ang dalawa ng yakap. Nagkaiyakan pa kami sa sobrang tuwa. Nakalimutan ko na ang inis sa bunsong anak ng mga Del Carpio. Kahit papa'no mabait naman pala ang mga magulang nito. 'Di na masama. Dala ang labis na tuwa sa aming mga puso, nagkanya-kanya na kaming pasok ng k'warto. Namahinga na pagkatapos ng mahabang pasabog ng Itay. Magkasama kami ni Ate Shienna sa isang k'warto at ang mga ito naman sa kabila. "Totoo kaya lahat ng 'yun na sinabi ni Itay, Ate? Hindi kaya joke-joke lang 'yun?" "Kailan ba nagsinungaling si Itay? Tsaka matulog ka na. Anong oras na. Hang-over lang yan. Bukas mahihimasmasan ka na n'yan." nakangiting wika niya sabay talikod ng higa sa akin. "Pa'no kung panaginip lang ang lahat ng 'to, Ate." "Di 'wag ka ng gumising pa." "Seryoso ako sa sinasabi ko ate. Pa'no kung bukas hindi naman pala totoo ang lahat?" Hindi na siya sumagot pa sa sinabi ko. Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pabaling-baling ako sa higaan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap may ganitong mangyayari sa pamilya namin. Parang isang panaginip na ayaw ko ng magising pa. Baka kinabukasan malaman kong nananaginip lang pala ako. *** NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na yugyog sa akin ni Ate. Pagmulat ko ng mata nakangiting mukha niya ang nabungaran ko. Tiningnan ko siya ng masama saka kaagad kong tinalikuran. Nagtalukbong ako ng kumot. Ngunit ang kulit niya! Paulit-ulit pa rin akong niyuyugyog at hinahatak palayo sa katawan ko ang kumot. Nagmatigas ako. Nakipaghilahan dito. Pinulupot ko na sa buong katawan ko. Pinalo niya naman ng malakas ang pang-upo ko. Kaagad akong napabalikwas. "Ano ba Ate! Bakit ka ba nanggigising! Inaantok pa nga ako, e!" nagmamaktol sa sabi ko sa kanya sabay takip ng unan sa mukha. Ngunit hinablot niya naman ang unan na pinantakip ko sa aking mukha at tinapon sa bandang paanan. I looked at her murderously. She chuckled. "Bumangon ka na d'yan. Tanghali na. Maiiwan ka ditong mag-isa. Sige ka." Nakasimangot na tiningnan ko siya. Ang sakit ng ulo ko. Ang mga mata ko naman ang hapdi-hapdi. Pati ang buong katawan ko masakit. Parang ang bigat. Lalagnatin pa yata ako. "Bakit ba?" tinatamad akong bumangon. Ang sarap pang matulog. Kaso binubulabog ako ng isang 'to. "Saan ba kayo pupunta?" "Nalimutan mo na ba? Lilipat na tayo ng Rest House." "Rest House?" Matagal ko siyang tinitigan. Nang makabawi bahagya ko pang kinurot ang pisngi ko. Aw! Daing ko ng masaktan pa ako sa sarili kong kurot. Pinagtawanan niya naman ako sa ginawa ko. Iiling-iling pang kaagad na akong hinatak patayo. Muntik pa akong masubsob sa gulat. "Tumayo ka na d'yan. Ang dami mong drama. Maglinis ka na dun ng mukha mo at ililigpit ko lang 'tong hinigaan mo." wika niya habang iniisa-isa ng ligpitin ang pinaghigaan ko. "Aalis na yung truck. Nauna na sina Itay do'n. Kanina pa. Ihahabol ko lang 'to. Ang tagal kasi gumising alas onse na." Tumabi ako sa gilid malapit sa b****a ng pintuan ng kwarto namin. Wala sa sariling pinanood ko siya. Isang malaking kumot. Apat na unan na malalaki at isang queen size bed na lang naman ang natira sa loob ng kwarto ng pasadahan ko ito ng tingin. Paglingon ko sa kabilang kwarto, wala na din lahat ng gamit. Lumabas ako. Pati sa sala. Dumeritso ako ng kusina. Wala na din. Isang malaking lumang drum na lang ang nandun na puno ng tubig. Kaagad akong naghilamos. "Bilisan mo na d'yan Sam!" Maya-maya narinig ko pang sigaw ni Ate sa'kin habang nagmamadali lumabas bitbit ang dalawang malaking unan. Kaagad akong sumunod sa kanya. "Yan na po lahat kuya! Salamat! Susunod na lang po kami!" Wala pa rin sa sariling hinatid ko ng tanaw ang papalayong truck na puno ng gamit namin. Saka tiningnan si Ate na nakatayo sa tarangkahan. Nakangiti akong nilingon ng makalayo na ang truck. