CHRISTMAS that year was extra special. Iyon ang unang Christmas namin ni Mattie bilang magkasintahan. I was so excited. Halloween pa lang ay pinag-iisipan at pinag-iipunan ko na ang perpektong regalo para kay Mattie. I wanted it to be something special. Iyong tipo ng regalo na kanyang maaalala buong buhay niya. My girl deserved the very best. Panay ang research ko sa Internet. Tanong ako nang tanong sa ilang mga kaibigan. Inilista ko ang mga maaaring gawin o ibigay kay Mattie bilang Christmas gift. Nakatatlong page ako ng notebook—back to back. Isang linggo na lang at Pasko na ngunit hindi pa rin ako makahanap ng perpektong regalo para sa aking pinakamamahal. Magpa-panic na sana ako nang makakuha ako ng ideya mula kay Mattie mismo. Tinutulungan ko siyang magbalot ng mga regalo para sa k

