Ako nga pala si Mariah Start natin ang kwento sa panahong ako ay 13yrs old palang .
Firstyear highschool sa aming probinsya sa bicol . Nakatira ako sa bahay ng tita ko malapit sa school na papasukan ko .Ang mga magulang ko naman ay nasa kabilang brgy lamang subalit malayo kung kaya minabuti ko na mag stay nalang sa bhay ng tita ko para lakarin pagpasok malapit din ito sa bhay ng grandparents ko. Sisimulan ko ang kwento ko sa Unang Araw ng pag pasok sa school .
CHAPTER I
mariah .. mariah ..!! ang tawag ng pinsan ko sakin siya si Angel madami nag sasabi na para daw kami kambal dahil mag kamukha kami, yun nga lang curly ang hair nya na bumagay sa hugis puso nya mukha ako naman ay mahaba at tuwid ang buhok. Maganda si Angel aaminin ko sa tingin ko mas maganda siya kaysa sakin at hindi naman ako naiingit dun para ko na kc syang kapatid at magkahawig talaga kami. Tahimik sya at mahinhin samantalang ako ay palatawa ,msayahin at friendly sabi ng marami maybe siguro dahil pinalaki ako ng magulang ko na hindi nakatago lang sa bahay lagi kase akong isinasama ng mga ito sa mga kasiyahan sa baryo namin.
" oh! Angel ang agap mo naman 6am palang papasok na agad tayo?
Napatawa ang pinsan ko . " Mag lalakad pa kc tayo saka ikaw dapat magap ka kase umamg araw mo ngayon sa highschool dapat nga excited ka eh sabi ni angel . 2ndyear highschool na kc sya at mas matanda sakin ng 1 taon.
" Siya cge na nga tara na nakagayak nadin naman ako .
" Madami kaya Cute na Studyante sa school natin Angel? tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami'
" humm.. Last year meron namn pero kukunti , malay mo madami sa mga klasmyt mo hahaha...
Napatawa nalang ako out of somewhere medyo na excite ako iba na kc kapag highschool ka kaysa ng elementary days palang.
Madami na pumapasok at yung iba hindi pamilyar sakin siguro dahil galing sila sa ibang school. Ang dami maganda, mukhang matalino , magandang pumorma , dami na agad mga boys na papansin sa mga cute na girls sa room namin. Section A ako napapunta so expect ko na na puro matatalino ang nandito. Hindi kagandahan ang school namin yari pa ito sa pinagdikit dikit na flywood dami nadin butas at kita mo na sa butas ang iba pang section. Wala pa ako mkita kakilala kaya i decided na umupo nalang sa may gilid ng bintana sa may hulihan. Kanya kanya na ang setting arrangement ng upuan. Tumabi sakin ang isa ko klasmate at nag pakilala.
" hi'. Ako nga pala si janine ikaw anong pangalan mo? nkangiti sabi niya sakin
" Ah! ako si Mariah nice to meet you Janine '' Ano school ka galing ako kc sa ELS ?
" Sa MsP naman ako malapit lang kami sa school ' so friends na tayo ha! dito nadin ako sa tabi mo since tayo palang ang mag kakilala nakangiti si janine habang nag sasalita. Habang nag kwentuhan kami dalawa napatingin kami sa isa nmin klasmate na maganda , katabi din nya ang isa pa na maganda din.
" Mariah kilala mo ba sila ang gaganda nila noh ??
" ah ! hindi eh " ! OO nga tingnan mo mga klasmate natin na lalaki sa knila lahat naktingin
bka sa ibang school sila galing saka mukhang may kaya sila kase ang gaganda ng suot nila uniform. "siguro nga Mariah "! parang di tayo belong na maging friends sila . Ngiti nalang ang sinagot ko ka Janinie kase di ko naman alam kong ano pa manayayari dahil unang araw palang namn sa school.
Naging kaibigan at bestfriend ko si janine madami nadin ako naging friends pero siya ang pinaka close ko . All secrets ika nga alam namin ang sekreto ng isat isa . August 2002 may palarong pang enrty sa ibang school ang school namin at isa doon sa mga yun si nicco maliit lang si nicco pero cute ang palangiti sya magaling sya mag laro ng volleyball star player din ng group nila . Isa lang naman ako sa madami babae nagkaka crush sa kanya at dala narin sa kabataan excited ako sa lahat ng mang yayari sa buhay ko sa highschool .Sumulat ako kay nicco gamit ang kalahati piraso ng yellow pad paper cheap pero yun lang ang pinakamaganda naming papel noon . Hindi ako nag pakilala sa kanya dahil subrang nahihiya ako at kaklase siya ng pinsan ko na si angel . Gumawa kami ng paraan ni Janine para maiabot ito ng hindi niya nalalaman kung kanino galing.
" Riahh'' Riiah ayan na yung crush mo ohhhhh.... pabulong na sabi sakin ni janine.
" jah" wag ka maingay baka marinig tayo ni nicco -KO ayeeehhhhh,,,,kinikilig nanaman ako grabeh ang epekto sakin ng pag ka kilig ko sa kanya parang natalon langi ang puso ko at kinakabahan may kahalo din excitement.
" Ang dami nakapaligid na girls na mag cheer sa kanya nabasa na kaya nya ang sulat na nilagay ni josh sa bag nya yun galing sayo ?? bulong ni janine .
"Hummm Ewan ko"! wala naman ako natatangap pa na sagot galing sa kanya saka hndi naman nya alam na ako yung sumulat diba ? " kc Ms. M -Mo ang nilagay ko sa huling sulat ko sa kanya.
" Eh bakit kc hindi kapa mag pakilala sayang naman ang daldal mo noh!! tahimik ka kapag kay nicco-Mo ! " daldal pa ni janine pero pabulong lang baka marinig sila ng mga katabi nila nanunuod ng game.
"Ayan na nag lalaro na sila pero nakaupo pa si nicco sa upuan ng bench nila . Tumayo na ito at bago pumunta sa pwesto nya sa team nila . Lumingon muna ito sa may gawi nila puro mga Firstyear student silang nandun.
" OMG'!!nkatingin siya sa yo Riahh ".. baling ni Jah sakin
" Sino? ? tanong ko pero nakita ko din nakatingin talaga si nicco sa part nila .
"sino pa di yong nicco-mo!! yun oh , isagad nanatin ang pag papacute mo okey halika
doon tayo sa mga nag checheer makiki join tayo.. Hinila na ako ni Jah sa may malapit sa mga nag lalaro.
''' Go~ nicco-Ni- KOOOh.. napapatawa ako sa kilig habang nag checheer sa kanya. Minsan bumaling siya ng tingin sa pwesto namin or sakin at ngumiti .. OMG!!!! mahihimatay ako sa kilig!!! .
Lumipas ang 3 araw pasukan na ulit dahit lunes nanaman syempre excited ako pumasok..
" Angel tara na ! yaya ko sa pinsan ko si Angel.
" Sige Insan ' wait '! lang hintayin natin si Arron dadalhin kase niya itong project namin sa science
hindi ko ito mabubuhat dadaan na tricycle na sinasakyan nila bababa siya para sumabay satin.
" oh! ayan na pala siya "!
Bumaba sa pagkakasakay sa tricycle ang isang lalaki pogi ito matangos ilong , matangkad ,maputi para siyang si richard gutierrez pag nakangiti.
'' Ito na ba yung project natin kay Ms. Tan tanong ng lalaki kausap ni angel .Pagkatapos ay lumingon sa kanya. Naalala naman ako ni angel kaya agad ako nitong pinakilala sa kasama.
" Ah ngapala siya si Mariah pinsan ko siya yung tinatanong mu sakin last time na kung sino yung mahaba buhok na kasama ko . Dito siya samin nakatuloy taga ELS sila.
" Ah !! .. Uu nga maganda sya kagaya mo biro ni aaron samin ng pinsan ko
" Nice to meet you Mariah ako nga pala si Arron ''
" hi " ! Riah nalang for short masyado mahaba ang mariah nakangiti ko sagot sa kanya ang pogi talaga niya sa isip isip ko . "bakit di ko sya nakikita o napapansin sa school ah!! baka busy kc ako lagi sa pagtingin kay nic- Ko "sa isip ko nalang.
"Oh pano tara na yaya ni Angel. Nasa unahan namin si Arron kaya nagawa ko bulungan ang pinsan ko. "" Psssst " Hoy insan" .. sino yan Boyfriend mo?? bulong ko kay angel
" Ah" hindi Noh! ano kaba kaibigan ko lang yan !! nakangiti sagot sakin ng pinsan ko.
" Ngayon ko lang siya nkita e 3months na ako pumapasok dito " tanong ko ulit.
" Ah hindi kc yan nag ninilabas ng room namin tapos dipa nag rerecess me baon yan palagi sa bag nya kaya hindi na nalabas . Mabait yan si Arron saka close friend ko talaga yan siya yung bestfriend ko sa mga lalaki ko klasmate paliwanag ni angel . Noong minsan untikan ka na niya daw akbayan kc akala nya ako ikaw ' buti napansin nya na tuwid buhok mo hahahah!"" .kaya na ask nya sakin kung sino ka nang makita nya tayo magkasabay magkamukha daw kaya tayo .'' kwento pa ng pinsan ko
Paminsan minsan ay nalingon at nangiti si Arron habang nag lalakad kami . Hindi ko alam kong sakin ba nakatingin oh sa pinsan ko , pero baka sa pinsan ko sa isip ko nalang bagay sila mukhang pareho tahimik.
Pag dating namin sa school.
" Cge Riah mamaya pa- '' pero diko na nahintay ang sasabihin pa siya ni Arron tumakbo na kase ako papunta kay janine ,
" Riahhh,, Me sagot na si Nico-dali basahin mu na excited na salubong ni janine hawak nito ang
kalahati yellowpad na naka stapler pa. Maganda ang sulat kamay ni Nicco parang sa babae . Lalo tuloy ako kinilig sa kanya. Nag tago muna kami ni Janine sa likuran ng classroom para basahin ang sulat ni nicco.
" Dear Ms. M - :)
Gusto kita makilala ng personal .Dahil alam ko ikaw ang nasa isip ko na susulat sakin " sana ikaw nga yun. :) . Salamat sa care at lagi pag pray na manalo kami . Hope na maging kaibigan kita as soon as possible :). Malapit na ang induction ball . Be my first dance and i will be your first dance too. :) please reply ill wait. t.care always . - nic.
" aaaaahhhh keleeeggggg Grabehh "!! napakaikli lang ng sulat na iyon ni nicco pero mahihimtay kana ata Riah kibo naman diyan tawa ng tawa si janine habang unti-unti ko tiniklop ang sulat ni nico-
" napangiti ako ng malawak at napatalon pa.." Jah pwede nako mamatay ngayon hahahhaha"!!!
ay hindi pa pala sasayaw pa kami sa induction ball., walang pagsidlan ang tuwa ko saka excitement . Matagal pa ang Time ng klase namin kaya tumambay pa kami at nag kwentuha ni Janine. Sakto naman dumaan si Angel at Arron malapit kami sa bintana sakto nakatingin ako kaya tumigil sila dalwa
" oi Mariah ' nakangiti bati ni Arron .
" oh hi!! insan !! pero kay Arron ako nakatingin minulagaan ako ng pinsan ko na si angel
alam niya tinutukso ko si arron sa kanya.Napatawa naman si Arron at sinakyan ang sinabi ko ' "Cge Insan ! magaral nang mabuti ha wag muna mag boboyfriend" . tatawa-tawang sabi nito.Nagkatawanan kami habang nakanguso sakin ang pinsan ko pasimple nito kinurot si Arron sa tagiliran.
" Sige Insan " Byee ! pag papaalam ni aaron na kumaway pa.
" sino yun? Pogi ahh !! tanong ni Janine nang makaalis ang dalawa .
" Ah klasmate ni Angel" or baka nga maging boyfriend niya ang swerte ng pinsan ko noh ang pogi pa ng Boyfriend.
" OO nga '! Siya ata yung nanalo last year na Campus crush .Nasa Board picture niya tama !! oo nga sya nga yun, pag kwkwento pa ni janine pero diko na masyado narinig dahil abala ako sa pag sagot ng loveletter ko para kaya nicco ko-.
INDUCTION BALL OCT.2002
"Jah ano maganda na ba ako ha!" tanong ko kay Janine abala naman ito sa pag lalagay ng lipbam sa labi nito.
" Oo naman noh!! grabeh daig mo pa ang lalaban ng Ms. Campus ah super ganda mo tonight " Riahh tamo yung mga boys natin oh! sayo nakatingin lahat ".
Suot ko ang black dress na gawa ng nanay ko half shoulder yun na lagpas hanggang tuhod ang haba ,nilugay ko lang ang aking mahaba at itim na buhok na palagi nasa likuran lang look simple . Nagsuot lamang ako ng sandals masyado ako matangkad kong mag hills pa ako ng mataas baka di bagay pag nag sayaw kami mamaya ni nicco. Sa suot ko damit kitang kita ang kaputian ko. Hindi naman ako naiilang dahil sanay na ako sa mga ganoong event. Nasulyapan ko si nicco kanina naka Blue sya gaya ng usapan namin sa sulat namin na nka black ako at siya naman ay blue. Medyo excited ako at kinakabahan . Hindi ko alam kong maggiging kami ba oh hindi tonight...
"ahh basta heheheh"! bhala na" relax .. relax... saway ko sa sarili ko.
Ang sabi nya sa sulat pag tumugtog ang kantang "KAILANGAN KITA " lumapit daw ako sa may unahan ng bulwagan at iyon ang Unang sayaw namin. Iniwan ko na si Janine gaya ng pinag usapan namin na gawin ko lahat ng gagawin ko tonight di daw siya susulpot para mang storbo.
''' Hanla kinakabahan na ako grabehhh,! " Nanlalamig ang kamay ko na para ako namumutla halo halo kaba ang nararamdaman ko . Nag check ako sa salamin kong dala at nag lagay ng kaunting lipbam para nmn hindi halata ninerbyos ako ..at..
" Sa piling mo lang nadarama ang tunay na pag sinta '
"pag yakap kita ng mahigpit parang akoy nasa langit "
panimula ng kantang hinihintay ko kanina pa para lumapit sa may harapan. Nag umpisa na ako lumakad at tumayo sa may harapan para madali ako makita ni Nicco . Hindi mahagilap ng mata ko si nicco sa dami ng tao kaya pumunta pako sa may pinaka unahan pa Ang dami namin naka black dress at diko parin makita ang anino ni nicco maya -maya nkita ko na sya papunta sa lugar kung saan ako naka pwesto , kinakabahan ako , halos mapugto ang hininga ko sa subrang kaba. Nkasuot ito nang blue ,Elected Officer din ito kaya medyo semi-formal ang suot. Maganda ang pagkakahawi ng 2 side nyang buhok hinahawi pa nito kapag natatabunan ang mukha na nakakadagdag pogi points sa paningin ko sinasabayan pa nang ngiti habang papalapit sa lugar nila.
" Ayan na sya ayan na sya Lord nangangatog ang tuhod ko ..para ko sinisilihan at na tetense. Limang hakbang nalang, nkita ko nakangiti siya kaya todo ngiti din naman ako . Kahit pakiramdam ko ay matutumba na ako sa subrang kaba napapikit ako ..hanggang sa....
" Shall we dance! narinig ko ang boses ni nicco - kaya napamulat ako agad. Para ako binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi sakin nakatapat si nicco , hindi ako yun niyayaya niyang sumayaw!".
" hindi ako ang niyaya niyang sumayaw ,hindi siya sakin nakatingin , hindi siya sakin nakangiti ...kundi kay Micca ang klasmate namin maganda at matalinong si micca.. na naka kulay black din na dress. Ito ang nasa isip ni nicco sa mga sulat niya. Nanlalambot ako habang nakatingin sa kanila papuntang gitna para sumayaw. Ang dami tuksuan sa knila ang dami nag checheer ang dami nahiyaw " !! bagay kayo!! bagay .. bagay Team NICAH sigaw pa ng iba para akong nabibingi sa naririnig ko pero hindi ko alam ang gagawin ko . Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, para ako nawalan ng lakas at tutulo ang luha. "Hindi pala 'ako ' yung ini expect nya na sumusulat sa kanya". "Hindi pala ako yun nasa isip niya " paulit ulit na sigaw ng isip ko . " Akala ko ako! " akala ko ako ....Akala ko!!! akmang tatalikod na sana ako para lumabas ng may humawak sa braso ko na nasa likuran ko ..
"Mariah sayaw tayo? ...tinig ng humawak sakin . Hindi ko alam ang gagawin ko at nasa isip ko sumama ako ng yayain nya ako sa gitna madami nkatingin samin pero wala ako pakialam ang nasa isip ko padin ang nangyari samin ni nicco . Tumikhim ang lalaki kasayaw ko.
" Ehem....!! Mukhang nalugi ka ah... tinig na nang galing sa kasayaw ko saka pa lamang ako nakapag taas ng tingin sa kanya. " Gandang ganda mo ngayong gabi pero naka simangot ka", " smile ka naman dyan "Insan". Noon ko lang napansin ng mapatapat sa ilaw ang mukha niya si Arron pala. Ang boyfriend ng pinsan ko si angel , napangiti ako sa sabi nyang insan kahit medyo pangiwi kase feeling ko ng gabi na yun broken hearted ako .
" Asan si Angel ? tanong ko nalang .
" Umuwi na .Masama pakiramdam after nila mag perform kanina. " Sabi nya bantayan daw kita at baka mag ka boyfriend kadaw ngayon ay hindi daw pwede yun " patawa tawa sabi ni Arron " napangiti nalang ako sa sinabi niya ramdam ko gusto niya pagaanin ang nararamdaman ko lungkot .