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tumayo sa tabi ko ng bigla na lang akong... "Ayyyy..!" tili ko sa sobrang gulat. Muntik na akong masubsub ng biglang banggain ako ng kanyang balakang. "Ano ba, Ate?!!" "Kanina ka pa kasi d'yan parang tulog na naglalakad. Ginigising lang kita." "Iwan ko sa'yo!" nagpapad'yak akong mabilis na naglakad palayo sa kanya. "Bahala ka nga d'yan sa buhay mo!" Nakatawa naman siyang mabilis akong hinabol at kaagad na inakbayan. Naiinis na kaagad ko naman binabaklas ang braso niya sa mga balikat ko pero binabalik rin naman niyang muli. Kinikiliti niya pa ako sa aking tagiliran na ikinatawa ko naman. Sa kalaunan ay tumigil na din ako at hinayaan na lang siyang akbayan ako. Magkasama kaming masayang naglakad papunta ng Hacienda. Dumaan kami ng shortcut. Sa likod iyon. Maraming naglalakihang mga puno. Kung hindi mo kabisado ang lugar t'yak maliligaw ka. Madalas kaming lahat na mga kaibigan ko dito sa San Vicente dumadaan dito. Lalo na do'n sa burol. Malapit lang dito sa Hacienda. Pinatayuan pa namin yun ng isang malaking tambayan na kubo. Tuwing hapon pagkatapos ng klase namin sumasaglit kami doon para tumambay. Subrang ganda ng lugar. Napakatahimik. Mula sa burol tanaw ang buong Hacienda. Minsan natutukso pa kaming magkakaibigan na sundan ang malaking ilog na dumadaloy sa ibaba ng burol kung saan ito nagmumula. Kaso kaagad kaming pinagbawalan ni Ate dahil kabilin-bilinan daw ng may-ari ng Hacienda na 'wag magtangkang pumasok sino man doon at delikado. Baka mapahamak lang at maligaw, di na makalabas ng kakahuyan. "Alam mo Ate, hindi ko inaasahan na may ganitong kalaking swerte ang biglang darating sa buhay natin." Nakangiting sabi ko sa kanya habang inaalala ang hirap ng buhay na pinagdaanan namin. Pero kahit mahirap ang buhay namin masaya kami noon. Hindi ko sinasabing hindi na ngayon pero may malaking nag-iba ngayon kaysa noon. Nagsimula ang lahat nang maaksidente si Inay. Dahil do'n naghirap ng husto ang pamilya namin. Simula n'on nalubog na kami sa utang. Na halos hindi ko maisip kung makakaahon pa ba kami. Ginawa na ni Itay at Ate'ng araw ang gabi pero kulang pa rin. Yung masayang pamilya namin sa isang iglap biglang nawala. Biglang nag-iba. Naging matamlay. Naging malungkot. Naging tahimik yung dating maingay naming tahanan. Minsan ko na lang makitang tumatawa ang aking mga magulang. Hindi ko man maringgan ng reklamo ang Itay at Ate habang ako naman ang nagbabantay kay Inay pero nararamdaman kong hirap na hirap na sila. Tapos dumagdag pa ako ngayon sa problema ni Ate. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Kung anong tulong ang dapat kong gawin para sa kanila. Kung pa'no ko maiibsan ang hirap na nararamdaman nila. Ngunit wala akong magawa. Pilitin ko man pero wala pa talaga. Tapos ngayon, kung kailan akala ko katapusan na ng lahat saka naman gumawa ng paraan si God. Totoo nga yung kasabihan na: God has perfect timing; never early, never late. It takes a little patience and it takes a lot of faith but it's worth the wait. Wala akong gano'ng faith at mas lalong wala akong inaantay na darating. Pero ngayon napatunayan ko ang kasabihan na 'yon. Walang katapusang pagpupuri at pasasalamat at galak ang aking puso. Habambuhay ko itong tatanawing isang napakalaking biyaya galing sa Dios. "Kahit ako man. Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwala. Tsaka alam mo ba, sabi n'ong mag-asawang Del Carpio pwede akong lumipat mag-aral ng kolehiyo sa Manila kung gusto ko." "Sinabi nila yun?" gulat na gulat na nilingon ko siya sa huling sinabi niya. "Kailan? E-grab mo na Ate. Chance mo na 'yon. Nakita mo na ba sila ng personal?" "Oo kanina lang. Nandun sila sa Rest House. Pati nga si Señorito JM tsaka si Mig- Señorito Miguel nando'n rin." "E, bakit di mo man lang ako ginising?" reklamo ko sa kanya. "E di sana nakapagpasalamat din ako sa kanila." Inalis ko ang kamay niyang nakaakbay sa aking mga balikat. Mabilis akong naglakad at iniwan siya. Malayo-layo na ang nilakad ko ng abutan niya ako. Kaagad itong umabresyete sa kaliwang braso ko. Hinilig pa ang kanyang ulo sa aking balikat. "Ala-sais pa lang ginising na po kita. Tulog mantika ka kasi. Humihilik ka pa nga e. Nakatatlong balik na ako humihilik ka pa rin." "E, napuyat nga ako kagabi kakaisip d'on sa binalita ni Itay. Iniisip ko nga nananaginip lang ako kaya ayaw kong matulog. Kinakausap pa nga kita n'on pero tinulugan mo naman ako." "So kasalanan ko pa ngayon kung bakit napuyat ka?" "Hindi--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng makarinig ako ng halinghing ng kabayo palapit sa kinaroroonan namin. Gulat na nagkatinginan pa kami ni Ate. Kaagad kaming nagpalinga-linga sa paligid pero wala naman kaming makitang tao. Mabilis ko siyang hinatak para magtago sa malaking katawan ng punong kahoy na nasa daan. Ilang minuto pa ang pinalipas namin at nakiramdam. Pero hindi na naulit pa ang ingay. Baka nagkamali lang ako ng dinig. "May kilala ka bang marunong mangabayo sa Hacienda?" tanong ko kay Ate. "Wala, maliban do'n sa mga regular costumer na pumupunta dito para libutin ang Hacienda." "Pero walang nagagawi dito sa kakahuyan diba?" "Hindi kaya--" "Shhhhhhh..." Sansala ko sa sasabihin sana niya ng pagsilip ko ng bahagya sa katawan ng puno ng kahoy may nakita akong lalaking nakasakay ng kabayo. Ibang deriksyon naman ang tinatahak nito, hindi papunta sa kinaroroonan namin. Papasok sa masukal na kakahuyan. Sumilip din siya sa kabila. Kinalabit ko si Ate. Gulat na nilingon niya ako. Nagsenyas ako sa kanya para sundan kung saan papunta ang nakita naming lalaking nakakabayo. Dahan-dahan kaming naglakad at tahimik na sinusundan ito. Palipat-lipat kami ng punong-kahoy na pinagtataguan. Hindi namin namalayan na napapalayo na pala kami sa labasan ng gubat. Daan patungo ng Rest House. Parang nakapasok na kami sa gitnang parte ng kakahuyan. Nagpalinga-linga ako. Bigla akong kinabahan. Nilingon ko si Ate. Nakatingin pa rin siya sa lalaki. Hindi hinihiwalayan ng mata. Kung tutuloy pa kami hindi ko na kabisado pa ang daan pabalik. Binaling ko ang mga mata sa unahan. Deri-deritso lang ang lalaki. Animo'y kabisadong-kabisado nito ang lugar at walang pakialam sa paligid. "Sino ang lalaking yun at ano ang ginagawa nun rito sa kakahuyan? Saan yun pupunta?" "Aba malay ko." "Nakakapagtaka bakit parang kabisado nun ang kakahuyan. Hindi kaya isa siya sa anak ng mag-asawang Del Carpio? Tiningnan ko si Ate ng hindi siya umimik. Seryoso siyang nakamasid pa rin sa lalaki. Nagala pa ang mga mata sa paligid. Muli kong tinanaw ang lalaking nakakabayo. Mukhang matangkad yung lalaki. Maganda ang malapad na likod nito. Mahahabang mga hita. Yung muscle sa braso mukhang puputok na sa t'wing hinahatak ang renda ng kabayo. Ano kaya ang itsura kapag nakaharap? Mukhang ang gwapo! Napahagikhik ako sa naisip. Kaagad naman akong kinurot ni Ate sa tagiliran. "Aw!" daing ko sabay himas sa nasaktang tagiliran sa pinong kurot nito. Kaagad niyang tinakpan ang bibig ko. "Shhh! Ang ingay mo!" bulong niya sa'kin habang pinanlalakihan pa ako ng mga mata. Pati butas ng ilong lumalaki na. "Maririnig tayo." Natawa ako sa itsura ni Ate. Bahagya kong kinagat ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig. Mabilis pa sa alas k'watrong kaagad niyang tinanggal. "Aw! Samantha!" Mahinang daing niya habang hinihipan ang kamay na kinagat ko. Hindi ko alam kung umaarte lang siya sa sakit or sadyang nalakasan ko yung kagat. Kaagad niya akong binatukan ng pagtawanan ko pa siya. Napahalakhak ako na kaagad ko naman tinakpan ang aking bibig ng mga kamay ko ng maalalang may sinusundan pala kami. Sabay pa kaming sumilip para tingnan kung nando'n pa ang lalaki. Ngunit wala na ito. Pagbaling namin ay apat na mga paa ng kabayo ang nakatayo sa harapan naming dalawa. "Are you two following me?" Gulat na nagkatinginan kami ni Ate ng marinig namin ang baritonong boses ng lalaking nakasakay sa kabayo. Sabay pa kaming dahan-dahan na tiningala ang lalaki. Narinig kong malakas ding napasinghap si Ate ng makilala ang lalaking nakasakay ng kabayo na si Miguel! Nakakalukong nginisian pa kami nito. Pero ang mga mata'y nakatutok sa Ate ko. Naitulos kaming dalawa ni Ate sa kinauupuan. Matamang nakamaan lang dito habang nakatingala. "What are you doing here? Why you two following me?" Napalunok ako ng wala sa oras. Bigla natauhan ng muling magsalita ito. Kaagad kong hinatak ang kamay ni Ate. Sabay kaming napatayo. Ngunit nakaalpas ito sa hawak ko. Hinayaan ko na ng tumakbo na ito. Mabilis na kumaripas na rin ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan na akong banda. Napapalibutan pa rin ako ng kakahuyan kaya siguradong malayo pa ako sa labasan. Walang lingong-likod akong tumakbo para lang makalayo kay Miguel. "Bilisan mo Ate!" sigaw ko pa sa kasama ko habang walang tigil na tumakbo. Heaving violently. My lips parted a bit to gasp for air. I stopped running. Nanghihina ako. Pagod na pagod. I felt even more weaker when I turned around and didn't see any trace of her. Butil-butil na pawis ang tumulo sa aking mukha. Napahawak ako sa aking mga tuhod at sunod-sunod na huminga. I was literally listening to a strong thud of my heart. Nagpalinga-linga ako, pero wala. "Nasa'n na 'yun? 'Wag niyang sabihin na nagkahiwalay kami ng takbo?" hindi mapakaling nagpabalik-balik ako ng lakad habang nakatanaw sa dinaanan ko. "Naku naman talaga! Malilintikan ako nito 'pag pumunta ako ng Rest House na 'di siya kasama." I shouted her name many times, but no one answering. Nilamon lang ng malawak na kakahuyan 'yong malakas na boses ko. Naupo ako sa lupang puno ng mga tuyong dahon habang inaantay siya. Ngunit ilang oras na ang lumipas, ni anino niya wala akong makita. Napabalikwas ako ng tayo. Muling tinatanaw ang lugar na dinaanan ko sa pagtakbo. Pero wala pa rin. Nagdadalawang isip man, malalaking hakbang kong hinanap ang daan palabas ng kakahuyan. "Hindi nila pwedeng malaman--" "Siguradong maaalala niya ang mukha ko kapag nakita niya ako!" "Kung ganun kailangan mo ng umalis dito--" "Hindi pwede! Utos yun--" "Kaya ko na mag-isa--" "Hindi--" "I said I can manage!" Napaatras ako ng makita kong nagtatalo sina Kuya Axel at kaibigan namin ni Ate. Mabilis akong nagtago sa katawan ng puno at nakinig sa usapan nila. "Lilipat siya ng school sa Manila. Doon mo siya bantayan. Protect her at all cost." Tumango-tango ito saka ngumiti. "OK then." saka tumalikod. Salubong ang mga kilay na tinitigan ko ang mukha ni Kuya Axel ng igala nito ang mga mata sa paligid. Dinukot sa bulsa ang cellphone saka may kinausap doon. Pagkatapos mabilis ang mga kamay na nagtipa sa aparato saka muli iyon sinuksok sa bulsa. "Ella Rainne--WAIT!!" tawag nito sabay habol doon. "I forgot to tell you something!" "Kailan pa sila naging close ni Ella? Tsaka sinong pinag-uusapan nila?" lumabas ako sa pinagtataguan ko. Sinundan iyon ng tanaw. Nanatili ako doon hanggang sa mawala sa paningin ko. "Then... why he looks... DIFFERENT?" "Sinong LOOKS DIFFERENT--" "Ay! Anak ka ng pating..!" napatili ako sa gulat ng may biglang magsalita sa likuran ko. "Ate Lea naman!!" Nagkakandahaba ang leeg nito kakatanaw sa daan na tinatanaw ko. "Sino yung tinatanaw--" "Wala!" "Wala tapos... LOOKS DIFFERENT...." nakatawang ulit nito. "Kanina pa kayo hinahanap ni Tay Philip nandito ka lang pala. Dumaan ako sa bahay n'yo wala naman kayo." nagpalinga-linga ito sa paligid. "Nasaan pala ang Ate mo?" "Hindi ko alam. Inaantay ko nga din e." "Saan ba pumunta?" Tinuro ko ang loob ng kakahuyan. Nakakunot noo'ng tiningnan ako ng nagtatanong nitong mga mata. Akala siguro nagbibiro lang ako. "Sinundan kasi namin kanina yung lalaking nakakabayo. 'Di namin namalayan napapalayo na pala kami. Tapos n'ong mahuli naman kami n'ong lalaki na sinusundan namin siya, kumaripas na ako ng takbo. Akala ko nakasunod lang si Ate sa akin. Hindi pala." "Nakow! Kayo talagang dalawa! Umuwi ka na d'on at nag-aalala na ang mga magulang n'yo." "Pa'no si Ate? Baka naligaw--" Hindi na nito pinatapos pa ang aking sinasabi at kaagad akong marahang tinulak sa likod paalis. "Umuwi ka na. Malamang kasama na 'yon ni Señorito Miguel pabalik." "P--Pa'no mo nalaman--" "Nakita ko s'ya kaninang mabilis na nagpapatakbo ng kabayo. Bigla na lang nawala. Hindi ko alam na dito pala s'ya sa kakahuyan pumunta. Sige na. Pauwi na rin ako." Nag-aalangang tiningnan ko pa ito at nilingon ang kakahuyan. "Ayokong basta na lang umuwi ng di kasama si Ate. Hindi nun ka-close si Miguel. Tsaka, baka kung napa'no na 'yon. Baka naligaw kaya 'di nakasunod sa aking pagtakbo." "Tss--hindi nga yun--" "Hoy--SAM!!" Napabaling ako sa grupong tumawag saakin. Mga kaibigan namin na sina: Rita, Vika, Belen, Erika, Vilma. "Kanina ka pa hinahanap ng Nanay mo!" "Sabi sayo e." "Mga bruha hintayin niyo kami!!" tumitiling sigaw nina Veron, Ysa, Aika na bigla na lang sumulpot galing sa kabilang daan. Patakbong hinabol yun lima habang tumatawa. "May good news kami!" "Ano yun?!" "Legit yung balita!" "Weee?" "Oo nga! Nagpatawag ng meeting sa lahat ng trabahador yung mag-asawang Del Carpio!" "As in?" "Yes!" "At kinompirma din ni Nana---SAM!" gulat na chorus pa nung tatlo pagkakita sakin. "Hinahanap kayo ng Ate mo ng mga magulang niyo." "See?" muli akong tinulak sa likod ni Ate Lea ng 'di pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko. "Bilisan mo na d'yan. Hapon na. Umuwi ka na d'on at nagagalit ang Itay mo." Tinuro ko ang palumpon ng bulaklak na hawak-hawak ni Veron. "Wow, sinong malas na nagbigay sayo ng bulaklak?" nakatawang tanong ko dito. Nagtinginan ang tatlo sabay tawa. Lumapit si Veron kay Ate Lea. "Sino pa ba? E 'di... si JONARD--OH..." sabay lagay nito sa kamay ni Ate Lea na tila natuklaw ng ahas sa gulat. "Pinapabigay daw sayo ng Prince Charming mo." "T'ngna niya--wala ba siyang kadaladala?" bulalas nito. Napahagalpak kami ng malakas na tawa. "Nasa kabilang Isla daw yun ngayon." wika ni Aika. "Baka mamaya or bukas pumunta--" "Ilang beses ko ba dapat siya basted-in para manahimik na siya?" "Lakas nga ng tama sayo e--" "Yucks--nakakasura!" "Sus, kunwari pa kinikilig ka naman--" "Ayoko nga sa Manila Boy--nu ba kayo?!" singhal ni Ate Lea sabay walkout. Nagkatinginan kami sabay tawa ng makita naming pinipigtas nito bawat petals at itinatapon sa daan. Sinipat-sipat pa iyon saka inamoy pa habang mabilis na naglalakad pauwi. "Nga pala maiba tayo Sam," napabaling ako kay Veron. "Kahapon nakita mo ba yung Fil-Am famous car racer?" Umiling ako. Kunot-noong nagkatinginan naman ang mga ito. "E, bakit nakita ka namin tumatakbo kahapon dun sa footbridge?" "Oo nga," "Bumalik ka pa nga e." "Akala nga namin hinahabol mo--" "Di ko naman kilala 'yun ba't ko hahabulin?" sabad ko. "Tsaka pauwi na sana ako nun. Nakalimutan ko lang bumili ng maintenance na gamot ni Inay sa botika kaya bumalik ako." Muling nagkatinginan ang mga ito. Lalong nagdugtungan yung kilay ko sa reaksyon nila. "Akala ko ba nakita niyo doon sa Mall?" "Nakita nga namin." "O, tapos?" "Kumaripas ng takbo palabas ng dumugin ng fans." "Hinabol nga namin e." sabay tawanan nila. "Sus--para kayong mga timang--" "Tse--! Umuwi ka na dun!" sabay tulak nila sa akin. "Killjoy nito kainis." "May secret admirer na kasi yan sa school kaya ganun--" Iningusan ko ang mga ito. "Malay kong sinong pontio pilato sainyo ang naglalagay ng bulaklak sa locker ko--" "Wow ha, kami pa talaga pagbibintangan mo?" "E sino pa bang siraulong maglalagay ng bulaklak doon?" tinuro ko mga mukha nila. "Malamang ginoGOODtime niyo 'ko--" "Lah--kahamal ng isang tangkay ng red roses na yun para bilhan ka namin araw-araw." "Oo nga," "Tara na nga, uwi na tayo." "Ikaw umuwi ka na rin." Napasunod ang tingin ko sa kanila ng humakbang sila paalis. Nag-usap-usap about sa pagtransfer sa school sa Manila. Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga saka nagpalinga-linga sa paligid ng kakahuyan, nagbabakasakaling makita ko si Ate. Ngunit wala. "Nasaan na ba kasi 'yon!" Napapadyak pa ako sa sobrang frustrations. Bagsak ang mga balikat, nagsimula na akong humakbang palayo sa kakahuyan. Nakailang beses pa akong lumingon. Hindi ako mapakali habang pahinto-hinto akong naglalakad papunta ng Rest House. Ang bagong bahay namin. "Bakit ngayon ka lang Samantha?" nakakunot-noo'ng bungad na tanong ni Itay pagkalapit ko sabay tingin sa aking likuran. "Nasaan ang Ate mo?" Hindi ako makasagot. Tahimik lang ako. Kaagad akong yumuko. "Kinakausap kita Samantha. Nasaan ang Ate mo?" ulit nitong tanong sa akin. Pero hindi pa rin ako makasagot sa pinaghalong pag-aalala, takot at nerbyos. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ng sunod-sunod na pumatak ang mga luha. Natatarantang kaagad naman ako nitong dinaluhan. "Susmaryosep kang bata ka, ba't ka umiiyak!? Cora!" Napahagulhol ako. Nagmamadali naman si Inay lumabas ng bahay ng pasigaw itong tawagin ni Itay ng maglupasay na ako ng iyak. Hindi nila ako mapatahan. Natataranta naman ang mga ito kakatanong kung napa'no na ba daw ako. Hinahatak ako ng mga magulang ko papasok ng bahay pero ayaw kong pumasok. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan. Sobra-sobra akong nag-aalala. Sa tuwing naririnig ko ang mga huni ng mga kuliglig na bumabalot sa'ming paligid mas lalong rumaragasa ang takot sa'king dibdib. Ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig ako ng halinghing ng kabayo. Kaagad akong napatayo at tiningnan ang pinanggalingan nito. Bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag ng makita ko si Ate'ng nakasakay sa unahan ng kabayo kasama ni Miguel. Patakbo ko itong sinalubong. Naramdaman ko ring sumunod sa likod ang mga magulang ko. "Whoa..." narinig kong mahinang wika ni Miguel at kaagad na huminto ang kabayo malapit mismo sa harapan ko. Nauna itong bumaba. Hinaplos-haplos pa muna ang ulo ng kabayo. Parang kinakausap bago binalingan si Ate at tinulungang makababa rin sa kabayo. Pagkababang-pagkababa ni Ate ng kabayo kaagad ko siyang sinalubong at niyakap ng mahigpit. Natatawa pa niya akong tinapik sa likod. "Hindi naman ako galing abroad para mamiss mo ng ganito Sam." "Sobra akong nag-alala sa'yo kung napa'no ka na tapos ganyan ka pa ngayon sa akin? Kung alam ko lang na masaya ka pala e di sana hindi na ako nag-alala pa sayo. Sayang lang 'yong luha ko. Umiyak ako sa walang kakwenta-kwentang bagay." naiinis kong sunod-sunod na wika sa kanya. Tiningnan ko ng masama si Miguel na nakatayo sa likuran niya ng marinig kong mahina itong tumawa. "Salamat sa paghatid dito sa dalaga namin, Señorito Miguel. Kanina pa kami nag-aalala kung nasa'n na 'tong si Shienna. Hindi naman namin makausap itong si Sam at basta na lang nag-iiiyak." "Miguel na lang po 'Tay Philip. Iniwan kasi nitong si Samantha ang Ate n'ya sa kakahuyan. Nagkataon naman na nandun ako kaya sinabay ko na siya pauwi. Kaso ginabi na kami. Pasensya na po." Kaagad nagpagting ang tainga ko sa sinabi nito. Pinanliitan ko ito ng aking mga mata. Lalong uminit ang ulo ko ng nakakalukong nginisian pa ako. "Aba't--" Kaagad pinigilan ni Ate ang kamay ko ng mahalata niyang umuusok na ang ilong ko sa inis sa sinabi ni Miguel. "Anong ginawa n'yo sa kakahuyan ha, Samantha?" kaagad akong napabaling kay Itay. Biglang nabahag ang buntot ko sa kanyang tanong. Hindi ako nakaimik. " Alam n'yong delikado do'n diba? Buti na lang pala at nandun itong si Miguel. Kung nagkataon baka kung napa'no na ang Ate mo. Tapos ano na naman ba ang pumasok sa utak mo't gumawa ka pa ng gulo do'n sa karendirya ni Pricilla?" Biglang nanlaki ang mga mata ko sa huling tanong nito. Nagtatanong ang mga matang niligon ko kaagad si Ate. Pero umiling siya. Lumampas ang paningin ko sa lalaking pilit na tinatago ang lihim na ngisi nito sa mga labi. Kinutuban ako bigla. Sinamaan ko lalo ito ng tingin. Kaagad naman itong tumikhim at pumormal. Bahagya pang inayos ang damit nito. Nakakunot noo'ng matagal