Kabanata 24 - Tisoy at Kasper

2128 Words

KATATAPOS mag-shower ni Ava at ngayon ay nasa harap siya ng salamin at tinititigan ang sarili. Itinaas niya ang dalawang kamay at pinagmasdan ang mga iyon. Ang mga kamay na iyon ay nakahanda ng madungisan at mabahiran ng dugo. Ilang taon niyang plinano ang mga dapat niyang gawin. Muli siyang tumingin sa salamin saka tinitigan ang sariling repleksiyon. “Humanda ka Brayan Ellazar. Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito. Kasalanan mo ang lahat.” Mahinang usal ni Ava. Ilang beses na niya iyong sinabi sa sarili. Bumalasik ang kanyang anyo. “Mamamatay ang dapat mamatay.” Isa-isang gumitaw sa kanyang diwa ang itsura ng mga lalaking nagtangkang humalay sa kanya ilang taon na ang nakakaraan. Kinawawa at pagkatapos ay iniwan siya na parang hayop lang. Napapikit si Ava. Mariin. Muli niyang naramdaman a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD