JOHN WAYNE POV
"Hello! Sa'n na kayo?"
"San Agustin Cafe."
"Where is that?" muli akong umikot sa loob ng 'di kalakihan na Mall. Nagpalinga-linga sa paligid habang hinahanap ang Cafe na sinasabi ng kaibigan kong si Ryan sa kabilang linya. "Kanina pa ako dito nagpaikot-ikot pero wala man akong nakitang San Agustin Cafe."
"4th floor with Mount Quasinta view--"
"Bilisan mo Santiago!" boses ng kaibigan kong si Keith.
"4th floor with Mount Quasinta view..." I murmured while roaming my eyes around.
Natigilan pa ako ng matanawan ko ang grupo ng mga kababaihan na nakatanaw sa akin. Iba-iba ang mga reaksyon. May nagniningning ang mga mata na para bang kinikilig. May nanlalaki ang mga mata habang nakanganga. May nakatakip sa bibig ang kamay na para bang gulat na gulat at hindi makapaniwala na nakita ako. Yung dalawang babaeng nasa unahan nakaturo ang kamay sa akin.
I frowned. "What's wrong with them--"
"Gaano ba kalaki nitong Mall ng San Agustin para 'di tayo mahanap ng Santiago na yan?" boses ni James sa kabilang linya na ikinakunot lalo ng aking noo.
"Si... Si Mr. Santiago yun diba?" wika nong babaeng nakaturo sa akin ang kamay.
"The famous car racer?"
"Yeah..."
"Parang nga..."
"But... that's imposible. Ano naman ang gagawin ni Mr. Santiago dito sa bayan ng San Vicente?"
"Oo nga--"
"But look at this latest article..."
Nagkumpulan sila. Pinag-agawan ang cellphone. Kaagad naman akong tumalikod. Isinuot ang dark glasses sa aking mata. Mabilis ang mga hakbang, hinanap ang daan pababa ng Mall. Sumakay ng escalator.
"Bro? Are you still there?"
"Yeah, Ry--but what does that fùcker mean? San Agustin Mall not San Vicente Mall?"
"NO. Why? Don't tell me--"
"Ayon! Si Captain America pababa ng escalator!"
"Mr. Santiagooo!!"
Nilingon ko yung tumitiling grupo ng mga kababaihan na tumawag sa akin. Wrong move... They're after me now.
"f**k!!" kumaripas ako ng takbo pababa ng escalator. Lalo ko tuloy naagaw ang atensyon ng mga taong dinaanan at nakakasalubong ko. Lahat sila napalingon... napatanaw... humabol ng makilala ako habang sinisigaw ang pangalan ko. Bigla akong nataranta. "Pucha!"
"Bro? Are you OK? What's the commotion there?"
"Nakilala nila ako--tangna!"
I heard them cursed next line. "Kararating lang din ni JM."
"Kung sino pa nagyaya gumala siya pang late--jusko." boses nina Keith at James. "Tara na."
"Will see you there at the basement--"
"Nandito ako sa bayan ng San Vicente!" humahangos na sigaw ko.
"What?!" chorus nila.
I turn my airpods on and connect in my phone. Binilisan lalo ang pagtakbo. Kung saan-saan na ako lumusot. Pagdating ko sa parking kaagad akong napaatras ng makilala ko yung dalawang lalaking nakasakay ng pulang motorsiklo 'di kalayuan. Nakatanaw sa...
Nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang isa pang lalaking naglalakad pabalik doon sa dalawa. Galing sa kinapaparadahan ng kotse ko. May kausap sa cellphone.
Bumalik ako sa loob ng Mall. Muling tumakbo ng matanawan ako ng mga kababaihan na humahabol sa akin. Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nong dalawang security guard na nakausap ko kanina. Tinulungan nila akong makalabas ng Mall at harangin yung mga humahabol sa akin. But the fans are too many kaya hindi nila kinaya. Hindi ko tuloy alam kung saan na ako pupunta. Kung saan-saan na ako lumusot na kalsada.
"Akala ko kasi puputa tayo ngayon sa Hacienda nina JM--"
"Bayan ng San Agustin, Mount Quasinta hindi sa Hacienda at bayan ng San Vicente--Santiago!"
"Shít--kagabi ako bumyahe papunta dito by car!"
"Laki mong tanga--"
"Pasundo niyo ako dito--t'ngna!" mura ko ng pagtawanan nila ako sa kabilang linya.