ko itong tinitigan. Pero kaagad din ako nagbawi ng tingin ng makipaglaban ito ng titigan sa akin. Ang kapal talaga ng mukha! "Tama na yan Philip." rinig kong mahinang saway ni Inay. Nakayukong nilingon ko ang mga ito. Nakita kong marahan na hinawakan nito si Itay sa braso. Siguro para kumalma. Tahimik lang akong napayuko pa lalo. "Dito ka na lang maghapunan Miguel. Sumabay ka na sa amin." "Naku, salamat po 'Nay Cora. Pero next time na lang po." tanggi nito sa paanyaya ni Inay. "May importanteng gagawin pa po kasi ako e. Sige po." Nakahinga ako ng maluwag ng mabilis na itong nagpaalam at umalis. *** Tahimik kaming kumain sa harap ng mesa. Walang ni isa man gustong magsalita. Tanging ang tunog ng mga tinidor at kubyertos lang ang maririnig na nagpapalakas pa lalo ng sobra sa tìbok ng puso ko. Nakayuko lang ako habang nagmamadaling kumain para makaalis na sa harapan ng mga ito. At makaiwas sa mapanuring mga mata ni Itay na kanina pa nakatutok sa akin. Puro lunok na nga lang ang ginagawa ko sa pagkain, hindi na ako makanguya pa ng maayos. Kung nakakamatay lang ang tingin na pinupukol nito baka kanina pa ako bumulagta. "Hindi ko kayo pinalaking walang modo, Samantha." Kaagad akong napainom ng tubig ng malunok ko ng buo ang kapirasong karneng bagong subo ko lang nang biglang magsalita si Itay. Pasimple ko itong sinilip habang umiinom. Napapasong kaagad din akong napayuko ng masalubong ko ang galit nitong mga mata. "Pinagtanggol ko lang naman po si Ate, Tay. Sobra naman po kasing mamahiya si Aling Pricilla." Naramdaman ko ang kamay ni Ate sa hita ko. Marahan akong pinisil doon. Pailalim ko siyang sinulyapan. Makahulugan niya akong tiningnan. Kaagad kong tinikom ang bibig. Tay sighed deeply. "Kahit na. Matanda pa rin sayo 'yong sinagot-sagot mo, Sam. Ito na ang huling mababalitaan kong nakikipagsagutan ka sa nakakatanda sa'yo, ha, Sam." Hindi ako umimik. "Samantha." Ulit pa nitong tawag sa pangalan ko. Masama ang loob ko. Ako na naman ang mali? Bakit lahat na lang ng ginagawa ko, para sa kanila ay lahat mali? I scoffed. Sobrang bait kaya inaabuso. "Nagkakaintindihan ba tayo, Samantha?" "Opo 'Tay. Sorry po." Natapos ang hapunan namin ng walang imikan. Nagkanya-kanya na silang akyat ng k'warto. Nagpaiwan ako. Nagkusa na ako'ng magliligpit ng mga hugasin. Hindi ko napansin na bumalik pala ng kusina si Ate. Hindi ko siya pinansin. Tahimik lang akong naghugas ng mga pinagkainan. "Sam." Mahinang tawag niya sa akin mula sa likuran pero di ko pa rin siya pinapansin. Nasasaktan ako kasi hindi n'ya man lang ako pinagtanggol kay Itay sa kasinungalingan sinabi ng lalaking 'yon. Sobra-sobra 'yong pag-aalalang naramdaman ko sa kanya kanina tapos masaya pala siyang kasama ang lalaking 'yon. Maya-maya naramdaman kong pumulupot ang mga braso niya. Niyakap ako patalikod. "Sorry na. Bati na tayo." Hindi ko pa rin siya pinansin. Nagkunwari akong walang nakikita at walang naririnig. Binilisan ko na ang pagbanlaw at kaagad ng tinaob ang mga ito sa hanging dish rack. Kaagad akong bumaling sa kabila malapit sa kabinet para kumuha ng basahan. Napabitaw siya sa akin. Nagpunas ako ng mga kamay. Kahit nakatalikod ako ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Pero nagmatigas ako at walang lingong-likod na tinalikuran siya. Lumabas ako ng kusina. "Sam..." Narinig ko pang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD