HINDI maampat ang aking mga luha habang nakatingin sa bride at groom. They look so happy together. And I’m so happy for them. Wala na sigurong makahihigit pa sa kaligayahang nadarama ko sa kasalukuyan. Matagal ko ring hinintay na mangyari ang bagay na ito. Dumating ako sa puntong gusto ko nang sumuko. Ngunit sila talaga ang nakalaan para sa isa’t isa. Kahit na gaano pa katigas ang ulo nila, they ended up together. Jamie and Sunday. They are perfect for each other. They are meant to be. Dahan-dahan akong lumapit sa mga bagong kasal. Tumayo ako sa kanilang harap, nakangiti kahit na panay ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. I love them so much. Tumingin ako kay Sunday. “Take care of him. Yeah, he’s stubborn and insufferable most of the time. He can be boring, too. But he really loves
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