"Ilang oras lang ang byahe papunta dito from Manila tapos dumayo ka diyan--" they laughed wholeheartedly again.
"Liblib na ang bayan na 'to tapos may nakakakilala pa din sa'kin--Damn! Kapag hindi niyo ako pinasundo, magkalimutan na tayo!"
"Dumeritso ka na sa Hacienda--"
"Hindi ko alam papunta do'n! Nagkandaligaw-ligaw nga ako dito sa Bayan--"
"OK, will ask JM. Will send you the direction how to get there just don't hang up."
Then suddenly I heard a busy tone.
I cursed. "Don't hang up tapos pinatayan ako ng tawag--Damn you Aragon!"
I run as fast as I could. Trying to lost those fans who's still chasing me--damn! Ganun ba ako kasikat para habulin ako hanggang dito sa kalsada?
I crossed the road. Lumusot sa makitid na eskinita na puno ng iba't ibang klase ng paninda. Pagdating sa liwasan, I saw a queue of jeepney. Mga driver na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Pagbaling ko sa kabila, punuan ang paalis nang tatlong jeep.
Then suddenly someone park not too far from me. Napatitig ako sa mukha no'ng lalaki na hindi nalalayo ang edad sa akin.
"Axeeel! Pabalik ka na ba ng Hacienda?" sigaw nong driver ng jeep na papaalis na din. "
"Oo Pre!" balik sigaw no'ng Axel na bumaba ng Jeep. Bumili ng itim na sombrero at mineral water. Nilagay iyon sa driver seat tsaka patakbong lumapit sa lalaki saka may inabot na papel.
"Nakita ko yung kapatid ni Shienna kanina."
"Saan?"
"Nasa Botika--Oh ayan na pala si... Sam!"
Akma kong lilingunin ang tinuturo nito ng mag-Beep ang phone ko sa bulsa. I hurriedly took it out and open JM's two same messages popped in my phone.
JM:
Magtanong-tanong ka sa mga jeepney or tricycle driver diyan kung saan yung Rest House ni Uncle Conrad. They know him. Ten minutes lang ang layo no'n from the Mall. Our private pilot Matteo will fetch you there. See you!
I close my phone then put back to my pocket. Pag-angat ko ng tingin nagulat pa ako ng makita kong marami ng mga matang nakatanaw sa akin.
"Teka--kamukha niya nga iyong sikat na car racer na pinapanood--"
Hindi ko na pinatapos pa magsalita yung matandang lalaki. Kaagad kong nilapitan ang nakaparadang jeep 'di kalayuan sa akin. Sumakay doon. Mabilis na isinuot ang itim na sombrero na nasa driver seat, tinungga ang laman ng mineral water at pinasibad paalis ang jeep.
"Hoy! Yung jeep ko!"
Sigaw no'ng Axel na humalo sa tili no'ng babae na papasakay na sana pero kaagad napaatras matapos kong paandarin ang jeep palayo. I checked the girl on the side mirror if she's OK pero kaagad din akong napangiwi ng makita kong nagwawagwag ito ng kamay sa mukha habang yung isang kamay naman nakatakip sa ilong at bibig dahil sa usok na likha ng jeep na minamaneho ko. May mga bystanders na lumapit dito. Maybe to check on her too. Yung iba nakatanaw sa akin... seems like... baka minumura na ako malamang.
Pagliko ko...
"Stop the jeep!"
Bigla kong naapakan yung preno sa gulat sa lalaking biglang tumalon pasakay sa loob ng jeep. Mabibilis ang hakbang na nilapitan ako sabay dakot sa balikat ko. Mabilis ko iyon tinabig pero mas mabilis ang kamay nito umilag. Muli akong hinawakan sa balikat. Mabilis ko iyon nahawakan at akma sanang pipilipitin pero kaagad akong natigilan ng may matigas na bagay na dumaiti sa likod ng ulo ko. I gave it a quick glance at the rear view mirror para lang matigilan lalo sa aking nakita. Napalunok ako nang wala sa oras.
"Who do you think you are to stole my jeep just like that, huh?!" habol ang hiningang singhal nito sa akin, tumutulo pa ang pawis sa buong mukha. "You may be a popular pero hindi kita sasantuhin sa kabulastugan na ginawa mo--"
"Hey--I'm not planning to stole your jeep--"
"But you just did--!" sunod-sunod na busina sa likuran ang nagpatigil dito. "MOVE. I'll drive--"
"I can drive." sabad ko sabay paandar ng jeep ng lumakas lalo ang sunod-sunod na busina sa likuran. Dumiin naman ang dulo ng baril na hawak nito sa likod ng ulo ko. I took a deep breath. "I need to go to Mr. Conrado Del Carpio Rest House. Can you help me find where is that?"
Sinulyapan ko ito sa rear view mirror makalipas ang ilang minutong katahimikan. His face is impassive. Not showing any emotion at all. The gun is gone too. I didn't notice where did he put.
I took a deep breath again. "Please?"
He sighed then went on the seats beside me. He open the glove compartment. Inabot ang malinis na face towel doon saka mabilis na sinara ng makitang nakatitig ako sa mga papeles na nakasilid doon.
"Mukha kang dayuhan sa lugar na 'to--"
"I know you knew me base on your reaction a while ago back there in the jeepneys terminal."
"So you're the one who created commotion on the Mall, on the street--"
"I'm not!"
"I was there."
"They're the one who created commotion NOT ME."
"Famous but too humble." he chuckled. "Unlike the youngest Del Carpio. Too proud and bossy."
"Did you know, Migz?"
He nodded. "I work to their ranch as a Vet--Oh... should be WAS work there before. He just fired me." then chuckled again. "Turn left."
Mabilis ko namang kinabig ang manibela.
"Are we heading to--"
"YES." agap nito. "Keep driving. Doon talaga ang tungo ko. Kasama ko din sana pabalik yung babaeng pinakain mo ng usok..." saka malutong ako nitong minura. "I can't believe you did that!"
"I'm sorry. I didn't mean to--"
"Don't say sorry to me. Sa kanya ka mag-sorry."
"But I have no more time. I have an appointment with my friends."
"Kakilala mo kamo si Sir Conrad. Kaibigan mo ang mga Del Carpio. She live there near in Hacienda Ismeralda. You will see her next time for sure." tinuro nito ang tatlong palapag na Rest House. "I think someone waiting for you from the rooftop."
Ipinarada ko ang jeep sa labas na nakabukas na gate.
"Thank you for helping me."
Nakangiting tinapik nito ang balikat ko. "I did that on purpose."
I frowned. Confused.
"What do you mean by that?"
"I saw three guys in the parking lot of the Mall doing something in your car. Tell your friends to be very careful."
Lalong nalukot ang aking noo sa sinabi nito. Nahihiwagaan sa lalaking kaharap ko. Who the hell he is?
Muling tinapik nito ang aking balikat. "GO. I have so much work to do. Inubos mo na yung oras ko."
"Who are you--"
"Actually hindi pala ako yung nakakita do'n sa tatlong lalaki kundi yung babaing pinalamon mo ng usok ng tambutso. Sinundan ko lang. Kaya mag-sorry ka sa kanya." sabad nito sabay tulak sakin pababa ng jeep.
Wala sa oras akong napababa. Tinawanan pa ako nito ng kamuntik na akong mahulog. Kaagad itong lumipat sa driver seat. Sunod-sunod na bumusina. May lalaking humahangos na lumabas ng gate at may inabot ditong brown envelope.
"Yan na yung mga kailangan niya. Lagot ako pag nalaman 'to ni--"
"Sagot kita--sige na. Salamat sa tulong."
"Anytime." nakangiting binalingan ako nito. "Bilisan mo daw sabi ni Boss Matteo." anito sabay talikod. Tinungo ang nakaparadang motorsiklo. Sumakay doon at pinaharurot paalis.
Sumunod dito ang jeep ni Axel pero muli ding huminto. Sinilip ako nito sa bintana. "Don't forget about what I said!" sigaw nito. "Warn your friends!"
I nodded.
"And don't forget to say sorry to that girl also. You owe her your life. Mag-thank you ka na rin." then he evily smirked at me while giving a quick glance at...
Huli na ng ma-realized ko ang binabalak ng hinayupak. Sunod-sunod akong napaubo ng lamunin ako ng pinaghalong usok at alikabok matapos nitong paharurutin palayo ang jeep.
Darn! Sino ba ang babaeng yun para gantihan ako ng Axel na yun ng ganito katindi? Argh--! I didn't know her yet but damn--! I started to hate her name--SAM!