" Insan Alam mo ba? Swerte mo Tonight " patuloy na pag kwkwento nito
" bakit naman? naka kunot noo ko sagot sa loob loob ko malas ko nga ngayon..
"di mi ba nkikita dami girls na naiingit sayo para maisayaw ako mayabang nito sabi pero in a nice way para sa pandinig ko hindi naman ganun kayabang. " look". sabay tingin niya sa paligid. Napatingin nadin ako lahat halos ng babae nakatingin samin bakas sa mukha ang ingit . napatingin ako kay arron
" Ahh oo nga pala si campus crush nga pala ito gowa ng pinsan ko napangiti nalang ako..
" ikaw lang kc sinayaw ko so swerte mo tonight . yabang pa ulit nito
" wow insan utang na loob ko pa pala pag sayaw mo sakin ha.! napatawa na nya ko sa mga sinsabi nya
" yown.. nag smile kadin insan ::: kanina ko pa yan hinihintay eh! malwak ang ngiti ni arron habang kausap siya. Ang swerte naman ng pinsan ko sa isip ko nalang may mabait at poging bf.
" Riah " Sabay na tayo umuwi mamaya hatid na kita ,naiwanan din kase ni Angel yung mga damit na ginamit kanina sa perfomance nila pinapadala niya sakin". " Ah Okey sige" sagot ko nalang wala nadin naman ako magagawa wala nadin si nicco " hay! Si nicco padin ang nasa isip ko..
" anong oras tayo uuwi ? tanong pa nito . Wala kabang kasama friends ngayon? " asan an yung kambal toko mu friend ?..
" ah si Jajah " umuwi na siguro siya kanina pa di naman nag tatagal yun sa ganito occasion dahil ibang religion nila.
" ah kaya pala mag isa ka lang" . Kanina pa kita nakita after ko ihatid si Angel . Pinahanap ka talaga niya sakin dahil di nadaw sya nkapag paalam na mauuna na umuwi.
" Ah ! ganun ba?. bkit dimo ako pinuntahan tanong ko sa kanya..
" Nasa likod mu lang ako di mo lang ako napapansin kc parang me hinihintay ka! ' deretso nito sabi hindi na ko naka -imik niyaya ko na siya lumabas na sa venue ng sayawan . Sumulyap ulit ako sa part nila nicco at miccah , andun padin sila at masaya nag nag uusap habang nasayaw "dapat ako yun eh dapat ako yun nahahabag ko sabi sa sarili ko . Bahagya ako pinisil ni Arron sa braso kaya napabaling ako ulit sa kanya.
" Lets go " uwi na tayo daanan ko lang ang gamit ni Angel ' yaya nito . " ok cge " matamlay kong sagot sa kanya at habang nag lalakad kami ni Arron pasulyap sulyap siya sa akin '
" ano ba meron sa mkuha ko at mayat maya ka tingin ng tingin baling ko sa kanya medyo malayo pa ang lalakarin namin; bigla ko tuloy naisip si janine tyak hahanapin ako noon ' nagsinungalin ako kay arron na na baka umuwi na , ayaw ko nadin kase syang storbuhin bka mag kaiyakan pa kami dalawa. Inisip ko nalang na ano kaya kong si Arron nalang ang bf ko ngayon siguro mag ka holding hands kami habang nag lalakad , tapos aakbayan niya ako , tapos... ssssssshhhh ano ba ito naiisip ko erase -erase -erase" hindi dapat hindi purkit malungkot ako at broken si Arron yun gagawin kung dahilan para hindi makaramdam ng lungkot ,' bf siya ng pinsan ko . saway ko nalang sa sarili ko.
" HAhahah! biglang tawa ni Arron pano ba naman ako hindi titingin sayo ? mayat maya nag babago ang expression ng mukha mo.. Ayan oh! malungkot " masaya " malungkot ' masaya ' tapos may pang ngiwi kapa ng mukha ..derederetsong sabi ni aaron"
" hahh! hanla baka nababasa nito ang nasa isip ko .
" MRiah alam mo kahit madilim dito alm ko na nag ba blush kana ,!!! hahahaha
" ha? ah Eh..!! ~!! bakit naman ako mag bablush saka ano ba nasa isip ko na naiisip mo ha? natawa ako sa isiping nababasa nito ang nasa isip nya.
" hahahah! naku ha baka iniisip mo akong manyakin mariah di yun pwede ha! hahahhaha tawa ito ng tawa habang nakatingin sakin ,
" hoy !!! Excuse mee !!!.. Hiindii noh! sinabayan ko ng kurot sa tagiliran niya na kina igtad niya habang nag lalakad . " Over my dead Body " kahit ikaw na huli lalaki sa mundo hahahah ! natatawa talaga ako kanya ! ( naku kung alam lang nito na siya nga nasa isip ko hehe") biglang nagseryuso ang mukha ni aaron hindi ko mabasa kong ano nasa isip nya. Medyo malapit nadin kami sa bahay tanaw na namin ng magsalita ulit siya.
" mariah "
"humm! sagot ko habang sa daan ako nakatingin,alam ko nakatingin siya sakin pero ayaw ko na guluhin ang isip ko baka mag kasala pa ako sa pinsan ko . Hinawakan nya ang braso ko para tumigil ng saglit. " bakit ? napatingin na ako sa kanya andun nanaman ang mata nya nakatingin sakin ng deretso pero hindi ko mabasa kung ano ang sinsabi. " Alam ko yung tungkol kay Nicco " . Alam ko din yung kanina sya yung hinihintay mo sa unahan para sumayaw.
!'' haaa ahhh... ganun ba? nauutal ako dala nadin ng hiya ". PPaano mu naman nalaman?. Nahihiya man pero tiningnan ko sa sa mga mata nya bumalik ako sa nararamdaman kong lungkot ng marining ang pangalan ni nicco parang babagsak ang luha ko pakiramdam ko naaawa sakin si arron at lalo nag papainit ng gilid ng mata ko para umiyak pero pinigil ko sarili ko.
" Nabasa ko ang Sulat na binigay mo para sa kanya. Napulot ko yun naka open kaya binasa ko wala naman ako intensyon na basahin lahat hinanap ko lang kong kanino ko isasauli . Nakita ko yung sign sa pinakahuling sulat sa kanya - Ms M-Mo tapos may smile sa dulo yan yung sign mo tama ba? alam ko sayo yun dahil nakita ko na yun sa note ni Angel. Nilagyan mo daw ng Ms. M :) yung likod ng notes niya habang nagawa kayo ng assignment hindi nya yun inaalis sa likod ng note nya kaya alam ko sayo yun ng mkita ko. Sabi mo pa kay angel ang meaning nun ai hindi Ms, Mariah , kundi Ms.MO :) in short for Miss mo ako :) pag papatuloy ni Arron '. Nakalagay dun na you wear your black dress and blue naman ang sa kanya ' at nakita ko din na mukhang nagkamali siya ng kinuha kanina sa dance floo.....
" tama na ! pag putol ko sa sasabihin pa niya baka kase kapag pinag patuloy pa nya umiyak na ako ng tuluyan hindi dahil sa hiya kundi naawa ako sa sarili ko na umasa ako sa wala..
" Okey lang yan Insan ano kaba malayo yan sa bituka saka hindi naman kayo bagay noon maganda ka ,seksi , mabait . lahat nasayo na wag mo pang hinayangan yun di naman kayo bagay talaga pag uulit pa nito sa salitang hindi bagay sila ni nicco, " saka ang liit noong matangkad ka pang model pang campus crush deretdereto nito sabi ...
" Ngumiti nalang ako sabay sabi na ' salamat ha! meyo napagaan mo pakiramdam ko sa totoo lang kung hindi mo ako nasagip kanina sa dance floor baka kung ano nangyari sakin''. Masyado lang siguro ako nag expect sa sarili ko na magiging okey kami ni nicco ngayon gabi . Hindi pala 'mali pala ako naiiyak ko ng sagot kay Arron . Ngumiti ito sa kanya . " Hindi mo kasalanan yun may napala ka naman naisayaw mo ako diba insan ?? nkangiti sabi ni arron ' kaya wag kana mag simangot dyan History kaya yun na ikaw yun nasayaw ko swerte mo diba!!! hahahaha"...
" oo na OO na !! nakangiti sabi ko medyo nabawasan na ang bigat ng pakiramdam ko , masarap kausap si arron siya yung tipo ng lalaki na pwede mo pagkatiwalaan ng buhay mo at ng puso mo ang swerte ng pinsan ko sa kanya .
Oh! Panu ba yan dito nako, Salamat Arron ha~"
" Naku walang anuman Insan basta ikaw nakangiti sagot nito ' pero pwede mo ba gisingin si Angel me sasabihin lang ako sa kanya please " nka cross hand pang wika nito.
'Cge saglit lang ' hummm sisilay ka lang eh.. nakangiti ko sagot sa kanya
" Symepre naman~~!! salamat Insan kong Maganda pahabol pa nito .Pumasok na ako sa loob at ginising ko si Angel para makausap ni Arron bumangon naman ito kahit masama ang pakiramdam, natagalan si angel bago bumalik kaya sinilip ko na sila sa bintana. Seryoso silang nag uusap nakaupo sila sa ilalim ng puno ng mangga sa harapan ng bahay . Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila kaya tumalikod na ako.. ' Siguro nag aalala talaga siya kay angel kaya ganun " . Sana makahanap din ako ng kagaya ni arron sabi ko sa sarili ko habang nakahiga . Dala ng pagod at pag iisip nakatulugan ko na si angel na hindi pa nakakapasok ng bahay.
CHAPTER II
" Insan ... Mariahhhhh ... hoy! gising na po pambubulabog ni Angelsa kanya kina umagahan . "hummm.. insan ang agap mo naman manbulabog wala naman tayo pasok diba sabay sulyap ko sa orasan 5 am palang ng umaga madilim pa sa labas ahh..!!. " Halika na bumangon kana dyan" . " magaling kana ba Angel bakit parang ang sigla sigla mo? "saglit lang teka "! ano ginawa nyo kagabi ni arron nakatulugan ko na kayo ha!!!hummm...!!..
" hahahaha ano gagawin namin nag usap lang kami kwentuhan yung lang nakangiti nito sabi
'" Yun lang pero ang smile mo abot sa bahay nila lola.
" wala nga ano kaba ? halika na bumangon kana dali punta tayo sa ilog pag yaya ni angel sa kanya
" Ilog ! ?? san naman tayo sasakay napakayo ng ilog . 2 barangay pa bago makarating doon dadaanan pa ang bahay namin .
'' OO ilog nag yaya si Arron kagabi na mag picnic sa sta.Rita wala naman daw tayo pasok ngayon sunduin nila tayo dito ng tricyle "
" Nag paalam kana kina tita -tito saka kina lola hahanapin ako noon.
" Napag paalam na kita ! hehehe kanina pa sila gising andun sa labas nag kakape.
" ok cge sino ba kasama natin pag tatanong ko kay angel
" Mga klasmate ko sagot nito. " kkllasmate"" nauutal ko sabi bigla pasok nanaman sa isip ko si nicco.
" oo kaklase ko bakit?? may problema ba??
" ahh wala - may naisip lang ako kaya saglit mag gagayak lang ako tatalikod na sana siya ng mag salita ulit ang pinsan niya..
" Wag ka mag alala hindi kasama si Nicco" . Napatingin ako sa pinsan ko nag tatanong ang mga mata kung pano niya nalaman ang kay nicco samantalang wala naman ako nakwkwnto sa kanya... " ah kay Arron baka ni kwento sa kanya .
'" Ah !! ganun ba? sagot ko nalang.
" Riahh.. wala ako alam sa nangyari kagabi o sa inyo ni nicco ang sabi lang sakin ni arron si nicco ang dahilan kung bakit ka magiging malungkot ngayon>..hummm.. hindi naman kita pipilitin i kwento yun basta andito lang ako ha~ if need mo ng kausap nakangiti si angel .Napaka bait nya talaga nginitian ko nalang siya bilang sagot , naalala ko nanaman si nicco , parang nabalak ko na ata lahat para samin na set ko na sa isip ko na after induction ball pupuntahan niya ako sa bahay mag kwentuhan kami tapos babaguhin nanamin ang tawagan namin gagawin na naming babe ; mag set kami ng teamsong ; araw araw magkakausap kami sa school ,pupuntahan niya ako sa room ,sabay kami kakain ng recess ng lunch , lahat nabalak ko na ata. Pero wala pala , hindi pala ako! bumigat nanaman ang pakiramdam ko para nanaman ako naiiyak.
Nakaligo na ako at nakagayak na nang marinig ko ang boses ni Arron
"lolopogi at lola ganda magandang umaga po !. Asana na po kaya ang mga Apo ninyo magaganda na kasing ganda ni lolo pambubola nito sa kanilang lolo at lola na nasa harapan ng bahay.
" Ah! Magandang Umaga din naman ! ". Sino kaba otoy ? kung si Angela at Mariah ang hanap mo Andun sa loob ng bahay sagot ng lolo.
" Arron po ''. Klasmate po ako ni Angel ako po kasama nila sa picnic nagyon sa sta. Rita masiglang sagot nito
" AAh Arron siya kayo ay mag ingat doon ha! " madami nalulunod doon ay baka kung kayong mapaano..
" opo Lo" . sagot ni Arron . Si Angel di yun marunong mag langoy si Riah naman marunong yun kaya hindi ako masyado nag alala sa apo kung iyon..ikaw nalang ang bhala ha!".
" opo Lo! Ako po bahala "! . " oh! ayan na po pala sila ' . " Riah" Angel ' Tara na ! boses ni Arron na masigla masigla .
" Lo" ' "La" Alis na po kami sabay namin pamamaalam ni angel wala ang tito at tita naka punta na ng bukid ng magap kaya deretso na kami sumakay ng tricycle ni angel. Anim lang kami nag picnic sa ilog kaya pala sabi ni Angel di kasama si nicco kase mga close fried lang nila ang kasama tapos ako sabit lang. Nakarating na kami sa sta.Rita Running water ito na galing sa bundok ,malamig at tahimik ang lugar wala pa masyado tao dahil sa padulo pa kami ng ilog nag pwesto. "Masarap sana dito kung kasama ko si Nicco , mag uusap kami habang naka babad sa tubig , magkwewentuhan ng masasaya , mag tatanungan ng mga secrets yan talaga tumatakbo sa isip ko.Napailing nalang ako sa sarili ko ,hindi ko napansin na nakatingin pala sakin si Angel at Arron. Madami sila dala pagkain , luto daw ng nanay ni Arron , may dala din sila mangga na paborito ko kaya nagbalat nalang ako nito para me magawa. Si angel naman ang nagawa ng sawsawan ng inihaw na isda. Tinulungan ako ni ailyn isa sa mga klasmate nila. Payat ito at Maganda din sabi ni angel ito daw ang bestfriend nya . Habang ang 3 lalaki naman,kasama si Arron ay nagawa ng bubung na sisilungan namin bago uminit. Pinag patong nila sa gitna ng tubig ang mga malalaki bato para maipatong ang mga pagkain na hindi mababasa ng tubig Ilog.
Tapos na lahat ng gawain kaya napag pasyahan na namin maligo sa ilog , malinis dito napaka linaw ng tubig , hindi ganun kainit kaya hindi masakit sa balat . Lumusong nadin si Angel at Ailyn kasama ako naiwanan ang 3 lalaki sa gilid. Sa mababaw lang kami pumunta dahil hindi pareho marunong mag langoy ang dalwa ko kasama'" sumigaw si Arron
" Wag kayo kagitna mga miss beautiful malalim na dyan'
" Opo Tatay ! hahahha sagot ng tawang tawang si ailyn at Angel
" Yung kapatid ninyo si Riah alagaan ninyo mabuti ha' hahahaha"! sagot naman nito bakit naman ako aalagaan e marunong naman ako mag langoy sa isip ko. Mag aalas Onse na ng tanghali umahon kami para kumain . Guys " kulang ang plato kaya mag share sa lagayan ha ! 'sabi ni Ailyn .
" Riahh kay Arron kanalang makishare ng plato , share na kami ni Ailyn eh ok lang ba? 'malinis naman ang kamay nyan kaya wag ka mag alala boses yun ni Angel . " Grabeh ka talaga Gel malinis talaga kamay ko ha! cge na riaah kain na tayo ' wag ka mag alala nag hugas ako ng kamay ng sampong beses pa nakangiti sagot ni Arron kay Angel.
" Aah!! . hindi ok lang sanay naman ako may ka share sa pagkain sagot ko nalang sa kanya . " bakit di nalang kayo ni Angel ang nag share sa Food? tanong ko . Lumingon ito " Ah! nakakalimutan ko ba sabihin sayo pagdating sa pagkain nakakalimutan ako ng pinsan mo na yan. Tamo unang una na sa pagkain hahahahha!!! kahit puno ang bibig ay nagawa nito tumawa . Ang cool naman nila mag syota parang magkaibigan lang pwede kahit anong gawin . Basta Masaya lang sila. Kami ang kahulihang natapos kumain ni Arron ang dami pa kase nito kwento kaya hindi kami matapos agad . Sumama daw ako sa kanila para makapag gawa ng nilupak na saging at mangawit ng buko . Pangalwa daw ito sa magkakapatid at lima sila , Siya lang ang lalaki kaya lahat ng Trabaho bukid sya ang katulong ng tatay niya sa pag gawa. Pero inferness makinis padin sya kahit sanay sa bukid. Siya ngadaw ang taga pagmana ng Lupain nila kase sya lang ang lalaki. Sinabi ko nalang na Sige sama ako kapag pupunta sila . Kami na ang nag presentang mag huhugas ng plato habang ang iba ay bumalik na sa tubig para mag langoy. Habang abala kami sa pag huhugas ng pingan .
" Kamusta kana Riah ? ibang tono ng tanong ni Arron habang inaabot ang mga nasabon ko ng pinggan
" Ok naman ! tipid ko sagot ayaw ko maramdaman na kinakaawaan niya ako kaya tipid na sagot lang ang nasabi ko. " Naiisip mo padin ba sya? tanong ulit nito. tumingin muna ako sa kanya bago ako sumagot . " Naiisip ko padin pero ano ba magagawa ko ? " hindi ako yung gusto niya. ngumiti ako sa kanya ng pilit para isipin nya na ok na talaga ako.
" Good ! alam mo ba kaya ako nag yaya dito para makapag relax ka at mawala sa isip mo yung nicco na yun patuloy nito " ayaw ko kase nakikita ka malungkot ang image mo kase pang masaya lang hindi pang malungkot ' sabi nito kahit busy sa pag abot sa mga sinabon nyang plato.
"weehhh... ?salamat ha!.. binaliwala ko nalang ang sinabi nya para sakin ang outing na yun dahil alam ko naman para sa kanila talaga yun mga kakaklase. " Sige na ako nalang dito punta kana sa kanila ' sabi ko . " Hindi tapusin na natin ito saka sabay tayo pumunta doon ..okey !.
"cge"
Dahil kami lang ang marunong mag langoy ni aaron kami lang ang nkakapunta sa malalim na part ng ilog. "Oi Riaahh !!, Arron wag kayo ka gitna masyado na malalim dyan"si angel yun kahit busy sa pag lalangoy at pakikipag harutan sa mga kaklase ay nagawa padin alalahanin ako at ang boyfriend nya. " Napangiti ako ; at nakita yun ni Arron" .
"At para san naman ang ngiti na yun huh? tanong ni Arron .Tumigil kami saglit sa malaking bato na nasa gitna ng ilog para makaupo "malalim ang part na yun kalahati katawan lang ang makikita kapag nakaupo ka. Enjoy na enjoy sila 4 na kasama si Angel habang kami ni arron ay nkatingin lang sa kanila'' Punta ka na doon " sabi ko sa kanya. Pero umiling ito . " Sapalagay mo ba iiwanan kita mag isa dito mamaya mag pakalunod kapa dito hahahah!..
" Hummmpp.. Hindi noh! ? grabeh ka naman . MAdami pang lalaki sa mundo hindi lang naman si nicco .
": oo naman madami Lalaki yung hindi ka sasaktan ,saka madami pang nagkakagusto sayo baka nga pila na eh.. nakatingin sa malayo si arron habang nag sasalita hindi ko alam kung nakangiti ba sya o hindi". " Salamat Arron ha! kagabi saka ngayon ikaw lang yun nakakausap ko tungkol sa nangyari "hindi ko rin sa nililingon habang nag sasalita" nakatingin din ako sa malayo .Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim nang tubig at pinisil iyon. Bigla bumilis ang kabog ng dibdib ko pero binaliwala ko agad concern lang siguro talaga siya sakin. Baka naaawa lang siya sakin kaya ganun kaya nya hinahawakan ang kamay ko' , pero hindi naman sya nakatingin sakin friendy touched siguro sa isip ko nalang pero di ko inalis ang pag kakahawak ng kamay nya sakin , masarap ang me karamay kapag nalulungkot ka unti-unti mo mkakalimutan ang sakit. May ilang minuto ding hawak nya ang kamay ko narinig ko nalang ang malakas na buntong hininga nya saka lumingon sakin nakangiti. " Basta Tandaan mo Riaah Andito lang ako palagi humm..nakangiti nito sabi sabay hila sakin papuntang tubig " hawak nya padin ang kamay ko at maging ako nakahawak nadin sa kamay nya, may ilang beses niya pa itong pinisil ng madiin ramdam ko bago nya binitawan " malapit na kami sa pwesto nila angel kaya siguro" .
" Oh Ano? gutom na ba kayo hah?? sabi ni arron habang deretso umakbay kay Angel nakangiti naman si Angel sakanya . " Opo tatay sabay ulit na sagot ni Angel at Ailyn , ang saya nila sa isip ko bigla ko na mis si janine hindi ko manlang siya nayaya ".
Nag puntahan na kami sa gilid ng ilog para kumuha ng pagkain , nag paiwan si angel at Arron kaya dadalhan ko nalang sila . Pabalik na ako para bigyan sila ng pagkain pero nakita ko seryuso nanaman sila nag uusap . Nakatungo si Arron habang si angel naman ay nkatingin sa kanya binubuhusan sya ng tubig sa ulo ... " ang sweet nila sa isip ko " ! nakakingit talaga si Angel " magkahawak din kaya sila ng kamay sa ilalim ng tubig' tiningnan kung mabuti pero wala ako makita dahil medyo me kalayuan ang pwesto ng dalwa ...sumigaw nalang ako para marinig nila. " Mga Insan !!" Ano gusto nyo pag kain dadalhin ko para sa inyo .!! masigla kong sigaw sa kanila. Sabay naman lumingon ang dalwa sa gawi ko at pareho nakangiti ""
" Cge Riahh kahit ano nalang sagot ni Arron "
" Okey !" sigaw ko naman
Masaya kami kumain sa habang naka babad sa tubig paminsan minsan naiisip ko si nicco pero nakakalimtan ko din agad iniisip ko nalang mag enjoy sayang naman minsan lang na makapag outing 6pm na ng gabi kami nakauwi " pagod na kaya nakatulog ako agad pag dating iniwanan ko na si angel at Arron sa sala habang nag uusap storbo pa ako saknila.
Lunes '' parang tamad na tamad ako pumasok kaya sabi ko kay Angel na umuna na , magap daw kc sila mag praktis ng group nila ng sayaw sa school. 6:30am na ako ng mag umpisa mag lakad papasok madami nadin pala nag lalakad pero hindi ko kakilala " magap kami lagi ni angel kaya hindi ako sanay na madami nakakasabay sa kalsada.
" Booom.. Insan...!!pang gugulat ni arron galing sa likuran ko umakbay pa ito gaya ng ginagawa kay angel.
" ahhhh...!!!! nasambit ko habang pilit na inaalis ang braso ni Arron na nakaakbay sa balikat ko , bka kung ano isipin ng mamakita samin dalwa.
" Arron !!!! sigaw ng nasa ibabaw ng trcycle na dumaan sa kanila nka sign pa ng braso fighting sign... " Sino yun? tanong ko sa kanya.. "ahhh.. si Carlo Klasmate namin ni Angel doon ako sakay sa trcycle na yun kanina, malayo palang nkita na kita at sigurado ako ikaw yun kaya bumaba na ako para sabayan ka."" deretso sagot nito.
" Eh bakit ka naman bumaba ! sayang ang bayad sa trcycle sabi ko naman" . " Alam ko mahina tuhod mu pag pasok ngayon kaya aalalayan kita mahal na prinsesa tatawa tawang sabi ni Arron.. "lumingon ako sa kanya at tumungin din sya sa akin , Tumango sya ng bahagya saka ngumiti , alam ko na ang ibig nyang sabihin .
" Salamat ! sabi ko nalang pero inalis na nya ang pag akbay sakin dahil malapit na kami sa school sabay padin kami nag lalakad at tanaw ko na ang mga barkada ni nicco sa harapan ng gate ng school. Nag tatawanan sila at kantyawan hindi ako makatingin sa gawi nila dahil nakita ko si nicco na katabi si miccah sa pwesto ng pagkakatayo nila mukhang sila na talagang dalwa. Napatingin sa kanila ang Grupo nila nicco at Binati ng mga ito si Arron " Gumanti naman ito ng bati sa kanila. Palagpas na kami sa pwesto nila ng magsalita ang kasama nila nicco .
" Sino yang maganda mong kasama arron pakilala mo naman kami!!! sabi ng isa . " oo nga ! sigaw pa nang iba nilang kasama , tangi si nicco lang ang di nag sasalita si miccah naman ay nakangiti lang dahil kilala ako nito.
" Ahh !! ngapala siya si Mariah pinsan siya ni Angel sagot ni Arron , ngumiti naman ako sa lahat at nag pakilala sila isa isa , nakipag shakehands ang lahat at huli si nicco na nakipag kamay sa kanya.. " Hi! Im nicco sabi nito na nakangiti parang sasabog ang dibdib ko sa kaba , ano ba ito ? nablik nanamn ang pag ka crush ko sa kanya hindi ko mapigilan ang sarili ko. " Hi"sagot ko nalang habang inabot ang kamay niya nanlalambot ang tuhod ko . Bago pa ako makagawa ng eksena doon hinawakan na ni Arron ang kabila ko kamay saka hinila papasok ng gate.
" Lets Go.. cge Pare sabi nito sa mga kaklase
hindi na ako makalingon sa gawi nila nicco , nakarating na kami sa room ko hindi ko namalayang hawak parin ni Arron ang kamay ko..
" Riahh dito kana >> pinisil na nanamn ng mariin ni Arron ang kamay ko bago bitawan tiningnan ko sya madilim ang mukha na parang galit.
" Ahh see ge .. salamat katal padin ang boses ko . Hindi parin ako nakaka move on kay Nicco parang tuwing nakikita ko siya nabalik lahat. Sinabi ko lahat kay Janine ang nangyari awang awa sakin ang kaibigan ko kaya panay ang kwento nya sakin ng kung Ano ano.
CHAPTER III
" Riah alm mo ba? me crush daw sayo si Joel pagkwekwento pa nito. " yung kaibigan ni daniel na crush ko sa sectio B ". Kilala ko si Joel siya ang Top one sa section nila at balita ililipat daw ito sa section namin dahil masyado ito matalino para doon. May kaya ang pamilya nila kaya hatid, sundo ito ng owner na sasakyan nila. Minsan na niya ito nakausap ng magkaroon ng pagent rampahan ang year nila sa modeling at si joel at siya ang nanalo pinakamagaling magdala ng damit. Mula noon lagi na itong nakangiti sa kanya kapag nag kakasalubong sila.
"oh Tapos? sagot ko naman . " Ano kaba? yan lang isasagot mo? si Joel yun huh? " , ang dami kaya nag kakagusto doon. Tapos crush ka yan lang ang sagot mo? ". "Ano naman isasagot jah " alam mo naman hindi ko type yun mga ganun masyado matalino , hindi kami bagay! . " sagot ko . Saka maniwala ka hindi ako type noon kase balita ko si miccah may crush doon sino ba ako para hind nanaman si miccah yun piliin ".
"YUn na nga eh!..crush yun ni miccah pero diba ni agaw nya sau si nicco .."pagdadaldal pa ni jah"
" Inagaw ka dyan wala siya inagaw sakin Jah , Di naman naging kami ni nicco alam mo yan! . Kaya tigilan mo na ako kay Joel ok". tumigil na si Jah kahit alam kung gusto gusto pa niya e binta sakin si Joel para makalimutan ko si nicco yun ang sadya na talaga ayaw nya makita nalulungkot ako.
Nang sumunod na araw nga ay may na tangap ako sulat galing kay Joel.
"Dear Riah , Alam ko na nagulat ka sa sulat na ito pag pasensyahan mo na , Pangit ang sulat ko ,Ngayon lang ako nag karoon ng lakas ng loob na sumulat sayo dahil nahihiya ako . Una alam mo naman siguri na crush kita . Ah hindi Love na nga ata kita ,ang ganda mo kase ngumiti at napaka bait mo pa sino ba naman ako para hindi magkagusto sayo. Sana ay masagot mo ang sulat ko na ito para sa ganun maging maligaya naman ang buo araw ko . :) - Joel napangiti ako pero wala ako maramdaman na kung ano sa kanya . Masaya lang na nakatangap ako ng sulat pero hindi ko siya gusto.
Recess; lalabas na sana kami ni janine ng makita ko palapit ang pinsan kong si angel kasama si Arron. " Riaah oh! wag kana bumili ng dunut saka drinks dinalhan kana namin ni Arron lumingon ito kay arron na nkangiti lang sa kanya. "Oi salamat mga Insan !" pag ka swerte ko naman talaga sa inyo eh." . Ngiti ngiti ako habang inaabot ang pagkain , makakatipid din kc ako ng 5 piso , malalagay ko sa ipon ko pang Christmas Party. 10pesos lang kase ang baon ko araw-araw kaya tipid na tipid ako .
" Riahhhh" sigaw yun ni janine me dala ito palamig at dunut at 3 pa. Oh" pinapabigay ng galing sa kabilang section. Inabot nito sa kanya ang dala pagkain. " Oh! me pagkain kana ng makita nito na may nakapatong na pagkain saka lang nito napansin si Angel at Arron. " hi! Arron Hi"! Angel bati nito sa dalawa. " ngumiti lang ang mga ito at nagpaalam na nakita ko sumimangot si Arron.pero pilit padin mgumiti sakin bago umalis. Araw araw ako nakakarecieve ng sulat na kung kani-kanino galing minsan hindi ko na yun mabasa kase hindi naman siya interesado .Lagi rin may pagkain sa table nya bago mag recess kaya wala na sya gastos tuwing kakain. Napakasipag naman ni Joel mag dala ng pagkain sa isip ko nalang.
"oh arron ! ? nakasalubong ko si arron sa may garden ng school , papunta din sya doon dala ang pala na gagamitin nila sa pag gagarden. " oh hi " Riah! may garden schedule din kayo ngayon tanong nito.
" OO pinapaglinis kami nila sir dyan sa Little Island ". Little Island ang tawag nila sa isang part ng school na nasa gitna ng Sapa( maliit na ilog ito sa tagalog). Nakatayo kase ang Island na napapalibutan ng tubig kaya nag mistula ito maliit na isla. " Ah ganun ba? Tulungan ko na kayo total malapit nadin kami matapos dito " sabi nito . "Sige ikaw bahala. Tinulungan nga kami ni Arron sa pag aalis ng kalat sa pagkatapos nito sa kanila ginagawa , kilala sya ng mga teacher namin kaya hinayaan nalang siya tumulong kahit di namin kasama sa group. Habang nag lilinis ang dami niyang kwentong enjoy kung pina kikingan, mga gusto niya mangyari sa buhay niya ,madami syang pangarap pero mga simple bagay lang . " nakaramdam ako ng kakaibang pagtingin sa kanya ". Humahanga ako sa pagiging mature nyang mag isip sa mga bagay -bagay parang hindi sya simple studyante lang . Inaalalayan niya ako kapg bababa kami malapit sa tubig ,minsan nga nasaway siya ng teacher ko kasi bka daw nanliligaw lang sakin kaya andon , tumatawa lang siya kahit puro kantyaw na kami ngmga ka groupmate ko. Kinikilig nga ata ako, " hanla " nagkakagusto naba ako kay arron ?"!! tanong ko sa sarili ko . Hindi , Hindi .. hindi dapat kase Bf siya ng pinsan ko. "pero bakit ganun ?~" bakit ganun nalang siya mag alaga at mag alala sakin , . Hindi sya natigil sa pag papasaya sakin , nakalimutan ko nga si nicco dahil sa kanya . Pero hindi dapat saway ko sa sarili ko ,dahil masasaktan ko ang pinsan ko.
DECEMBER 2002. Foundation ng School namin lahat abala sa pag iihensayo ng sayaw ,kanta, declamation, at madami pang iba. Hindi na kami masyado nagkikita ni arron dahil busy din sila kagaya namin sa pag buo ngmga steps. Isa ako sa naatasan kumanta para sa duet contest ng year namin at partner ko doon si Joel. Nagkalapit kami ni Joel dahil doon lagi kami magkasama sa praktis at magkasabay kumain , kasama namin ang kaibigan ko si Janine at soon to be Bf nito na si daniel . Dahil mukhang nag kakamabutihan na sila dalwa .Naging mag BF nga ang dalawa during praktis . Naiingit tuloy si Joel at inuudyukan ako sagutin ko nadin daw siya dahil 2months nadin naman daw siya nanliligaw sakin .Nginitian ko lang siya kase sinabi ko naman sa kanya na wala pa talaga ko nararamadaman para sa kanya kaya wag nalang umasa . Tangap naman ito ni joel peronag patuloy padin sa panliligaw . Araw ng Foundation day Abala ang lahat , maging kami ay abala din sa pag prepare ng mga gagamitin namin. Una ang kantahan kaya sumabak na kami ni Joel kinanta namin ang sikat na kantang " KUNG MAWAWALA KA " dami sigawan at kantywan ng matapos namin ang kanta, para kase tinutoo namin ang kanta , maganda din kase ang timbre ng boses ni Joel nakakilig ika nga , may holding hands at hawak face pa siya sakin habang kumakanta at after noon pag baba namin sa stage , me binigay sya flower plastic lang yun pero maganda ang pag kakagawa. " sakto naman aakyat na ang mga sasayaw ng interpretative dance . Sina Angel yun at partner nya si Arron sa sayaw. Nakita ko nanaman ang pagdilim ng mukha nito habang nakatingin samin ni Joel. " Ano ba yun ? " bakit parang galit nanamn siya " sa isip ko nalang. Bago mag start ang sayaw nila Kitang -kita ko ng yakapin ni Arron si Angel back stage , parang sinaksak ang puso ko , parang bigla ako nalungkot , bakit ano ba expect ko na pag papalit niya si Angel para sakin " Malabo yun masyado perfect ang pinsan ko para mahalin ako.Nawala ako sa pag iisip ko lalo ng ng sumayaw na sila sa kantang "Till Death to as Part " parang sinasakal ang dibdib ko subra pa sa nangyari sakin nang hindi ako ang piliin ni nicco noong induction ball. Mas Makirot , dahil nakikita ko sa sayaw nila ang pagiging inlove sa isat isat . Hindi ko na kaya panuurin kaya hinawakan ko ang kamay ni Joel at hinila papalayo.
"tara na Jo" aya ko sa kanya . "ah hindi mo ba tatapusin ang sayaw ng pinsan mo ang galing nila oh!" siguro sila ang mananalo.May sinabi pa si Joel pero napatigil ito ng hawakan ko ulit ang kabila niya kamay . " Joel kahit wala pa ako nararamdaman sayo" kahit alam ko hindi pa ako sigurado kong kaya ko na magustuhan ka. Pwede ba kita maging Bf ".yun ang lumabas sa aking bibig .Nag desisyon na ako ayuko na masaktan gaya ng nangyari samin ni nicco .Ayuko na masaktan pako dahil kay Arron wala siya ginawa sakin kundi pasayahin ako yun lang yun, mahal niya ang pinsan ko na si angel kaya wala ako dapat na asahan sa kanya. Pag aaralan ko magustuhan si Joel sa abot ng aking makakaya.
" Talaga ! Riahhh ..talaga .... yessss ,,gf na kita yeheeyyyy.. nag tatalon pa ito na parang bata sa tuwa. Sana maging okey ang lahat . Sana Tama ako sa naging desisyon ko, lumingon muna ako saglit sa stage para mkita si Arron pero tapos na ang sayaw nila.
"Agad kumalat ang balita na bf na niya si Joel siguro dahil lagi niya ito kasabay kumain at lagi siya nito tinutulungan sa mga project and assignment nila. Nagpalipat nadin ito ng section kaya mas madalas na kami mag kasama. Si Arron naman hindi ko na nakikita talaga , sabi ng pinsan ko nag kukulong daw sa room nila at ayaw daw lumabas kagaya ng dati. Tinanong ko kung may problema silang dalwa wala naman daw,. Lumipas nag 1 buwan diko padin talaga nakikita si Arron ' dahil late daw ito nalabas kapag uwian . Namimis ko na siya kahit bawal namimis ko na talaga siya sigaw ng isip ko. Kahit lagi ko kasama si joel kahit napaka buti nito sa kanya , hindi nya talaga ito magustuhan , kaibigan lang talaga ang turing nya dito. "Gusto ko na makipag hiwalay kay Joel " isang araw na nasa likod sila ng School ni janine nakatambay sa upuan sa ilalim ng puno ng mangga. " HUH?! bakit naman ? nag away ba kayo ? may ginawa ba siya sayo , nambabae ba siya bakiit??? sunod sunod na tanong ni Jah . "hindi Jah " wala siya ginawa sakin pakiramdam ko kase niluluko ko siya hanggang ngayon kase hindi ko siya magawa magustuhan. Alam mu yun parang naaawa ako sa kanya sa araw araw , guilty ako palagi kapag nag iilove you siya tapos ako hindi... naaawa ako sa kanya jah" Ang unfair kase sa kanya ng ginagawa ko.
" Naintindihan kita Riah.. sige ikaw ang Bahala pero sana sabihin at ipaliwanag mo sa kanya ng maayos kase mahal na mahal ka noon alam mo naman ." hah! malambot na sabi ni janine sa kanya. " salamat janine " .
Dumaan ang Christmas pero hindi ko nagawang makipag break kay joel , exams kase namin noon at ayuko makasagabal sa pag aaral niya. Umuwi ako samin para mag bakasyon . Inabot sakin ng tatay ko ang isang Teddy Bear na hello kitty yung malaki siguri mga 200pesos yun kung bibilhin sa bayan . "Neng Dinala yan dito noong nakaraang araw pa para daw sayo " sabi ng tatay ko. " Kanino daw po galing ? . "Yun nga nakalimutan ko tanugin ang pangalan ng batang iyon " nag mamadali at may pupunthan padaw sila". " Ano po itsura tay "?. tanong ko ulit. " Naku hindi ko masyadong natingnan at pagkakalaki ng iniabot na iyan ". Magalang siya bata nag mano pa sakin bago yan iaabot sino ba yun? bf mo ba? .tanong nang tatay ko. " Ah hehe!!! hindi po wala pa ho ako Bf, pag sisinungalin ko sa tatay ko , bigla ko naisip si Joel . Baka galing sa kanya sa isip ko nalang . Agad ko nilagay sa sarili ko kwarto ang Bear malapit sa higaan ko , inamoy ko pa ito , at niyakap , First time ko kase maka recieve ng ganito ka laki na teddy bear.
January 2003. Pasukan na ulit agad akong sinalubong ni joel sa gate ng makita ako padating " oh ! ayan na bf mo bulong sakin ni Angel pero nka simanot ito ewan ko ba ? bakit parang ayaw niya kay Joel para sakin. Sabay na kami pumasok ni Joel sa Room , Agad niya iniabot sakin ang isang regalo . " riahh regalo ko noong christmas " pasensya kana ha ' isang maliit yun na kahon ; Pasensya kana rin kong hindi rin ako nakapunta sa inyo noong bakasyon , umuwi kase kami ng cavite nila mama , sabi ni Joel.
"Haah"!!! e di hindi.... hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nag bell na hudyat na start na ang klase nila. "ibig sabihin hindi galing kay Joel yun teddy Bear na bigay sayo noong pasko?"" tanong agad ni Janine ng ikwento niya dito , umalis sila joel at daniel para bumili ng pagkain nila kaya nasulo niya si janine... " OO ! Ito yung regalo niya sakin oh!" pinakita niya dito ang kwentas na regalo sa kanya ni Joel. " wowowo" yayamanin me pa kwentas..." Eh kanino galing yun? Baka naman me iba kapa Bf bukod kay Joel ha .... hummm aminin mo??? pangungulit ni Janine sa kanya. "hindi " wala noh?? saka yung iba nanliligaw sakin diba tumigil na buhat ng malaman na Bf ko na si Joel pag tangi ko kay janine. "Eh kanino yun galing .... HuUUUmmm i smell something...hindi kaya galing yan kay nicco ... baka nabagok na siya at iniwama na si miccah.". "jah panu naman ako bibigyan ni nicco noon eh ni hindi naman niya nalaman na nagkagusto ako sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng biglang dumaan si Arron kasama ang mag lalaki nila klasmate tumingin lang ito sa kanya pero hindi ngumiti manlang sa kanila... " si Arron ba yun ? bakit di nya ba tayo nakita derederetso oh!!..sabi ni janine , " ah baka hindi nya tayo nakita kaya bakit naman hindi nya tayo papansinin sagot ko nalang kay janine. "hindi kaya galing kay arron yung Bear pero hindi ,matagal na kami hindi nag kikita saka parang iniiwasan nya ko ?. Gusto gusto ko na siya kausapin pero pinipigil ko sarili ko ,,mali kase mali ,,saway ko sa isip ko.
" februay 14, Araw ng mga puso may event sa school namin , sakto naman pinadala si Joel at daniel sa training ng sepak takraw sa daet para mag training doon ng tatlong linggo. Kaya sayang saya namin ni janine dahil malaya kami magkakasama ulit. Dami nag bibigay ng flowers na plastic 5pesos lang kase yun sa canteen namin saka chocolate ." nag iwan din si Joel ng Flower at chocolate sa table ko bago sila ipadala sa training para daw sa valentine's . May contest ang school na mag pinaka madami ma rerecieve na letter sa box na ilalagay sa araw na iyon , Siya ang napili na isali sa Ms. Valentine girl 2003 nag umpisa na ang lahat sa mga pakana ng room nila pwede maglagay sa box ng letter ang ibang section or year depende sa iboboto nila na candidate . Habang di pa tapos ang oras na tinakda para sa counting. Nakaroon sila ng message Booth na pwede ibigay ng mga message sa kanilang mga loveones or friends sa micropone pero ang mga teacher ang mag babasa , Rinig ito sa buong school kahit saang sulok kapa andun. Nag umpisa na ang mga Guro namin na mag basa kantyawan ,lahat nag hihitay na marinig ang pangalan nila na babangitin . hanggang sa narinig ko ang message na para sakin To Ms. Beautiful Mariah mellet Lopez ng Section A , " I miss YOu so much i Really miss You"..medyo napalakas pa ang pag kakasabi ng teacher naming announcer ng mga message . ! "wow! " mukhang mis na mis kana ng Bf mo Ms. Lopez . Tulala lang ako sa narining ko. " Imis u" bakit naman sasabhin ni joel yun wala naman sya dito. Napaisip nalang ako baka paraan niya ito para ma mis ko siya.
Nag start na ang couting para sa Ms Valentine 2003 at siya nga ang tinanghal na nanalo 200 letters with flowers ang chocolate ang narecieve nya galing sa box. Gusto nyang basahin sana ang mga letter pero mas minabuti nalang niya na iuwi nalang ang mga ito para dederetso kasi siya sa bahay nila para sa birthday ng kapatid nyang bunso, " doon ko nalang ito babasahin at itatago sa bahay . Tama-tama madami ako uwi Chocolate kay carlo bunso ko kapatid.
Pagdating niya sa bahat inabot lang nya sa kapatid nya ang mga chocolate na bingigay sa kanya at nagkulong na sa kwarto. Halos lahat puro mga pag hanga at papuri ang narecieve nyang letter pero isang letter ang natangap niya at naguluhan nanaman . " kanino ba ito galing ? parang same lang ito ng nag paabot ng message kanina sa message booth ah!" Imisu Ms. Lopez " may heart pa sa gilid na sign. wala naman nakalagay kung kanino galing. Naisip nya si Arron "Pero imposible hindi na nya ako pinapansin buhat ng maging kami ni Joel" ayaw ng pinsan ko sa kanya ayaw din ni Arron kaya siguro ganun siya sakin,"pero namimis ko na siya " hayyy...!! sinaway ko nanamn ang sarili ko hindi naman talaga kase pwede. " Neng " labas kana at tayong mag hahapunan na tawagin mo ang tatay mo labas nakahain na kamo" nanay ko yun na nasa kusina. " Sige po Nay" sagot ko naman . Sunundo ko ang Tatay sa labas , at habang nakain nag kwento may naitanong ito. " Neng" pakisabi doon sa kaibigan mong si James salamat ha ! . " James? tay sino naman yun wala ako kilala James" saka bakit kayo mag thathank you! . " si James yung bigay ng teddy bear mo" nakaka 3 daan na yun dito ako'y lagi tinutulungan mag bilad ng palay itanong mo sa iyong inay sabay tango sa nanay niya. " oo neng mat dala-dala pa nga buwig ng saging noong huling punta dito". " Akala ko nga ay bf mo yun pero tinanong namin ay kaibigan mo daw siya pag papatuloy ng nanay ko ". Natapos na kami kumain pero nasa isip ko parin ang pangalan na james, wala naman ako natatandaan na James na kaibigan ko. Nakatulugan ko na ang pag iisip meydo late narin mabuti nalang sabado bukas makapag pahinga ako. Kinabukasan pag gising nyamedyo maingay ang labas ng bahay. " bakit kaya?may bisita ata kami " ? dumungaw ako sa bintana agad naman ako nakita ng tatay kaya kinausap ako nito. " Nak si Sk Marlon ng San diego may sadya daw sayo ,hinintay ka namin magising dahil alam ko ngayon ka lang gigising na medyo tirik na ang araw dahil wala ka pasok " maghilamos ka muna at harapin mo dito " Agad siya nag linis ng katawan at mukha para maharap sa bisita . " Magandang Umaga Mariah " bati ng binatang nasa harapan niya, Mukhang may edad lang ito ng konti sa kanya. " Magandang Araw din naman po ! " sagot ko. "sadya ka namin pinuntahan dito dahil nais namin imbitahan ka para makiisa sa ang aming ka fiestahan sa darating na march 8, "nakapag paalam na din kami sa iyong ama't ina at nasa iyo naman ang desisyon kung kami'y iyong pag bibigyan. Kayo'y hatid sundo naman ng sasakyan bali 10 dalaga na kayo dito sa inyong lugar na aming naimbitahan. "Lumingon ako sa aking tatay tumango naman ito at hudyat na pagbigyan ko na . Kaya pumayag na ako total sabado naman iyon at wala pasok kinabukasan.
Pasok nanamna kami kina lunesan ito nanaman ang pakiramdam ko pagod na pagod ako at tamad pumasok . " Mariahhh... " umuna kana sa school ha!" may hintayin pa kasi ako nakangiti ng sabi ni a angel ". " ""Ahhh... Sige Insan byeee.. umuna na ako kay angel pag pasok tyak si Arron ang hinihintay niya . Nakarating na ako ng school ng napansin ko ang pamilyang na boses na tumawa habang nag kwekwento sa grupo ng mga babae nakaupo sa waiting shade ng school. "teka si Arron yun ah " eh sinong hinihintay ni Angel sa bahay ?" saka bakit ang agap ni Arron sa School ang pag kakatanda ko mga 6:30 pa siya ng umga nakakarating hatid ng service nila. " baka malate si Angel kakahantay sa kanya '? tapos nakikipag harutan lang siya dito sa mga babae na ito". Napasimangot siya at alam ko kitang kita yun ni Arron ng bigla ito lumingon sa gawi niya . Dere -deretso na ako pumasok ng room namin , naiinis siya kay Arron ". Hindi niya alam kong para saan?. Para ba sa pinsan niyang si Angel o para sa kanya. " Ahh basta nakakainis .. nakakiinis..maghapon siya ganun, kaya hindi siya makausap ng maayos ni Janine. Papunta siya ng canteen para bumili ng recess nila ng makita nanaman niya si Arron kasama nito ang mga babae kausap kanina. "nabili rin ang mga ito at nag tatawanan, bumalik nanamn ang inis ko , ang aarte ng mga babae ito sa loob loob ko. Lumingon sa kanya si Arron at pinakita niya talaga dito sumimangot siya . Tumalikod narin ito agad pagkakuha ng pagkain sa mga kasama.Lunes hanggang byernes niyang iniwasan makita si arron , hindi naman niya matanong sa pinsan niya si angel kong me problema ba sila . Nakikita kasi niyang lagi ito masaya ayaw niyang sirain ang mood nito , baka sabihin ay sinisiraan ko si Arron . "Hayyy.. bakit ko ba sila iniisip .
Araw ng sabado sinundo kami ng Jeep papuntang San diego para makipanayawan . Madami kami halos mapuno ang jeep , bigla ko naalala na taga san diego ngapala si Arron." oo tama ! taga doon nga siya!.agad ko tinanong si Sk marlon kong kilala niya ito ."pinsan buo daw niya ito at malapit lang ang bahay sa kanila , . "Ahh.. kaya pala medyo hawig silang dalawa . "pupunta kaya siya doon? tanong ko ulit. " Naku ! hindi naman nakikipanayawan yun sapol ". pag hindi nasa bukid nasa bahay lang yun. "wala siyang hilig sa mga sayawan sayawan " .pagpapatuloy ni marlon. Pagkatapos nila kumain ay naghanda na sila para umupo sa bulwagan ng sayawan . Ang dami dalaga nakaupo na sa mga upuan paikot ng bulwagan ng sayawan . " Maya ' maya po ay ma sstart na po ang ating sayawan , mangyari lang po na ang mga kabinataan diyan sa labas ay sa kaliwang bahagi mang gagaling at pag labas naman po ay sa kanan " para maging maayos po ang pag pasok at paglabas ng mga sasayaw sa ating mga kadalagahan. "paalala lang po na bawal ang lasing nakababango at gaganda ng ating mga dalaga kaya atin naman po igalang. anunsyo iyo ng brgy. Captain ng San. Diego. Tumugtog na ng sweet song o lovesong para sa hudyat ng pag uumpisa ng sayawan. " Mang yari po palang ay mga kabinataan ng san diego muna ang unang sasayaw sa mga kadalagahan sa unang ugtog na ito . pahabol pa ng kapitan ,kung kaya nag urungan ang mga binatang nasa entrance para pag bigyan ang mga taga san diego . Masyado madilim sa pwesto nila ,tanging ibat ibang kulay ng ilaw ang tumatama sa mga mukha nila sa loob ng sayawan .Natanaw ko si Sk Marlon na papalapit sa kanya at siguro isasayaw sya . Nasa tapat na niya ito ng may boses sa likod nito na nagsalita. " Sk Albor ko na yan " sabi ng nasa likuran. Agad naman napalingon si Sk Marlon at napangiti dahil nakilala ang lalaki na nang albor sa kanya ng sayaw. " Sure inSan " tatawa tawa pa nitong sabi sabay kindat sa kanya . sinayaw nalang nito ang katabi niyang dalag. Hindi ako agad nakatayo ' kundi nag salita ulit ang lalaki " Ano ? hindi mo ba ako isasayaw nakangiti ito. " hindi ako maaring mag kamali si Arron ito ?.. sa isip ko pero tumayo nadin ako nakakahiya pinag titinginan kami ng mga tao dahil sa tagal namin pumunta sa gitna para sumayaw. . Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya sa kanyang dalwang balikat ,bago nya nilagay ang mga kamay sa aking baywang. Same ng ginawa niya ng una niya ako isinayaw noong induction ball. Nakatungo lang ako , bakit parang ang lakas ng kabog ng dibdib ko , bumibilis ang t***k ng puso ko , mga ilang minuto pa bago ito ang salita. " kamusta kana mariah " . "buti naman nakarating ka sa aming lugar ". " hah!.. ah Eh Ok naman!" OO nga malayo pala itong sa inyo sagot ko naman sa kanya.
"Kamusta na kayo nang boyfriend mo? mabigat ang tono tanong ulit nito,.
TO BE CONTINUE...