Avery's POV
Inalam ko ang tungkol sa lalaki ng boyfriend ko at nalaman kong isa itong assistant designer sa kompanya ko.
Oo lalaki! Argh !
Gusto kong maghiganti sakanila pero ngayon aattend muna kami ng family dinner ng pamilya nila gian.
Sinundo ako nito at habang nagmamaneho ito. Hindi ko lubos maiisip na bakla ito. Kaya kailangan ko makumpirma pa.
Hinawakan ko ang hita nito kaya napatingin ito sakin.
" Babe" i said in a seductive way while i move my hand up to his crotch. Malaki ang umbok nun.
" Babe stop it I'm driving baka mabungo tayo" sabi nito at inalis ang kamay ko.
Confirm bakla talaga!!!
Ford's mansion
Naging maayos naman ang dinner. Hindi ko ipinahalata ang nalalaman ko. Kahit kating kati na akong sabihin ito.
Matapos naming kumain ay inaya ko ang "boyfriend ko" na pumunta ng garden. Hinalikan ko ito na tinugon niya naman ito pero mabilis ding tinapos.
" Babe kailan mo ba ako yayayaing magpakasal?" Sabi ko dito. I know. I want to hear his lame excuse again.
" In right time babe" sabi nito which made me roll my eyes.
In right time or in never? Right time lang na maging pwede na kayo ng lalakii mo!
" Ang galing mo din noh. Two years mo kong niloloko!" Nagulat ito sa sinabi ko at tila namutla. I can't even remember how I loved this guy all this years!
"W-what are you tal-lking about B-babe? " Kinakabahang tanong nito. Nginisihan ko lang ito at inilabas ang picture na kuha ko kanina.
"Kaya pala tuwing nagyaya akong makipag s*x tinatangihan moko ! Akala ko noon nirerespeto moko. Yun pala diring diri ka sakin dahil iba pala ang gusto mo! Nilalayo pa kita sa ibang babae. Hindi ko alam lalaki pala ang dapat kong ilayo sayo! Ano masaya bang lokohin ako ! " Sabi ko dito habang hinahampas ang dibdib nito. Sobrang sakit pa din kasi talaga.
" Tumigil ka na avery! Pinagbigyan lang kitang babae ka! habol ka ng habol!" Sabi nito at nakataas pa ang kilay nito habang sinasabi ito
Mas lalo akong nainis
" Ah ganun. Ano kayang sasabihin nila tito pag nalaman nila ang tinatago mo" nakakalokong sabi ko dito. I just want to get even. To made him realize that I am not that stupid.
" Walang hiya kang babae ka" sabi nito sabay sabunot sakin. Putchi hindi na tinago ang kabaklaan nito. Hindi ko alam pano ako nito naloko.
Sinabunutan ko din ito
" Sige pag di ka tumigil ipapakalat ko ang litrato niyo ng kabit mo!" Tila natauhan ito at tinigil ang pagsabunot sakin
" Break na tayo! At gusto ko sabihin mo kila tito na nagloko ka kaya tayo naghiwalay. Ikaw ang bahala kong aamin ka na lalaki ang kalaguyo mo. Or magpangap ka na nambabae. Wala na akong pakialam. Basta hindi ako madamay sa baho mo" sabi ko at umalis na sa mansion nila ng walang paalam.
Tinawagan ko ang kaibigan ko na si Kristel dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sobra akong nasaktan sa ginawa ni Gian. Para na akong mababaliw.
Nagkita kami sa isang sikat na bar. Natamaan na ako ng magsimula akong mag rant sakanya
" Walang hiyang Gian na yon!bakla pala! Sa sexy at ganda kong ito pinagpalit sa lalaki! Ano pa bang kulang sakin kristel! Gusto ko siyang saktan ! Gusto kong maranasan niya ang sakit na ginawa niya sa akin ! Pero tang*** mahal ko pa din!" Yes! Tanga na kung tanga! Eh mahal ko eh!
