CHAPTER 37 TINAY POV Hindi ko na alam kung ilang beses na akong huminga nang malalim mula nang magsimula ang lockdown. Parang bawat paghinga ko may kasamang bakal, usok, at takot. Pero hindi ako pwedeng matakot. Hindi ngayon. Hindi habang buhay pa si Manyacle. Hindi habang hindi pa tapos ang laban. Tumakbo ako sa makitid na corridor, hawak ang maliit na vial na tinago ko sa loob ng manggas ko. Hindi ito ang antidote na hinihingi nila. Hindi rin ito ang peke. Ito ang totoong formula… pero hindi pa kumpleto. At hindi nila kailanman makukuha. Sa likod ko, rinig ko ang putukan. Sigawan. Alarm na paulit-ulit na parang sirang sirena sa ulo ko. LOCKDOWN. LOCKDOWN. LOCKDOWN. Napahinto ako sa kanto nang biglang may humarang. Siya. Yung lalaking may simbolo ng ahas. Mas malapit ko na siyan

