CHAPTER 27 TINAY POV Kung may zombie apocalypse manual na nagsasabing “Paano mababaliw kahit buhay ka pa”, sigurado akong si Becky ang cover photo. Pagod na pagod na ako hindi sa takbo hindi sa zombies kundi sa KADEDELULUHAN NI BECKY. “BECKY, TAMA NA!” sigaw ko habang hinihila ko siya sa braso. “HINDI LAHAT NG MATANGKAD NA NILALANG AY ZOMBIE NA JOWABLE!” “EH POGI KASI!” sigaw niya pabalik, hawak pa rin ang dibdib niya na parang may romantic trauma. “TINAY, MAY ABS ‘YON! ABS!” “PLASTIK ‘YON!” “MAS MASAKIT PA RIN SA DAMDAMIN KO!” iyak niya. Napahinto ako huminga ng malalim. Gusto ko nang umiyak. Gusto ko nang sumigaw. Gusto ko nang ihagis si Becky sa zombies para matahimik lang sandali. Pero bago pa ako makapagsalita. GRAAAAH. May biglang kumagat sa balikat ko. “PUTA—!” Napaikot

