Louise's POV Today is monday at andito na ako ngayon sa dorm school ng kakambal ko. Panay paalala niya sakin na wala dapat makaalam miski sino lalong lalo na si Matthias. Kahapon buong araw niyang pinaliwanag ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pati details ng dapat kong malaman. I just wore the fake muscle Luis gave me. Na pinatungan ko pa ng black shirt and jacket para hindi mahalata ang build ko. Nagwig din ako kagaya ng hair cut niya. Kanina nga nung pinagtabi kami ni Luis ay parang hindi mahahalata ang pinagkaiba pero syempre kung kilala mo talaga kami may mapipintas ka pa din tulad ng kamay ko na mas payat at maliit dahil babae ako. Mga mata. "Luiss my lovesss!!! Andito ka na pala itetch. Kanina pa me naghihintay sayo" pagkapasok ko palang ay bumungad na agad ng yakap ang mahade

