B87

1122 Words

5 years later..... "Love! Pakihabol nga si Zorro! Ang kulit talaga ng anak mo! Manang-mana sa pinagmanahan!" sigaw ni Lala nang takbuhan siya ng kanilang tatlong gulang na anak na si Zorro. "Love! Si Xerxes! Tumakbo sa kabila!" sigaw naman ni Jasper sa isa pa nilang anak. Nasapo ni Lala ang kaniyang noo. Hindi niya alam na ganoon pala kahirap magkaroon ng kambal na anak. At ngayon, kinakabahan siya dahil hindi pa rin siya dinadatnan ng buwanan niyang dalawa. "Punyeta ka kasi!" sigaw niya kay Jasper sabay habol sa kanilang anak. Nangunot naman ang noo ni Jasper. "Ha? Bakit ako? Ano ba ang ginawa ko?" Pinandilatan siya ng mata ni Lala. "Ewan ko sa iyo! Ang sabi ko sa iyo, 'di ba? Paisa-isa lang ang anak natin! Kambal kaagad ang sure ball sa iyo! Tapos mana pa sa iyo na napakakulit!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD