Chapter 2

2250 Words
Zyth's POV Napabalikwas ako sa'king pagkakahiga nang maramdaman kong parang may...... humihilik?? 'Humihilik ba ko? T-teka..k-kung ako yung humihilik..b-bakit naririnig ko ang sarili kong hilik? Imposible ba yun? Pero parang.. totoo talaga eh.' At dahil nga sa curious ako, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at..... WTF?!! ~boooooogssssshhhh~ ITINULAK KO SIYA!! Dahilan para malaglag siya sa kama ko. Oo, tama! May tao sa kama ko! At hindi lang basta-basta tao, gwapo siya..este lalaki siya! T-teka, paanong may nakapasok na lalaki sa kwarto ko? Ni-lock ko naman ang pinto ko kanina bago matulog ah. 'What the hell?! May magnanakaw bang nakapasok sa kwarto ko? Pero hindi eh, halos mayayaman ang mga tao rito kaya wala naman sigurong magnanakaw! Ohhh..myyy..baka naman r****t?!!' Bumangon ako ng mabilis dahil sa naisip ko at pinaghahampas siya ng unan kaya.. "W-what the--?! Can you please stop--araaaaay! PWEDE BA TUMIGIL KANA?!!!!" sigaw ni kuyang guwapo este ni kuyang r****t! Tumigil naman ako pero palihim parin akong naghahanap ng pwede kong ihampas sa kanya, in case na lumapit siya. Nahagip naman ng mga mata ko ang vase sa bedside table ko kaya dahan-dahan akong pumunta doon nang nanatiling pinagmamasdan yung lalake. Literal na hindi ko inalis yung paningin ko sa kanya. Hirap na! "Sino ka ba? At bakit bigla-bigla ka nalang nanunulak at nanghahampas jan?! And what are you doing here?!! Sinusundan mo ba ako?" sunud-sunod na tanong niya. 'Baliw yata 'to eh! Ako?! Sinusundan siya? Tss. Asa!' At siya pa talaga ang may ganang tanungin ako kung anong ginagawa ko dito ha?! Seriously?! "Sino ako?? Eh, gago ka pala eh! Pumasok ka dito sa kwarto ko at humiga sa kama ko.. Nah, erase that! Tinabihan mo 'ko sa kama ko at tatanungin ako kung sino ako at kung anong ginagawa ko dito sa mismong kwarto KO?!! Nasisiraan kana ba??" inis na ring sigaw ko sa kanya. Anong akala niya, siya lang marunong sumigaw? "Your room, huh? Eh, ikaw yata yung nasisiraan sa'ting dalawa eh." sarkastiko pang sabi niya. "Yes! My.room. Any problem with that?! maangas kong tanong sa kanya without breaking my eye contact with him. "Well just so you know, this room is pro.hi.bi.ted. Walang ina-allow na kahit na sino ang pwedeng mag-occupy ng room na 'to kaya imposible yang pinagsasabi mo." mariing dagdag niya. "Wala akong pakialam sa mga paniniwala mo! Just shut up and leave!!" pagtataray ko naman sa kanya at pinanlakihan pa siya ng mga mata. "Are you f*cking serious?! F*ck! Your impossible!! This is my friend's room for pete's sake!! How come that it's yours? Pwede bang wag mo akong pinagloloko? If I know it's just one of your excuses dahil ang totoo sinundan mo ako dito." mayabang niyang sabi. "W-whaaaat?!! I-ikaw? Sinundan ko dito?Ha-ha. Nananaginip ka ba? You're not even my park bo gum for you to think that I am stalking you! Besides, I don't care if you'll believe me or not." napipikon kong sigaw habang dinuduro pa siya. Ang kapal lang ng mukha niya! "Magde-deny kapa ba? Nahuli na kita eh. Asa ka pang maniniwala ako sayo kaya umalis kana!!" sigaw niya na din sakin. 'Bakit ba sigaw ng sigaw ang isang 'to? Daig pa babae. Tss.' "Ikaw ang umalis sa kwarto ko!! Atsaka bakit ka ba nakapasok dito?" inis pa ring tanong ko sa kanya. Kanina pa ako naguguluhan kung paano siya nakapasok dito eh ni-lock ko naman yung pinto kanina. "I told you my friend own this room that's why I have my own keys. Walang nakakapasok dito maliban sa'ming apat kaya imposibleng sayo to!" he said while smirking na akala mo nanalo na sa diskusyon. Natahimik naman ako sandali dahilan para magsalita ulit siya.. "Now, LEAVE!!" mayabang pang sigaw niya. "I won't leave this room because I own it. Ikaw ang umalis! At pwede ba, wag kang sigaw ng sigaw na akala mo inaano kita. Daig mo pa babae makapagreact jan eh. Napaghahalataan ka tuloy na bading." sabi ko and it's now my turn to smirk dahil sa gulat na ekspresyon ng mukha niya. "W-whaaaat?! Did you just call me--nevermind! I know you're just trying to tricked me. You want me to kiss you, right? Tinawag mo akong bading para halikan kita, diba? Well sinasabi ko sayo luma at gasgas na yang diskarte mo. I won't bite that! Atsaka.. di ako nanghahalik.... ng panget." sabi niya na parang diring-diri habang binibigkas ang huli niyang sinabi. Umakyat naman agad ang dugo sa ulo ko dahilan para sipain ko ang p*********i niya. Kanina pa'ko napipikon sa bwisit na 'to!! Siya palang ang kauna-unahang lalaki na nagsabing panget ako. Although aware naman ako sa looks ko ngayon dahil sa pagdi-disguose ko but what the hell?!! I'm not that totally ugly... I'm a nerd, yes! but I'm also a nerd with a style. "W-what's your problem now, ugly creature?! Why did you kick my--aaaaaaahhhhhh.." di na niya naituloy ang kung anumang sasabihin niya dahil namulupot na siya sa sakit. Pinanood ko lang siyang masaktan na parang enjoy na enjoy sa nakikita ko. "YOU.." sigaw na naman niya at dinuro-duro pa ako. "You'll gonna regret this!!" pagbabanta niya atsaka paika-ikang lumabas na ng kwarto ko. Inis kong ini-lock ulit ang pinto ng kwarto ko pagkalabas niya. Grabe naman siya maka-panget sakin. Akala mo naman gwapo siya! Padabog akong pumunta sa harap ng salamin at inayos ang medyo nagulo kong wig at.. 's**t! s**t! s**t!' Napamura ako sa sarili ko at napasapo sa noo ko dahil sa katangahan ko. Bakit ba nawala sa isip ko yun? Nakalimutan kong INALIS ko pala kanina ang glasses ko bago ako natulog. Now, I'm doomed! Kitang-kita ko ang repleksyon ng mga mata ko sa salamin! 's**t! Sana lang hindi niya napansin.' -- "W-whaaaaaat?" sigaw ni kuya matapos kong sabihin sa kanya ang katangahang ginawa ko. Nandito kami ngayon sa resto dahil lunch time na. Ikinuwento ko na rin sa kanya yung tungkol sa lalaki pero syempre except sa room thing. Di ko sinabi sa kanyang may nakapasok sa room ko. Ayaw ko nang mas mag-alala pa siya. "Kuya, di ko naman kasi sinasadya. Aksidente lang ang lahat. Nabunggo ko kasi siya kaya nahulog ang salamin ko." pag-eexplain ko pa. Sana lang talaga maniwala siya. Eto pa lang ngang may nakakita na sa mga mata ko, grabe na ang pag-aalala niya. Ano pa kaya pag nalaman niyang may nakapasok sa kwarto ko? Knowing kuya? Haaay. "But how many times I've told you na dapat mag-iingat ka! Alam mo ang maaaring mangyari sayo kapag may makakilala sayo." frustated pa ring sabi niya at napasapo pa sa kanyang noo. "Kaya nga sorry na kuya eh. Di ko naman ginustong ipahamak ang sarili ko eh. Sorry na kuya, pleaseeee?" I pleaded. Nagpuppy eyes pa ako at nagpout. I know this will work. Anupa't naging brat ako kung di ko alam kung paano ko sila mapapaamo diba? Dito ko lagi nadadala sina kuya at Dad eh. I just hope na this time, it'll work. "As if naman matitiis kita? Nagpapa-cute kana naman eh. Dinadaan mo na naman ako sa paganyan-ganyan mo eh." he mumbled in defeat. Sabi nang hindi niya ako matitiis eh. "Yeeeeeeey! Thanks, kuya! Promise! Mas mag-iingat na ako sa susunod." masayang hayag ko atsaka niyakap siya. "Fine, fine! Just make sure na hindi na yun mauulit. And please.. don't make me worry again, baby babe." he said and kiss my forehead. Kumawala na din siya sa pagkakayakap ko. "I promise, kuya. Sorry ulit at thank you." I sincerely told him one more time. Tinanguan niya lang ako at nag-order na.. VAUGHNNE's POV Paika-ika akong pumunta sa kwarto ko at agad na nahiga. Bwisit na babae yun! Ang lakas ng loob niyang itulak ako sa kama at tadyakan yung ano ko. Tsk! Bakit ba kasi hindi ko napansing may tao pala dun kanina? Kasalanan to nina Nov eh. Ang aga-aga niyaya akong maglasing. Tss! Atsaka palaisipan pa rin sakin kung paanong may nag-ooccupy na ng room na yun. Apat na taon na ako dito sa school na to at wala pa akong nababalitaang may gumamit nun. At yung bwisit na babaeng yun..parang may kakaiba sa kanya. 'Ano namang kakaiba sa kanya? Dahil ba panget siya?' Yeah. Yun ang pinagkaiba niya. Tama! Ang panget-panget niya! At ang lakas lang talaga ng loob niyang banggain ako! Huh?! Ito ang unang beses na may gumanon sa isang Vaughnne Ryle Chromewell! 'At siya din ang unang babaeng di nabihag ng pagkaguwapo mo.' Sabi pa ng utak ko. Tss. Akala mo naman kagandahan siya. Eh ang gulo-gulo nga ng buhok niya. Akala mo hindi babae na hindi man lang marunong mag-ayos! 'Eh ano bang pakialam mo kung hindi siya mag-ayos?' Pango-ngontra na naman ng utak ko. Teka? Bakit ba ako nakikipagtalo sa sarili ko? At bakit ko ba iniisip ang babaeng yun? Tss. Di lang talaga kasi ako makapaniwala at di rin mawala sa isip ko ang mga mata niya..parang nanghihigop. At yung kulay ng mga mata niya..parang kakaiba. Parang...parang nakita ko na dati. Haysh, ewan! 'Napansin mo pa yun? Akala ko ba...naiinis ka sa kanya?' Ah basta! Pagsisisihan niya ang ginawa niya sa akin sa araw na ito! I'll make her pay for what she did to me! Sa ngayon, gusto ko na munang matulog at magpahinga. Nawalan na din ako ng ganang kumain dahil nahihilo pa rin ako dulot ng ininom namin. KINABUKASAN. Maaga akong gumising dahil sa gutom. Hindi ako nakakain ng lunch at dinner ko kahapon kaya siguro nagutom ako ng sobra. Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Nagbihis ako ng mabilis pagkatapos kong maligo at pumunta na sa cafeteria para mag-almusal. Umorder ako at pumwesto sa pinakagilid dahil ayokong pagkaguluhan. Syempre ako ang pinakagwapo dito sa school, eh! Naka-cap rin ako para walang makakilala sakin. Masyado akong gutom para pagtuunan ng pansin ang mga nababaliw na babae at nagtitilian sa kaguwapohan ko. "What's wrong ate? Ngayon ka lang ba nakakita ng isang libo?" "Anong akala mo sakin, bobo? Alam kong isang libo yan. It's just that.. we're not accepting cash here. This cafeteria is a card basis only. So if you don't mind, I still have many customers to attend." Nakakailang subo palang ako ay agad ng naagaw ang pansin ko ng babaeng nakikipagsigawan sa counter kaya naman napa-angat ako ng tingin sa kanila. Parang familiar kasi ang boses niya. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya di ko pa makita ang kabuuan niya. "Urgh! Can't you just accept cash just for today? I'm hungry and I still have a class for christ's sake!!" bakas ang inis sa tinig ng babae. Hindi naman siya pinansin nung babae sa counter dahilan para padabog siyang napaupo sa katapat ng mesa ko. Hindi niya pa din ako napapansin dahil busy siya kakakulikot ng phone niya. Maya-maya pa'y.. "There's no good in morning. You didn't tell me na hindi pala sila tumatanggap ng cash dito....Yeah, I'm here already and I'm f*cking hungry....Okay,fine! I'll wait for you here....Yeah,bye...." inis na sabi niya sa kausap niya sa phone. Nakaharap na siya sakin ngayon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang kabuuan niya. Parang familiar talaga siya. Parang siya yung...tama! Siya yung babae kahapon. Kaya pala ang panget niya! Tss. Ibinalik ko ang atensyon ko sa kinakain ko bago pa ako tuluyang mawalan ng gana. Pero agad ding nabalik ang atensyon ko sa kanya at sa bagong dating.... O_O Wtf? Magkakilala sila? At niyakap siya ni.. Czake?! "I'm sorry for keeping you wait. Are you hungry?" worried na tanong ni Czake sa kanya. Hindi pa rin nila ko napapansin dito. "Kanina pa. Nakakainis yung babae sa counter. Ayaw iserve ang orders ko." pagmamaktol ni panget. Tss. Kala mo maganda kung makapag-inarte sa harap ni Czake. Kaming tatlo pa lang ang tao dito dahil siguro maaga pa. "Is that so? Let me talk to her. Hintayin mo ako jan." Czake said at pinat yung ulo ni panget bago naglakad papuntang counter. Nananatili pa rin akong nakamasid sa kanila. Ibig bang sabihin nito....si Czake yung tinatarayan niya kanina sa phone? "G-good m-morning S-sir Czake. Do you want me for breakfast? I m-mean w-what do you want for breakfast?" malanding sabi nung babae sa counter kay Czake. "I don't want you or anything for my breakfast. I just want you to serve her orders.NOW!" masungit na sabi ni Czake sa babaeng malandi at itinuro si panget. Nabigla naman ang babae pero agad ring nakabawi dahil sa takot sa kausap at iniserve na ang orders niya. Bumalik si Czake sa table ni panget at.. What the-? O_O Kumurap pa ako ng ilang beses dahil di ako makapaniwala sa nakita ko.. HINALIKAN lang naman siya ni Czake sa noo!! Si Czake na mailap sa babae?!! Hinalikan niya si panget?!! Di ako makapaniwala sa mga nakikita ko. "I'm sorry for that. Eat your breakfast now at aalis na ko. Just call or text me if you need something. Take care, baby babe." at hinalikan niya ulit si panget bago tuluyang lisanin ang cafeteria. Baby babe.. Baby babe.. Baby babe.. Di parin ako makapaniwala sa mga nakita at narinig ko. Eto ba ang dahilan kung bakit andun si panget sa room na yun? She told me she owns that room. Kaming apat lang ang tanging may acces sa room na yun kaya hindi ako makapaniwala kanina na nandun siya. Kaya pala ang lakas ng loob niya na palayasin ako dun. Now it made me more confuse. Did Czake gave her an access,too? Or should I say, ipinapagamit na niya iyon sa panget na yun? 'Ano kayang meron sa kanilang dalawa?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD