Chapter 27 Flor Mabilis na lumipas ang mga araw. Apat na araw na kami ni Norwin dito sa Forest Village. At tulad ng sinabi niya hindi talaga siya umalis. At hindi na rin kasing lamig ng yello ang pakikitungo niya sa akin simula noong may nangyari sa aming dalawa. Walang gabi o araw na hindi niya ako angkinin. Lalo na at dalawa lang kami sa bahay. Umuwi lang kahapon si Mama upang kunin ang ibang gamit. Siya ang nagbantay kay Papa sa Hospital. At ngayong araw lalabas na si Papa sa hospital. Pero hindi siya rito uuwi, kundi doon sa bahay na binili niya para sa amin ni Mama, noon. Pero ngayon lang ulit iyon matitirhan. “Sweetheart, maligo ka na. Agahan nating pumunta sa Las Palmas, para hindi tayo maabutan ng traffic,” sabi ni Norwin habang abala siya sa pagtutupi ng mga gamit niya. Ako nam

