Masakit ang ulo, ang kalamnan, gulugod, ang sikmura pati na ang... Bakit masakit ang p********e ko? Idinilat ko ang mga mata at napatunganga sa puting kisame na bumungad sa akin. Kumurap-kurap ako ng ilang ulit at muling tumingin sa paligid. Ano'ng oras na ba? At kaninong kwarto ito? Nasaan ako? Bakit ang lambot ng higaan ko? Papag lang naman higaan ko, ah? At bakit parang ang lamig ng hangin pero ang init ng nakayakap sa akin? Teka, may nakayakap sa akin?! Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Nasa ibang kwarto ako at may nakayakap sa akin! At ang bango! Naloko na! Kumuyom ang palad ko, mariin na pumikit bago nilingon ang may-ari ng mabigat na brasong nakagapos sa beywang ko. Dahan-dahan ko itong tiningnan. Bahagya siyang nakadapa habang nakayakap sa akin ang isang braso niya, ang