" Bakit hindi mo nalang akitin sabi mo nga maganda ka at sexy. Malay mo maging straight yun!" Sabi nito. Kung ganun lang kadali! Ilang taon ko na ginagawa yan!
" Akala mo ba hindi ko na ginawa yun 2 years kaming nagsama. Inakit ko na ito kulang nalang maghubad ako sa harapan niya pero wala sis. Ang tibay ng kabaklaan nito" patuloy kong iyak. Napasubsob pa ako ng ulo sa sobrang kahihiyan, sakit at pait.
" Wala ka pala sis eh. Pinagpalit ka sa lalaki! Gwapo ba?" Nakakalokong tanong nito. Kaya inangat ko ang ulo ko at inirapan ko nalang ito.
" Gwapo at mas hot pa kay gian. Pero tang*** bakla din at nagtratrabaho pa sakin. Anyare ba sa mundo " nagbuntong hininga ako at sumubsob ulit sa lamesa
" What if siya nalang akitin mo?" Nagbibirong sabi nito.
But for me it isn't a joke.
Napatingin ako dito at nakakalokong ngumiti.
Why not?
Humanda kayo!
-----
Gio's POV
Naggagawa ako ng designs ng dumating ang kaibigan kong si Nelly. Matagal na kaming magkakilala at alam din nitong bakla ako. Siya lang ang nakakaalam sa opisina.
" Uy bakla tawag ka ni team leader" bulong na sabi nito. Pero mukhang tunog ng nangangamoy tsismis.
" Sige babae puntahan ko na" haha para machika ko later gusto kong idagdag pero jorabels muna tayo.
Pumunta ako sa office ng team leader namin.
" Boss pinapatawag niyo daw ako" lalaking lalaking sabi ko rito.
Aba eh akting na to!
" Maassign ka sa ibang team. Nangangailangan ang CEO ng assistant designer para sa nalalapit na fashion show sa Clark sa susunod na buwan. Nang makita ang designs mo ay nagustuhan niya ito at hihiramin ka daw muna ng isang buwan. Opportunity mo na din ito para mas makilala so do your best" nakangiting sabi nito like he is proud.
Hindi ko maiwasang maging masaya. Malaking opportunidad ito para sakin at maabot ang pangarap ko.
" Sige po boss maraming salamat din po" ngiti ko rin dito. Kahit papano isa rin siya sa naging mentor ko.
" O sya mag ayos ka na at pumunta sa taas. Ngayon ka na magsisimula doon" nagpaalam na ako at nag ayos
" Uy bakla bakit ka nagaayos nasisante ka na?" Nelly. At yun na nga hindi na natiis ng bruhang makitsismis.
" Hindi bakla. Napromote ako pansamantala, sa CEO muna ako magtratrabaho isang buwan"o dibaaa! Kaexciteee.
" Ay bongga. Deserve mo yan fren ang gaganda ng designs mo"
Tumawa nalang ako kasi kahit naman ako ay inaacknowledge ko na maganda talaga ang designs ko. Syempre ako pa ba? Charing
" Gaga ka talaga. Sige una na ko" pakipot ko dito. Pahumble lang guyss.
" Libre ka mamaya bakla!" Iba talaga ang bruhang to kahit kailan but that is why she is my friend too.
" Oo na!" Sabi ko at umakyat na sa ceo office.
Nakita ko ang sekretarya nito.
" Andyan ka na pala. Sa loob ng ceo office din ang lamesa mo dahil biglaan at wala ng ibang mapaglalagyan. Pumasok ka nalang at si boss na ang magpapaliwanag sayo" tumango nalang ako at kumatok bago pumasok. Male mode on.
Nilibot ko ang paningin ko. Ang ganda ng interior design ng opisina nito. Cream at pastel ang kulay nito. Maayos din ang pagkakaayos ng gamit na talagang plinano.
" Ahem" napatingin ako sa nagsalita. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Maganda ito. Wavy ang brown nitong buhok. Maputi. Green eyes. Matangos ang ilong. Matangkad parang model. Malaki ang susu. At makurba ang katawan. Pak na pak.
Ngayon ko lang nakita ang CEO namin and I must say pwede na itong modelo mismo ng mga damit na dinedesenyo namin.
" Good morning. Are you Gio De Guzman?" Pormal na sabi nito. Kaya naman i compose na din myself.
" Opo ma'am" seryosong sabi ko rito kahit sobrang kaba ko na.
My gad di keri ng bangs ko! CEO yan mga dayyy!
" Huwag mo na akong i-ma'am. Ave nalang. Avery Louise Montero pala" sabi nito at naglahad ng kamay. Nahihiya man ay tinangap ko ito
" Gio De Guzman po ma'am Ave" hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko. Ang lambot ng kamay nito. Pinisil pisil niya din ang kamay ko. Nahihiya man ay ako na ang bumawi nito. Gurl hindi tayo talo sabi ng isip ko.
Nginitian lang ako nito
" Nagustuhan ko ang designs mo. Isang buwan din tayong magkakatrabaho. Let's be friends shall we? Para mas maging kumportable kang magtrabaho sakin." Nakangiti pa din ito.
May igaganda pa ba ito? My gad insecurities to the max na ako neto!
Naglakad ito papuntang table na wala pa masyadong laman. Ngunit napansin ko matutumba ito kaya naman mabilis akong lumapit.
Nasalo ko ito at parehas kaming natumba. Nagkatitigan kami. Hawak niya ang dibdib ko samantalang ang hita niya ay nasa gitna ko. Alam ko ramdam niya ang gitna ko.
Nakakaloko niya akong tinignan
I can't help but blush.
" What's this mr. De guzman" she begin to rub her thigh into my crotch. Bakla man ako pero nakakaramdam din ng libog
" Uhhhmm maam" I don't know but the sound I just made was lustful.
" Do you like it Gio?" Hindi pa din ito tumitigil. Aminin ko nagugustahan ko ang ginagawa niya. Tinitigasan ako. Pero may part pa din sakin na nandidiri. Kaya naman ako na ang tumigil dito. At itinayo ko na ito.
" Okay lang po ba kayo maam?" Tulala pa din ito. Huhu kung pwede lang din akong matulala pero dapat kunwari hindi tayo affected.
" Huwag mo na ako i ma'am sabi. Ave nalang" mukhang nakarecover na din ito.
Tumango ako. Para hindi na din mapagusapan ang nangyari.
" Eto ang magiging table mo habang nagtratrabaho ka sakin" sabi nito at umalis din sa kwarto. Ng makaalis to ay napabuntong hininga nalang ako at nandiri ng maalala ko ang nangyari kanina. O to the M to the G. G-r-r .
-----
Avery Louise's POV
Lumabas ako ng opisina after ng mangyari. Pumunta ako sa rooftop upang makahinga. Naalala ko ang nangyari kanina.
Nang-iinit ang katawan ko ng maramdaman ko ang katawan niya. Hawak ko ang matipunong dibdib niya at ang umbok nito sa pantalon.
Hindi sinasadya ang pagtumba ko kanina natapilok talaga ako. Kaya hindi ko maiwasang mabigla sa paglapit ng katawan namin. Pero ng maramdaman ko ang gitna nito na tumigas ay naalala ko ang plano ko.
I rub my thigh to his crotch na mas nag patigas dito. Tinignan ko ang reaction nito at ng mapaungol ito alam kong may epekto ako sakanya kahit bakla ito. Pero ng itayo niya ako ay nabigla ako. Nakita ko din na parang nandiri siya sakin.
Mukhang mahihirapan ako sa plano ko. Hayss. Mukhang ako pa ang naapektuhan niya. Nangiinit ang katawan ko kaya kailangan kong kumalma. Saka ko nalang itutuloy ang plano ko.
To be continued