Louise POV Nagising ako sa kwarto ni Matthias. Nakayakap ito sa bewang ko na para bang ayaw akong pakawalan. Kaya naman nagpasya nalang akong titigan ito. Kagabi hindi ko inaasahan ang makitang ganun si Matthias. Para siyang naging ibang tao. Walang halong kabaklaan. At sa mata niya nasasalamin ang matinding galit. Kaya naman bago pa ito makagawa ng mali ay pinigilan ko na ito. Kahit na sobrang takot ako dahil sa nangyari. Nakakapangilabot ang paglapit ng katawan ng lalaki sa akin. Para akong namolestiya sa simpleng pagdikit ng alaga niya sa pwet ko. Buti nalang at nandoon si matthias kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ganunpaman, natakot din akong makapatay si Matthias dahil sa galit niya. Hindi ko din alam saan niya nakuha ang lakas niyang manuntok. Dahang dahan na nagmu

