PUMUNTA ako sa balkon ng aking kwarto para doon magpalipas ng umaga. Umupo ako sa wrought iron chair at nilapag ang maliit kong tasa na may lamang tsaa sa iron table.
Sinimulan kong pinalibot ang aking tingin sa buong lupain namin. How nostalgic feeling to come back again after so many years living in Manila. Iba pa rin pala kapag nasa probinsya ka, you can find peace in here and very far from pollution place.
Dito sa likod ng aming mansyon ay may nakabakod na kahoy sa parteng sakop namin. Dahil panganay si daddy sa tatlong magkakapatid, siya ang may pinakamalaking lupain.
Sa kaliwang dako ay ang bahay nina Sofia, natatanaw ko mula rito ang kwadrahan ng mga kabayo na pag mamay-ari nila.
Sa kanan naman ay ang bahay nina Peach na pinsan ko rin. Sa likod ng bahay nila ay may malaking fountain na iyon lamang ang meron sa malawak nilang lupain.
Nasa siyudad ang pinakanegosyo ng mga pamilya nila, wala silang pinagkakaabalahan na iba dito kaya bumibisita na lang sila rito kung kinakailangan. Di gaya sa amin na dapat buwan-buwan na pumunta dahil may malaki at sikat kaming resort rito.
Mga magulang ko na lang ang pumapasyal dito sa Kasay. Magmula noong huli kong punta dito eh hindi na ako sumama pa at alam 'yon nina mama at daddy.
Ang tatlong mansyon namin ay may kanya-kanyang bakod ng kahoy pero sa bawat pagitan ng aming mga bahay ay may daanan iyon. Doon dumaraan ang mga tauhan namin, hindi lang kina Sofia pati na rin sa tauhan nina Peach. Basta ang daanan na iyon ay nakapasadya lang sa mga tauhan na pinagsisilbihan ang Del Arfuentes.
Bawal kang dumaan rito sa likod bahay papunta sa kung saang destinasyon o shortcut mo gusto kung hindi ka namin kilala o nagtatrabaho dito saming lugar.
If you trespass, the jail will be your home.
Pinasadahan ko ng tingin ang parteng mga puno ng mangga na nasa tapat ng aking balkon, ilang metro lang ang layo. Mayo na pala, kaya may mga bulaklak na ang mga ito at magsisimulang bumunga.
Bago mamatay ang aming lolo na ama ng ama ko, ay ibinigay nalang sa mga tauhan namin ang mga bunga nito ang buong sakop ng manggahang 'to para raw sa dagdag nilang kita.
Hindi umalma ang ama ko at mga kapatid nito sa naging desisyon ng kanilang ama. Bilang pasasalamat ng aming pamilya, iyon ang isang paraan para sa pagiging mabuti at tapat na tauhan nila samin.
Del Arfuentes maybe look so scary and dangerous, but we know how to appreciate things from our personnel who's always been there serving us for a very long time.
Of course, we paid for them to serve us, but we know how to value their efforts too.
Grandpa told us that how to keep our people is to take care of them.
Kaya pala karamihan sa mga trabahante namin dito sa mansyon ay puro may katandaan na. Mga kapanahunan pa ata ni lolo. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila dahil sa pananatili nila samin.
Lumagpas pa ang tingin ko sa likod ng mga punong manggahan, sumisilip ang pamilyar na puno na gustong-gusto kong puntahan noong ako'y bata pa lamang.
Ang acacia na 'yon ang lagi kong pinagtatambayan. Doon ako madalas kapag walang kumakalaro sa akin dala ang mga dolls ko na si Barbie at Ken. Minsan pa nga e doon ako nagpipicnic o kahit anong pwede kong gawin malibang lang ako noon.
Alalang-alala ko pa noon na iniyakan ko pa ang acacia na iyon dahil ipapaputol daw ni dad kasi pangit raw tignan. Nasa dulo iyon malapit na sa karagatan at isang shortcutan papunta sa aming resort.
Kaya naman nabigla ako dahil hanggang ngayon nandito pa rin ito. Napaisip ako bakit hindi itinuloy ni dad na ipaputol gayoong maalala ko na desido siya noon na ipatanggal ang punong iyon.
I want to go there after this sightseeing.
Nagtagal ako sa pagtambay sa aking balkonahe, maaga pa lang ay nang-aakit na ang ihip pang-umaga sa akin. Saying that I should stay for awhile to relax more.
Pinag-krus ko ang aking mga binti saka sumadal sa iron chair. Kinuha ko ang aking tasa at maingat na sumimsim ng tsaa.
Right after I sipped the tea, my eyes slanted to the man walking in our large field. Galing siya sa kamanggahan at nakasuot ng hazmat suit. Naisip ko agad na nag spray siya ng pesticide para siguro di masira at maganda ang magiging bunga non.
Tumigil iyong siya malapit sa balkon ko, kalmante ko siyang dinungaw mula sa aking kinauupuan. Tinanggal niya ang full faced mask nito pagkatapos tiningalaan ako.
Siya iyong lalaking hardinero na bumungad sakin noong kauuwi namin dito.
Nagkatitigan kami, hindi ko alam bakit siya tumigil para tignan ako. At hindi ko rin alam sakin kung ba't ko naman siya tiningnan pabalik.
Sobrang inosente ng mga mata niya kahit na medyo namumungay ito. He gave me those looks like I've already seen it before.
Ayokong pag-isipan ng masama ang hardinerong 'to. Siguro dahil alam niyang anak ako ng Del Arfuentes eh kailangan niyang magbigay galang sakin? Well, I think for me it's not necessary.
Ngumisi siya saka kumaway sakin. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Okay, medyo naweweirduhan ako. Nag-iwas na'ko ng tingin, sumobra ata sa pagiging feeling close. Or maybe I'm not that friendly? Well I'm not used to it either.
Kinuha ko ulit ang tasa ko para ubusin ang natitirang tsaa. Ilang saglit lang ay sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagpasok niya sa loob ng aming mansyon.
Ewan ko ba kung bakit iba ang nararamdaman ko sa kanya. Parang may yumuyugyog sakin tungkol sakanya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko na maalala kung saan ko siya nakita.
Umiling ako saka pumikit sabay tampal sa magkabila kong pisngi. Tasia this is not the right time to think about that. Hardinero lang 'yon. Bakit ko ba binibig deal?
WALA sina mama at daddy sa mansyon. Pumunta sila saglit sa resort namin para asikasuhin ang mga kakailanganing gamit para sa pagbabalak nilang renovation rito.
Nagpaalam nalang ako kay manang Ising na pupunta ako sa acacia para magpalipas ng oras. Para pagdating nina mama at daddy ay hindi mag-alala kung nasaan ako.
Nakasuot ako ng floral dress na abot hanggang tuhod. Chiffon ang tela ng damit ko kaya kapag umiihip ang hangin ay sumasayaw din ang laylayan nito.
May suot rin akong sumbrero, kahit hindi na'ko magdala ng payong ay ayos lang atsaka nakapag-sunscreen din ako para iwas sunburn kung sakali.
Nagdala pa ako ng picnic basket pati paglalatagan. Pakiramdam ko kasi magtatagal ako doon at magutom bigla. Tsaka wala naman akong ibang pagkakaabalahan sa bahay ngayong araw, kaya susulitin ko ang pagkakataong 'to.
Nang daanan ko ang kamanggahan ay may nasalubong akong ale, tumigil siya sa pagwawalis ng mga dahon ng mangga at tumingin sa akin.
Ngumiti siya saka ako'y tinanguan lamang. Ganoon rin ang aking isinukli sakanya. I'm more comfortable with that greetings than the hardinero did this morning.
Umirap ako sa aking isipan. Naalala ko na naman iyong hardinerong 'yon. Urgh!
When I passed the mango trees, I saw the acacia tree a few meters away. Habang palapit ako ng palapit sa punong 'yon tila iba ang tambol ng aking puso at pag-ikot ng aking sikmura. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako, excited, o matutuwa. It's like a hollow feeling inside of me.
Come on, Tasia! It's just a tree, just a tree.
Nang makalapit na ako sa punong iyon ay mas lalong dumami ang sanga nito at lumapad lalo ang katawan kumpara noong huli kong punta rito. It's been ten years, I think?
Hindi gaanong matayog ang puno ng acacia, parang pandak ang taas kumpara sa ibang acacia na talagang matataas. Ang mga sanga nito'y mabababa at ilan doon ay pwede kang sumabit o maka-akyat ng hindi dumadaan sa katawan ng puno.
Inikot ko ang acacia, nagbabaka-sakaling narito pa ang duyan na pinagawa ko noon. Nalungkot ako ng ikutin ko ang buong puno dahil wala akong nakitang duyan doon. Siguro tinanggal din nila noong umalis na ako dito.
Tumingala ako saka hinawakan ang aking sumbrero para hindi mahulog. May iilang parte pala ng sanga nito ay may mga bulaklak na, kulay rosas sa dulo at puti sa katawan.
Umihip bigla ang malakas ngunit nakaka-kalmang hangin, habang nakatingala'y ipinikit ko ang aking mga mata para damdamin ang nakakaginhawang haplos ng hangin sakin. Ang sarap sa pakiramdam tapos sumasabay pa ang mga puno sa agos na tila ba lumilikha sila ng tugtog.
Nang makuntento na ako sa aking ginawa ay pumunta ako sa likod ng acacia na kaharap ang dagat. Doon ako pumwesto para may magandang tanawin akong mapapanood habang nagtatambay dito.
Binaba ko ang picnic basket saka nilabas ang telang banig para ilatag sa damuhan. Nang maiayos ko na ay nilabas ko na rin ang naka-tupperware na sandwich, sliced fruits, four seasons juice, tubig, isang unan at pocket book. Grabe, halatang hindi ako handa.
Tinanggal ko na ang aking sumbrero at ipinatong iyon sa picnic basket. Nilagay ko na ang maliit na unan sa aking likod para sumandal doon. Kinuha ko na rin ang dinala kong pocket book at sinimulang magbasa.
Kada tapos ng chapter ng aking binabasa ay sumusulyap ako sa dagat na ilang metro lang ang layo mula sa aking kinauupuan. Bago ka makapunta roon ay dadaan ka pa sa panibagong bakod ng kahoy pero may pinto naman na nakapasadya para makadaan doon.
Mula rin rito ay kita ko ang mga alon na kalmadong humahampas sa buhanginan. Pinagmasdan ko iyon ng saglit, ang alon nito'y kalmadong bumabalik at nagiging marahas kung ito'y humampas.
Naghalo ang sariwa at maalat na hangin. Nilanghap ko iyon saka marahang pumikit. It was really refreshing. The sea makes me calm, and the air giving me a comfortable feeling.
From now on, this will be my favorite place.
Aaminin ko namiss ko ding pumunta dito kahit na kinamumuhian ko ito, dahil sa mga lugar na nagpaparamdam sakin ng katahimikan at kaginhawaan. Sa saglit kong namalagi rito sa Kasay, dito talaga 'ko madalas dahil na rin sa wala akong mga kaibigan na hindi ko din naman kailangan.
Sa tagal kong naroon ay nakaramdam ako ng pagka-uhaw, bumaling ako sa tumbler ko na may lamang juice at kinuha 'yon saka uminom. Bumaba ang tingin ko sa picnic basket sa kanang bahagi ko at mapansing wala na roon ang aking sumbrero. Natigilan akong uminom para sana hanapin iyon. Nalipad ata nang humangin ng tuloy-tuloy, hindi ko na rin kasi namalayan dahil masyado akong nag-eenjoy.
Akmang tatayo na ako ng may lumabas sa kanang gilid ng punong acacia, hawak nito ang aking sumbrero. Nabigla ako sa kanyang pagsulpot kaya hindi ako naka-imik agad.
Iniabot ng hardinerong 'yon ang sumbrero ko, without any hesitations, I grabbed it instantly.
"Thanks." I said in cold tone. Sinuot ko ang sumbrero ng hindi siya tinitignan saka humarap sa dalampasigan at ang along medyo marahas na ang hampas.
Pumait ang nararamdaman ko, parang hinigop niya lahat ng masarap kong pakiramdam nang dumating siya. Hindi ko naiwasang pumormal ng mukha, nawalan tuloy ako ng mood.
Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko pa rin ang kanyang bulto, hinarang ko iyon gamit ang pagbaba pa ng aking sumbrero para hindi ko na siya makita roon. It was just seconds of silence, and I thought it would last forever!
"Dito ka pala nagtatambay?" basag niya sa katahimikan.
"Yah." agap kong sagot ng hindi siya binabalingan.
Bigla kong napagtanto, bakit pala siya narito? Wala ba siyang trabaho ngayon?
Napilitan akong balingan siya, dahil sa sobrang baba ng sumbrero ko kailangan ko pang tumingala para makita siya. "Why are you here? Are you stalking me?" puna ko sakanya at agad kong akusa.
Yeah, I think he is. Baka kunwari nalipad lang iyong sumbrero ko pero ang totoo non eh kinuha niya ng hindi ko nakikita. Oh diba? Smarty ko!
Sumilay ng ngisi ang gilid ng labi niya at pumungay ang kanyang mga mata. Hindi ko mahinuha kung tamang akala o maling akala ba 'ko dahil sa reaksyon nito.
Natahimik ako roon at napalunok, ngayon ko lang siya natitigan ng maigi. And I admit it, he's kinda attractive. Deep eyes, thick brows, perfect pointed nose, thin lips with a perfect jaw. His skin was light moreno. And his hair was in undercut style and brushed upwards.
He can fit perfectly for a men's magazine because of his machete body if he wants to.
I've seen so many handsome boys in Manila, a lot. Lalo na sa pinag-aaralan ko. Pero sakanya'y iba ang gwapo, hindi lang pang-probinsyano at hindi rin pang Manila looks. This hardinero has the opportunity to enter show business too and be an international model!
Not because I'm attracted doesn't mean I like him already. Kahit na na-aattract ako sa mga lalaking gwapo o may itsura, hindi ako magkaka-interes na pumatol kung gustuhin nila akong ligawan.
"Hindi kita ini-stalk. Nandito ako para magtambay." pormal niyang sagot. Hindi pa rin ako kumbinsido doon.
Nagtaas ako ng kilay hindi lang halata dahil sa sumbrero ko. "Bakit? Wala ka bang trabaho ngayon?" pagtataka ko.
Umiling siya ng mahina. "Wala. Day off ko ngayon." simpleng sagot niya saka inosente akong tinitigan.
Ngumuso ako ng maikli at pairap na humarap sa dagat. Kung totoo ngang hindi niya ako sinusundan eh malas niya. Nauna ako dito sa pwesto na 'to, 'tsaka hindi ko din siya i-iimbita para makisali noh.
"Andito ka pala!" habol hiningang sabi ng babae. Lumingon naman ako sakanya.
Tantya ko magkasing-edad lang kami. Tamang payat, light morena, maria clara ang ngiti, may itsura din naman, maitim ang kulay ng buhok at natural ang unat non.
Hmm... Dalagang Filipina huh?
Nagtama ang tingin namin noong babaeng 'yon. Natigilan siya sa sasabihin niya at kita ko ang gulat niyang mukha ng makita ako.
Agad na lumipat ang tingin niya sa hardinero saka ngumiti sakanya, para bang hindi ako nakita. "Kanina ka pa hinahanap ng lolo mo. Tulungan mo raw siya sa pag-aayos ng bangka at magpapa-laot daw kayo mamayang madaling araw." ani noong babae, hindi ko naiwasang sumulyap sa kanila.
Bumaling naman sakin iyong hardinero para bang may gustong sabihin pero hindi niya matuloy. Bakit? May kailangan pa ba siya?
Hindi ko nalang pinansin 'yon at nilingon ko muli ang karagatan.
"Halika ka na!" tawag ng babae sakanya.
Ilang saglit lang eh umalis na sila. Nakahinga ako ng maluwag, buti at wala ng mang-gagambala pa sakin dito.
PAYAPA at masaya akong umuwi sa mansyon. Hindi ko na pinaabot ang dapit-hapon kasi baka malamok ako roon.
Sa likod ng mansyon ako pumasok, doon din naman ako nanggaling kanina. Narinig ko ang tawa ni daddy na parang nagmula sa maluwag naming entrance hall.
Pinuntahan ko iyon at nakita ko ang mag-asawang Dela Cruz, naroon silang apat sa tapat lang ng pintuan. Nakatalikod sina mama at daddy kaya ang mag-asawang iyon ang unang nakakita sa akin.
"There she is." masayang sabi ni Mr. Dela Cruz kaya napalingon sina mama at daddy.
Sumenyas si daddy na lumapit ako sa kanila na sinunod ko naman.
"Saan ka nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ni Ryan." agad niyang tanong ng makalapit na'ko.
"Pumunta lang ako diyan sa may punong acacia. Hindi ba nasabi ni manang Ising sa inyo?" pagtataka ko.
Umiling si daddy. "Hindi. Nasa bahay siya ni tito Philip mo naglilinis, any day next week na ang dating nila dito kaya kailangan nilang mag-ayos doon." sagot nito, tumango nalang ako.
Binigay ko na agad ang atensyon ko sakanila tito at tita Dela Cruz. Pormal ko silang binati pagkatapos ay bineso nila ako. Sila ang mga magulang ni Ryan na ipinapa-fixed marriage sakin.
"Nasaan po si Ryan?" tanong ko sa kanila. Though I was not interested in him, I acted as if I was.
Bago pa sila makasagot ay may tumawag na sakin.
"Tasia!" it was a happy voice and I turn to him.
Pumunta siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I just tapped his back.
Kumawala siya sa yakap pero nanatili ang mga kamay niya sa magkabila kong braso. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap. Galing pa ako sa resort niyo." aniya at nag-aalala ang mga titig nito sakin.
Maikli akong ngumiti. "Diyan lang sa may puno ng acacia. Nagpalipas lang ng oras." kibit balikat ko.
Tumango-tango siya. "Would you like to go for a walk?" he asked politely.
I pouted my lips. "Uhm. I'm a bit tired. Gusto ko munang magpahinga." I refused.
Malungkot siyang nangiti saka binaba ang mga kamay niya sa mga braso ko. "I understand. Kahit dinner nalang mamaya? Sa resort niyo?" he offered again.
Ayoko sana ulit eh. Pero ayokong mapahiya si Ryan sa harap ng mga magulang namin. I know he's trying his best to make up with me and be closed to each other. But I'm still not ready for any relationship right now.
Sasaluhin ko nalang ang iilang kapritso niya para hindi nila mahalata na hindi talaga ako interesado sakanya. Kung pagiging magkaibigan lang, tanggap ko pa. Pero kung higit pa roon, magiging malabo 'yon.
"Yeah sure," I said and tried to be happy.
"Ihatid na kita sa kwarto mo." he offered again.
Huminga ako ng malalim pero hindi ko pinahalata. Gusto ko ulit iyon tanggihan, pero baka masaktan ko ang ego niya.
Tumango nalang ako, ngumiti naman siya. Parehas kaming nag-excuse sa aming mga magulang bago umalis roon. Pinauna niya akong naglakad sa hagdan at nasa likod ko lamang siya.
Nang makarating na kami sa aking kwarto binuksan ko ang pinto non saka pumasok sa loob. Hinarap ko siya para makapagpaalam ng maayos.
"See you later." sabi niya.
"Okay." I tried to smile.
Then I slowly closed the door.