Epi__2. Dario
Kakatapos lang ng graduation ni
Alex...( Alexandra ) klassmate niya si
Ellen at sabay silang nag graduate
pauwi na kami sa bahay namin...
umuwi narin sila sa kanilang bahay,
kasama ang mga magulang niya...
May kunting handaan sa
bahay nagpa letson ako para sa
graduation ng anak ko nasi Alex....
Suma Cumlaude ito ...
" sabi ko ," maghahanda
tayo para pasalamat ! " sabi ko sa
buong pamilya ....
" Auring asikasohin mo mga
bisita ha ! " istimahin ninyong
mabuti bigyan ng mga kailangan ! "
sabi ko sa asawa ko na busy sa
bungad ng bakuran namin...
" Oo Dario wagka mag-alala ! "
Naka-tawang sabi ng asawa ko...
pinalagyan ko ang bakuran namin
ng bubong na trapal/tulda kawayan
sawali sa palibot at may mga nag
dekorasyon para mas gumanda ang
paligid...Maraming pumunta, mga
kapitbahay mga kaibigan kakilala
at mga kamag-anak namin
both side ay nagsipunta din....
" Tay ! ang dami po pala
ninyong pinaluto,Salamat Tay.... ! "
sabi ni Alex....kunti lang yan...!
pasasalamat natin at naka graduate
kan...! " sabi ko naman ... Ang saya
ng anak ko, tinitingnan ko siya at
masaya rin ako at naka graduate na
ang panganay ko...dalawang anak
ko nalang ang itataguyod ko.
" Salamat po diyos ko sa mga
gabay at biyayang pinagkaloob nyo
sa akin para maitaguyod ko ang
aking pamilya..." Nagdasal ako at
nakatingala sa langit at nakapikit
ang aking mga mata, Nang biglang
nagsigawan ang mga bisita.
" CONGRATUALATIONS ALEX ! "
at sabay ang putok ng mga kuwetes
na hinanda ko...sinindihan ng anak
ko nasi Albert at mga kaibigan niya.
takbo agad ako...!
" Oi Albert mag- ingat kayo
ha....! Wag ninyong hahawakan ang
kuwetes pag nasindihan nyo na !!!
sigaw ko kila Albert.
" Opo Tay , " Wag ka po mag
-alala mang Dario Okey lang po kami
kaya namin po ito...! " sabay
tawanan ng mga bata . " tito Dario
ako na po ang bahala sa batang ito
relax kalang po at panoorin nyo
nalang ang fireworks...! "
sabi naman ni Manuel.." oh syaaaa
kayo na nga ang bahala hahaha ! "
at lumayo nalang ako sa mga bata.
" Kain lang kayo ng kain-kain
marami pa sa loob wag kayo
mahihiya ! " Sabi ng asawa ko nasi
Auring...
1 A.M na nag alisan mga bisita
namin...at busy kaming mag- anak
sa pagliligpit , pero pasalamat ako
mababait mga kapitbahay namin at
nagkusa silang tumulong sa amin...
mga 2 A.M na kaya sabi ko....
" mga kapitbahay tama na
yan puwede na kayo umuwi para
makapagpahinga na tayong lahat..."
Ok Dario ! cge magsi-uwi na tayo "
sabi nila Nelia.
Nagsitulog narin ang aking mag
anak pero ako Naka-upo parin sa
labas ini-isip ko ang plano na
pagluwas sa Manila ng anak ko na
na si Alex at ang kaibigan niyang si
Ellen para makipagsapalaran...mag
hahanap sila ng trabaho kahit kaka
graduate palang nila , may mga
pangarap kase si Alex para sa amin
para sa mga kapatid niya...na alala
ko pang sabi niya sa amin ng nanay
niya habang nasa sala kami...
" Tatay Nanay...pag nakapag
tapos na po ako ng college at naka
pagtrabaho na ako sa Manila maka
katulong na po ako sa inyo..." sabi
ko naman...
" ang sarap pakingan na may anak
nakakaalala na tumulong sa
pamilya.. "
nakangiting sabi ko kay Alex.." Opo
naman tay ! tutulong ako sa abot ng
aking makakaya ... " sabi ni Alex...
Hmmmmm....antok na ako 3.A.M
na pala ,umakyat na ako para matu
log...
TiktilaOk....! TiktilaOk....! ang
narinig ko , tumingin ako sa wall
clock na nasa kuwarto naming mag-
asawa 6 A.M na kaya naman pala
tumilaOk na mga manok ko..
Nag-inat ako at tumayo na agad
para mapakain ko mga manok ko
" Pagkatapos ko mag tootbrush
ay maligo narin ako " sabi ko sa
sarili ko...
7 A.M na Ako natapos magpakain ng
mga manok ko at dali-dali na akong
naligo para makapagligpit pa sa
bakuran ng mga natirang kalat
kagabi....
Narinig ko Ang anak ko na si Amy...
" Nay...! nagugutom na po
ako...." Cge cge...! tatayo na ako..."
narinig ko sabi ng asawa ko...
dali-daling nagtungo sa kusina si
Auring para mag asikaso ng almusal
namin...nag salang muna siya ng
tubig at naghanda ng mga tasa
namin .
" Amy anak halika na dito at
initin ko nalang itong natirang
menudo kung gusto mo kumain ng
kanin..may cake at mga tinapay pa
ring natira kagabi ano ba gusto mo
haaaaa ? " Sabi ng nanay niya.
" Nay gusto ko pong kumain
ng kanin may letson pa po bang
natira ? hinde kase ako nakatikim
kahapon ehhhh " sabi ni Amy...
" Sige anak lutuin ko muna
haaaa kase hinde na malutong ung
balat gawin ko nalang paksiw ," Ok
Nay salamat po....
" Dario yong kape mo lalamig na ito
kumain kana ! " dinig kong sabi ng
aking asawa....
" Oo sige Auring salamat
mahal ko nariyan na ako..! "
dali-dali naman ako nagtungo sa
kusina namin para mag-almusal..
" Yong mga anak mo hinde paba
magsisikain yan ? dipa
nagsisibangon "
" Pabayaan mo muna sila
napagod kahapon hayaan mo
munang magpahinga yang
dalawang anak mo...!