"Lala? Bakit malungkot ka yata? May problema ba? Nag-away ba kayo ni Jasper mo?" tanong ni Mina nang mapansing malungkot si Lala. Bumuntong hininga si Lala. "Hindi. Hindi kami nag-away. Actually, masaya nga ako dahil umaariba na ang kung ano man ang mayroon sa aming dalawa. Kaya lang, mukhang hindi yata talaga kami ang itinadhana para sa isa't isa..." Kumunot ang noo ni Mina. "Ha? At bakit mo naman nasabi iyan? Dahil mayaman siya at mahirap ka? Naku! Love wins! Tandaan mo iyan. Makapangyarihan ang pag-ibig! Kaya kahit na magkaiba kayo ng estado sa buhay, mananaig pa rin ang pag-ibig niyong dalawa." Mapait na ngumiti si Lala. "Sana nga iyon lang ang dahil pero hindi. May ibang dahilan kung bakit hindi kami ang itinadhana sa isa't isa..." "Ha?" Huminga ng malalim si Lala bago ikinuwento

