Chapter Fourteen

1253 Words
=Via's POV= Sunday, 4:12 pm Bumaba ako pagkatapos kong manood ng limang movie na anime. Nang makababa ako, narinig kong nagtatawanan, sila Anna, Harold, Jeff at yung lalaki kanina. Pumunta ako sa sala at nakita ko sila naka ayos. Mukhang may pupuntahan. "San punta niyo?" tanong ko sakanila at napalingon silang apat saakin. "Birthday kasi ng pinsan ni Sir Jeff, invited kami" sabi ni Anna at napataas ako ng kilay. Kung sila Anna at Harold invited, tapos ako hindi invited, bakit? Tch. "Ganun ba? Osige, alis na kayo, wag na kayong babalik ah" sabi ko at umalis sa sala, rinig ko na tinatawag nila ako, since snobber ako, hindi ko sila papansinin at naglakad papuntang office nila mama. I am still wondering, kung anong laman ng box na iyon, like, anong laman non, buto? laman loob? ginto? o papel na sobrang halaga sa pamilya namin. "Wag ka magpapadala sa curiosity mo kung ano ang nasa loob  niya, think twice and be ready yourself if you want to open that" Binuksan ko yung mga drawer ng desk pero wala naman susi iyon. Inikot ko mata ko at pumunta sa mga cabinets para humanap ng susi para mabuksan ang box na binigay ni Mommy Bawat sulok ng kabinet hindi ko makita na may susi or what na para mabuksan yung box. Bahagyang lumuhod ako at binuksan yung isang cabinet pero narinig ko biglang bumukas ang pintuan.  "What are you doing?" rinig na tanong saakin.Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si Jeff ang nasa pintuan, naka tingin saakin ng seryoso. Sinarado ko yung cabinet at tumayo bago inayosang aking damit at binaling uli ang tingin ko sakaniya. "Nothing" sagot ko sa tanong niya. "Really? Then explain why almost every cabinet in here is open?" tanong niya saakin at tiningnan ko yung paligid ko. s**t, why didn't close the cabinets? "I... I was searching for my... birth certificate" padahilan kong sinabi sakaniya pero hindi padin nagbago yung tingin niya saakin. "Bakit mo naman hinahanop iyon? Kailangan ba sa school niyo iyan?" tanong niya saakin. "I wouldn't searching for it kung hindi kailangan iyon sa school" sabi ko at sinimulan isarado ang mga cabinets na naiwanan kong nakabukas. "Dalian mo diyan at magbihis ka agad. Sasama ka saamin" sabi niya at natigilan ako. "Bakit naman ako sasama?" tanong ko sakaniya at bumalik sa pagsasarado ng cabinet. "Because I said so" sabi niya at naramdaman kong umalis na riya sa office. Tsk, because I said so, I said so mo mukha mo! ---------------    Katabi ko si Jeff ngayon sasakyan at nasa tabi namn ng driver yung lalaki kaninang umaga at nasa likoran naman namin sina Anna at Harold. Ang iingay nila sa totoo lang, mas maingay pa sila sa singkwentang kaklase ko na hindi maubos ubusan ng topic. "Sir Jeff, may pogi ka bang pinsan?" tanong ni Anna tapos tumawa siya. What a weird girl. "Madami akong pinsan, at single silang lahat, pumili ka sakanila irereto kita" pabir naman saad ni Jeff at napairap ako. Uunahin ba nila yung landian ngayon? Tch, sarap sungalngalan ang bibig ni Anna at ni Jeff ngayon. Tumingon ako sa bintana at napansin ko padireksyon namin ang isang mansiyon. Montehito Mansion... Ayan ang nakalagay sa gate. As far as I know, lahat ng may Monte sa apilyido ay miyembro ng La Famila Montes. Isa sa mga malalakas na organisasyon sa buong mundo. Tapatingin ako kay Jeff at napagisip isip na kung pinsan niya ang mga Montehito edi isa din siya sa mga Monte Families? Napailing ako at binalik uli ang tingin ko sa labas. Maya maya pa lamang tumigil na kami sa harap ng mansyon at bumaba na kami. Inalalayan ako ni Jeff na bumaba at pumasok kami sa loob. Hindi ganon kadami ang bisita, pero napaka garbo ng handaan, may lumapit saaming waiter at nituro saamin yung garden kung saan gaganapin ang birthday. Pagkapunta namin doon may sumalubong saaming lalaki. "My great cousin!" sabi ng lalaki na sumalubong saamin. "Fujin! Long time no see bro!" sabi naman ni Jeff sakaniya. "Phoenix you're also here?!" gulat naman niyang saad sa kasama namin. So Phoneix is his name huh... not suitable for his appearance and manners "You guys also bought your friends! Allow me to introduce myself, my name is Fujin Alexander Montehito, Jeff's cousin" pakilala niya at meron pa siyang pabow-bow. "I'm Anna... Anna Maganda" pakilala ni Anna sakaniya at nilahad niya ang kamay  para makipag shakehands "Anna Maganda, pretty name" sabi nila at tinangap ang shakehands at hinalikan ang likod ng kamay niya. Gusto kong irapan itong lalaking ito, seriously?! Naloko siya don?! Ang bobo nga naman ng Montehito'ng ito. "Harold Pachecco" pakilala naman ni Harold sakaniya at nakipag shakehands din siya. "And you Miss?" lingon tanong niya saakin "Olivia" tinaasan ko muna siya kilay bago magsalita. UGH, mas bet ko pang magaral kaysa umattend ng party na ito, tch Nakita ko gusto niyang makipag shakehands pero hindi ko iyon pinansin. Agad na dumating yung waiter at may binulong kay Fujin. Tumingin muna ito saaming lima bago kinausap uli ang waiter. "Nice to meet you all, please enjoy my party, I'll excuse myself" sabi niya at umalis sa harapan namin at sumama doon sa waiter. "Halika na, upo na tayo. Kanina pa ako nangangalay dito sa heels ko, kanina ko pa binubuhat sarili ko para hindi sumakit paa ko, pero parang mas malala ito" sabi ni Anna na agad nagsitawanan sila, except saakin, why would I laugh at something that is nonsense. Pumunta na kami sa table namin at umupo, nagdaldalan sila sa mga tatitirang oras bago nagsimula yung party. Wala ako magawa kundi kumain lang ng kumain, masasarap naman yung mga pagkain. "Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Jeff saakin. "Kailan ba ako nagingay?" umirap muna ako bago sinabi iyon at ngumiti siya habang tumatango. "You know, I miss spending time with you. Only if you remember" sabi niya saakin at napatingin ako sa kaniya. "I don't remember spendi-- f**k" sabi ko nang biglang may humila sa sleeves ng dress ko na, gawa ito sa ibang klaseng tela ang sleeves kesa sa buong dress ko. "Are you okay?!" biglang pagaalala tanong niya saakin na dahilan na palingon silang tatlo saamin. "Anong nangyari sa braso mo?!" tanong saakin ni Jeff at kinuha ang braso para ubserbahan iyon pero ako ay hinahanap ang langyang aso na kumagat sa sleeve ko. Nasa bandang likuran ang table namin kaya hindi kami napapansin ng ibang bisita. "Ano nangyari dito Olivia?" seryosong tanong saakin pero binigyan ko lang siya ng blangkong tingin. "Pakialam mo ba?" walang emosyon na tanong ko sakaniya at binawi ang braso ko. "Bakit namumula iyan? Tumakas ka ba kagabi?" tanong saakin ni Anna at biglang napabaling ang tingin ko sakaniya. "Huh?" maangmaangan na tanong ko. "Kagabi kasi may narinig akong kaluskos ng mga damo sa labas at tunog ng motor" sabi niya habang nakatingin diretso sa mga mata ko. Napakunot ang nuo ko sa sinabi niya , nakakapagtaka lang dahil tumakbo lang ako papunta sa hideout dahil nagmamadali ako nang mga oras na iyon kaya hindi ko na ginamit ang motor ko kagabi . Paanong... narinig niya yung mga halaman at yung tunog ng motor ko eh sa harap ako ng kapitbahay ang pagsakay sa motor ko. "Anong oras yun Anna?" tanong naman ni Harold "Mga bandang 10:30? Hindi ako sure basta 10 na nung oras na iyon" sabi niya ulit at nagisip pa. "Paguusapan natin iyan pagkauwi ng mansyon" ♡~~~¤~~~♡ [End of Chapter 14] 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD