52

1330 Words

“DAPAT ba akong mag-sorry? Mali ba talaga ang naging reaksiyon ko?” “Meow,” ang tugon ng aking kausap. Nasa kama kami ni Hawk. Nilalaro niya ang bagong bili kong laruan para sa kanya. Si Hawk na marahil ang pinaka-spoiled na pusakal sa kasaysayan. Katatapos ko lang maligo. Hindi pa ako nakakakain ng hapunan. Iniisip ko ang nangyari sa amin ni Mattie kanina. Inis na inis ako pagpasok ko ng bahay ngunit pagkalipas ng isang oras ay napayapa ko rin ang aking sarili. Sa totoo lang, ayokong makipag-away kay Mattie. Ayokong magkaroon na naman kami ng problema. Kaya marahil hindi ako umiimik. Alam kong lilipas din ang aking nararamdaman, masasanay rin sa maikling buhok ni Mattie. I could adapt to change. Hindi kaagad-agad ngunit alam kong masasanay rin ako, matatanggap ko rin. Tama rin naman kas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD