CHAPTER 35 TINAY POV Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay basta ang una kong naramdaman ay lamig yung lamig na tumatagos hanggang buto. Amoy metal. Amoy kemikal. Amoy dugo. At sa bawat paghinga ko, parang may humahaplos na takot sa baga ko dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Puti ang kisame. Pero hindi malinis na puti—puting may bitak, may mantsa, at may mga lumang marka ng kung anong likido na tumulo na lang at pinabayaan. May ilaw sa itaas, diretso sa mukha ko, kaya napapapikit ako sa sobrang liwanag. “Gising na siya.” Boses iyon ni Jessa gusto kong bumangon. Gusto kong sumigaw. Pero hindi ko magawa. Nakatali ang mga kamay ko sa gilid ng metal bed. Nakatali rin ang mga paa ko. Hindi masakit pero mahigpit. Sapat para ipaalala sa akin na wala akong kontrol. “Nas

