Kabanata 16 - Sino Ang May Sala?

2283 Words

MULA sa ilalim ng suot na salamin ni Savana ay nakamasid siya kay Marco. Pagpasok palang ng lalaki kanina sa komedor ay nakasunod na ang tingin niya rito. Masama ang tabas ng mukha nito at mukhang makakasakit ng tao oras na may humarang sa daraanan nito. Halatang-halata ang bangas nito sa ilong dahil sa pagkakasuntok niya rito kagabi. Talagang napuruhan niya ang lalaki kagabi. Lihim na napangiti si Ava. “Huwag mo akong pagtawanan!” singhal nito kay Melissa nang mapansin nitong lihim na humahagikhik si Melissa sa pagitan ng pagsubo nito. Nasa harap na ng hapag ang mag-asawa para sa agahan at palitan sila ni Gracia sa pag-eestima sa kailangan ng dalawa. Nasa kabisera nakapuwesto si Marco habang si Melissa ay nasa kaliwang bahagi ng gilid nito. Mamaya nalang sila kakain pagkatapos ng mga it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD