Unexpected Marriage 3

2587 Words
SAMANTHA FAYE RAMOS Heaving violently. My lips parted a bit to gasp for air. I stopped running. Nanghihina ako. Pagod na pagod. I felt even more weaker when I turned around and didn't see any trace of her. Butil-butil na pawis ang tumulo sa aking mukha. I was literally listening to a strong thud of my heart. Nagpalinga-linga ako, pero wala. Sa'n pumunta yun? I slowly sat on the ground as I found my breath. I shouted her name many times, but no one answering. Nilamon lang ng malawak na kakahuyan 'yong malakas na boses ko. Nanatili lang akong nakaupo sa lupang puno ng mga tuyong dahon habang inaantay siya. Ngunit ilang oras na ang lumipas, ni anino nito wala akong makita. Napabalikwas ako ng tayo. Nagpabalik-balik ng lakad habang tinatanaw ang lugar na dinaanan ko sa pagtakbo. Wala pa rin ito. Saan na ba pumunta 'yon? Nagdadalawang isip ako kung babalikan ko ba s'ya or aantayin ko na lang s'ya sa labasan. Pinili ko ang huli. Mabilis at malalaking hakbang na hinanap ko ang daan palabas ng kakahuyan. Makailang beses pa akong natisod sa pagmamadali. Sumabit pa yung damit ko sa maliit na putol na nakausling kahoy. Nahirapan pa ako n'ong una kakahanap kung saan na ba 'yong daan palabas ng kakahuyan. Nagkandaligaw-ligaw pa ako. Hindi ko alam kung anong oras na. Sumasakit na ang ulo ko. Pati ang t'yan ko kumakalam na rin. Gutom na gutom na ako. 'Di pa pala ako kumakain. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan ko. Parang gusto kong uminom ng malamig na malamig na tubig. Kaagad akong napasalampak at nahiga sa luntian na damong nasa b****a ng kakahuyan. Nakakapagod! Ang sarap ng simoy ng hangin. Subrang lamig. Ang bango-bango pa ng mga bulaklak. Subrang ganda ng lugar. Parang paraiso. Napakatahimik. Napatingin ako sa langit. Kaagad akong natigilan. Hapon na! Wala pa rin si Ate! Sa'n na ba 'yon pumunta! "Ay! Anak ka ng pating..!" Napatili pa ako sa gulat at kaagad na napaupo ng may biglang tumakip sa aking mga mata. Ang higpit ng kapit. Pinagbabaklas ko isa-isa ang mga daliri ng kamay na nakatakip sa mga mata ko. Nang matanggal ko, nakangiting mukha ni Ate Lea ang sumalubong sa aking paningin. Inirapan ko siya. She chuckled. "Kanina pa kayo hinahanap ni Tay Philip nandito ka lang pala. Dumaan ako sa bahay n'yo wala naman kayo. Nasaan pala ang Ate mo?" nagpalinga-linga pa ito. Kaagad akong tumayo at hinarap ito. "Hindi ko alam. Inaantay ko nga din e." "Saan ba pumunta?" Tinuro ko ang loob ng kakahuyan. Nakakunot noo'ng tiningnan ako ng nagtatanong nitong mga mata. Akala siguro nagbibiro lang ako. "Sinundan kasi namin kanina yung lalaking nakakabayo. 'Di namin namalayan napapalayo na pala kami. Tapos n'ong mahuli naman kami n'ong lalaki na sinusundan namin siya, kumaripas na ako ng takbo. Akala ko nakasunod lang si Ate sa akin. Hindi pala." "Nakow! Kayo talagang dalawa! Umuwi ka na d'on at nag-aalala na ang mga magulang n'yo." "Pa'no si Ate? Baka naligaw--" Hindi na nito pinatapos pa ang aking sinasabi at kaagad akong marahang tinulak sa likod paalis. "Umuwi ka na. Malamang kasama na 'yon ni Señorito Miguel pabalik." "Pa'no mo na--" "Nakita ko s'ya kaninang mabilis na nagpapatakbo ng kabayo. Bigla na lang nawala. Hindi ko alam na dito pala s'ya sa kakahuyan pumunta. Sige na. Pauwi na rin ako." Nag-aalangang tiningnan ko pa ito at nilingon ang kakahuyan. Nagdadalawang isip akong umalis. Ayaw kong basta na lang umuwi ng di kasama si Ate. Hindi nito ka-close si Miguel. Baka kung napa'no na 'yon. Baka naligaw kaya 'di nakasunod sa aking pagtakbo. "Bilisan mo na d'yan. Hapon na. Umuwi ka na d'on at nagagalit ang Itay mo." Wika nito at kaagad ng naglakad pauwi salungat ng daan na aking uuwian. Isang beses pa ako nitong nilingon at pinanlakihan ng mga mata ng hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Isa! Samantha!" Bilang pa nito sa akin. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid ng kakahuyan, nagbabakasakaling makita ko si Ate. Ngunit wala. Nasaan na ba kasi 'yon! Napapadyak pa ako sa subrang frustrations na nararamdaman. Bagsak ang mga balikat, nagsimula na akong humakbang palayo sa kakahuyan. Nakailang beses pa akong lumingon. Ngunit sa tuwing mapapadako ang aking paningin kay Ate Lea na hanggang ngayon nakatayo pa rin doon ay pinanlalakihan ako nito ng mga mata. Sabay senyas na umuwi na. Mabigat ang dibdib na nilisan ko na ang kakahuyan. Pa'no kung hindi kasama ni Miguel si Ate? Baka kung napa'no na 'yun. Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Makailang ulit din akong huminto ng paglalakad. Gusto kong bumalik. Kaso nando'n pa rin si Ate Lea. Ang layo ko na, hindi pa rin umaalis. Wala bang balak umalis ang babaing 'yon doon? Hindi ako mapakali habang pahinto-hinto akong naglalakad papunta ng Rest House. Ang bagong bahay namin. "Bakit ngayon ka lang Samantha?" nakakunot-noo'ng kaagad na tanong ni Itay pagkalapit ko sabay tingin sa aking likuran. "Nasaan ang Ate mo?" Hindi ako makasagot. Tahimik lang ako. Kaagad akong yumuko. "Kinakausap kita Samantha. Nasaan ang Ate mo?" ulit nitong tanong sa akin. Pero hindi pa rin ako sumasagot. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ng sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha. Natatarantang kaagad naman ako nitong dinaluhan. "Susmaryosep kang bata ka, ba't ka umiiyak!? Cora!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulhol. Nagmamadali naman si Nanay lumabas ng bahay ng pasigaw itong tawagin ni Itay ng maglupasay na ako ng iyak. Hindi nila ako mapatahan. Natataranta naman ang mga ito kakatanong kung napa'no na ba daw ako. Hindi nila ako makausap ng matino. Hindi ako makapagsalita. Dinaan ko sa iyak 'yong subrang takot na nararamdaman ko. Natatakot ako na baka kung napa'no na ang kapatid ko. Hapon na. Malapit ng dumilim. Kung ano-anong negative thoughts na ang pumapasok sa utak ko. Ayaw kong isipin pero 'di ko mapigilan. Delikado sa loob ng kakahuyan. Mabuti kong kasama nga ito ng lalaking 'yon. Pero pa'no kung hindi? Pa'no kong tumakbo din ito at nagkahiwalay lang kami? Pa'no kung naligaw ito? Mas kabisado ko pa ang kakahuyan kaysa sa kanya. Hinahatak ako ng mga magulang ko papasok ng bahay pero ayaw kong pumasok. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan. Subra-subra akong nag-aalala. Sa tuwing naririnig ko ang mga huni ng mga kuliglig na bumabalot sa'ming paligid mas lalong rumaragasa ang takot sa'king dibdib. Nasaan na ba kasi si Ate!? Ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig ako ng halinghing ng kabayo. Kaagad akong napatayo at tiningnan ang pinanggalingan nito. Bigla akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib at nakahinga ng maluwag ng makita ko si Ate'ng nakasakay sa unahan ng kabayo kasama ni Miguel. Kaagad akong napatakbo para salubungin ang mga ito. Naramdaman ko ring sumunod sa aking likod ang aking mga magulang. "Whoa..." narinig kong mahinang wika ni Miguel at kaagad na huminto ang kabayo sa paglalakad malapit mismo sa harapan ko. Nauna itong bumaba. Hinaplos-haplos pa muna ang ulo ng kabayo. Parang kinakausap. Di ko naman marinig kung ano ang sinasabi. Bago binalingan si Ate at tinulungang makababa rin sa kabayo nito. Pagkababang-pagkababa ni Ate ng kabayo ay kaagad ko itong sinalubong at niyakap ng mahigpit. Natatawa pa itong tinapik ako sa aking likod. "Hindi naman ako galing abroad para mamiss mo ng ganito Sam." I scoffed. "Subra akong nag-alala sa'yo kung napa'no ka na tapos ganyan ka pa ngayon sa akin? Kung alam ko lang na masaya ka pala e di sana hindi na ako nag-alala pa sayo. Sayang lang 'yong luha ko. Umiyak ako sa walang kakwenta-kwentang bagay." Naiinis kong sunod-sunod na wika sa kanya at masamang tiningnan si Miguel na nakatayo sa likuran niya ng marinig kong mahina itong tumawa. Isa din 'tong kumag na 'to. "Salamat sa paghatid dito sa dalaga namin Señorito Miguel. Kanina pa kami nag-aalala kung nasa'n na 'tong si Shienna. Hindi naman namin makausap itong si Sam at basta na lang nag-iiiyak." "Miguel na lang po 'Tay Philip. Iniwan kasi nitong si Samantha ang Ate n'ya sa kakahuyan. Nagkataon naman na nandun ako kaya sinabay ko na siya pauwi. Kaso ginabi na kami. Pasensya na po." Kaagad nagpagting ang tainga ko sa sinabi nito. Ano daw? Ako? Iniwan ko si Ate? Di lang pala mayabang ang kumag na 'to. Sinungaling pa! Nilingon ko ito at masamang tinitigan. Lalong uminit ang ulo ko ng nakakalukong nginisian pa ako nito. "Aba't--" Kaagad akong pinigilan ni Ate sa aking kamay ng mahalata nitong umuusok na ang ilong ko sa inis sa sinabi ni Miguel. Kunti na lang talaga at masasapak ko na ang lalaking 'to. Alam na ngang naaasar ka na, aasarin ka pa lalo. Kahit kailan talaga hindi man lang ito pumapalya para painitin ang ulo ko. Makita ko pa lang ang mukha nito pakiramdam ko minuminuto akong naglilihi. Nakakagigil ang mukha sa pangisi-ngisi nito sa akin. Kaasar talaga! "Anong ginawa n'yo sa kakahuyan ha, Samantha?" kaagad akong napabaling kay Itay ng magsalita ito. Biglang nabahag ang buntot ko sa tanong nito. Hindi ako makaimik. Ito na ba? Papagalitan na ata ako ng Itay! Dito pa talaga sa harap ng damuhong na lalaking to. " Alam n'yong delikado do'n diba? Buti na lang pala at nandun itong si Miguel. Kung nagkataon baka kung napa'no na ang Ate mo. Tapos ano na naman ba ang pumasok sa utak mo't gumawa ka pa ng gulo do'n sa karendirya ni Pricilla?" Biglang nanlaki ang mga mata ko sa huling tanong nito. Pa'no nito nalaman? Sinong nagsabi? Nagtatanong ang mga matang niligon ko kaagad si Ate. Pero umiling ito. Ibig sabihin hindi ito ang nagsabi. Lumampas ang paningin ko sa lalaking pilit na tinatago ang lihim na ngisi nito sa mga labi. Kinutuban ako bigla. Sinamaan ko ito ng tingin. Kaagad naman itong tumikhim at pumormal. Bahagya pang inayos ang damit nito. Nakakunot noo'ng matagal ko itong tinitigan. Pero kaagad din ako nagbawi ng tingin ng makipaglaban ito ng titigan sa akin. Ang kapal talaga ng mukha! "Tama na yan Philip." 'Rinig kong mahinang saway ni Inay. Nakayukong nilingon ko ang mga ito. Nakita kong marahan na hinawakan nito si Itay sa braso. Siguro para kumalma. Tahimik lang akong napayuko pa lalo. "Dito ka na lang maghapunan Miguel. Sumabay ka na sa amin." "Naku, salamat po 'Nay Cora. Pero next time na lang po. May importanting gagawin pa po kasi ako." Tanggi nito sa paanyaya ni Inay. Nakahinga ako ng maluwag ng mabilis na itong nagpaalam at umalis. *** Tahimik kaming kumain sa harap ng mesa. Walang ni isa man gustong magsalita. Tanging ang tunog ng mga tinidor at kubyertos lamang ang maririnig. Na nagpapalakas pa lalo ng subra sa t***k ng puso ko. Subra akong kinakabahan. Nakayuko lang ako habang nagmamadaling kumakain para makaalis na sa harapan ng mga ito. At makaiwas sa mga mapanuring mga mata ni Itay na kanina pa nakatutok sa akin. Puro lunok na nga lang ang ginagawa ko sa pagkain ko, hindi na ako makanguya pa ng maayos sa uri ng titig nito sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin na pinupukol nito sa'kin baka kanina pa ako bumulagta. "Hindi ko kayo pinalaking walang modo, Samantha." Kaagad akong napainom ng tubig ng malunok ko ng buo ang kapirasong karneng bagong subo ko lang nang biglang magsalita si Itay. Pasimple ko itong sinilip habang umiinom. Napapasong kaagad din akong napayuko ng masalubong ko ang galit nitong mga matang nakatingin sa akin. "Pinagtanggol ko lang naman po si Ate, Tay. Subra naman po kasing mamahiya si Aling Pricilla." Nakayukong pagtatanggol ko sa sarili ko. Naramdaman ko ang kamay ni Ate sa hita ko at marahan akong pinisil doon. Pailalim ko siyang sinulyapan. Makahulugan ako nitong tiningnan. Kaagad kong tinikom ang aking bibig. He sighed deeply. "Kahit na. Matanda pa rin sayo 'yong sinagot-sagot mo, Sam. Ito na ang huling mababalitaan kong nakikipagsagutan ka sa nakakatanda sa'yo, ha, Sam." Hindi ako umimik. "Samantha." Ulit pa nitong tawag sa pangalan ko. Masama ang loob ko. Ako na naman ang mali? Bakit lahat na lang ng ginagawa ko, para sa kanila ay lahat mali? I scoffed. Subrang bait kaya inaabuso. "Nagkakaintindihan ba tayo, Samantha?" "Opo 'Tay. Sorry po." Mabilis kong hinging paumanhin. Natapos ang hapunan namin ng walang imikan. Nagkanya-kanya na silang akyat ng k'warto. Nagpaiwan ako. Nagkusa na ako'ng magliligpit ng mga hugasin. Hindi ko napansin na bumalik pala ng kusina si Ate. Hindi ko siya pinansin. Masama pa rin ang loob. Tahimik lang akong naghugas ng mga pinagkainan. "Sam." Mahinang tawag niya sa akin mula sa likuran pero di ko pa rin siya pinapansin. Nasasaktan ako kasi hindi n'ya man lang ako pinagtanggol kay Itay sa kasinungalingan sinabi ng lalaking 'yon. Subra-subra 'yong pag-aalalang naramdaman ko sa kanya kanina tapos masaya pala itong kasama ang lalaking 'yon. Maya-maya naramdaman kong pumulupot ang mga braso nito at niyakap ako patalikod. "Sorry na. Bati na tayo." Hindi ko pa rin siya pinansin. Nagkunwari akong walang nakikita at walang naririnig. Binilisan ko na ang pagbanlaw at kaagad ng tinaob ang mga ito sa hanging dish rack. Kaagad akong bumaling sa kabila malapit sa kabinet para kumuha ng basahan. Napabitaw ito sa akin. Nagpunas ako ng aking mga kamay. Kahit nakatalikod ako ramdam ko ang mga titig nito sa akin. Pero nagmatigas ako at walang lingong likod na tinalikuran ko na ito. Lumabas ako ng kusina. Narinig ko pa ang mahinang pagtawag nito sa pangalan ko pero nagbingi-bingihan ako. Nagpalinga-linga ako pagdating ko ng sala. Hindi ko alam kung saan ang kwarto. Nakakita ako ng hagdanan. Tumingala ako sa itaas. Nang makita kong may ilaw 'di na ako nagdalawang isip pa. Umakyat ako. Binuksan ko ang unang pintong naraanan ko. Pagbukas ko ng pinto kaagad kong nakita ang damitan ko. Pati mga kumot at unan ko nando'n na din sa malaking kama na nabungaran ko. Wala akong makita ni isang gamit ni Ate kaya inisip ko na baka mag-isa lang akong uukupa sa k'warto. Kaagad akong pumasok at ni-lock ang pinto. Nanghihinang napasandal ako sa likod nito. Hinayaan kong umalpas ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Deri-deritso itong pumatak. Bahagya ko pang nalasahan ang alat ng mapadako ito sa mga labi ko. Impit akong umiyak ng umiyak para maibsan ang bigat na aking nararamdaman. Nagkanda patong-patong na. Hindi ko na alam kung ano na ba ang puno't dulo ng aking pag-iyak. Ano ba ang iniiyakan ko? Bakit umiiyak na naman ako? Dapat masaya ako ngayon dahil sa isang iglap nawala ang malaking problema ng pamilya ko. Hinayaan ko ang sariling magpakasawa sa pag-iyak hanggang sa maramdaman kong humahapdi na ang aking mga mata. Dahan-daha akong lumapit sa malaking kama. Pabagsak akong padapang humiga at pinagpatuloy ang pag-iyak sa walang katapusan na pagtulo ng aking mga luha. Sinubsob ko ang aking mukha sa unan. Hindi ako galit sa kanila. Mahal ko sila. Kahit anong mangyari pamilya ko sila. Never akong magagalit sa kanila. Nagtatampo, oo. Normal naman siguro 'yon, diba? Sinong magkakapamilya ang hindi nag-aaway-away? Hindi nagkakatampuhan? Hindi nagbabangayan? Minsan nga may inggitan pang nangyayari. And I believed It always happened everywhere. In every family. But still, It just feels good to be part of a warm and loving family. And that's what I've got. "Sam." Ilang minuto na akong nakadapang umiiyak ng marinig ko ang boses ng Ate ko sa labas ng k'warto. Marahan pa itong kumakatok habang tinatawag ang pangalan ko. I ignored her. Kinuha ko ang unan at nilagay sa likod ng ulo ko at pinantakip ko ng magkabilang tainga ko. Maya-maya tumigil na ito. Narinig ko ang marahan nitong mga yabag papalayo sa aking kwarto. I resumed crying.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD